WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan 7
Total questions: 34
Worksheet time: 17mins
Ano ang pangunahing layunin ng nasyonalismo?
Pagpapayaman ng iisang indibidwal
Pagkakaroon ng mga dayuhang pamumuhunan
Pagtatanggol at pagpapaunlad ng sariling bansa
Pagbabayad ng utang sa ibang bansa
Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang pagiging malaya ng isang bansa mula sa banyagang kontrol?
Nasyonalismo
Kasarinlan
Globalisasyon
Pagkabansa
Ano ang isang halimbawa ng nasyonalismo?
Pagsuporta sa mga dayuhang produkto
Pagdiriwang ng pambansang araw ng kalayaan
Pagbigay ng trabaho sa mga banyagang mamumuhunan
Pagpapakalat ng banyagang kultura
Ano ang tinutukoy na kasarinlan?
Pagkakaroon ng sariling pamahalaan
Kapayapaan ng isang bansa
Pakikilahok sa eleksyon
Pagtuturo ng mga tradisyon
Ano ang tawag sa pagkakaisa ng mga mamamayan sa ilalim ng isang tiyak na estado o bansa?
Nasyonalismo
Pagkabansa
Kasarinlan
Kalayaan
Anong bansa ang nagdeklarang kasarinlan noong 1948 at naging kauna-unahang bansa sa Timog-Silangang Asya na umalis sa kolonyal na pamahalaan ng Britanya?
Pilipinas
Indonesia
Myanmar
Vietnam
Anong taon nakamit ng Pilipinas ang kasarinlan mula sa mga Amerikano?
1945
1946
1947
1948
Kailan binitay ang GOMBURZA?
17 Nobyembre 1869
20 Enero 1870
17 Pebrero 1872
19 Setyembre 1869
Sino ang kinilala bilang 'Father of the Nation,' 'Father of Independence,' at 'Father of the Tatmadaw' o Hukbong Sandatahan ng Myanmar?
Saya San
Aung San
Jose Rizal
Ho Chi Minh
Kailan opisyal na nakamit ng Myanmar ang kasarinlan mula sa Britanya?
Agosto 15, 1947
Abril 25, 1948
Enero 4, 1948
Mayo 4, 1948
Bakit dapat kabisado ng isang Pilipino ang pambansang awit at panunumpa sa watawat?
Ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Makatutulong ito upang tumatak sa puso’t isipan ng mga Pilipino ang kagitingan at kabayanihan ng ating mga bayani.
Ang panunumpa sa watawat ay magsisilbing pangako ng isang Pilipino para sa bansa at magpapaalala na maging maka-Diyos, makakalikasan at makatao.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo?
Pagtangkilik ng sariling produkto
Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa
Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
Ano ang pangunahing papel ng nasyonalismo sa panahon ng imperyalismong Kanluranin sa Asya?
Nagbigay daan ito sa patuloy na pagtanggap ng banyagang impluwensiya
Nagbigay ng inspirasyon sa mga Asyano upang labanan ang banyagang sakupin.
Nagdulot ito ng pagkasira sa mga tradisyon at kultura ng mga Asyano
Mamuhay sa takot ang mga Asyano
Ano ang masasabing epekto ng paglaganap ng mga dayuhang produkto sa damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?
Pagsusulong ng lokal na industriya at produkto
Pagpapaunlad ng pambansang pagkakakilanlan
Pagkawala ng interes sa mga lokal na produkto
Pag-angat ng ekonomiya ng bansa
Ano ang pinakamabisang paraan para maipakita ang pagmamahal sa bayan at makamit ang paglaya sa panahon ng pananakop?
Pakikipag-ugnayan sa mga nananakop para sa mga benepisyo
Pagpapalaganap ng edukasyon at pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa kasaysayan at cultura ng bansa
Pagsali sa mga rally
Huwag magtrabaho sa ibang bansa
Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikang 1896?
Hindi malinaw ang layunin nito
Kaunti ang bilang ng mga mamamayang Pilipino noon
Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino
Wala itong mahusay na pinuno
Ano ang pangunahing layunin ng Aung San-Attlee Agreement na nilagdaan noong 1947?
Upang paunlarin ang ekonomiya ng Myanmar
Upang ipaglaban ang kalayaan ng Myanmar mula sa pamahalaang Britanya
Upang makipagtulungan sa Britanya sa larangan ng edukasyon
Upang pagtibayin ang ugnayang diplomatiko sa ibang bansa
Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Java?
Pagkakaroon ng maraming turista
Pag-usbong ng edukasyon at kamalayan
Pagdami ng mga negosyo
Pagkakaroon ng mga modernong teknolohiya
Ano ang layunin ng Viet Nam Quoc Dan Dang (VNQDD)?
Pagtatatag ng pamahalaang komunista
Pagbibigay ng karapatang sibil sa mga Vietnamese
Pagsasama ng mga Vietnamese sa modernisasyon ng ekonomiya
Pagtatatag ng pamahalaang republican democratic na hindi napanghihimasukan ng mga dayuhan
Ano ang pangunahing pakahulugan ng cronyism sa konteksto ng pamahalaan?
Pagkakaloob ng pabor sa mga mamamayan na hindi konektado sa mga politiko
Pagpili ng mga kandidato batay sa kanilang kakayahan at kwalipikasyon
Pagkakaloob ng pabor ng isang politiko o kawani ng pamahalaan sa isang kaibigan o kasamahan
Pagsuporta ng mga politiko sa mga programang pangkaunlaran ng bansa
Alin sa mga sumusunod ang pinaka-maimpluwensyang epekto ng dinastiyang politikal sa isang bansa?
