Font size
WorksheetsAP Lesson 4
Total questions: 42
Worksheet time: 34mins
Ang mga tradisyon ay ipinagdiriwang sa lahat ng rehiyon sa bansa.
tama
mali
Ang mga tradisyon at pagdiriwang sa ating bansa ay may kaugnayan sa relihiyon o pananampalataya.
tama
mali
Magbigay ng 3 malaking pagdiriwang sa mga lalawigan sa Luzon.
Saan ipinagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno?
(a)
Saang simbahan makikita ang Itim na Nazareno?
(a)
Kailan ipinagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno?
January 19
January 9
January 8
February 9
Pinaniniwalaang nagpapabuti ng buhay at nagpapagaling sa may sakit.
Pista ng Panagbenga
Pista ni Isidro Labrador
Pista ng Itim na Nazareno
Pista ng Birhen ng Penafrancia
Tuwing kailan ipinadiriwang ang Panagbenga o Pista ng mga Bulaklak?
Mayo
Pebrero
Marso
Enero
Ito ay ipinagdiriwang sa Lungsod ng Baguio. Tampok sa pagdiriwang na ito ang mga float na napapalamutian ng naggagandahang bulaklak at mga taong nakasuot ng costume na tila mga bulaklak.
Santacruzan
Kadayawan
Ati-Atihan
Panagbenga
Ano ang dalawang pagdiriwang na ginagawa sa Pista ni San Isidro Labrador?
(Choose 2)
Pahiyas
Pista ng Kalabaw
Translacion
Sinulog
Ipinagdiriwang sa Lucban, Quezon kung saan tinatampukan ng mga ani nilang prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, pako, at kiping na nakapalamuti sa harapan ng mga bahay bilang pasasalamat sa masaganang ani.
Dinagyang
Ramadan
Sinulog
Pahiyas
Ang mga kalabaw ay ginagayakan o pinapalamutian at saka ipinuprusisyon papuntang simbahan. Doon sila at pinapaluhod at binabasbasan ng pari.
Dinagyang
Pista ng Kalabaw
Sinulog
Pahiyas
Pagdiriwang sa Lungsod ng Naga tuwing Setyembre kung saan inililiapat ang imahe ng Birhen at ang Banal na Mukha ni Jesus mula sa basilika patungo sa katedral ng Naga
Pista ng Birhen ng Penfrancia
Flores de Maya
Hari Raya Puasa
Semana Santa
Ang prusisyon ay tinatawag ding Translacion.
tama
mali
Magbigay ng 2 pagdiriwang sa lalawigan at rehiyon sa Visayas.
Ito ay mga pagdiriwang sa Visayas maliban sa...
Kadayawan
Ati-Atihan
Sinulog
Dinagyang
Ito ay mga pagdiriwang sa Luzon maliban sa ...
Panagbenga
Pahiyas
Caracol Festival
Sinulog
Salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay "tulad ng agos ng tubig"
Dinagyang
Ramadan
Sinulog
Kadayawan
Saan ipinagdiriwang ang Sinulog?
Aklan
Cebu
Iloilo
Saan ipinagdiriwang ang Ati-Atihan?
Aklan
Cebu
Iloilo
Saan ipinagdiriwang ang Dinagyang?
Aklan
Cebu
Iloilo
Ang Sinulog, Ati-Atihan at Dinagyang ay mga pagdiriwang na nagbibigay parangal sa..
San Fernando
San Isidro
Sto. Nino
Birheng Maria
Ang mga sumusunod ay pagdiriwang sa Mindanao maliban sa...
Ramadan
Kadayawan
Dinagyang
Eld'l Fitr o Hari Raya Puasa
Magbigay ng 2 pagdiriwang sa Mindanao
Ginaganap sa Davao tuwing Agosto bilang pasasalamat sa mga biyaya ng kalikasan, mayamang kultura, masaganang ani, at payapang pamumuhay.
Ati-Atihan
Kadayawan
Sinulog
Ramadan
Ang Ramadan ay pinagdiriwang lamang sa Mindanao.
tama
mali
Isinasagawa ang pag-aayuno o pagiwas sa pagkain at paginom mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Ang sakripisyong ito ay paraan ng mga Muslim sa paghingi ng tawad sa kanilang mga kasalanan, paghingi ng kaligtasan, at upang malayo sila sa masasamang espiritu.
Santacruzan
Ramadan
Hara Raya Puasa
Semana Santa
Ito ang pagtatapos ng Ramadan. Dito masayang nagtutungo ang mga Muslim sa mosque para manalangin at magpasalamat kay Allah.
Santacruzan
Ramadan
Hara Raya Puasa
Semana Santa
Ito ay mga tradisyon sa pagdiriwang ng Pista
(Choose all that apply)
Paghahanda ng masarap ng pagkain
Pagsasabit ng mga banderitas sa mga kalsada
Lahat ng nabanggit
Pagkakaroon ng iba't ibang paligsahan at palaro
Pag-iikot ng mga banda sa ibat' ibang bahagi ng komunidad
Magbigay ng 3 pagdiriwang na isinasagawa sa buong bansa.
Ang mga ito ay ipinagdiriwang sa buong bansa maliban sa...
Pasko
Semana Santa
Araw ng mga Patay
Santacruzan
Pista ng Itim na Nazareno
Tuwing kailan ipinagdiriwang ang Santacruzan at Flores de Mayo?
Abril
Marso
Mayo
Hunyo
Ito ay isang prusisyong isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo.
(a)
Ito ay gumugunita sa kwento tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa Banal na Krus na pinagpakuan kay Jesus.
Pasko
Semana Santa
Flores de Mayo
Isa pang tawag sa Mahal na Araw
(a)
Ang Semana Santa ay mahalagang pagdiriwang ng mga Muslim.
tama
mali
Dito inaalala ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Santacruzan
Araw ng mga Patay
Pasko
Mahal na Araw
Dito ginugunita ang pagsilang ni Hesus.
(a)
Ang panahon ng Kuwaresma ay nagsisimula sa Miyerkules ng Abo(Ash Wednesday) at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.
tama
mali
Tuwing kailan ipinagdiriwang ang araw ng mga patay?
Setyembre
Oktubre
Nobyembre
Disyembre
Maraming Pilipino ang dumadalaw sa libingan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Pasko
Bagong Taon
Araw ng mga Patay
Araw ng mga Santo
Ito ang siyam na gabing misa o nobena na nagsisimula sa ika-16 ng Disyembre at nagtatapos sa ika-24 ng Disyembre. Isa itong tradisyon kaugnay ng Pasko.
Panahon ng Kuwaresma
Simbang Gabi
Mahal na Araw
Pagaayuno
