WorksheetsMga Tanong Tungkol sa Kabutihang Panlahat
Total questions: 19
Worksheet time: 19mins
Alin ang nagpapakita ng tamang kabutihang panlahat sa tahanan at pamilya?
Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali.
Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan.
Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang.
Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol.
Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at katarungan para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman?
Simbahan
Pamahalaan
Paaralan
Komunidad
Alin ang HINDI kabilang sa mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.
Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
Paggalang
Pagbibigayan
Panghuhusga
Pakikipagkapwa-tao
Sino ang nagwika ng katagang ito: “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang nagawa mo para sa iyong bansa.”?
St. Thomas Aquina
John F. Kennedy
Aristotle
Bill Clinton
Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?
Kapayapaan
Kabutihang Panlahat
Katiwasayan
Kasaganaan
Alin ang HINDI mabuting katangian ng makatarungang lipunan?
Ang mga mamamayan lamang ang may mainam na buhay.
Ang mga tao ay nakikilahok sa mga panlipunang gawain.
Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao.
Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
Ano ang maaaring maging impluwensiya ng pamilya sa lipunan?
Pagpapalaganap ng kulturang pamilya
Pagtulong sa mga nangangailangan sa komunidad
Ano ang maaaring maging impluwensiya ng pamilya sa lipunan?
Pagpapalaganap ng kulturang pamilya
Pagtulong sa mga nangangailangan sa komunidad
Pagpapalaganap ng mga tradisyon at paniniwala
Lahat ng nabanggit
Paano nakakaapekto ang impluwensiya ng pamilya sa lipunan?
Nagbibigay ng magandang halimbawa sa ibang pamilya
Nakakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan
Nagpapalaganap ng pagkakaisa at pagtutulungan sa komunidad
Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang HINDI nararapat na gawin ng mga indibidwal para makatulong sa pagbabago ng negatibong impluwensiya ng pamilya sa lipunan?
Maging huwaran at magpakita ng positibong halimbawa
Magsalita at ipahayag ang mga saloobin at paniniwala sa komunidad
Magsagawa ng mga aktibidad na nagpapalaganap ng kabutihang panlahat
Magkaroon ng sariling pamumuhay at hindi pakikilahok sa anumang gawain sa purok
Ano ang mga tungkulin ng bawat isa sa atin para sa ikauunlad ng lipunan?
Pagsunod sa mga batas at regulasyon
Pagiging walang pakialam sa kapakanan ng iba
Pag-aaral ng mga akademikong asignatura lamang
Pagtulong sa mga nangangailangan sa pamayanan
Ano ang maaaring gawin upang makatulong sa iyong pamayanan?
Pagtapon ng basura sa kalye
Pagtulong sa mga proyekto ng barangay
Pag-aaway at pagtatalo sa mga kapitbahay
Pagiging walang pakialam sa mga isyu ng pamayanan
Alin sa mga elemento ng kabutihang panlahat ang nangangahulugang pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat ng tao anuman ang kanilang katayuan sa buhay?
Pagkakaisa
Pagtutulungan
Pagkakapantay-pantay
Kapayapaan at kaayusan
Alin sa sumusunod ang binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar?
Komunidad
Kolektibo
Lipunan
Pamayanan
Alin sa sumusunod ang kahulugan ng “Kabutihang panlahat”?
Ang kabutihan ng komunidad ay nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
Nagdudulot ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga oras ng pangangailangan
Nagbibigay-daan sa mas maayos at mapayapang pamumuhay
Nagpapahalaga sa mga tradisyon at kultura
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa elemento ng kabutihang panlahat?
Kapayapaan
Karaniwang interes
Katarungang panlipunan
Pansariling paghahangad
