WorksheetsPagtamo ng Kasarinlan ng Pilipinas
Total questions: 72
Worksheet time: 2hrs 16mins
Gaya ng mga karatig-bansa sa Asya na naging kolonya, dumanas din ng paghihirap ang mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol, Amerikano at Hapon.
Ilan sa mga paniniil na naranasan sa bansa ay ang sapilitang paggawa, sistemang encomienda at labis na pagbubuwis.
Nakaranas din ang mga Pilipino ng paniniil pagdating sa relihiyon kung saan ay mahigpit na ipinagbawal ng mga prayle ang pagsasagawa ng mga nakagawiang ritwal ng mga Pilipino.
Ito ang naging dahilan ng paglulunsad ng kabi-kabilang himagsikan at rebelyon sa iba ibang panig ng Pilipinas.
Sa panahon ng himagsikan ay buong tapang na nilabanan ng mga Pilipino ang mga Espanyol sa kabila ng kakulangan sa mga kagamitang pandigma.
Ang maalab na damdamin para makamit ang kalayaan ay lalo pang pinasiklab ng mga akdang mapagmulat na siya ding naging dahilan kung bakit mula sa maliliit na himagsikan ay naganap ang rebolusyo ng 1896.
Hunyo 12,1898 nang idineklara ni Hen. Emillo Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas.
Sa kabila ng pagpupunyagi at tagumpay ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol ay nanatili pa rin ang Pilipinas bilang isang kolonya at sa pagkakataong ito ay sa ilalim naman ng pamumuno ng mga Amerikano.
Enero 23,1899 ay naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas kung saan si Emilio Aguinaldo ang idineklarang pangulo ng bansa.
Pebrero 4,1899 nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano kung saan ay pormal nang nagsimula ang pakikibaka ng mga Pilipino para makamit ang kalayaan.
Marso 23,1901 nang madakip si Hen. Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
Marso 23,1901 nang madakip si Hen. Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
Taong 1934, sa bisa ng Batas Tydings-McDuffie ay naitatag ang Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas kung saan si Pang. Manuel L. Quezon ang nagsilbing pangulo.
Sa panahong ito ay lubhang nasira ang Maynila dahil sa kabi kabilang pambobomba. Marami ang nasirang estruktura at maraming Pilipino ang nasawi.
Sa ilalim ng pamumuno ng mga Hapon ay naitatag ang Pamahalaang Puppet na pinamunuan ni Pang. Jose P. Laurel.
Dahil sa pagmamalupit ng mga Hapon, ang mga Pilipino ay naglunsad ng kilusang gerilya na siyang lumaban sa pagmamalupit ng mga sundalong Hapon.
Ang pangkat na HUKBALAHAP o Hukbong Bayan Laban sa Hapon ay nabuo sa pagsasama sama ng mga kalalakihang Pilipino na naglalayong itaguyod ang kalayaan ng bansa.
Sa pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1944 ay muling naibalik ang Pamahalaang Komonwelt na noon ay pinamunuan ni Pang. Sergio Osmeña dahil sa pagkamatay ng Pang. Quezon.
Sa pag-alis ng mga Hapon ay pormal na ibinigay ng Amerika sa Pilipinas ang kasarinlan noong Hulyo 4,1945.
Tulad ng Pilipinas ang Burma ay dumanas din ng mga paghihirap sa kamay ng mga mananakop na Ingles at Hapon. Subalit ang pinakamahirap nilang pinagdaanan ay ang mga kaguluhang mula mismo sa ibab ibang pangkat ng kanilang nasasakupan.
Ang Burma ay kilala bilang isang mayamang nasyon na may maunlad na kalakalan at mayabong na kulturang Budismo.
Nagsimula ang unti-unting pananakop ng mga Ingles sa Burma matapos ang Unang Digmaang Anglo-Burmese kung saan sinubukan ni Heneral Maha Bandula ng Burma na kunin mula sa British India ang dating mga teritoryo ng nito.
Unti-unting natalo ang puwersang Burmese ng mga Ingles na kalaunan ay nakita ang Burma na isang magandang teritoryo na maaring daanan ng mayabong na kalakalan sa Tsina.
