wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mahabang Pagsusulit 2.1 - Panitikang Mediterrenean

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang uri ng TUNGGALIAN sa kwentong "Ang Matanda at ang Dagat"?

Napakabilis nang pag-angat ng pating. Ni walang babala itong tumalon paitaas mula sa rabaw ng tubig hanggang matapat sa sinag na araw.

a)

tao laban sa tao

b)

tao laban sa sarili

c)

tao laban sa kalikasan

d)

tao laban sa kapaligiran

2.

Ang Matanda at ang Dagat

Anong bahagi ng BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO ang mababasa sa ibaba?

Isang oras pa lumipas bago dumating ang unang pating na dudunggol sa kanya. Hindi ito isang aksidente. Nanggaling ang pating sa kailaliman ng tubig habang kumakalat ang itim na dugo ng kanyang nahuling isda.

a)

simula

b)

saglit na kasiglahan

c)

kakalasan

d)

kasukdulan

e)

wakas

3.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Epiko ni Gilgamesh

Tukuyin ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

Pagsapit ng ikalawang araw, sa gitna ng kanyang pagnanais ay may kung anong sumagitsit sa isip ni Gilgamesh. Biglang-bigla niyang naalala ang ninunong si Uthnapistim, na biniyayaan ng imortalidad. Hahanapin niya ito upang alamin ang lihim sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan.

a)

SIMULA

b)

SAGLIT NA KASIGLAHAN

c)

KASUKDULAN

d)

KAKALASAN

e)

WAKAS

4.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Epiko ni Gilgamesh

Tukuyin ang uri ng wakas ng akda.

Samantala, habang naglalad pabalik sa bangka, nabakas ni Utnapishtim sa mukha ni Gilgamesh ang lubos na pagkaunawa.

a)

MELODRAMA

b)

TRAHEDYA

c)

OPEN-ENDED

5.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Paglalakbay ni Thor Patungong Jotunheim

Tukuyin ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

Sansaglit na natahimik si Thor. Hindi siya makapaniwala sa ginawang panlilinlang ni Utgard-Loki! Noon din ay inilabas niya ang kanyang maso. Lumundag siya, iniumang ang maso sa langit, saka akmang pupukpukin ang hari. Ano't bago pa man tumama ang maso kay Utgard-Loki ay biglang umihip nang napakalakas ang hangin. Sa isang iglap ay naglaho si Utgard-Loki. Lumingon-lingon sa paligid si Thor ngunit hindi na niya ito makita. "Ah, ginamit na naman ng tusong hari ang kanyang salamangka."

a)

SIMULA

b)

SAGLIT NA KASIGLAHAN

c)

KASUKDULAN

d)

KAKALASAN

e)

WAKAS

6.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ang mga sumusunod ay mensahe ng akdang "Ang Matanda at ang Dagat", maliban sa

a)

Pagtalakay sa kahalagahan ng pagtitiyaga, pag-asa, at pakikibaka sa kabila ng mga pagsubok at kabiguan sa buhay.

b)

Nagpapakita ng mga tema ng pagtitiwala sa sarili at determinasyon kahit na nasa harap ng malaking hamon at kawalan.

c)


Ipinapakita ng nobela ang mga halaga ng tapang at pagtitiwala sa sarili sa katauhan ni Santiago

d)

Ang akda ay nagpapakita ng mga tema ng pagkatakot sa susuunging panganib at panghihina ng loob kapag nasa harap ng malaking hamon ng buhay.

7.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Apatnapung Kaban - Kuwento ng Iran

Tukuyin ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

Noon din ay umuwing ligtas si Ahmed sa piling ni Jamell, taglay ang lahat ng kayamanan at dunong na hatid ng pambihira niyang karanasan. At tulad ng hula ng kahit na sinong propeta, sa loob ng mahabang panahon ay namuhay sila nang masaya at masagana.

a)

SIMULA

b)

SAGLIT NA KASIGLAHAN

c)

KASUKDULAN

d)

KAKALASAN

e)

WAKAS

8.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ano ang nangibabaw na mensahe ng akdang Ang Matanda at ang Dagat?

a)

Hindi magtatagumpay sa buhay kung hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

b)

Makasakit man sa iba mahalagang maitaguyod ang buhay ng pamilya.

c)

Protektahan ang yamang tubig mula sa ilegal na pangingisda.

d)

Nakasalalay sa paraan ng pagpapasya ang buhay ng isang tao.

9.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Paglalakbay ni Thor Patungong Jotunheim

Tukuyin ang uri ng wakas ng akda.

Mayamaya pa ay nag-umpisa ulit sa paglalakad ang pangkat ni Thor. Habang papasok sa gubat ay nilingon ni Thor ang Jotunheim sa huling pagkakataon.

"May araw ka rin sa 'kin." bulong niya.

a)

MELODRAMA

b)

TRAHEDYA

c)

OPEN-ENDED

10.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Apatnapung Kaban - Kuwento ng Iran

Tukuyin ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

Parang ibig mahimatay ni Ahmed. "Gagawin ko po... ang lahat ng aking makakaya, Kamahalan. Pero... baka po matagalan."

"Gaano naman katagal?" pang-uusig ng hari.

"A, e... mga apatnapung araw po siguro, Kamahalan," tugon ni Ahmed habang nanghuhula ng pinakamahabang panahong maaari niyang maisip. "Isang araw para sa isang magnanakaw."

