Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 8 Q3 - SUMMATIVE TEST

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang virtue ng pasasalamat ay gawain ng:

a)

Damdamin

b)

Isip

c)

kalooban

d)

Konsensiya

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pinagmulan ng salitang gratitude?

a)

Gratis

b)

Gratia

c)

Gratus

d)

Gractius

3.

Ano ang tawag sa pagpapahalaga ng mga Pilipino na may kaugnayan sa pagiging mapagpasalamat.

a)

Filipino Hospitality

b)

Ningas cogon

c)

Pakikisama

d)

Utang na loob

4.

Paano naipapakita ang utang na loob sa konsepto ng pasasalamat?

a)

Pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa lalo na sa oras ng matinding kagipitan.

b)

Pagsasabi ng pasasalamat sa kabutihang ginawa ng kapwa

c)

Pag-unawa sa pagtulong o hindi pagtulong ng kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan.

d)

Pagbabalewala sa mga tulong na nagawa ng kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan.

5.

Ano ang kahulugan ng entitlement mentality?

a)

Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao

b)

Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan na dapat bigyan ng dagliang pansin.

c)

Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.

d)

Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.

6.

Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?

a)

Paggawa ng kabutihan sa kapwa ng may hinihintay na kapalit.

b)

Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagpapadama ng pasasalamat.

c)

Pagsasabi ng pasasalamat kahit labag sa kalooban.

d)

Pagsasabi at pagtugon ng pasasalamat.

7.

Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?

a)

May mas mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.

b)

Nagiging mas pokus ang kaisipan

c)

Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.

d)

Nagiging malusog ang pangangatawan dahil mas kampante ang isip at damdamin.

8.

Alin ang hindi tanda ng isang taong may pasasalamat?

a)

Pagiging kuntento ni Edna sa buhay kahit na simple lamang ang kanilang pamumuhay.

b)

Pagiging mapagpasalamat ni Dianne sa lahat ng regalong natatanggap

c)

Pag-aaral ng mabuti ni Julia, dahil nagsisikap ang kanyang magulang na siya ay pag-aralin.

d)

Pagkakaroon ng planong pansarili lamang upang masunod ang mga layaw sa buhay.

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng entitlement mentality?

a)

Pag-aaral ng mabuti ng isang anak dahil sa pagsisikap ng magulang sa pagpapaaral dito.

b)

Pagliligpit ng pinagkainan sa isang restoran.

c)

Paghihintay sa pila kahit na gaano ito kahaba.

d)

Pagkadismaya at pagkalungkot sa regalong natanggap

10.

Naipapakita ng mga Pilipino sa katangiang ito ang kawalan ng pagtanaw ng pasasalamat?

a)

ingratitude

b)

respectus

c)

gratus

d)

ingratia

11.

Ito ay isang personal na katangian na nagtutulak sa isang tao upang maging sensitibo sa pangangailangan ng kanyang kapwa at gumawa ng personal na pagkilos upang pagsikapang matugunan ang pangangailangang ito.

a)

kabutihan

b)

kabutihang-loob

c)

Pagtugon

d)

Sakripisyo

12.

Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas De Aquino?

a)

Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa

b)

Pagpapabatid ng Pagpapasalamat

c)

Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo.

d)

Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapuwa sa abot ng makakaya.

13.

Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:

a)

Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa

b)

Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.

c)

Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.

d)

Pagiging maingat sa mga materyal na bagay buhat sa ibang tao.

14.

Ano ang HINDI kanais-nais na epekto ng pagpapahalaga sa mga bagay?

a)

Nagiging mas nakatuon ang isipan at bumababa ang posibilidad na makaranas ng kalungkutan.

b)

Nag-uudyok upang mapanatili ang magandang kalagayan ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas balanseng presyon ng dugo at tibok ng puso.

c)

Nagiging sanhi ng pagkapagod ng katawan dahil sa labis na pag-iisip kung paano maibabalik ang kabutihan ng iba.

d)

Nakapagpapalakas ng natural na antibodies na tumutulong sa paglaban sa mga mikrobyo sa katawan.

15.

Ano ang isang halimbawa ng pag-iisip na may karapatan sa lahat ng bagay?

a)

Pagkakaroon ng kakayahan na magbigay ng kapalit sa tulong na natanggap.

b)

Pagpapakita ng pasasalamat sa mga tumulong.

c)

Hindi pagpapahalaga sa mga taong nagbigay ng tulong.

d)

Paghingi ng tulong mula sa mga magulang para sa mga pangunahing pangangailangan kahit na may kakayahan na.

16.

Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob na walang hinihinging kapalit ay tinatawag na?

a)

Pagmamahal

b)

Pagpapatawad

c)

unconditional love

d)

give and take

17.

