wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan

Total questions: 53

Worksheet time: 44mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa kaisipang galing sa Europa na nagpapakita ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan?

a)

Demokratiko

b)

Enlightenment

c)

Kaisipang Liberal

d)

Kaisipang Komunismo

2.

Bakit mahalaga ang pagbukas ng Suez Canal?

a)

Dahil naging mahal ang bilihin

b)

Dahil naging mayaman ang Pilipinas

c)

Dahil nakarating sa atin ang kaisipang liberal

d)

Dahil naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain

3.

Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?

a)

Pag-alsa sa Cavite

b)

Pagbukas ng Suez Canal

c)

Pagbayad ng buwis

d)

Pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas

4.

Ang kinikilalang Ama ng Himagsikan ay si __________.

a)

Andres Bonifacio

b)

Apolinario Mabini

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Emilio Jacinto

5.

Sino ang sumulat ng Saligang Batas na pinagtibay noong Nobyembre 1, 1897?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Fernando Primo de Rivera

c)

Isabelo Artache

d)

Pedro Paterno

6.

Sino ang unang kababaihang nagpatala noong Hulyo 1893 bilang katipunerang handang tumulong sa pakikidigma?

a)

Gregoria de Jesus

b)

Marina Santiago

c)

Melchora Aquino

d)

Trinidad Tecson

7.

Sino sa mga sumusunod ang naglingkod bilang pangulo ng lupon ng kababaihan?

a)

Gregoria de Jesus

b)

Josefa Rizal

c)

Melchora Aquino

d)

Trinidad Tecson

8.

Ano ang karaniwang tawag ng mga manghihimagsik kay Gregoria de Jesus?

a)

Ina ng Balintawak

b)

Inang Oriang

c)

Ina ng Watawat ng Pilipinas

d)

Lakambini ng Himagsikan

9.

Ano ang unang itinawag sa pambansang awit na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang?

a)

Marcha Filipina

b)

Marcha Magdalo

c)

Marcha Filipina Magdalo

d)

Marcha Pilipino Magdalo

10.

Sino ang sumulat at bumasa sa Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan sa wikang Kastila?

a)

Ambrosio Rianzares Bautista

b)

Jose Palma

c)

Faustino Lichauco

d)

Pedro Roxas

11.

Kailan pinasinayaan ang Unang Republika sa Malolos, Bulacan?

a)

Enero 23, 1899

b)

Enero 23, 1998

c)

Enero 23, 1999

d)

Enero 26, 1899

12.

Ano ang unang hudyat ng pagbabago ng pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino?

a)

Ang pagkilala ng bansa bilang isang republika.

b)

Ang hindi pagkilala ng Republika ng Estados Unidos.

c)

Ang kawalan ng malasakit ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

d)

Ang pagbaril ng isang sundalong Amerikano sa isa sa apat na sundalong Pilipino.

13.

Kailan itinatag ang Katipunan sa pangunguna ni Andres Bonifacio pagkatapos na mabuwag ang La Liga Filipina at ipinatapon si Rizal sa Dapitan?

a)

Hunyo 7, 1890

b)

Hunyo 7, 1891

c)

Hulyo 7, 1892

d)

Hulyo 7, 1893

14.

Sino ang tinawag na "Supremo ng Katipunan"?

a)

Andres Bonifacio

b)

Apolinario Mabini

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Emilio Jacinto

15.

Anong uri ng hangarin ng Katipunan na palayain ang Pilipinas sa mga Español sa pagsasagawa ng isang armadong himagsikan tungo sa pagbuo ng isang bansang malaya?

a)

Layuning Agham

b)

Layuning Moral

c)

Layuning Pampulitika

d)

Layuning Pansibika

16.

Sa palagay mo, ano ang kahalagahan sa atin ang pagbukas ng Suez Canal?

a)

Naging mahal ang bilihin

b)

Naging mayaman ang Pilipinas

c)

Nakarating sa atin ang kaisipang liberal

d)

Naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain

17.

