wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 4

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa isang bayan o bansa na may mga mamamayan, teritoryo, at isang gobyerno na may kapangyarihan?

a)

A) Pamahalaan

b)

 B) Soberanya

c)

C) Bansa

d)

 D) Teritoryo

2.

Ano ang tawag sa kalayaan ng isang bansa upang magpasya at magtakda ng mga batas nang hindi nakikialam ang ibang bansa?

a)

 A) Soberanya

b)

B) Pamahalaan

c)

C) Teritoryo

d)

D) Tao

3.

Ang Pilipinas ay mayroong teritoryo sa mga sumusunod na lugar MALIBAN sa:

a)

A) Luzon

b)

 B) Visayas

c)

 C) Mindanao

d)

 D) Indochina

4.

Kung ikaw ay isang mamamayan ng isang bansa, paano mo magagamit ang iyong karapatan at tungkulin upang makatulong sa pagbuo ng iyong bansa?

a)

A)  Pagsunod sa mga batas at pagtulong sa mga kapwa mamamayan.

b)

B)  Pagpunta sa ibang bansa upang magtrabaho at maghanap ng mas magandang buhay.

c)

C)  Pagpapabaya sa mga responsibilidad at hindi pakikialam sa mga isyu ng bansa.

d)

D) Pag-aalipusta at hindi pagsunod sa gobyerno.

5.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalaga upang matukoy ang pagiging isang bansa?

a)

A) Tao

b)

 B) Pamahalaan

c)

 C) Soberanya

d)

 D) Likas na Yaman

6.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng isang gobyerno sa pagbuo ng isang bansa.

a)

A)  Ang gobyerno ay nagpapadala ng delegasyon sa ibang bansa para sa diplomatikong ugnayan.

b)

B)   Ang gobyerno ay namamahagi ng mga libreng edukasyon at kalusugan sa mamamayan.

c)

C)  Ang gobyerno ay nagtatakda ng mga batas na nagpapahintulot sa mga mamamayan na magtulungan.

d)

D) Ang gobyerno ay tumutok sa mga proyekto para sa pagpapaganda ng mga lansangan at mga pook.

7.

Kung ikaw ang magiging lider ng isang bansa, paano mo itatatag at palalakasin ang mga elemento ng pagkamakabansa upang magtagumpay ang iyong bansa? Piliin ang pinakamagandang hakbang.

a)

A)  Magtayo ng maraming paaralan upang matutunan ng mga mamamayan ang tungkol sa ibang bansa.

b)

B)  Magbigay ng mga serbisyong pampubliko tulad ng kalusugan at edukasyon upang matulungan ang mga mamamayan.

c)

C)   Magdala ng mga misyon sa ibang bansa upang magtulungan sa mga proyekto.

d)

D) Magtayo ng mga Negosyo at pamilihan upang magdala ng maraming kita sa bansa.

8.

Anong bahagi ng pamahalaan ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga batas?

a)

 A) Ehekutibo

b)

B) Lehislatura

c)

C) Hudikatura

d)

 D) Sangguniang Bayan

9.

Sa Pilipinas, ang mga miyembro ng Kongreso ay tinatawag na_________________?

a)

A) Senador at Kongresista

b)

B) Gubyernador at Mayor

c)

C) Alkalde at Kapitan

d)

D) Hukom at Abogado

10.

10. Ano ang ibig sabihin ng separation of powers?

a)

A) Paghahati ng kapangyarihan sa iba't ibang sangay ng pamahalaan

b)

  B) Pagkakaroon ng isang pinuno na may ganap na kapangyarihan

c)

C) Pagpapalit ng mga lider tuwing halalan

d)

    D) Paghahati ng mga teritoryo sa iba't ibang yunit

11.

Kung ikaw ay may problema tungkol sa isang batas, aling sangay ng gobyerno ang maaari mong lapitan upang humingi ng tulong at bakit?

a)

A.  Lehislatura, dahil sila ang gumagawa ng mga batas.

b)

B.  Ehekutibo, dahil sila ang nagpapatupad ng mga batas.

c)

C.  Hudikatura, dahil sila ang nag iinterpret at naghuhusga sa mga batas.

d)

D. Pamahalaang Lokal, dahil sila ang tumututok sa mga local na isyu.

12.

Kung ang isang batas ay hindi epektibo sa pagtulong sa mga  mamamayan alin  sa mga sumusunod na sangay ng gobyerno ang kailangang suriin upang magmungkahi ng pagbabago?

a)

A)  Ehekutibo dahil sila ang nagpapatupad ng mga batas at nagsasagawa ng mga proyekto.

b)

B)  Lehislatura, dahil sila ang gumagawa at nag-aamyenda ng mga batas.

c)

C)  Hudikatura,dahil sila ang nag-iinterpret at nag-aatas kung paano ipatupad ang mga batas.

d)

D) Pamahalaang Lokal, dahil sila ang namamahala sa mga local isyu.