Ang isang pamilya ay sanay na nagpapakita ng pasasalamat sa isa't isa sa mga simpleng bagay tulad ng pagluluto o pagtulong sa gawaing bahay. Ano ang maaaring maging epekto ng ganitong kaugalian sa pamilya?

a)

Magiging magulo at puno ng hindi pagkakaunawaan ang pamilya.

b)

Mas magiging malapit at maayos ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya.

c)

Mawawala ang respeto sa bawat isa dahil sa paulit-ulit na pasasalamat.

d)

Walang magiging epekto dahil normal lamang ito.

18.

Anu ang pinakatamang dahilan na nag-uudyok sa ating maglingkod o tumulong sa kapwa.

a)

Kakayanang tumulong

b)

Tamang gawain ang pagtulong

c)

Itinuro sa atin ang pagtulong

d)

Mahalagang aspeto ng pakikipag-kapwa.

19.

Ayon kay Aesop, “Gratitude is the sign of noble souls” Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng sinabi ni Aesop? Ang pagiging mapagpasalamat ay  __________________________________.

a)

Nangangahulugan na dapat mong ibalik sa tao ang nagawa nyang tulong sa iyo.

b)

Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga taong tumutulong sa iyo.

c)

Pagpapakita ng pagpapakumbaba.

d)

Tanda ng pagiging kuntento kung ano man ang mayroon ka sa buhay.

20.

Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang ibinibigay sa taong pinagkakautangan ng loob, Sa paanong paraan pa ito higit na maipapakita?

a)

Sa pag-alala sa mga taong nakagawa ng mabuti sa atin.

b)

Palaging pagbanggit ng salitang pasasalamat.

c)

Pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng Mabuti sa ibang tao.

d)

Pagbabalik ng kabutihang ginawa ng kapwa.

21.

Bilang pagtanaw ng utang na loob , ihahalal ng mga tao ang mga kandidato na tumulong sa kanila kahit na hindi karapat dapat ang mga ito na maging opisyal ng pamahalaan. Anung uri ng pagtanaw ng utang na loob ang ipinapakita sa pahayag?

a)

Mali, dahil namimili lamang sila ng nais nilang iboto.

b)

Tama, dahil binoboto nila ang mga tumutulong.

c)

Tama, dahil ang tumutulong sa atin ay dapat nating ginagantihan ng biyaya.

d)

Mali, dahil hindi dahilan ang pagtulong sa atin upang pumili tayo ng maling opisyal na mamumuno sa bansa.

22.

Nagkakaroon ng entitlement mentality ang isang indibidwal dahil

a)

likas ito sa tao

b)

iniisip niyang karapatan ito na dapat matugunan

c)

nakapagbibigay ito ng kasiyahan sa sarili

d)

iniisip niyang kailangan ito ng tao

23.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa Pagpapasalamat? Ito ay paraan upang _______________________________________.

a)

ipakita na ikaw ay may respeto

b)

ipahayag ang iyong damdamin sa kapwa

c)

pahalagahan ang kabutihang gawa ng ibang tao sa iyo

d)

ipakita na ikaw ay may mataas na pagtingin sa ibang tao at paghanga

24.

Si Ana ay binigyan ng kanyang kaibigan ng librong kailangan niya sa paaralan. Hindi niya pinansin ang kanyang kaibigan at hindi nagpasalamat sa regalo. Ano ang maaaring maging epekto ng kilos ni Ana?

a)

Magiging inspirasyon siya sa iba na huwag magpasalamat

b)

Magiging masaya ang kanyang kaibigan sa kanyang kilos

c)

Mawawala ang tiwala ng kanyang kaibigan sa kanya

d)

Patuloy na magbibigay ang kanyang kaibigan ng tulong

25.

Iskolar si Cherry ng mag-asawang namayapa na. Ngayong siya ay may maayos na trabaho na, paano niya maipakikita ang pasasalamat sa mga biyayang natanggap?

a)

sa pamamagitan ng pagtulong sa pagpapaaral sa ibang bata

b)

ipagkakalat na siya ay naging iskolar dahil sa angking talino

c)

pag-post sa social media na malayo na ang kanyang narating

d)

ipagmamalaki sa ibang tao ang narating upang pamarisan ng iba

26.

Si Alexis ay likas na mapagpasalamat. Ang lahat ng bagay ay palagi niyang pinagpapasalamat gaano man ito kalaki o kaliit. Dahil dito, napakarami niyang kaibigan at marami ang humahanga sa kaniyang kabaitan. Ano sa mga sumusunod na benepisyo ng pagiging mapagpasalamat ang mahihinuha sa sitwasyon.

a)

Pumipigil sa tao maging mainggitin sa iba

b)

Hindi nito pinahihintulutan ang negatibong emosyon.

c)

Tumutulong ito sa pagbuo ng magandang samahan sa kapwa

d)

Nakakatulong ito upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan

27.

