wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA GMRC

Total questions: 40

Worksheet time: 39mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalaga ang pagtitipid at pag-iimpok sa pagtulong sa kapwa?

a)

A. Para lamang sa sariling kapakanan.

b)

B. Upang makapaghanda para sa mga personal na gastusin.

c)

C. Upang makapaglaan ng reserbang yaman na maibabahagi sa nangangailangan.

d)

D. Para makabili ng mga mamahaling gamit.

2.

Ano ang maaaring maging bunga ng tamang pag-iimpok?

a)

A. Kawalan ng pera sa hinaharap.

b)

B. Kakayahang tumulong sa mga nasalanta ng sakuna.

c)

C. Paggastos sa hindi mahalagang bagay.

d)

D. Pagkakaroon ng utang.

3.

Sa anong paraan maipapakita ang koneksyon ng pagtitipid at pagtulong sa kapwa?

a)

A. Pagtatabi ng kaunting halaga para sa donasyon.

b)

B. Pagbili ng mamahaling kagamitan.

c)

C. Pag-iwas sa anumang gastusin, kahit para sa iba.

d)

D. Paglalaan ng lahat ng pera para sa sariling interes.

4.

Paano maaaring magamit ang ipon upang maipakita ang malasakit sa kapwa?

a)

A. Maglaan ng tulong pinansyal para sa mga nangangailangan.

b)

B. Mag-ipon upang makabili ng mamahaling kasuotan.

c)

C. Gumastos ng pera para sa mga bagay na marangya.

d)

D. Iwasan ang pagbabahagi ng anumang tulong.

5.

Ano ang pangunahing layunin ng pagtitipid at pag-iimpok sa konteksto ng pagtulong sa kapwa?

a)

A. Para magamit lamang sa pansariling interes.

b)

B. Upang mapalakas ang personal na reputasyon.

c)

C. Para magkaroon ng kakayahang tumulong sa panahon ng pangangailangan.

d)

D. Para mapanatili ang mataas na antas ng kayamanan.

6.

Bakit mahalagang linangin ang disiplina ng pagtitipid at pag-iimpok?

a)

A. Upang mapanatili ang mataas na antas ng kayamanan.

b)

B. Upang maging handa sa pagtugon sa pangangailangan ng sarili at kapwa sa takdang panahon.

c)

C. Upang makabili ng mga luho at magagarang gamit.

d)

D. Upang maiwasan ang anumang uri ng gastusin.

7.

Paano makakatulong ang pag-iimpok sa kapwa?

a)

A. Pinapalawak nito ang kakayahan na makabili ng magagarang bagay.

b)

B. Nililimitahan nito ang gastusin para sa iba.

c)

C. Nagbibigay ito ng reserbang yaman na maaring ibahagi sa oras ng pangangailangan.C

d)

D. Pinapalakas nito ang sariling reputasyon.

8.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang disiplina sa pagtitipid at pag-iimpok upang makatulong sa kapwa?

a)

A. Pagbili ng mamahaling gamit mula sa ipon.

b)

B. Pagtatabi ng bahagi ng kita para sa hinaharap na tulong sa iba.

c)

C. Paglaan ng lahat ng ipon sa pansariling pangangailangan lamang.

d)

D. Pag-iwas sa anumang uri ng pagtulong.

9.

Sa panahon ng krisis, paano maipapakita ng isang pamilya ang tunay na diwa ng pakikiramay?

a)

A. Magbahagi ng tulong o donasyon sa mga nangangailangan.

b)

B. Pabayaan ang mga naapektuhan ng sakuna.

c)

C. Magtuon lamang ng pansin sa sariling suliranin.

d)

D. Lumayo at umiwas sa mga nangangailangan ng tulong.

10.

Ano ang maaaring gawin ng pamilya upang makatulong sa mga batang walang magulang o tagapag-alaga?

a)

A. Turuan sila ng mga tamang asal at kaalaman sa paaralan.

b)

B. Iwasan ang pakikipag-usap sa kanila.

c)

C. Hayaan silang maghanap ng sariling paraan upang mabuhay.

d)

D. Pagkait ng suporta at pang-unawa

11.

Paano ipinapakita ng pamilya ang kanilang tungkulin sa kapwa sa panahon ng sakuna?

a)

A. Pagsasara ng tahanan upang hindi maistorbo.

b)

B. Pagbibigay ng tirahan, pagkain, o suporta sa mga nangangailangan.

c)

C. Paglimita ng tulong sa sariling kapamilya lamang.

d)

D. Pagpapabaya sa mga nangangailangan.

12.

