wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP7 Ikatlong Markahan Review

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing layunin ng nasyonalismo?

a)

Pagpapalawak ng teritoryo

b)

Pagpapakita ng pagmamahal at pagsisilbi sa bayan

c)

Pagtanggap ng pananakop ng ibang bansa

d)

Pagpapalaganap ng relihiyon

2.

Ano ang kahulugan ng kasarinlan?

a)

Kalayaan mula sa pananakop at kakayahang itaguyod ang sarili

b)

Pagsunod sa batas ng ibang bansa

c)

Pagpapalaganap ng relihiyon sa ibang bansa

d)

Pakikipagtulungan sa mga dayuhan

3.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagsiklab ng nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya?

a)

Hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop

b)

Pagtanggap sa pamumuno ng mga dayuhan

c)

Pagkakaroon ng magandang ugnayan sa Kanluranin

d)

Pag-unlad ng ekonomiya dahil sa kolonyalismo

4.

Ano ang pangunahing layunin ng mga ilustrado sa Pilipinas?

a)

Magtatag ng isang monarkiyang pinamumunuan ng Espanya

b)

Hingin ang reporma sa pamamahala ng Espanya

c)

Lumaban gamit ang armadong rebolusyon

d)

Maging bahagi ng pamahalaang Espanyol

5.

Anong aklat ni Dr. Jose Rizal ang naging instrumento upang magkaroon ng pambansang pagkakakilanlan ang mga Pilipino?

a)

El Filibusterismo

b)

La Solidaridad

c)

Noli Me Tangere

d)

La Liga Filipina

6.

Ano ang dahilan ng pagpunit ng mga Katipunero sa kanilang mga sedula sa Pugad Lawin?

a)

Wala na silang pera upang bayaran ito

b)

Pagpapakita ng pagsisimula ng paglaban sa mga Espanyol

c)

Ayaw nilang mapasama sa listahan ng mga Katipunero

d)

Hindi nila naintindihan ang kahalagahan nito

7.

Sino ang nanguna sa Katipunan?

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Andres Bonifacio

d)

Manuel Quezon

8.

Kailan idineklara ang kalayaan ng Pilipinas?

a)

Hunyo 12, 1898

b)

Hulyo 4, 1946

c)

Nobyembre 15, 1935

d)

Mayo 1, 1897

9.

Ano ang naging papel ng Tydings-McDuffie Act sa kasaysayan ng Pilipinas?

a)

Ipinagpaliban nito ang kasarinlan ng Pilipinas

b)

Ipinagkaloob nito ang ganap na kasarinlan sa Pilipinas

c)

Ipinasa nito ang pamamahala sa mga Hapones

d)

Ginawa nitong bahagi ng Amerika ang Pilipinas

10.

Anong batas ang naglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 patungong Hunyo 12?

a)

Tydings-McDuffie Act

b)

Presidential Proclamation No. 28

c)

Philippine Independence Act

d)

Kasunduan sa Paris

11.

Anong estratehiya ang ginamit ng mga British upang mapamahalaan ang Burma?

a)

Divide and rule

b)

Federalismo

c)

Monarkiya

d)

Totalitarianismo

12.

Sino ang kinikilalang “Ama ng Kalayaan” ng Myanmar?

a)

Saya San

b)

Aung San

c)

Sir Hubert Rance

d)

U Nu

13.

Ano ang layunin ng kilusang Dobama Asiayone?

a)

Makamit ang pagkakaisa ng Myanmar laban sa mga British

b)

Palakasin ang impluwensiya ng mga British

c)

Ipagpatuloy ang pananakop sa Burma

d)

Itatag ang monarkiya sa Burma

14.

Kailan nakamit ng Myanmar ang kalayaan mula sa Britanya?

a)

Enero 4, 1948

b)

Hulyo 19, 1947

c)

Disyembre 25, 1946

d)

Agosto 15, 1945

15.

Ano ang pangalan ng kasunduan na nagbigay-daan sa kasarinlan ng Myanmar?

a)

Aung San-Attlee Agreement

b)

Kasunduan sa Geneva

c)

Kasunduan sa Paris

d)

Pang

16.

Ano ang ibig sabihin ng "Budi Utomo"?

a)

Dakilang Pagkakaisa

b)

Dakilang Pagpupunyagi

c)

Dakilang Pag-asa

d)

Dakilang Pagmamahal

17.

Sino ang nagtatag ng Sarekat Islam?

a)

Henk Sneevliet

b)

Wahidin Sudirohusodo

c)

Omar Said Tjokroaminoto

d)

Sukarno

18.

