NEW
Font size
WorksheetsMAPEH3_QUARTER_REVIEW
Total questions: 16
Worksheet time: 12mins
Si Sheila ay mahilig sa mga instrumentong pang-musika. Siya ay nagpagawa sa kaniyang ama ng maracas gamit ang plastik na bote at mga batong maliliit upang gamitin sa kanilang performance task sa music. Saang instrumento nabibilang ang maracas?
instrumentong panritmo
instrumentong panghimig
Si Bri ay mahilig sa mga instrumentong hinihipan. Ano ang mga halimbawa ng instrumentong hinihipan?
plawta, sungay ng toro, tuba
tambol, pompiyang, piano
Mahilig umawit ng may matataas na tono si Yen. Paano niya ito paghuhusayin upang maging bihasa sa pag-awit na may mataas na tono?
paggamit ng headtone
paggamit ng diaphragm
Ang timbre ay tawag sa kalidad ng tinig ng isang tao o instrumento. Ano ang naidudulot ng paggamit ng iba’t-ibang timbre?
naipapahiwatig ang tamang emosyon sa salita
nakikilala ng ibang tao
Sa paaralan ng Gulod Elementary School ay nagkaroon ng paligsahan sa pagtula. Sa iyong palagay, sino ang naaapektuhan kapag nabigkas ang isang tula na may tamang tono o dynamics?
manonood
mananahi
Kung aawitin mo ang kantang “ili-ili, tulog anay” (Hiligaynon/Illongo Folk Song), paano mo ito aawitin?
ili-ili tulog anay,
Wala diri imo nanay,
Kadto tienda bakal papay,
Ili-ili tulog anay.
aawitin ko ng malumanay o katamtaman
aawtin ko ng may malakas na tono mula simula hanggang dulo
Anong bagay ang nagbibigay-buhay sa marka ng isang imprenta na siyang nag-iiwan ng bakas o markang nagtatagal sa isang patag na bagay?
kulay
pambura
ruler
tubig
Sa makabagong panahon, ang teknolohiya ay isang pamamaraan upang makapag-imprenta. Ano ang magandang naidudulot ng TEKNOLOHIYA sa pag-iimprenta?
mas mapapabilis ang ating paglikha at pag-imprenta
upang maiwasan ang pagkasira ng iniimprenta
Kung ikaw ay gagawa ng isang simbolo para sa umaga, paano mo ito ipapakita?
iguguhit ko ito sa paraan ng pagtilaok ng manok
iguguhit ko ito sa gamit ang mga bulaklak
Ano ang tawag sa isang manipis na bagay na may butas, na siyang gabay sa paglikha ng mga hugis o titik sa pamamagitan nang pagkulay sa loob ng mga butas na ito?
istensil
poster
Inutusan ni Ma’am Shery ang kaniyang tatlong estudyante na iligay ang libro sa cabinet. Sino sa kanila ang nagpakita ng mahina na puwersa?
Inilagay ni Jhayven ang isang libro sa cabinet.
Inilagay ni Sheila Marie ang sampung libro sa cabinet.
Isaayos ang mga salita mula sa mabilis hanggang sa pinakamabilis na kilos.
Pagtakbo
pag-igpaw
paglalakad
paggapang
paggapang, paglalakad, pag-igpaw, pagtakbo
pag-igpaw, paggapang, pagtakbo, paglalakad
Siya ang bumibili ng produkto o gumagamit ng serbisyo. Ano ang tawag sa kaniya?
konsyumer
tindera
Madalas tingnan ni Grace ang halaga ng isang produkto o serbisyo sa tuwing siya ay mamamalengke. Anong salik sa pamimili ang kaniyang ipinakita?
presyo
kalidad
panahon
Bago umalis ay bininibilang muna ni Ana ang kaniyang sukli. Ano ang katangiang ipinakikita ni Ana?
mapanuri
mareklamo
makatwiran
Si Jessica ay bumibili lang ng mga kailangan sa bahay. Ano ang katangiang ipinakikita ni Jessica?
sumusunod sa budget
hindi nagpapadaya
