wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 8 Review

Total questions: 35

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Unang komiks - magasin na inilathala ngunit di tumagal.

(a)  

2.

Ito ay isang instrumento na ginagamit upang ipalaganap ang mga isyung panlipunan. Ito ang pinakamadaling maabot na anyo ng media.

a)

Dyaryo

b)

Pahayagan

c)

Radyo

d)

Telebisyon

3.

Ang tao sa likod ng komentrayong panradyo ay tinatawag na?

a)

Komedyante

b)

Artista

c)

Komentarista

d)

DJ

4.

Anong lahi ng dayuhan ang nagdala ng teknolohiya ng radyo sa Pilipinas?

a)

Inglesero

b)

Kastila

c)

Latino

d)

Amerikano

5.

Nang dinala ang radyo sa Pilipinas, anong wika ang ginagamit dito?

a)

Ingles

b)

Kastila

c)

Latin

d)

Tagalog

6.

Termino sa Radyo:

Ito ay tumutukoy sa mga istasyon na mas kinaaaliwan ng mga kabataan dahil may mga musikang pinatutugtog rito..

a)

DJ

b)

FM Station

c)

AM Station

d)

Komentarista

7.

Termino sa Radyo:

Ito ay tumutukoy sa mga istasyon na na naghahatid ng balita at tumatalakay sa mas seryosong paksa sa lipunan.

a)

DJ

b)

FM Station

c)

AM Station

d)

Komentarista

8.

Sa pagsusuri ng isang kontemporaryong balitang panradyo, Ito ang mga pahayag na may pruweba o katibayan at may konkretong ebidensiya

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

c)

Hinuha

d)

Personal na Interpretasyon

9.

Sa pagsusuri ng isang kontemporaryong balitang panradyo, Ito ay pahayag na inaakala o maaaring mangyari batay sa isang sitwasyon o kondisyon.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

c)

Hinuha

d)

Personal na Interpretasyon

10.

Ito ay ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting na ginagamit sa produksyon o programa bilang gabay at naglalaman ng mensahe para sa mga tagapakinig.

a)

balita

b)

iskript

c)

director

d)

sound effects

11.

Ito ay isang uri ng panitikang prosa o tuluyan na naglalahad ng mga pangyayari at kaganapan sa pamamagitan ng kontemporaryong pamamaraan sa loob at labas ng bansa.

a)

Broadcasting

b)

Balita

c)

Media

d)

Radyo

12.

Tukuyin ang antas ng Wika na na may salungguhit na ginamit sa pangungusap.


Si erpat ang naglalaba sa amin tuwing linggo.

a)

Banyaga

b)

Kolokyal

c)

Balbal

d)

pambansa

13.

Tukuyin ang antas ng Wika na na may salungguhit na ginamit sa pangungusap.

Si Cara David ay isang news reporter.

a)

jargon

b)

Kolokyal

c)

Balbal

d)

pambansa

14.

Tukuyin ang antas ng Wika na na may salungguhit na ginamit sa pangungusap.


Bat ba kasi lagi kang nahuhuli?

a)

Banyaga

b)

Kolokyal

c)

Balbal

d)

jargon

15.

Tukuyin ang antas ng Wika na na may salungguhit na ginamit sa pangungusap.


Mare, bongga ang handa mo ngayon.

a)

Banyaga

b)

Kolokyal

c)

Balbal

d)

jejenese

16.

Tukuyin ang antas ng Wika na na may salungguhit na ginamit sa pangungusap.


Musta ka na ba ngayon?

a)

Banyaga

b)

Kolokyal

c)

Balbal

d)

pambansa

17.

Tukuyin ang antas ng Wika na na may salungguhit na ginamit sa pangungusap.


Tarang bumili ng addidas sa ihawan ni Aling Nena.

a)

Banyaga

b)

Kolokyal

c)

Balbal

d)

jejemon

18.

Antas ng wika na ginagamit sa mga aklat na pangwika o pambalarila, sa mga paaralan at pamahalaan, gayundin sa mga panayam, ulat at sa iba pang usapin o sulating pang-intelektwal.

a)

Pampanitikan

b)

Pambansa

c)

Balbal

d)

Lalawiganin

19.

Tinatawag ding Jargon,  natatanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat, gawain o propesyon . Mas kilala rin sa wikang banyaga sa mga sulatin.

a)

Kolokyal

b)

Pambansa

c)

Teknikal

d)

Lalawiganin

20.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.

Tita Lee: O sige, kaon na mga bata... Tayo'y magdasal na muna.

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Lalawiganin

d)

Pormal.

21.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.

Kris: Oh, so dami. Sira na naman my diet here.

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Lalawiganin

d)

Pormal

22.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.

Tito Mando: Kailan ba naman ang pag-iisang dibdib?

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Lalawiganin

d)

Pormal

23.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.


Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan.

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Lalawiganin

d)

Pormal

24.

Ang magasin na ito ay binibigyang-pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng mga Kabataan.

a)

T3

b)

Yes

c)

FHM

d)

Candy

25.

Isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Kilala rin ito sa tawag sa diyaryo o peryodiko.

a)

Komiks

b)

Pahayagan

c)

Magasin

d)

Tabloid

26.

Ano ang dalawang uri ng pahayagan?

a)

Broadsheet at Tabloid      

b)

Pahayagan at Magasin    

c)

Komiks at Tabloid

d)

Magasin at Broadsheet    

27.

Saang bahagi ng pahayagan makikita ang mga crossword puzzle, komiks, at horoscope?

a)

Isports

b)

Editoryal

c)

Libangan

d)

Lifestyle

28.

Ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na, nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

a)

Obitwaryo   

b)

Libangan

c)

Editoryal

d)

Isports

29.

Mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.

a)

Balitang Pandaigdig

b)

Balitang Panlalawigan

c)

Balitang Komersyo

d)

Anunsyo Klasipikado

30.

Isang anyo ng media na naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang isang produkto o isang serbisyo.

a)

Media

b)

Patalastas   

c)

Broadcast    

d)

Dokumentaryo

31.

Ang For Him Magazine o FHM ay para lamang kanino?

a)

kababaihan

b)

kalalakihan

c)

LGBTQ

d)

mga bata

32.

Ano ang pumapaksa sa Yes! Magazine?

a)

Showbiz

b)

Isports

c)

Libangan

d)

Pandaigdig

33.

Isinulat ni Dr. Jose Rizal na halo sa pabula mula sa amerika

a)

Ang pagong at ang matsing

b)

Si Tipaklong at Langgan

c)

Ang Paru-paro

34.

Ang naglabas ng comic strip pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig at tinatawag na photo news noon.

a)

Liwayway

b)

Magasin

c)

Tabloid

35.

Ama ng Tagalog Komiks at itinuturing na Ama ng Tagalog Komiks.

a)

Antonio Velasquez

b)

Luhalhati Bautista

c)

Mars Ravero