Matapos ang Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese ay ginawang probinsiya ng British India ang Burma. 1937 lamang nang muli itong ihiwalay sa India at gawing kolonyang bansa na ang lehislatura ay nasa ilalim ng pamamahala ng Britanya.
Ano ang nangyari sa Burma sa pagpasok ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Sinalakay ng mga Hapon
Naging malaya ang Burma
Naging bahagi ng Britanya
Naging bahagi ng AFPFL
Ano ang layunin ng Anti-Fascist People’s Freedom League (AFPFL)?
Patalsikin ang mga Hapon
Magtayo ng bagong gobyerno
Makipagkasundo sa Britanya
Magbigay ng tulong sa mga mamamayan
Ano ang nangyari kay Aung San noong Hulyo 19, 1947?
Siya ay pinatay
Siya ay naging lider
Siya ay nakulong
Siya ay umalis ng bansa
Kailan nakamit ng Burma ang kalayaan?
Enero 4, 1948
Hulyo 19, 1947
1945
1962
Ano ang naging epekto ng pagkamatay ni Aung San sa Burma?
Nagpatuloy ang kaguluhan
Naging tahimik ang bansa
Naging mas maayos ang pamahalaan
Naging mas malaya ang mga tao
Ano ang naging hudyat ng pag-igting ng away sa pagitan ng mga pangkat etniko sa Burma?
Pagtatapos ng kolonisasyon
Pagpasok ng komunismo
Pagkamatay ni Aung San
Pagkakaroon ng bagong gobyerno
Ano ang naging dahilan ng pag-usbong ng iba't ibang uri ng sigalot sa Burma?
Maraming magkakaibang lahi at pangkat etniko
Kakulangan sa pagkain
Pagsasara ng mga paaralan
Pagkakaroon ng mga banyagang mananakop
Ano ang nangyari sa sistemang politikal ng Burma noong 1962?
Napasailalim ito sa Pamahalaang Militar
Naging demokratiko ang pamahalaan
Nawala ang mga lider
Naging mas masaya ang mga tao
Ano ang isa sa mga hamong kinakaharap ng Burma ngayon?
Patuloy na digmaang sibil
Pagkakaroon ng kapayapaan
Pag-unlad ng ekonomiya
Pagsasara ng mga paaralan
Ano ang naging epekto ng pagpasok ng mga Olandes sa Indonesia?
Matinding pahirap at pagdurusa
Pag-unlad ng ekonomiya
Pagkakaroon ng kapayapaan
Pagbaba ng populasyon
Ano ang pangunahing layunin ng Budi Utomo?
Palayain ang Indonesia sa kamay ng mga Olandes
Isulong ang kultura at literaturang Javanese
Magbigay ng edukasyon sa mga mamamayan
Labanan ang mga Hapones
Ano ang nangyari sa popularidad ng Budi Utomo noong 1910?
Tumaas ang popularidad
Nawala ang popularidad
Nanatiling pareho
Naging mas aktibo
Ano ang layunin ng Kilusang Sarekat Islam?
Itaguyod ang aral at pagpapahalagang Islam
Labanan ang mga Olandes
Magbigay ng trabaho sa mga kasapi
Palakasin ang ekonomiya ng Indonesia
Ilang milyon ang naging kasapi ng Sarekat Islam bago natapos ang 1919?
1 milyon
2 ½ milyon
3 milyon
5 milyon
Ano ang nangyari sa Partai Komunis Indonesia noong 1924?
Naitatag ito
Nawala ang popularidad
Naging kilala ito
Nagsimula ang digmaan
Ano ang ginawa ng mga Hapones sa mga nasyonalista sa Indonesia?
Sinuportahan ang kilusang nasyonalismo
Naging kaalyado
Nanghimasok sa mga lokal na pamahalaan
Nagsimula ng digmaan
Ano ang ipinroklama nina Sukarno at Mohammad Hatta noong Agosto 17, 1945?
Kalayaan ng Indonesia
Pagkakatatag ng Budi Utomo
Pagdating ng mga Hapones
Pagsuko ng mga Olandes
Ano ang tinawag sa yugtong ito na panahon ng Bersiap?