Sa pamamagitan ng isang dekreto, bahagyang nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakala

4 lines
18.

Sa pamamagitan ng isang dekreto, bahagyang nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Ano ang naging bunga nito?

a)

Lalong naghirap ang mga Pilipino.

b)

Naging mas malupit ang mga Español.

c)

Nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan.

d)

Maraming mga Pilipino ang umunlad ang pamumuhay.

19.

Bakit nagdamdam ng husto si Bonifacio nang mahalal siya bilang Direktor ng Interyor?

a)

Dinakip siya ng mga tauhan ni Aguinaldo.

b)

Siya ay nanalo dahil may nangyaring dayaan.

c)

Tumutol sa kaniyang pagkakahalal si Daniel Tirona.

d)

Naglabas ng dokumento si Aguinaldo upang mapawalang bisa ang kaniyang pagkapanalo.

20.

Bakit naging mapayapa ang bansa dahil sa Kasunduan sa Biak-na-Bato?

a)

Napagkasunduan na tuluyang wakasan ang digmaan ng dalawang bansa.

b)

Naging matagumpay ang mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa Español.

c)

Tuluyang umiral ang kapayapaan sa pagitan ng rebolusyonaryong Pilipino at Español.

d)

Pansamantalang umiral ang kapayapaan sa pagitan ng rebolusyonaryong Pilipino at Español.

21.

Naging magulo sa huli ang Katipunan dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga lider. Ano ang maaaring bunga ng ganitong pangyayari sa isang kilusan?

a)

Magkakaroon ng tagisan ng talino.

b)

Magiging masaya ang mga kalaban.

c)

Ang kawalan ng pagkakaisa ay magdudulot ng kabiguan.

d)

Magtatagumpay ang pinakamapangyarihan at pinakamatapang.

22.

Bakit naging mahalaga ang partisipasyon ng kababaihan sa panahon ng rebolusyon?

a)

Dahil gusto nilang sumikat.

b)

Dahil nais nilang makilala ng karamihan.

c)

Dahil gusto nilang makalabas at makipagkilala sa mga dayuhan.

d)

Dahil sila ang nagdudugtong ng buhay ng mga katipunero sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila at ng kanilang pamilya.

23.

Ang Saligang Batas ng Malolos ang pinakamahalagang nagawa ng kongresong panghimagsikan. Paano mo ipaliliwanag ang ideyang ito?

a)

Ito ang tumulong sa mga Pilipinong makamit ang kalayaan.

b)

Ito ang naging daan upang ganap na masaklawan ang buong bansa.

c)

Ito ang naging daan upang makipag-ugnayan ang Pilipinas sa ibang bansa.

d)

Ito ang naging saligan o tagapayo ng pangulo upang makatatag ng isang republika.

24.

Paano tinanggap ng mga Pilipino ang Kasunduan sa Paris?

a)

Mahigpit nilang tinutulan ang kasunduan.

b)

Tinanggap nila ang Kasunduan nang mapayapa.

c)

Ipinaubaya nila sa Estados Unidos ang pagpapasya.

d)

Wala silang nagawa kundi sundin ang kasunduan.

25.

Sa iyong palagay, ano ang layunin ng mga sundalong Amerikano sa pagsakop sa Balangiga Samar?

a)

Barilin ang 33 kalabaw.

b)

Sunugin ang 225 na kabahayan.

c)

Layunin ng mga Amerikano na madakip si Lukban.

d)

Patayin ang lahat na magdala ng armas laban sa mga sundalong Amerikano.

26.

Paano mo mapahahalagahan ang kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan?

a)

Isaling-henerasyon ang kuwento ng kanilang mga pasakit at kadakilaan upang maging huwaran sa mga murang salinlahi at matuto ang mga ito na mahalin ang kanilang bayan.

b)

Huwag kalilimutan ang kanilang kadakilaan sa bayan.

c)

Makilahaok sa pagdiriwang ng 'National Heroes' Day.

d)

Lahat ng mabanggit.