13.

Alin sa mga sumusunod na sangay ng gobyerno ang pinakamahalaga sa pagtutok sa mga kasong may kinalaman sa mga paglabag sa batas at pagkakaroon ng katarungan sa bansa? Piliin ang pinaka mahusay na sagot.

a)

         A) Ehekutibo

b)

      B) Lehislatura

c)

                                     

           C) Hudikatura

d)

D) Pamahalaang Lokal

14.

Bilang lider ng bansa, paano mo pagsasamahin ang tungkulin ng tatlong sangay ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan?

a)

A) Magtulungan at mag-usap ang tatlong sangay ng gobyerno.

b)

B.  Magtrabaho lamang ang ehekutibo.

c)

C. Ipagpaliban ang mga isyu ng bansa.

d)

D. Hayaan ang isang sangay na gumawa ng lahat.

15.

Alin sa mga ito ang isang pangunahing layunin ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas?

a)

A) Pagpapabuti ng kalusugan ng mga mamamayan

b)

B) Pagpapataw ng mga buwis

c)

C) Pagtatalaga ng mga local na lider

d)

   D) Pagpapadala ng mga sundalo sa ibang bansa

16.

Anong ahensya ang responsable sa pagpapalaganap ng edukasyon at   pagkakaroon ng mga paaralan sa bansa?

a)

A) Department of Education (DepEd)

b)

 B) Department of Health (DOH)

c)

 C) Department of Agriculture (DA)

d)

 D) Department of Social Welfare and Development (DSWD)

17.

Aling sektor ng serbisyong panlipunan ang nakatutok sa pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan ng suporta?

a)

 A) Edukasyon

b)

B) Kalusugan

c)

 C) Panlipunang Kaligtasan

d)

D) Kultura

18.

Anong ahensya ng pamahalaan ang tumututok sa kalusugan ng mga mamamayan?

a)

 A) Department of Health

b)

 B) Department of Social Welfare and Development

c)

C) Department of Transportation

d)

 D) Department of Education

19.

Alin sa mga sumusunod ang layunin ng serbisyong pang-imprastruktura?

a)

 A) Paunlarin ang sektor ng edukasyon

b)

B) Magbigay ng mga kalsada at komunikasyon

c)

 C) Paunlarin ang mga produktong agrikultura

d)

 D) Magbigay ng libreng serbisyong medical

20.

Kung ikaw ay may karamdaman, alin sa mga serbisyong pampubliko ng pamahalaan ang maaari mong gamitin upang matulungan ka.

a)

A)  Edukasyon

b)

B)  Serbisyong pangkalusugan

c)

C)  Pabahay

d)

D) Imprastruktura

21.

Ang isang baryo ay madalas bahain tuwing tag-ulan. Ano ang dapat unahin ng pamahalaan upang solusyunan ito?

a)

A)  Pagpapagawa ng drainage system

b)

B)  Pagbibigay ng libreng edukasyon

c)

C)  Pagpapalawak ng transportasyon

d)

D) Pagpapatupad ng health program

22.

Kung walang sapat na ospital sa inyong lugar, ano ang pinakamahalagang hakbang na dapat gawin ng pamahalaan.

a)

A)  Magbigay ng libreng edukasyon tungkol sa kalusugan.

b)

B)  Magtayo ng mga bagong ospital at health center.

c)

C)  Magpadala ng mga doktor mula sa ibang lugar.

d)

D) Magbigay ng libreng gamot.

23.

Kung gagawa ka ng proyekto gamit ang mga serbisyong pampubliko, alin ang ipapanukala mo?

a)

A)  Magtayo ng health clinic

b)

B)  Magbigay ng scholarship

c)

C)  Maglunsad ng programang pangkabuhayan

d)

D) Pagsamahin ang lahat ng nabanggit sa isang plano

24.

Ano ang ibig sabihin ng "Unitary Presidential System"?

a)

 A) Isang sistema kung saan ang mga estado ay may kalayaan.

b)

 B) Isang sistema kung saan ang pangulo ay may malawak na kapangyarihan sa buong bansa.

c)

 C) Isang sistema kung saan ang mga kabataan ang nagdedesisyon.

d)

 D) Isang sistema kung saan walang isang sentral na pamahalaan.

25.

Ano ang layunin ng programang “Pangkalahatang Administrasyon”?

a)

A)  Magtayo ng mga bagong paaralan.

b)

B)  Magbigay ng kaayusan sa gobyerno.

c)

C)  Magsagawa ng mga hakbang sa kalusugan.

d)

D)  Magtulungan ang mga negosyo.