Maging handa
Pagsuko
Pakikibaka
Pagkakaisa
Ano ang tinatayang bilang ng namatay sa panahon ng BERSIAP?
3,500 - 20,000 Olandes
655 British-Indian
402 Sundalong Hapon
30,000 - 100,000 Kabataang Indonesian
Ano ang nangyari noong Disyembre 27, 1949?
Nalikha ang United Nations Commission on Indonesia (UNCI)
Naitatag ang Republika ng Indonesia
Nagsimula ang BERSIAP
Nagsimula ang pananakop ng mga Hapon
Sino ang nagtatag ng Indochinese Communist Party noong 1930?
Ho Chi Minh
Mao Zedong
Sun Yat-sen
Chiang Kai-shek
Ano ang naging dahilan ng pagnanais ng mga Vietnamese na makamit ang kalayaan?
Ano ang pangalan ng gerilyang pangkat na binuo ni Ho Chi Minh noong 1942?
Viet Minh
Viet Cong
Indochinese Communist Party
League of Independence for Viet Nam
Kinilala ang pangkat na ito bilang isa sa mga pinakamatatag na komunistang pangkat na nabuo sa Timog silangang Asya.
Sa pagkatalo ng mga Hapones sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay lalong lumakas ang kapangyarihan ng mga Viet Minh at naitatag ang Democratic Republic of Viet Nam noong 1945.
Matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ninais ng mga Pranses na muling makuha ang Vietnam kaya noong 1946 ay muli silang nagbalik upang pabagsakin ang Viet Minh.
Ito ang naging hudyat ng pagsisismula ng Unang Digmaang Indotsina.
Tumagal ang labanan hanggang 1954 kung saan ay ginamit ng mga Viet Minh ang taktikang Hit & Run bilang pantapat sa malakas na hukbo ng Pransiya.
Matapos ang walong taong labanan ay sumuko ang Pransiya.
Nahati ang Vietnam dahil sa pagkakaroon ng magkaibang ideolohiya.
Ang 17th Parallel Line of Demarcation ang nagsilbing hangganan ng dalawang bansa.
Ang hilagang Vietnam ay tinawag na… sa pamumuno ni…
Democratic Republic of Vietnam
Republic of Vietnam
Nagpatuloy ang laban para sa muling pag-iisa ng Vietnam.
Itinaguyod ang pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki.
Dahil sa mga nagaganap sa pamahalaan ay maraming Timog Vietnamese ang umanib sa komunismo.
Sila ay tinawag na Viet Cong na taga suporta ng Hilagang Vietnam.
Ang mga Viet Cong ang mga gerilyang naglayong pabagsakin ang pamunuan ni Ngo Dinh Diem.
Nabahala ang Amerika sa paglawak ng impluwensiya ng komunismo sa Timog Vietnam kaya nagpadala ito ng mga sundalo.
Nobyembre 1,1963 – Nagkaroon ng kudeta at napatay si Ngo Dinh Diem.
Ano ang nangyari noong 1963 sa Timog Vietnam?
Kudeta
Pagsuko
Pagkakaisa
Digmaan
Ano ang nangyari noong Agosto 4, 1964?
Tonkin Gulf Incident
Kudeta
Pagsuko
Digmaan
Ano ang Operation Rolling Thunder?
Taktikang militar
Pagkain
Kudeta
Pagsuko
Ano ang ginawa ng mga Vietnamese upang maiwasan ang mga bomba?
Gumawa ng tunnel
Sumuko
Kumilos
Digmaan
Ano ang Operation Ranch Hand?
Pagpapasabog ng kemikal
Pagkain
Kudeta
Pagsuko
Ano ang nangyari noong 1968 sa Vietnam?
Tet Offensive
Kudeta
Pagsuko
Digmaan
Ano ang Vietnamization?
Pagpapauwi ng sundalo
Kudeta
Pagsuko
Digmaan
Ano ang nangyari noong 1975 sa Timog Vietnam?
Masakop ng Hilagang Vietnam
Kudeta
Pagsuko
Digmaan
Ano ang tawag sa pinag-isang bansa ng Vietnam?
Socialist Republic of Vietnam
Kudeta
Pagsuko
Digmaan