27.

Paano mo maipakikita ang iyong pagkamakabayan bilang isang bata?

a)

Pagtatapon ng basura kahit saan kung walang ibang nakakikita.

b)

Pagtatago kung may humihingi ng tulong dahil baka maubusan ako.

c)

Huwag pansinin ang namamalimos upang matuto silang magtrabaho.

d)

Susundin ang mga batas, igalang at ingatan ang mga simbolo ng bansa.

28.

Upang maiwasan ang kaguluhan tungkol sa hindi pagtupad sa pangako katulad ng nangyari sa mga Pilipino at Español, ano ang gagawin mo

4 lines
29.

Upang maiwasan ang kaguluhan tungkol sa hindi pagtupad sa pangako katulad ng nangyari sa mga Pilipino at Español, ano ang gagawin mo?

a)

Huwag mangako.

b)

Panindigan at tuparin ang pangako.

c)

Magtago kapag hindi natupad ang pangako.

d)

Buong tapang na labanan ang kalaban upang matakot.

30.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang gagawin mo upang ipakita ang diwang makabansa?

a)

Ikakahiya ang pagiging kayumanggi.

b)

Pagbili ng produkto na yari sa sariling bansa.

c)

Hayaang inilaladlad at nilalaro ng ibang bata ang watawat ng bansa.

d)

Patuloy na pagtakbo upang makapila habang inaawit ang Lupang Hinirang.

31.

Sa anong paraan natin matutularan ang mga kababaihan noong panahon ng rebolusyon?

a)

Aawayin ang mga nang-aapi sa atin.

b)

Lalabanan ng suntukan ang mga kaaway.

c)

Maging tahimik at mabait lang sa loob ng klase kapag nakikita ng guro.

d)

Matutularan natin sila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas, pagsali sa mga magagandang programa at proyekto ng pamahalaan, lalo na sa pagtulong sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad.

32.

Ano ang gagawin mo upang mapagtibay ang ipinaglaban ng ating mga bayani na kasarinlan at Kalayaan?

a)

Marahas na pakikipaglaban sa mga umaagaw ng teritoryo.

b)

Pakikipagsagutan ng walang respeto sa mga tiwaling opisyales.

c)

Patuloy na ipagtanggol at ingatan ang pag-aari at sariling bansa.

d)

Tumahimik lang at hayaan ang mga nakatatanda sa pagtatrabaho.

33.

Bilang isang mag-aaral, paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa ipinaglaban ng mga bayaning Pilipino para makamit ang kasarinlan ang ating bansa?

a)

Dahil sa Kalayaan, gagawin ko lahat ng gusto.

b)

Sapilitang pagsunod sa mga alituntuning itinakda.

c)

Sumunod sa batas trapiko kapag may pulis na nakabantay.

d)

Makisali sa mga gawaing pagsasabuhay ng kalayaan tuwing Araw ng Kalayaan.

34.

Sa kasalukuyan ay tinatamasa na natin ang kasarinlan o kapayapaan ng ating bansa. Bilang mamamayang Pilipino, ano ang gagawin mo upang makatulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa sariling lugar?

a)

Susuwayin at susuntukin ang mga nanggugulo.

b)

Huwag manlalamang o mang-aagrabyado sa kapwa.

c)

Paglabas kasama ang mga kaibigan upang maglakwatsa.

d)

Pagmamaneho ng sasakyan kahit wala pa sa tamang edad.

35.

Namatay si Gregorio H. del Pilar sa labanan sa Tirad Pass upang ipagtanggol si Emilio Aguinaldo at kapwa Pilipino. Sa anong paraan maaari mong tularan ang pagtatanggol sa kapwa?

a)

Suntukin ang mga nang-aaway sa kaibigan mo.

b)

Aawayin o ang mga nambubully sa kapatid mo.

c)

Sasalihan ang mga kaibigan sa pakikipag-away at pag-aamok ng labanan.

d)

Pagsabihan ang mga batang pinagtatawanan at kinukutya ang kamag-aral na pilay na mali ang ginagawa nila at huwag ng ulitin.

