NEW
Font size
WorksheetsQ3_AP5_REVIEW
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
1. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsang Pilipino sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol MALIBAN sa isa.
A. Kawalan ng maayos na komunikasyon.
B. Makataong pamamahala ng mga banyaga.
C. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma.
D. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol sa kalabisan ng mga mananakop
na Espanyol?
A. Naging sunud-sunuran sila sa mga pinagagawa ng mga banyaga.
B. Pinagsilbihan ng mga katutubo ang mga prayle at opisyal ng mga Espanyol.
C. Tinanggap ng mga Pilipino ang mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop.
D. Nagkaroon ng malawakang pag-aalsa laban sa mga pamunuang hindi kaaya-aya.
3. Paano nasupil ni Gobernador-Heneral Sabiniano Manique de Lara ang nag-alsang si
Francisco Maniago ng Mexico Pampanga dahil sa sapilitang paggawa ng mga galyon?
Sa pamamagitan ng ________.
A. pagpapapugot ng kanyang ulo
B. pagpapatupad ng “divide and rule policy”
C. pagpapaslang sa kanya habang nasa labanan
D. pagpapatugis sa kanya sa mga sundalong Espanyol
4. Bakit tinutulan ng mga Espanyol na mapabilang sa Dominikanong Orden ang kapatirang
“Confradia de San Jose” na itinatag ni Apolinario dela Cruz o kilala sa pangalang Hermano
Pule?
A. Ito ang daan upang mabisto ng mga Pilipino ang maling turo ng mga prayle at hind na sila susundin
B. Hihigit ang kapangyarihan ng mga paring Pilipino kaysa sa mga paring Espanyol
C. Lalakas ang pwersang katutubo at magkaroon ng malawakang pag-aalsa
D. Lahat ng nabanggit
5. Alin ang HINDI nagpapatunay sa pahayag?
Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol ay itinuring na pinakamahabang rebelyon
sa panahon ng kolonyalismo at natapos ng 85 taon.
A. Nabuwag ang rebelyon sa dahilang matanda at mahihina na ang mga kasap kakulangan sa mga sandata at stratehiya sa pakikipaglaban.
B. May dalawampung gobernador-heneral na umupo sa puwesto ang hindi nagtagumpay na apulain ang rebelyon.
C. Nagapi ng mga Espanyol nang mas maaga ang pag-aalsa ng pangkat ni Dagohoy.
D. Matibay ang pagkakaisa ng mga kasapi ng Rebelyong Dagohoy.
6. Ano ang ipinapakahulugan ng ancestral domain?
A. Mga ari-arian ng mga katutubo at ibinenta sa mga Espanyol.
B. Lupang pagmamay-ari ng mga katutubo na kinamkam ng mga prayle.
C. Lupang pagmamay-ari ng mga Espanyol na ibinahagi sa mga katutubo.
D. Mga teritoryo, lupa, at kayamanan na likas na pagmamay-ari ng mga katutubo.
7. Ang mga pag-aalsang naganap ay bunsod ng mga kalabisan at hindi makatarungang
pamamahala ng mga Espanyol at nais maibalik ang kalayaan. Alin sa sumusunod na mga
aspekto nabibilang mga pag-aalsang ito?
A. politikal, ekonomiko, panrelihiyon
B. politikal, personal na dahilan, panrelihiyon
.
C. kalayaan, ekonomiko, personal na dahilan
D. personal na dahilan, panrelihiyon, Kalayaan
8. Ang sumusunod ay bunga ng pagtanggap ng mga katutubo sa kolonyalismong Espanyol
MALIBAN sa isa.
A. Nagkaroon ng mga pista at magarbong selebrasyon.
B. Nagkaroon ng pagbabago sa klase ng pananamit ng mga katutubo.
C. Takot at paghahangad ng kalayaan ang naghari sa puso ng mga katutubo.
D. Pinalitan ng mga katutubo ang kanilang mga pangalan hango sa mga salitang
Espanyol.
9. Isa sa mga pamaraan ng mga Espanyol upang magapi ang mga nag-aaklas laban sa kanila
ay ang pagbabayad ng mga mersenaryong katutubo tulad ni Miguel Vicos na pumatay kay
Diego Silang. Kung ikaw ay kasapi ng mga nag-aaklas noong panahon, ano ang gagawin
mo kung ikaw ay sinubukang bayaran ng mga Espanyol upang paslangin ang kapwa mo
katutubo?