26.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sistema ng pamahalaan kung saan ang isang pangulo ang nangunguna sa bansa?

a)

A) Unitary Presidential System

b)

 B) Federal System

c)

 C) Parliamentary System

d)

 D) Monarkiya

27.

Kung ang pamahalaan ay may limitadong pondo, alin sa mga sumusunod ang dapat unahin?

a)

A)  Pagpapagawa ng mga kalsada.

b)

B)  Pagpapatayo ng mga paaralan.

c)

C)  Pagbibigay ng libreng gamot sa mga ospital.

d)

D) Pagpapalakas ng turismo sa bansa.

28.

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maglunsad ng bagong programa para sa komunidad, ano ang pipiliin mo?

a)

A)  Pagpapagawa ng mga kalsada

b)

B)  Libreng edukasyon sa mga Kabataan

c)

C)  Pagpapatayo n ospital

d)

D) Pagsasama ng edukasyon, kalusugan at imprastruktura

29.

Kung maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral, alin sa mga hakbang ang pinakamainam na gawin?

a)

A)  Magdagdag ng mga paaralan sa bawat barangay.

b)

B)  Magtayo ng mga paaralan sa liblib na lugar.

c)

C)  Magbigay ng scholarship.

d)

D) Maglunsad ng programa ng pang edukasyon sa media.

30.

. Aling ahensya ang tutulong sa waste management ng barangay?

a)

A)  DOH

b)

B)  DA

c)

C)  DENR

d)

D) DepEd

31.

Ang edukasyon sa Pilipinas ay ipinagkakaloob ng____________.

a)

 A) Department of Labor and Employment

b)

B) Department of Education

c)

 C) Department of Transportation

d)

 D) Department of Social Welfare

32.

Anong programa ang naglalayong magbigay ng kaayusan at kaligtasan sa bansa?

a)

A) Serbisyong Pang-ekonomiya

b)

B) Serbisyong Pangkalusugan

c)

C) Kaayusang Publiko at Kaligtasan

d)

 D) Serbisyong Pang-imprastruktura

33.

Paano ipinapakita ng bawat sangay ng pamahalaan ang epekto ng kanilang mga programa sa mga mamamayan?

a)

A)  Sa paggawa ng batas at pagpapatupad nito.

b)

B)  Sa paglalaro sa mga parke.

c)

C)  Sa pagbebenta ng pagkain sa palengke.

d)

D) Sa panonood ng sine.

34.

Ano ang maaaring gawin ng pamahalaan upang matulungan ang mga mamamayan sa panahon ng sakuna?

a)

A)  Magbigay ng tulong at magpatupad ng mga programa

b)

B)  Manood ng balita tungkol sa sakuna.

c)

C)  Magtayo ng bagong gusali para sa Negosyo

d)

D) Mag-organisa ng paligsahan sa sayaw

35.

Ano ang tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas

a)

A)  Ehekutibo, Lehislatibo, Hudikatura

b)

B)  Pangulo, Bise Presidente, Kalihim

c)

C)  Barangay, Lungsod, Lalawigan

d)

D) Tagapagpatupad, Tagapangalaga, Tagapaglinis

36.

Sino ang namumuno sa ehekutibong sangay ng pamahalaan?

a)

A)  Pangulo

b)

B)  Senador

c)

C)  Punong Mahistrado

d)

D) Gobernador

37.

Bakit mahalaga ang tungkulin ng Department of Education sa buhay ng mga mag aaral ?

a)

A)  Dahil nagbibigay ito ng Edukasyon at gabay para matuto ang mga mag-aaral

b)

B)  Dahil nagbibigay ito ng libreng pagkain sa mga mag aaral araw araw

c)

C)  Dahil pinamamahalaan nito ang palengke sa komunidad

d)

D) Dahil nagpapadala ito ng tulong pinansyal sa mga guro araw araw

38.

Ano ang tungkulin ng DSWD (Department of Social Welfare and Development?

a)

A)  Namamahala sa palengke.

b)

B)  Nagbibigay lisensya sa sasakyan.

c)

C)  Nag-aayos ng kalsada.

d)

D) Tumutulong sa mga mahihirap.

39.

Paano makikinabang ang mga tao sa mga programa ng Department of Agriculture(DA)?

a)

A)  Makakapag aral sila ng libre.

b)

B)  Makakakuha sila ng mga pananim.

c)

C)  Makakabili ng murang damit.

d)

D) Makakakuha sila ng libreng bahay.

40.

Paano makikinabang ang mga tao sa mga serbisyong ibinibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE)?

a)

A)  Makakapag-aral sila ng libre.

b)

B)  Makakabili sila ng pagkain sa murang presyo.

c)

C)  Makakahanap sila ng trabaho at makakatanggap ng tulong sa paghahanap ng trabaho.

d)

D) Makakakuha sila ng libreng mga gamot.