36.

Alin-alin ang maaari mong gawin upang maipakita ang diwang makabansa o makabayan?

a)

Makikilahok ako sa proyekto na naglalayong mapabuti at mapaunlad ang bansa.

b)

Magtitiwala ako sa opisyal na gumagawa ng katiwalian.

c)

Magsisikap akong mapaunlad ang aking sarili.

37.

Bilang pinuno ng isang pangkat, paano mo gagampanan ang iyong tungkulin?

a)

Magpapasya ng para sa sarili lamang dahil ako ang lider.

b)

Utusan ang mga kasapi na gawin kung ano ang desisyon ko.

c)

Isagawa ang mga gawaing nakapagpapabuti lamang sa samahan kahit makapanakit sa kapwa.

d)

Alamin ang suliranin at gagawa ng paraan upang malutas ito at magbigay ng tamang direksiyon.

38.

Kabilang sa hinuli at binitay ang tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora dahil sa pag-alsa sa Cavite. Ano ang masasabi mo tungkol sa pangyayaring ito?

4 lines
39.

Ano ang masasabi mo tungkol sa pangyayaring ito?

4 lines
40.

Makatarungan ba ang ginawang pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora? Bakit?

a)

Mali ang ginawang pagbitay sa kanila dahil hindi puwedeng bitayin ang mga pari.

b)

Nararapat lang na napabilang sila sa mga nahuli dahil mali ang ginawa nilang pamumuno sa pag-alsa sa Cavite.

c)

Hindi tamang nangingialam ang mga pari sa mga gawaing pag-aalsa ngunit hindi tamang sila ay kabilang sa paghuli at pagbitay.

d)

Ang pagbitay sa tatlong pari ay hindi makatarungan sapagkat napagbintangan lamang sila ngunit nagbigay daan ito na magising ang kaisipan ng maraming Pilipino na lumaban para sa Kalayaan ng bansa.

41.

Paano mo isasalaysay kung bakit hindi nahinto ang digmaan sa pagitan ng mga Español at mga Pilipino noong Panahon ng Himagsikang Pilipino?

a)

Hindi totoo ang nilagdaang kasunduan sa Biak-na-Bato

b)

Gusto ng mga Español na sila ang maghari sa buong bansa.

c)

Ayaw patalo ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Español.

d)

Ipinagpatuloy ni Emilio Aguinaldo ang pamahalaang Rebolusyonaryo at kapwa hindi tumupad sa nilagdaang kasunduan ang mga Español at mga Pilipino sa Kasunduan sa Biak-na-Bato.

42.

Ang mga kababaihan noong panahon ng rebolusyon ay matatapang at malakas ang loob. Ganito pa rin ba ang kababihan sa ngayon? Ipaliwanag ang sagot.

a)

Hindi, dahil natatakot sila.

b)

Hindi, dahil kailangan nilang sundin ang utos ng iba na tumahimik lang.

c)

Oo, nagpapakita sila ng lakas ng loob na makipag-away upang masabihang matapang.

d)

Oo, may mga kababaihan pa rin na matapang at malakas ang loob upang harapin ang mga pagsubok dala ng kahirapan at kalamidad.

43.

Paano mo ipaliliwanag ang dahilan kung bakit tumaas ang tensiyon sa pagitan ng residente ng Balangiga at ng mga sundalong Amerikano?

a)

Pinapatay ni Lukban ang apat na Opisyal ng mga sundalong Amerikanong.

b)

Nilusob ng mga sundalong Amerikano ang lugar na pinagtataguan ng mga rebelde.

c)

Nagpadala si Lukban ng 400 katao kasamahan upang patayin ang pinuno ng mga Amerikanong sundalo dahil sa utos nitong pagsira sa mga pananim.

d)

Nagpadala si Vicente Lukban ng halos 400 kasamahan upang bigyang leksyon ang mga taong nakasira sa pananim na pinagkukunan ng pagkain ng mga rebeldeng Pilipino.