A. Tatanggapin ko ang bayad ngunit sasabihin ko sa aking pinuno ang totoo upang makapaghanda sa dapat gawin.
B. Tatanggapin ko ang bayad ngunit hindi papaslangin ang kapareho kong Pilipino.
C. Tatanggihan ko ang bayad at sasabihin kong ayokong makilahok sa gulo.
D. Walang gagawin.
10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyun ang maiuugnay sa pahayag?
Ang pagtanggap ng bayad ng mga mersenaryong katutubo upang paslangin ang kanilang
pinuno sa hukbo, ay nagpapatunay ng kataksilan ng tao. Ang pagbayad naman ng mga
Espanyol sa mga mersenaryo ay nagpapakita ng pagsasamantala sa kahinaan ng tao.
A. Isang environmentalist ang pinalitan sa puwesto dahilan sa kanyang pagtutol upang
ipagpatuloy ang malawakang minahan na nakasisira sa kalikasan. Ito ay bunsod ng
mga negosyanteng ipinilit ang kanilang nais na magkaroon ng masaganang kita mula sa pagmimina.
B. Ang mga nakatalagang badyet taon-taon para sa mga libro para sa mga mag-aaral
ay hindi napupunta sa tamang paroroonan.
C. Ang isang nanirahan sa isang barangay ay hindi binigyan ng barangay certificate sapagkat siya ay hindi botante ng nasabing barangay. Kinailangan muna siyang maging botante dito upang siya ay makakakuha ng serbisyong naaakma dito.
D. Lahat ng nabanggit ay maiuugnay sa pahayag.
11. Kailan idineklara ang pormal na Kalayaan ng Pilipinas?
A. Hunyo 4, 1898
B. Hunyo 5, 1898
C. Hunyo 12, 1898
D. Hunyo 14, 1898
12. Siya ang bayaning simbolo ng kahirapan ngunit mapagmahal at tagapangalaga sa mga
naulilang kapatid.
A. Andres Bonifacio
B. Apolinario Mabini
C. Emilio Aguinaldo
D. Gregorio del Pilar
13. Ano ang ipinaglalaban ng mga nag-aaklas noong panahon ng kolonyalismo?
A. kabutihan ng mga Espanyol
B. kalabisan ng mga Espanyol
C. kalayaan ng mga Pilipino
D. karahasan ng mga Espanyol
14. Ang sumusunod ay mga kabutihang dulot ng mga pagtatanggol ng mga bayaning Pilipino
sa ating kalayaan MALIBAN sa isa.
A. Ipinasapuso nila sa mga katutubo na ang kanilang gawain ay para lamang sa
kanilang sariling kapakanan.
B. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang
pinakadakilang anyo ng pag-ibig.
C. Ikinintal nila sa isipan at damdamin ng mga Pilipino na ang pagkakaroon ng sariling
pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa
D. Sila ang naging inspirasyon upang tayo ay mangarap at gumawa ng mga hakbang
tungo sa repormang kailangan upang mapabuti ang bansa.
15. Naging hadlang ang kakulangan ng mga bayaning Pilipino sa kanilang pakikibaka upang
makamit ang kalayaan.
A. mali
B. pwede
C. tama
D. wala sa lahat
16. Ano ang ibig sabihin ng pahayag? Ang kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya tayong
gawain anuman ang iyong nanaisin.
A. Kailangang maging masigasig ang mga mag-aaral upang sila’y maging mabuting mamamayan.
B. Maging masipag at produktibong mamamayan upang magapi ang kahirapan.
C. Ito ay may kaakibat na responisibilidad bilang mamamayan.
D. Lahat ng nabanggit.
17. Sino ang maituturing na bayaning Pilipino?
A. Ang mga OFW, magsasaka at mangingisda, kahit nahihirapan, patuloy pa rin sila
sa kanilang hangaring makapagdulot ng magandang kinabukasan para sa pamilya.
B. Ang mga taong tumatangkalik sa mga lokal na produkto at may makatarungang aksiyon para sa ikabubuti ng bayan.
C. Ang mga taong may dalisay na pagmamahal sa bansa at malasakit sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.
18. Bilang isang mamamayan ng inyong lugar, alin sa sumusunod ang mabuting gawin?
A. Pagmasdan lamang ang isang babaeng binubugbog ng isang lalaki.
B. Huwag pasakayin ang matandang babae sa “taxi” na ipinapasada mo.
C. Pinagkaabalahan mong ihatid sa ospital ang isang ale na nahimatay sa daan.
D. Ipinagkibit-balikat mo lamang ang nakita mong lalaking nagnanakaw ng mga
paninda sa loob ng isang department store.