Bakit karaniwang masaya ang isang taong mapagpasalamat?

a)

Alam niya na maraming nagbibigay sa kanya, dahil madalas din siya magbigay.

b)

Marami pa siyang matatanggap na mga biyaya mula sa kapuwa.

c)

Nararamdaman niya ang kabutihang-loob ng kanyang kapwa.

d)

Madalas na nasusunod ang mga gusto niya.

28.

Nagkakaroon ng entitlement mentality ang isang indibidwal dahil

a)

likas ito sa tao

b)

iniisip niyang karapatan ito na dapat matugunan

c)

nakapagbibigay ito ng kasiyahan sa sarili

d)

iniisip niyang kailangan ito ng tao

29.

Paano ang tamang pagsusuri ng angkop na kilos ng pasasalamat sa isang taong tumulong sa iyo?

a)

Nagbigay ka ng saloobin ng pasasalamat ngunit hindi ka nagsagawa ng anumang aksyon

b)

Nagbigay ka ng pasasalamat at nagsagawa ng isang aksyon na tumutugon sa tulong na iyong natamo.

c)

Nagbigay ka ng pasasalamat ngunit hindi mo ipinakita sa mga aksyon ang iyong nararamdaman

d)

Nagbigay ka ng pasasalamat sa pamamagitan ng pag-iwas sa taong tumulong sa iyo.

30.

Anu ang kahulugan ng awtoridad?

a)

Nangunguna sa isang Samahan.

b)

Itinalagang isang taong tatayo bilang pinuno at siyang magdadala sa pangkat sa layuning nais nitong marating.

c)

Katakutan upang sumunod.

d)

Magpapatupad ng kaparusahan sa mga hindi marunong sumunod

31.

Alin sa mga sumusunod ang pagpapakita ng paggalang?

a)

Pagbabahagi ng talent sa kapwa

b)

Paglalaan ng panahon sa pamilya at kaibigan

c)

Pagsunod sa mga alituntunin

d)

Pakikibahagi sa mga kaganapan sa komunidad

32.

Alin sa mga paraan ang nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa nakatatanda?

a)

Huwag silang tulungan dahil sila ay matanda na at mas may kakayahan

b)

Paggamit ng 'po' at 'opo' at pagsunod sa mga utos ng magulang nang taos-puso

c)

Pagpapakita ng paggalang dahil sa ito'y napipilitan lamang

d)

Sa pamamagitan ng pakikipag-usap nang may kayabangan

33.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kawalan ng paggalang sa magulang?

a)

Pag-alis ng bahay nang hindi nagpapaalam

b)

Paggawa ng gawaing bahay kahit hindi nila sinasabi

c)

Pagkakaroon ng mababang marka sa pagsusulit

d)

Pagsangguni sa kanila bago gumawa ng pasya

34.

Sino sa mga sumusunod ang tunay na nagpapakita ng paggalang sa magulang?

a)

Isinasabuhay ni Lorie ang mga utos at payo ng kaniyang mga magulang kahit pa madalas ay abala ang mga ito sa trabaho

b)

Nagmamano si Rey tuwing umuuwi ng bahay pagkagaling sa paaralan bago maglaro ng computer games

c)

Nakikipag-usap si Carlos nang mahinahon sa mga kapatid kapag naririnig ng kaniyang mga magulang

d)

Sumasagot si Leo nang may malakas na boses sa kaniyang tatay sapagkat ito ay nakainom

35.

Ano ang palatandaan na nalabag mo ang paggalang?

a)

kinikilala ang mga taong iyong napakikinabangan kumpara sa ibang handang tumulong na walang kapalit

b)

nabibigyang halaga ang isang taong pinag-kakautangan mo ng loob sa iyong buhay kahit na mag-isa ka lamang

c)

nakikibahagi sa mga gawaing alam mong maaring makatulong sa iyong pansariling pagunlad

d)

nakikipagugnayan sa mga tao kahit na kakikilala pa lamang upang maipakita ang iyong kahusayan

36.

Naipakikita ang paggalang sa kapwa sa pamamagitan ng .

a)

pakikibahagi sa mga bagay na nakasanayan

b)

pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo

c)

pagbibigay ng halaga sa isang tao

d)

pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay

37.