Kailan naganap ang proklamasyon ng kasarinlan ng Indonesia?

a)

Hunyo 17, 1945

b)

Hulyo 17, 1945

c)

Agosto 17, 1945

d)

Setyembre 17, 1945

19.

Ano ang pambansang motto ng Indonesia?

a)

"Bhinekka Tunggal Ika"

b)

"Unity is Strength"

c)

"One Nation, One People"

d)

"Together as One"

20.

Kailan opisyal na kinilala ng mga Dutch ang kasarinlan ng Indonesia?

a)

Disyembre 27, 1949

b)

Nobyembre 4, 1950

c)

Oktubre 10, 1945

d)

Enero 4, 1947

21.

Ano ang dalawang aspekto ng patakarang kolonyal ng mga Pranses na nagpaunlad ng nasyonalismong Vietnamese?

a)

Kawalan ng karapatang sibil at pagbubukod sa modernisasyon ng ekonomiya

b)

Pagbibigay ng karapatang sibil at pagsasama sa edukasyon

c)

Pagsasama ng mga Vietnamese sa modernisasyon ng ekonomiya

d)

Pagbibigay ng espesyal na pribilehiyo sa mga Vietnamese

22.

Ano ang layunin ng Indochinese Communist Party?

a)

Magtatag ng isang pamahalaang republikano

b)

Pagsulong ng pantay-pantay na karapatan lalo na sa edukasyon at batas

c)

Pagpapatupad ng batas militar

d)

Pagpapalawak ng teritoryo ng Vietnam

23.

Ano ang nangyari noong 1954 sa ilalim ng Kasunduan sa Geneva?

a)

Naganap ang rebelyong Yen Bai

b)

Nahati ang Vietnam sa Hilaga at Timog Vietnam

c)

Ipinanganak ang Indochinese Communist Party

d)

Lumagda sa Kasunduan sa Dien Bien Phu

24.

Sino ang pinuno ng Hilagang Vietnam?

a)

Ngo Dinh Diem

b)

Ho Chi Minh

c)

Sukarno

d)

Aung San

25.

Ano ang layunin ng Viet Nam Quoc Dan Dang (VNQDD)?

a)

Pagtatatag ng pamahalaang komunista

b)

Pagbibigay ng karapatang sibil sa mga Vietnamese

c)

Pagtatatag ng pamahalaang republican democratic na hindi napanghihimasukan ng mga dayuhan

d)

Pagsasama ng mga Vietnamese sa modernisasyon ng ekonomiya

26.

Ano ang naganap noong Pebrero 9, 1930?

a)

Ipinanganak ang Viet Nam Quoc Dan Dang (VNQDD)

b)

Naganap ang rebelyong Yen Bai

c)

Ipinanganak ang Indochinese Communist Party

d)

Lumagda sa Kasunduan sa Dien Bien Phu

27.

Ano ang naging dahilan ng digmaang Vietnam?

a)

Ang kagustuhan ng France na muling sakupin ang Vietnam

b)

Ang hidwaan sa pagitan ng Hilaga at Timog Vietnam tungkol sa ideolohiya

c)

Ang pagdating ng mga Amerikano upang gawing kolonya ang Vietnam

d)

Ang pagbagsak

28.

Ano ang naging bunga ng digmaang Vietnam noong 1975?

a)

Muling napag-isa ang Vietnam sa ilalim ng komunismo

b)

Nagpatuloy ang pananakop ng France

c)

Nahati ang Vietnam sa tatlong bahagi

d)

Pinalawak ng Estados Unidos ang kontrol sa Vietnam

29.

Ano ang pangalan ng samahan na itinatag noong 1937 sa Yangoon, Myanmar?

a)

Sarekat Islam

b)

Dobama Asiayone

c)

Viet Minh

d)

La Liga Filipina

30.

Ano ang layunin ng Panglong Conference noong 1947?

a)

Pagkakaisa ng mga minoryang etniko sa Burma

b)

Pagpapalawak ng teritoryo ng Myanmar

c)

Pakikipagkasundo sa mga British para sa protektorado

d)

Pagsuko ng hukbong sandatahan ng Myanmar

31.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagbitay kay Saya San noong 1931?

a)

Pag-aaklas laban sa pamahalaang British-Burmese

b)

Pagtataksil sa bansang Myanmar

c)

Pakikipagtulungan sa mga Hapones

d)

Pagtatag ng bagong relihiyon

32.