19. Bilang isang lider ng iyong nasasakupan, alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin?
A. Pahintulutang magtayo ng isang casino ang isang negosyante sa harap ng isang
unibersidad.
B. Magkaroon ng patas na pagbibigay ng hatol upang ang naapi ay mabibigyan ng katarungan.
C. Tumanggap ng bayad mula sa mga iligal na operasyon upang protektahan ang mga ito.
D. Tutulong lamang sa mga tao kapag malapit na ang eleksiyon.
20. Bilang mag-aaral, alin dito ang HINDI nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa mga
sakripisyo ng ating mga bayani sa kasaysayan ng ating bansa?
A. Magtutula at aawit sa isang palatuntunang ginanap dahil sa komemorasyon ng Araw
ni Andres Bonifacio.
B. Magsasaliksik tungkol sa mga sulat ni Jose Rizal at gawing patnubay sa araw-araw
na gawain ang mga gintong aral na ginawa niya para sa mga kabataan.
C. Huwag gawing basahan o isinusuot na damit ang watawat ng bansa.
D. Magtapon ng basura sa monumento ng “Dambana ng Kagitingan”.
21. Isinagawa ang sistemang ito upang madaling mapangasiwaan ang mga Pilipino at mapalaganap
ang kristiyanismo
A. eleksyon
B. importasyon
C. reduccion
D.relokasyon
22. Hawak nila ang kapangyarihang pampolitika, pang-ekonomiya, at panrelihiyon, na dati ay
nasa kamay ng mga Pilipino.
A.inquilino
B. maharlika
C.penisulares
D. principaIia
23. Ipinagbawal ng mga Espanyol ang paggamit ng __________sa pagsulat.
A. alpabeto
B.balarila
C. baybayin
D.wikang Espanyol
24. Sino ang namuno sa mga pamparokyang paaralan?
A. ama
B. ina
C. madre
D. prayle
25. Saan ibinatay ang kautusang papalitan ang mga apelyidong Pilipino sa Espanyol?
A. Claveria Decree 1849
B. De Veyra Decree 1846
C.Magellan’s Decree 1898
D. RA 7610
26. Isa sa mga asignaturang itinuro sa mga paaralang pambokasyonal
A. aritmetika
B.pagbasa
C.pag-iimprenta
D. relihiyon
27. Ang ilang galaw sa cariñosa, sayaw Santa Isabel, at iba pang sayaw ng pag-ibig at
pananampalataya sa mga santo ay hango sa_______________.
A. mazurka
B.rigodon
C.tinikling
D. waltz
28. Isa sa mga gawaing panrelihiyon na namana natin sa mga Espanyol na ipinagdiriwang
sa buwan ng Disyembre.
A. Araw ng mga Santo
B. Araw ng Pagkabuhay
C. Bagong Taon
D. Pasko
29. Bakit hindi tinuruan ang mga Pilipino sa wikang Espanyol?
A. Marunong na ang mga katutubo.
B. Upang manatiling mangmang ang mga ito
C. Mas gusto ng mga Pilipino ang wikang Latin.
D. Mga lahing Espanyol lamang ang dapat matututo sa wika.
30. Paano natin maiangat ang ating kasalukuyang antas ng pamumuhay?
A. mamalimos sa kalsada
B. magtatrabaho na walang pahinga
C. makontento na lang kung anong buhay mayroon ngayon
D. magsumikap mag-aral, magtatrabaho, at pagbubutihin ang lahat ng mga Gawain
31. Sapilitang inilipat ang mga Pilipino sa kabayanan. Binago ng mga Espanyol ang
kanilang ___________.
A. edukasyon
B. pananahanan
C. panlipunan
D. sining
32. Ang pangkat ng mga manggagawang Pilipino.
A. karaniwang tao
B. inquilino
C. insulares
D. principalia
33. Alin ang ang patunay na ang mga Pilipino ay mababa ang katayuan kaysa mga
Espanyol?