"Igalang mo ang iyong ama at ina.", Alin sa mga sitwasyon ang nagpapamalas ng pinakaangkop na kilos sa pahayag?

a)

Kung kailan lang inuutusan ay saka lamang kikilos

b)

Masigasig na sinusunod ang utos ng mga magulang kung may gustong hilingin sa kanila

c)

Sinusunod ng buong paggalang ang mga turo ng magulang

d)

Tumutupad sa mga utos ng magulang kung may kapalit

38.

Si Leo ay madalas sumagot sa kanyang magulang kapag siya'y pinagsasabihan. Sa paaralan, hindi rin     siya nakikinig sa guro kapag ito ay nagtuturo. Sa kabila nito, hindi siya napapansin ng mga nakatatanda             dahil lagi niyang ipinapaliwanag na siya ay "abala". Ano ang ipinapakitang paglabag ni Leo sa kanyang           mga magulang at may awtoridad?

a)

Kawalan ng respeto at pakikinig sa kanilang payo

b)

Pagiging masunurin sa mga nakatatanda

c)

Pagpapakita ng taos-pusong pasasalamat sa payo ng mga magulang

d)

Pagsunod sa mga guro ngunit hindi nagpapakita ng respeto

39.

  Si Maria ay inutusan ng kanyang lola na maghugas ng pinggan matapos kumain. Ngunit hindi niya   ito ginawa at sinabing "Mamaya na lang," habang patuloy sa paggamit ng kanyang telepono. Ano ang        ipinapakitang paglabag ni Maria sa kanyang lola?

a)

Pagsuway sa utos at kawalan ng respeto

b)

Pagiging masipag sa ibang gawain

c)

Pagpapakita ng malasakit sa nakatatanda

d)

Pagtulong sa lola sa ibang oras

40.

Ang paggalang sa awtoridad ay ipinapakita sa pamamagitan ng:

a)

Pagmamano

b)

Pagsasabi ng po at opo

c)

Pag-iingat ng katawan

d)

Pagsunod sa patakaran na ipinatutupad

41.

Ang pagkatao ng isang tao ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng maayos o di maayos na pagpapalaki sa kanya. Ang pahayag na ito ay

a)

mali - dahil ang pagkatao ng isang tao ay hindi lamang nakasalalay sa pagpapalaki kundi pati na rin sa kanilang mga karanasan at desisyon

b)

opinion - Ang pahayag ay maaaring ituring na opinyon ng isang tao, ngunit hindi ito isang pangkalahatang katotohanan.

c)

suhestiyon - dahil depende sa mga magulang kung paano dapat palakihin ang kanilang mga anak, ngunit hindi ito isang tiyak na pahayag.

d)

tama - dahil ang pagpapalaki sa isang tao ay may malaking epekto a sa kanilang pagkatao lalo na sa kanilang mga asal at pakikipag kapwa

42.

Pananagutan ng mga magulang na hubugin at paunlarin ang kanilang mga anak. Ito ay upang sila ay

a)

maparangalan

b)

mapahalagahan

c)

masuklian

d)

makilala

43.

Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga may awtoridad pamamagitan ng _________.

a)

pakikibahagi sa kanilang promosyon.

b)

pakikipag-ugnayan sa mga may tungkulin.

c)

pagbibigay ng pera at regalo sa kanila.

d)

pagkilala at pagsunod sa kanilang batas.

44.

Alin sa mga sumusunod ang bunga ng hindi pagsunod at paggalang sa mga awtoridad?

a)

kawalan ng mga barkada dahil sa pag-iwas sa masamang bisyo

b)

hindi pagpansin sa mga dating nakaaway at nakasagutan

c)

natanggal sa paaralan si Mark dahil sa madalas na pagsuway sa patakaran.

d)

pagtatalaga bilang opisyales dahil sa ipinakikitang kabutihan sa paaralan.

45.

Sino sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda?

a)

si Anthony na nagpaupo sa matanda sa loob ng bus.

b)

si Bianca na laging nagmamano pagdating sa bahay.

c)

si Cora na tumutulong sa pamamalengke

d)

si Dave na nagpapasensya sa kanyang lola at lolo.

46.

Si Sofia ay kilala bilang mahusay na pinuno noong siya ay grade 7. Sa kanyang pagtungtong sa grade 8, siya naman ay naging tagasunod, Sinuportahan niya ang kanyang naging lider sa pamamagitan ng pagsunod at paggawa ng walang pagtutol. Ano ang kilos na ipinakita ni Sofia sa bagong mga kagrupo?

a)

Katarungan

b)

Kasipagan

c)

Pagpapasakop

d)

Paggalang

47.