Ano ang kinikilala bilang "Araw ng Kagitingan" sa Myanmar?

a)

Araw ng Kalayaan

b)

Araw ng Pagkakaisa

c)

Martyr's Day

d)

Independence Act Day

33.

Ano ang naging epekto ng Burma Independence Act?

a)

Pagkamit ng kalayaan ng Myanmar mula sa Britanya

b)

Pagpapalakas ng kontrol ng Britanya sa Myanmar

c)

Pagtatalaga ng bagong gobernador-heneral ng Myanmar

d)

Pagkakaroon ng bagong konstitusyon para sa Myanmar

34.

Ano ang layunin ng Nationalist Party of Indonesia sa ilalim ni Sukarno?

a)

Himukin ang mamamayan na makiisa sa kilusan para sa kalayaan

b)

Itaguyod ang pananatili ng Dutch sa Indonesia

c)

Gawing monarkiya ang pamahalaan ng Indonesia

d)

Maging protektorado ng Estados Unidos

35.

Sino ang itinalagang unang pangulo ng Indonesia matapos ang kalayaan?

a)

Ho Chi Minh

b)

U Nu

c)

Sukarno

d)

Jose Rizal

36.

Ano ang pangunahing dahilan ng digmaan sa pagitan ng Indonesia at Netherlands mula 1945-1949?

a)

Pagtanggi ng Netherlands na kilalanin ang kasarinlan ng Indonesia

b)

Pagnanais ng Indonesia na mapasailalim sa Netherlands

c)

Pagpapalawak ng teritoryo ng Indonesia

d)

Pakikialam ng Japan sa pamamahala ng Indonesia

37.

Ano ang kahulugan ng motto ng Indonesia na "Bhinekka Tunggal Ika"?

a)

Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba

b)

Kapayapaan sa buong mundo

c)

Pananatili ng kolonyalismo

d)

Mabilis na industriyalisasyon

38.

Ano ang pangunahing layunin ng nasyonalismo?

a)

Pagpapatibay ng dayuhang impluwensya

b)

Pagkakaroon ng pagkakaisa at debosyon sa sariling bansa

c)

Pagpapalaganap ng relihiyong Kanluranin

d)

Pagsuporta sa mga dayuhang produkto

39.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng nasyonalismo?

a)

Pagtangkilik ng sariling produkto

b)

Pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa

c)

Pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang gobyerno

d)

Pagbili ng imported na kagamitan

40.

Ano ang kahulugan ng kasarinlan?

a)

Kalayaang politikal at pang-ekonomiya

b)

Pagtanggap ng impluwensya ng ibang bansa

c)

Pakikipagtulungan sa ibang kultura

d)

Pagsunod sa dayuhang pamahalaan

41.

Ano ang pangunahing elemento ng pagkabansa?

a)

Pamahalaan, teritoryo, mamamayan, kalayaan

b)

Ekonomiya, kasaysayan, kultura, relihiyon

c)

Wika, tradisyon, lahi, relihiyon

d)

Kalakalan, diplomasiya, agrikultura, turismo

42.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalayaang pangkultural?

a)

Pagpapanatili ng tradisyon at kaugalian ng bansa

b)

Paggamit ng dayuhang wika sa paaralan

c)

Pagpapalaganap ng kultura ng ibang bansa

d)

Pagsunod sa dayuhang pamahalaan

43.

Ano ang ibig sabihin ng pagkabansa?

a)

Kalagayan ng estado bilang malaya

b)

Pagkakaisa ng iba't ibang relihiyon

c)

Pagkakaroon ng dayuhang pamamahala

d)

Pagpapalawak ng teritoryo

44.

Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng nasyonalismo?

a)

Nagdudulot ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba

b)

Nagpapalakas ng damdaming makabayan

c)

Pagtanggap ng impluwensya ng ibang bansa

d)

Pagbibigay-inspirasyon sa pagiging makabayan

45.

Paano naipapakita ang pagmamalaki sa pambansang pamana?

a)

Pagtangkilik sa sariling wika at kultura

b)

Pagpapalaganap ng dayuhang tradisyon

c)

Pagbili ng mga imported na produkto

d)

Pag-iwas sa paggamit ng sariling wika

46.

Ano ang pangunahing layunin ng deklarasyon ng kasarinlan?

a)

Pagpapakita ng pagsuporta sa kolonyalismo

b)

Pormal na pagpapahayag ng kalayaan ng isang bansa

c)

Pagpapalawak ng teritoryo ng ibang bansa

d)

Pagpapakilala ng bagong relihiyon

47.