A. Inilipat sila sa kabayanan.
B. Sunud-sunuran sila sa mga militar;
C. Nagmamay-ari sila ng mga lupain;
D. Wala sa kanilang kamay ang renda ng panunungkulan.
34. Sino ang unang guro ng mga bata sa tahanan?
A. ama
B. ina
C. madre
D. prayle
35. Ilang apelyidong Espanyol ang pinagpipiliang pamalit sa apelyidong Pilipino?
A. 3000
B. 4000
C. 5000
D.61,000
36. Alin sa mga kasanayan ang itinuro sa mga kababaihan upang sila’y maihanda sa
pangangasiwa ng pamilya?
A. aritmetika
B. pagtotroso
C. pagluluto at pananahi
D. musika at sining
37. Bakit HINDI tinuruan ang mga Pilipino ng wikang Espanyol?
A. Mahirap aralin ang wikang Espanyol.
B. Maraming pinagkakaabalahan ang mga Espanyol.
C. Upang mananatiling mangmang ang mga Pilipino.
D. Mga lahing Espanyol lamang ang dapat matututo sa wika.
38. Aling aspektong pang kultura ang pagsasagawa ng aktuwal na pabasa nobena at
Sinulog Mardigras sa Cebu City na kasalukuyang ipinagpaliban dahil sa pandemya.?
A. antas ng tao sa lipunan
B. edukasyon
C. pananahanan
D. relihiyon
39. Paano natin mapapahalagahan ang mga magagandang impluwensya ng mga
Espanyol?
A. i-post sa social media
B. kalimutan ang mga ito
C. ituturo sa mga kabataan
D. babasahin ang mga ito nang paulit-ulit
40. Paano natin maiangat ang ating kasalukuyang antas ng pamumuhay?
A. mamalimos sa kalsada
B. magtatrabaho na walang pahinga
C. makontento na lang kung anong klaseng buhay mayroon ngayon
D. magsumikap mag-aral, magtatrabaho, at pagbubutihin ang lahat ng mga Gawain
41. Sino ang Hari ng Espanya na sapilitang pinatalsik ng mga French?
A. Ferdinand VII
B. Ferdinand VIII
C. Joseph Bonaparte
D. Napoleon Bonaparte
42. Anong bansa ang sumakop sa Espanya?
A. America
B. England
C. France
D. Philippines
43. Kailan sinakop ang bansang Espanya?
A. 1800
B. 1808
C. 181 5
D. 1820
44. Siya ang namuno sa pagsakop ng bansang Espanya?
A. Ferdinand VII
B. Napoleon Bonaparte
C. Philip II
D. Ventura de los Reyes
45. Ang _____________ ay maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng
katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay.
A. Cadiz Constitution
B. Kalakalang Galyon
C. La Ilustracion
D. Merkantilismo
46. Ito ay nilikha bunga sa hangarin ng Espanya na wakasan ang mga pang-abusong
dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa.
A. Cadiz Constitution
B. Kalakalang Galyon
C. La Ilustracion
D. Merkantilismo
47. Ayon sa ___________, ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang
dami ng mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak na pagmamay-ari nito.
A. Cadiz Constitution
B. Kalakalang Galyon
C. La Ilustracion
D. Merkantilismo
48. Ang mga sumusunod ay ang mga salik sa paghina at tuluyang pagtatapos ng
kalakalang galyon MALIBAN sa isa?
A. Deklarasyon ng Cadiz Constitution
B. Okupasyong British ng Maynila (1762-1764)
C. Pagkakatuklas ng bagong rutang pangkalakalan
D. Pagsakop ng bansang France sa bansang Espanya
49. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging epekto ng La Ilustracion at Cadiz
Constitution sa Pilipinas?
A. Nagkasundo ang mga Pilipino at mga Espanyol.
B. Lumaganap at dumami ang tumangkilik sa Kristiyanismo.
C. Napukaw ang kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino.
D. Naging maunlad at matiwasay ang pamumuhay ng mga Pilipino.
50. Bakit HINDI nagtagumpay ang pagpapatupad ng Cadiz Constitution dito sa Pilipinas?
Ito ay dahil _____________.
A. ayaw ng mga Pilipino na ipatupad ito
B. walang tiwala ang mga Espanyol sa mga Pilipino
C. kumalat ang pag-aalsa ng mga katutubo sa iba’t-ibang bayan ng Ilocos
D. hindi kakayaning masuportahan ng kolonya ang pangangailangan ng Pamahalaang
Espanyol sa Pilipinas kung ititigil ang pangongolekta ng buwis
