WorksheetsPanahon ng Kastila
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Isang dayuhang Portuguese na itinuturing na nakadiskubre sa Pilipinas
Ferdinand Magellan
Gaspar Aquino de Belen
Modesto de Castro
Narciso Claveria
Kauna-unahang Kastila na naging gobernador heneral at nagpangalan sa ating bansa ng “Las Islas Filipinas” bilang pagkilala kay Haring Felipe II ng Espanya
Ferdinand Magellan
Miguel Lopez de Legazpi
Guido de Lavezaris
Narciso Claveria
Gobernador heneral na nag-apruba ng batas na nag-uutos sa ating mga ninuno na gamitin ang apelyidong Kastila noong 1849
Francisco de Sande
Gaspar dela Torre
Miguel Lopez de Legazpi
Narciso Claveria
Kauna-unahang aklat na nailathala sa Pilipinas noong 1593
Ibong Adarna
Mahal na Pasyon
Doctrina Christiana
Urbana at Feliza
Relihiyong ipinalaganap ng mga Kastila sa Pilipinas
Budismo
Islam
Kristiyanismo
Paganismo
Sistema ng alpabetong Kastila na ipinalit sa Baybayin
Abecedario
Alibata
Filipino
Ingles
Pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas na naitatag noong 1611
Colegio de San Jose
Colegio de San Juan de Letran
Unibersidad ng Pilipinas
Unibersidad ng Santo Tomas
Mahabang tulang pasasalaysay tungkol sa buhay, pagpapakasakit at kamatayan ni Hesu-Kristo na inaawit tuwing mahal na araw
Awit
Epiko
Korido
Pasyon
Tawag sa taimtim na pakikipag-ugnayan sa Panginoon
pag-aayuno
pagdarasal
pagpapasyon
pagpepenitensya
Kauna-unahang pahayagan na nailathala sa Pilipinas noong 1811
Del Superior Gobierno
Kalayaan
La Solidaridad
Manila Bulletin
Dulang pantanghalan tungkol sa paglalaban ng mga Muslim at Kristiyano
Duplo
Karagatan
Moro-moro
Senakulo
Mahabang tulang pasalaysay tungkol sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga tauhang mula sa dugong bughaw tulad ng mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa at itinuturing na tulang panrelihiyon
awit
epiko
korido
pasyon
Tawag sa pagdiriwang kaugnay sa paggunita sa kadakilaan ng isang santo
ati-atihan
pasko
pista
sinulog
Mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng tauhang may kakayahang supernatural na inaawit ng ating mga ninuno at lumaganap bago pa dumating ang mga Kastila
awit
epiko
korido
pasyon
Dulang nagtatanghal ng buhay, paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo na ginaganap tuwing mahal na araw
Moro-moro
Moriones
Panuluyan
Senakulo
May-akda ng Urbana at Feliza
Francisco Baltazar
Gaspar Aquino De Belen
Mariano Pilapil
Modesto de Castro
Tawag sa sapilitang paggawa ng mga Pilipino sa Panahon ng mga Kastila
Colonización
Expedición
Polo y Servicio
Reformación
Akdang nailathala sa panahon ng Kastila tungkol sa pagsusulatan ng magkapatid na ang layunin ay magturo ng mga dapat ugaliin ng isang mabuting tao sa iba’t ibang pagkakataon
Florante at Laura
Ibong Adarna
Ningning at Liwanag
Urbana at Feliza
Tumutukoy sa makatotohanang ulat ng mahahalagang pangyayari na maaaring naganap na, kasalukuyan o magaganap pa lamang na may malaking kaugnayan at interes ng publiko
balita
editoryal
lathalain
sanaysay
Mga katangian ng balita maliban sa isa
makatotohanan ang mga detalye
pantay at walang kinikilingan
may detalyeng walang labis at kulang
maligoy at mahaba ang pagsasalaysay
Babasahing naglalaman ng mga ulat ng mahahalagang pangyayari at napapanahong isyu
aklat
komiks
magasin
pahayagan
Pahina ng pahayagan na naglalaman ng pamagat, petsa, ulo ng mga balita at pangunahin at mahahalagang balita
pangulong tudling
balitang pandaigdig
pangmukhang pahina
balitang pampalakasan
Tinatawag din itong pangulong tudling
balita
editoryal
lathalain
obitwaryo
Naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga taong namatay na
obitwaryo
panlibangan
editoryal
anunsyo klasipikado
Alin ang hindi makikita sa pahina ng panlibangan?