Ano ang mahalagang aspeto ng kalayaang pang-ekonomiya?

a)

Pag-angkat ng lahat ng produkto mula sa ibang bansa

b)

Pagtangkilik sa sariling yaman at industriya

c)

Pagpapalakas ng dayuhang ekonomiya

d)

Pagtitiwala sa tulong panlabas

48.

Paano maipapakita ang kalayaang pampolitikal?

a)

Pagtanggap ng lahat ng dayuhang patakaran

b)

Pagpapanatili ng demokratikong sistema ng pamahalaan

c)

Pagpapalaganap ng tradisyon ng ibang ba

49.

Alin ang tamang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

a)

Pagsuporta sa pambansang awit at watawat

b)

Pagpapalaganap ng dayuhang kultura

c)

Pag-aangkat ng produktong banyaga

d)

Pagtanggi sa sariling wika

50.

Ano ang hindi maituturing na anyo ng nasyonalismo?

a)

Pagtangkilik ng lokal na produkto

b)

Pagpapalaganap ng dayuhang kultura

c)

Pagpapanatili ng sariling tradisyon

d)

Pagmamalaki sa pambansang pamana

51.

Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan?

a)

Pagtangkilik ng sariling produkto

b)

Pagsunod sa lahat ng dayuhang patakaran

c)

Pagkilos laban sa mga lider ng bansa

d)

Pagsuporta sa mga banyagang proyekto

52.

Alin ang pagkakaiba ng nasyonalismo at patriyotismo?

a)

Ang nasyonalismo ay pagmamalaki sa bayan, samantalang ang patriyotismo ay pagmamahal sa sariling bayan

b)

Ang nasyonalismo ay pagtutol sa pandaigdigang pagtutulungan, samantalang ang patriyotismo ay nakatuon sa positibong aspekto ng bansa

c)

Ang nasyonalismo ay pagkakaisa, samantalang ang patriyotismo ay pag-iwas sa dayuhang kultura

d)

Pareho ang kahulugan ng nasyonalismo at patriyotismo

53.

Ano ang layunin ng makabayan?

a)

Ipakita ang pagiging higit ng sariling bansa sa iba

b)

Tanggapin ang lahat ng impluwensyang dayuhan

c)

Pagmamahal sa sariling bansa nang hindi binabalewala ang ibang bansa

d)

Pagtutol sa anumang uri ng pandaigdigang pagtutulungan

54.

Ano ang pangunahing epekto ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?

a)

Pagiging bukas sa lahat ng dayuhang produkto

b)

Pagpapalakas ng sariling kultura at ekonomiya

c)

Pagpapasailalim sa dayuhang impluwensya

d)

Pagwawalang-bahala sa sariling wika

55.

Ano ang layunin ng kalayaang pampolitikal?

a)

Pagtanggap ng dayuhang tulong nang walang kondisyon

b)

Pamamahala sa sariling bansa nang walang impluwensya mula sa labas

c)

Pagpapanatili ng dayuhang pamumuno

d)

Pagbibigay ng karapatan sa ibang bansa na pamunuan ang sariling teritoryo

56.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalayaang pangkultural?

a)

Pagpapahalaga at pagpapanatili ng sariling tradisyon at wika

b)

Pagtanggap ng kultura mula sa dayuhang bansa

c)

Pagpapalaganap ng dayuhang tradisyon sa mga paaralan

d)

Pagwawalang-bahala sa sariling kultura

57.

Ano ang pangunahing elemento ng isang bansang-estado?

a)

Teritoryo, mamamayan, pamahalaan, soberanya

b)

Lahi, relihiyon, wika, etnisidad

c)

Kultura, kasaysayan, kalayaan, ekonomiya

d)

Tradisyon, wika, relihiyon, kasunduan

58.

Paano naipakikita ang kalayaang pansariling pagpapasiya?

a)

Pagtanggap ng lahat ng dayuhang patakaran

b)

Pagpili ng sariling sistema ng pamahalaan

c)

Pagtutol sa anumang uri ng kolaborasyon

d)

Pagpapalaganap ng dayuhang tradisyon

59.

Ano ang asimilasyon sa kalayaang pangkultural?

a)

Pagyakap sa kultura ng ibang bansa

b)

Pagpapahalaga sa sariling tradisyon

c)

Pagtutol sa dayuhang impluwensya

d)

Pag-iwas sa dayuhang produkto

60.

Sino ang itinuturing na pangunahing tagapagtaguyod ng nasyonalismo sa Pilipinas?

a)

Jose Rizal

b)

Andres Bonifacio

c)

Apolinario Mabini

d)

Emilio Aguinaldo