Sino ang may tungkulin na arugain ang mga nakatatanda sa bansa?

a)

DSWD

b)

Kapitbahay

c)

Gobyerno

d)

Pamilya

48.

Tungkulin ng bawat Pilipino na isagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga may awtoridad. Ano ang mabuting dulot nito?

a)

upang hindi hulihin ng pulis

b)

upang laging mapuri ng kapwa

c)

upang mabigyan ng pabuya

d)

upang makaimpluwensiy sa kapwa

49.

Sa anong paraan maipapakita ang paggalang sa mga magulang?

a)

pag-aaruga sa kanila

b)

pagbibigay sustento

c)

paglagak sa charity

d)

pag-iwas sa kanila

50.

Taglay ni Mary Grace ang pagiging magalang at masunurin, dahil dito naiimpluwensiyan niya ang kanyang mga kamag-aral sa kanyang ipinakikita na nagpapabuti ng kanilang pagkatao. Bilang kabataan alin sa mga sitwasyon ang dapat mong ipamalas.

a)

Pagiging agresibo sa tagapagpatupad ng batas.

b)

Pagmamalaki sa ginawang paglabag sa batas

c)

Pagsunod ng maayos sa mga batas

d)

Pagsunod sa batas dahil mayroong enforcer

51.

Paano mo maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a)

Ipaglaban ang iyong karapatan kapag ikaw ay nasa katwiran.

b)

Magprotesta laban sa mga awtoridad.

c)

Suportahan ang mga kilalang awtoridad.

d)

Sundin ang batas at sumoporta sa mga proyekto nila.

52.

Nararapat sa isang kabataan na sumunod at gumalang sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad. Makabubuti ito upang

a)

hangaan at purihin

b)

mabigyan ng reward sa paaralan

c)

maging produktibo sa bansa

d)

masanay at tularan ng lahat

53.

Sa paanong paraan higit na maipapakita ang pagsunod at paggalang sa mga magulang? Tukuyin ang tamang paggkakasunod ng hakbangin sa ibaba.

a)

4,1,2,3

b)

1,2,3,4

c)

3,1,2,4

d)

4,3,2,1

54.

Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sayo ay nagpapakita ng?

a)

A.   Paggalang Sa Diyos                      

b)

B.  Paggalang sa kapwa                     

c)

                    C. Paggalang sa sarili

d)

                  D. Paggalang sa ari-arian

55.

Ito ay uri ng paggalang na nagpapakita ng pag-iwas sa pag-aabuso sa sarili gaya ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, paninigarilyo, o labis na paglalasing.

a)

A. Paggalang sa Kapwa

b)

B.  Paggalang sa sarili                      

c)

                C. Paggalang sa ari-arian

d)

                   D. Paggalang sa awtorid

56.

Ito ay mula sa salitang Latin na “respicere” na literal na nangangahulugang paglingon o pagtingin muli                      

a)

A. Paggalang             

b)

     B. Pagmamahal       

c)

        C. Pagbibigay            

d)

         D. Pagpapatawa

57.

Si Marco ay laging nang-aabala sa kanyang mga magulang sa tuwing sila ay may bisita. Sa halip na makinig sa kanilang mga kwento, siya ay maingay din habang naglalaro sa kaniyang gadget. Ano ang ipinapakitang paglabag ni Marco sa kanyang mga magulang?

a)

Kawalan ng respeto at pag-unawa sa kanilang mga bisita

b)

Pagsunod sa mga utos ng kanyang mga magulang

c)

Pagpapakita ng interes sa mga kwento ng nakatatanda

d)

Pagsuporta sa kanyang mga magulang sa kanilang mga gawain

58.

Ano ang dapat gawin ng isang kabataan upang maipakita ang paggalang sa kanyang guro?

a)

Pagsuway sa mga alituntunin ng paaralan

b)

Paglalaan ng limitasyon sa pakikiharap at pananalita sa guro

c)

Pagsagot sa mga tanong kahit hindi siya tinatawag

d)

Pagsasabi ng mga biro habang nagtuturo ang guro

59.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang asal sa pakikitungo sa mga nakatatanda?

a)

Pagpapakita ng pasensya at pag-unawa sa kanilang mga pangangailangan

b)

Pagsasabi ng masakit na salita sa kanila

c)

Pagsasalita ng may kayabangan sa kanila

d)

Pagsuway sa kanilang mga payo

60.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggalang sa mga nakatatanda?

a)

Pagsunod sa kanilang mga payo at mungkahi.

b)

Pag-iwas sa pakikipag-usap sa kanila.

c)

Pagsasalita ng may kayabangan sa kanilang harapan.

d)

Pagbabalewala sa kanilang mga opinyon.