"Matagal nga!" sabi naman ng hari. "Pero payag ako sa panukala mo. Kapag nagtagumpay ka ay bibigyan kita ng limpak-limpak na kayamanan. Kung hindi naman ay mabubulok ka sa kulungan kasama ng iba pa!"


a)

SIMULA

b)

SAGLIT NA KASIGLAHAN

c)

KASUKDULAN

d)

KAKALASAN

e)

WAKAS

11.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Apatnapung Kaban - Kuwento ng Iran

Tukuyin ang uri ng wakas ng akda.

Nood din ay umuwing ligtas si Ahmed sa piling ni Jamell, taglay ang lahat ng kayamanan at dunong na hatid ng pambihira niyang karanasan. At tulad ng hula ng kahit na sinong propeta, sa loob ng mahabang panahon ay namuhay sila nang masaya at masagana.

a)

MELODRAMA

b)

TRAHEDYA

c)

OPEN-ENDED

12.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ang Pambihirang Hapon ni Baltazar

Tukuyin ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

"Magkano ang sisingilin mo para diyan?" tanong ni Ursula.

"Hindi ko alam," sagot ni Baltazar. "Pepresyuhan ko siguro ng trenta pesos para bigyan ako kahit bente."

"Presyuhan mo ng singkuwehta," sabi ni Ursula. "Dalawang linggo kang puyat. Isa pa, malaki yata ang hawlang iyan. Sa palagay ko, iyan ang pinakamalaking hawlang nakita ko sa buong buhay ko."

a)

SIMULA

b)

SAGLIT NA KASIGLAHAN

c)

KASUKDULAN

d)

KAKALASAN

e)

WAKAS

13.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ang Pambihirang Hapon ni Baltazar

Tukuyin ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

"Huwag kang hangal, Baltazar," sabi ni Montiel pagkaharang sa daraanan niya. "Iuwi mo na ang gawa mong iyan at huwag kang sira. Wala akong balak na bayaran ka kahit sansentimo." Namumutla na siya sa galit at namumula ang mata. "Kunin mo ang basura mong dala dito!"

a)

SIMULA

b)

SAGLIT NA KASIGLAHAN

c)

KAKALASAN

d)

KASUKDULAN

e)

WAKAS

14.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ang Pambihirang Hapon ni Baltazar

Tukuyin ang uri ng wakas ng akda.

Halos hindi makahakbang si Baltazar dahil sa kalasingan. Gumastos siya nang sobra na kailangan pa niyang isangla ang relo niya sa pangakong tutubusin kinabukasan. Ilang sandali pa, habang nakahilata sa kalsada, naramdaman niyang tinatanggal ang sapatos niya, pero wala siyang pakialam. Ayaw niyang iwan ang pinakamasayang panaginip sa buong buhay niya.

a)

MELODRAMA

b)

TRAHEDYA

c)

OPEN-ENDED

15.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Paglalakbay ni Thor Patungong Jotunheim

Tukuyin ang BISA SA KAASALAN na aangkop sa akda.

a)

Ang kayabangan ng tao ang magbibigay sa kanya sa kahihiyan ngunit ang pagpapakumbaba ang magbibigay sa kanya ng karangalan.

b)

Ang pagpapaunlad ng talento at kakayahan ay daan tungo sa mabuting kinabukasan.

c)

Tuparin mo ang bawat pangakong binitawan mo at mangako ka lamang ng makakaya mong tuparin.

d)

Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay gawaing kahanga-hanga.

16.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ang Matanda at ang Dagat

Anong uri ng WAKAS ang mababasa sa ibaba?

Ano pa nga ba ang pwede kong isipin? naisip niya. Wala. Wala akong dapat na isipin, Kailangan ko lang hintayin ang mga susunod. sana talaga panaginip na lang ito, naisip niya. Pero malay nga ba natin? Baka mabuti pa rin ang kalabasan nito.

a)

open-ended

b)

trahedya

c)

melodrama

17.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ang Pambihirang Hapon ni Baltazar

Tukuyin ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

Bumili siya ng serbesa. Sinagot ni Baltazar ang isang round para sa lahat. Dahil iyon ang unang beses na lumabas siya para uminom, lasing na agad siya bago magtakipsilim. Bago maghapunan, nag-uwian na rin ang lahat at naiwan siyang mag-isa sa bulwagan.

a)

SIMULA

b)

SAGLIT NA KASIGLAHAN

c)

KASUKDULAN

d)

KAKALASAN

e)

WAKAS

18.

Pagtukoy sa BISA ng akdang binasa.

Ito ay nag-iiwan ng pamantayang pangmoral na magiging batayan sa pagsusuri ng sariling pagkatao.

a)

BISA SA KAISIPAN

b)

BISA SA DAMDAMIN

c)

BISA SA KAASALAN

19.

Ang Matanda at ang Dagat

Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,’’ sabi niya. Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.”


a)

May pagsubok mang dumating, lilipas din

b)

Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay

c)

Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.

d)

Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.

20.

PAG-UNAWA SA BINASA:

Ang Pambihirang Hapon ni Baltazar

Tukuyin ang Teoryang Pampanitikan ng akda.

Sa kuwento, mapapansin ang agwat nina Baltazat at Jose Montiel kung pag -uusapan ang kanilang sosyo-ekonomikong estado. Mapapansin ito batay sa paglalarawan ng may akda sa kanilang hitsura, tirahan, trabaho at paraan ng pamumuhay. Mahihinuha kung gayon na ang akda ay nakatuon sa tunggalian ng mga uri.

a)

Marxismo

b)

Humanismo

c)

Femenismo

d)

Moralismo