balitang showbiz
crossword puzzle
editorial cartoon
horoscope
Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong Marso 16, 1521 sa pangunguna ni Ferdinand Magellan. Ang may salungguhit ay tumutukoy sa__________.
mananakop mula sa Espanya
pangunahing wika Espanya
negosyante mula sa Espanya
magagandang lugar sa Espanya
Ang mga panitikan sa panahong ito ay may diwang Kristiyanismo. Ang may salungguhit at nangangahulugang __________.
pananampalataya kay Kristo
paniniwala kay Buddha
pananalig kay Allah
lahat nang nabanggit
Inilathala ang mga akda upang matalastas ng mga katutubo ang tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Ang HINDI kabilang sa kahulugan ng salitang may salungguhit ay__________.
mabatid
malaman
matuuhan
mailarawan
Itinuro na sa mga bata ang disiplina at tamang pagkilos upang maiwasan ang pananampalasan. Ang kabaligtaran ng salitang may salungguhit ay_________.
pagiging disiplinado
kawalan ng paggalang
pagwawalang-bahala
pagmamalabis sa kapwa
Huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayong maningning. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay __________.
nagkukunwari
naghahanap
naghahangad
nagpaplano
Sa mga panahong itong itinira ko sa siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na ipagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinaysay ko sa iyo. (mula sa Urbana at Feliza, ni Modesto de Castro)
Nais ng mga magulang na matuto ang kanilang mga anak.
Mataas ang pagpapahalaga ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Ibig ng mga magulang na maging disiplinado ang kanilang mga anak.
Gusto ng mga nagulang na manirahan sa siyudad ang kanilang mga anak.
..ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid. pagbilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan. (mula sa Urbana at Feliza, ni Modesto de Castro)
Iwasan ni Honesto ang pumasok sa simbahan kapag may batang nag-uumpukan
Huwag pansinin ni Honesto ang kanyang mga kaibigan kapag nasa simbahan.
Huwag makisali si Honesto sa mga batang nagtatawanan loob ng simbahan.
Iwasan ni Honesto ang katulad niyang mga bata pag nasa simbahan.
Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. (mula sa Ningning at Liwanag, ni Emilio Jacinto)
Huwag mangarap ng mataas upang hindi mabigo sa buhay.
Hangarin natin ang katanyagan, kapangyarihan at kayamanan.
Higit na bigyang-halaga ang katotohanan kaysa kapangyarihan.
Hanapin natin ang katotohanan at huwag matukso sa katanyagan.
Ang ningning ay nakasisilaw sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. (mula sa Ningning at Liwanag, ni Emilio Jacinto)
Nakasisira ng mata ang ningning, habang ang liwanag ay nakatutulong upang makakita nang malinaw.
Ang ningning at liwanag ay kailangan ng mga para makakita ng maraming bagay.
Kapag malinaw ang mga mata, hindi nasisilaw sa ningning at liwanag.
Parehong kailangan ng ating mga mata ang ningning at liwanag.
Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. (mula sa Ningning at Liwanag, ni Emilio Jacinto)
Maraming tao ang sumasamba sa mga hindi nakikita.
Mas pinipili ng tao ang kapangyarihan, kayamanan at katanyagan kaysa katotohanan.
Ang kapangyarihan, kayamanan at katanyagan ay kailangan upang makita ang katotohanan.
Malalim ang pananampalataya ng taong nakakakita ng kaningningan kaysa kaliwanagan.