44.

Pagkatapos hindi tanggapin ang hiling ni Emilio Aguinaldo na ipatigil ang barilan, idineklara nito ang pakikidigma at pakipagpalitan ng putok laban sa mga Amerikano. Ano ang iyong konklusyon tungkol sa katangian ng mga bayaning Pilipino?

a)

Ayaw nilang magpatalo at gustong magyabang.

b)

Palaban ang mga Pilipino dahil gusto nilang maging tanyag.

c)

Sila ay mapagpakumbaba ngunit matapang sa pagtanggol sa kapwa at bansa.

d)

Nagpakita sila ng katapangan, katikasan, at kagustuhang gumanti sa mga nang-aapi.

45.

Sa iyong palagay, sino sa mga kababaihang nakiisa sa mga gawain sa panahon ng rebolusyon ang pinakamahalaga ang kontribusyon?

a)

Si Marcela Agoncillo dahil siya ang naguna sa pagtahi ng bandila ng Pilipinas.

b)

Lahat sila dahil ang kontribusyon ng bawat isa sa kanila ay nakatulong sa pagkamit ng Kalayaan.

c)

Lahat sila ay may mahalagang kontribusyon sapagkat pare-pareho sila ng ginampanan.

d)

Si Trinidad Perez Tecson dahil humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng kalalakihan.

46.

Alin sa sumusunod ang tamang dahilan ng pagkakatanggal sa kanya?

a)

Hindi makatarungan ang utos niya.

b)

Bawal parusahan ang mga kalaban.

c)

Hindi sinunod

47.

Alin sa sumusunod ang tamang dahilan ng pagkakatanggal sa kanya?

a)

Hindi makatarungan ang utos niya.

b)

Bawal parusahan ang mga kalaban.

c)

Hindi sinunod ang utos ng nakatataas na opisyal.

d)

Masyadong madali ang ipinag-utos sa kanyang mga tauhan.

48.

Ano-ano ang naging epekto ng pangyayaring ito?

a)

Naging agresibo sa pakikipaglaban ang mga Pilipino.

b)

Nagkaroon ng takot na lumaban ang mga Pilipino sa mga mananakop na dayuhan.

c)

Naging mapagpakumbaba ang mga Pilipino at naging sunud-sunuran sa mga dayuhan

d)

Lalong tumibay ang pagkakaisa ng mga Pilipino na lumaban sa mga nang-aapi at buong tapang na ibinuwis ang buhay upang ipagtanggol ang sariling bayan.

49.

Karapat-dapat bang tularan ang mga ginawa ng ating mga bayani sa paghahangad ng pagkamit ng kalayaan at kasarinlan ng ating bansa? Ipaliwanag ang sagot.

a)

Opo, upang maging sikat na bayani.

b)

Hindi po, dahil ayaw ko pong makipaglaban.

c)

Hindi po sigurado dahil takot akong may makaaway.

d)

Opo, upang tayo ay patuloy na makagawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa.

50.

Malaki ang naging ambag ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating bayan. Gusto mo rin ba silang tularan? Pangatwiranan ang sagot.

a)

Hindi, dahil natatakot ako sa maaaring mangyari.

b)

Hindi na kailangan dahil malaya na tayo mula sa mga mananakop.

c)

Oo, dahil bawat isa ay sapilitang gawin ang tungkulin para sa bayan.

d)

Oo, dahil maraming paraan upang makapag-ambag para sa kabutihan ng sariling bayan.

51.

Sino-sino ang nanguna sa pagtatag ng Katipunan?

4 lines
52.

Ano ang layunin ng kilusang Katipunan?

4 lines
53.

Paano lumaganap ang Katipunan sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas?

4 lines