Pagpapalawak ng demokrasya
Pagkontrol sa kapangyarihan
Pagsusulong ng mga reporma
Pagtaas ng kompetisyon
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamainam na naglalarawan ng konsepto ng demokratikong elitismo sa Pilipinas?
Ang lahat ng mamamayan ay may pantay-pantay na boses sa pamahalaan, anuman ang kanilang estado sa buhay.
Ang mga mayayaman at edukadong tao lamang ang may tunay na impluwensiya sa mga desisyon ng pamahalaan, kahit na sumusunod sa mga demokratikong proseso.
Ang mga demokratikong proseso ay lubos na epektibo.
Ang mga mahihirap at hindi nakapag-aral ay naging pangunahing tagapagpaganap sa mga desisyon ng pamahalaan.
Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa paglaban sa korupsiyon?
Mag-aral nang mabuti at ipakita ang magandang asal sa paaralan
Maging tahimik at hindi makialam sa mga usaping pang-korapsiyon
Magsagawa ng mga kampanya sa paaralan upang itaas ang kamalayan tungkol sa korupsiyon at mga masamang epekto nito
Wala sa nabanggit.
Ano ang pangunahing benepisyo ng transparency sa pamahalaan?
Nagpapalakas ito ng kontrol ng mga politiko sa kanilang mga nasasakupan.
Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga tao na malaman ang mga transaksiyon at desisyon ng pamahalaan, na nagiging sanhi ng pagtitiwala ng mamamayan.
Nagiging dahilan ito ng pagtaas ng mga buwis sa mamamayan.
Pinapababa nito ang antas ng responsibilidad ng mga opisyales ng gobyerno.
Ano ang pangunahing epekto ng deklarasyon ng batas militar sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos?
Pag-unlad ng ekonomiya at pagtaas ng pamumuhay ng mga mamamayan
Pagtaas ng mga karapatang pantao na protektado ng gobyerno
Pagsugpo sa mga oposisyon at paglabag sa mga karapatang pantao, na nagdulot ng takot at kawalan ng kalayaan sa mga mamamayan
Pagbawas ng buwis
Ano ang nangingibabaw na epekto ng pagkawala ng mga karapatang sibil at politikal sa mga mamamayan?
Nagbigay-daan sa pagtanggap ng mga karangalan at mga proyekto mula sa iba pang bansa
Nagdulot ng pagtaas ng antas ng mga mamamayan na nakikinig sa mga gobyerno
Nagbigay-kahulugan sa pagtanggap ng mga karapatang pampulitika
nagdulot ng paghina sa mga mamamayan at nagtataas ng antas ng paghihirap sa kanila
Ano ang pangunahing epekto ng nepotismo sa pamahalaan at lipunan?
Pinapalakas nito ang kakayahan ng mga bagong negosyante
Nagdudulot ito ng kawalan ng pantay na oportunidad para sa mga karapat-dapat na indibidwal at maaaring makasira sa tiwala ng publiko sa mga institusyon
Nagiging dahilan ito ng pagtaas ng kita ng pamahalaan
Pinapabilis nito ang proseso ng mga proyekto ng gobyerno
Ano ang pangunahing layunin ng sistemang check and balance sa pamahalaan?
Upang bigyang-diin ang kapangyarihan ng isang sangay ng pamahalaan sa lahat ng mga desisyon
Upang tiyakin na walang may lubos na kapangyarihan, malinaw ang tungkulin ng bawat sangay, at may kooperasyon sa pagtupad ng mga gampanin
Nagiging dahilan ng mataas na buwis
Nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa mga mamamayan
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang hakbang upang maiwasan ang korupsiyon sa pamahalaan?
Pagsugpo sa mga mamamayan na nagtatanong tungkol sa mga transaksiyon
Pagpapatupad ng mahigpit na transparency at accountability sa lahat ng antas ng pamahalaan
Magpadala ng tulong pinansiyal
Magbukas ng maraming bangko
Ano ang pangunahing layunin ng Kumperensiya ng Bandung noong 1955?
Pagpapaunlad ng ekonomiya
Pagsusulong ng kapayapaan at kooperasyon sa pagitan ng mga bansang Asyano
Pagbuo ng isang militar na alyansa
Pagsusulong ng mga makabagong teknolohiya
Aling hamon ang tumukoy sa pagkakaroon ng mga internal na hidwaan sa mga bansang Timog Silangang Asya pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung?
Kolonyal na pamamahala
Ekonomikong hindi pagkakapantay-pantay
Ethnic at relihiyosong tension
Climate change
Sa konteksto ng Kumperensiya ng Bandung, ano ang pangunahing isyu na dapat harapin ng mga bansang kasapi?
Pagtutulungan sa larangan ng teknolohiya
Pagsasama-sama ng mga laki ng populasyon
Pagtutol sa imperyalismo at kolonyalismo
Pagkakaroon ng pagkaunawa sa kultura
Ano ang naging epekto ng Kumperensiya ng Bandung sa mga bagong tatag na bansa sa Timog Silangang Asya?
Pagiging mas malapit sa mga kanlurang bansa
Pagkakaroon ng mas matibay na ugnayan sa mga bansang Asyano
Pagkakaroon ng mga rebelyon at kaguluhan
Pagbawas ng mga programa sa edukasyon
Alin sa mga sumusunod na suliranin ang patuloy na humahadlang sa pagkakaisa ng mga bansa sa Timog Silangang Asya matapos ang Kumperensiya ng Bandung?
Pagkakaroon ng pandaigdigang krisis
Pagsasakatawid ng mga layunin
Hindi pagkakaintindihan sa mga isyu sa hangganan
Pagbabago ng klima