Alin sa mga sumusunod ang isang pansariling paraan upang makatulong ang isang miyembro ng pamilya sa pagtupad ng tungkulin ng pamilya sa kapwa?

a)

A. Pagtulong sa kapitbahay na nangangailangan ng pagkain o tirahan.

b)

B. Pagkakait ng tulong dahil hindi bahagi ng pamilya ang nangangailangan.

c)

C. Pag-iwas sa pakikilahok sa mga proyekto ng komunidad.

d)

D. Pagtutok lamang sa sariling interes at pangangailangan.

13.

Paano maisasakilos ng isang indibidwal ang responsibilidad ng pamilya sa kapwa sa araw-araw na buhay?

a)

A. Pagbibigay ng oras sa pagtuturo ng mga batang nangangailangan ng gabay.

b)

B. Pagpapabaya sa mga gawaing makatutulong sa iba.

c)

C. Pagtutok lamang sa sariling gawain sa bahay.

d)

D. Pag-iwas sa mga aktibidad ng komunidad.

14.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng sarili at kapwa?

a)

A. Ang sarili ay tumutukoy sa sariling pananaw, damdamin, at kilos, habang ang kapwa ay tumutukoy sa ibang tao na kasama o nakakasalamuha.

b)

B. Ang sarili ay laging tama, samantalang ang kapwa ay laging mali.

c)

C. Ang sarili ay walang kaugnayan sa kapwa.

d)

D. Parehong walang pagkakaiba ang sarili at kapwa.

15.

Alin sa sumusunod ang pagkakatulad ng sarili at kapwa?

a)

A. Pareho silang may sariling damdamin, pangarap, at pananaw.

b)

B. Ang sarili lamang ang may damdamin, walang pakialam ang kapuwa.

c)

C. Ang sarili ay palaging mas mahalaga kaysa sa kapwa.

d)

D. Ang kapuwa lamang ang may pananaw, at ang sarili ay umaasa dito.

16.

Paano maipapakita ang pagkakaiba ng sarili at kapwa?

a)

A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng respeto sa damdamin at opinyon ng kapuwa.

b)

B. Sa hindi pakikialam sa damdamin ng kapuwa.

c)

C. Sa pagtutok lamang sa sariling interes.

d)

D. Sa pag-iwas sa pakikisalamuha sa kapwa.

17.

Bakit mahalaga ang paghahambing ng sarili at kapwa?

a)

Upang mas maunawaan ang pagkakaiba ng bawat isa at mapanatili ang maayos na ugnayan.

b)

Upang ipakita na mas magaling ang sarili kaysa sa kapwa.

c)

Upang iwasan ang pakikisalamuha sa kapwa.

d)

Upang maipakita na laging tama ang sarili.

18.

Ano ang ibig sabihin ng pagkakapantay-pantay sa kabila ng pagkakaiba?

a)

A. Ang pagkakapantay-pantay ay nangangahulugang lahat ay kailangang maging magkapareha sa lahat ng bagay.

b)

B. Lahat ng tao ay may pantay na karapatan at dignidad, anuman ang kanilang lahi, kasarian, relihiyon, o paniniwala.

c)

C. Ipinapakita nito na ang iba ay mas mahalaga kaysa sa iba.

d)

D. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng espesyal na pribilehiyo para sa ilang tao lamang.

19.

Bakit mahalaga ang pagkilala sa karapatan ng bawat isa?

a)

A. Upang magkaroon ng respeto at pagkakaunawaan na nagdudulot ng mapayapang ugnayan.

b)

B. Upang ipakita na ang isa ay mas mataas kaysa sa iba.

c)

C. Upang magkaroon ng kompetisyon sa pagitan ng mga tao.

d)

D. Upang maipakita na walang halaga ang.

20.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakapantay-pantay?

a)

A. Pagpapataw ng diskriminasyon batay sa lahi o kasarian.

b)

B. Pagpapalakas ng sariling interes habang binabalewala ang iba.

c)

C. Pagiging makasarili at hindi pagtanggap sa pagkakaiba ng iba.

d)

D. Pagrespeto sa opinyon ng iba kahit hindi kayo magkatulad ng paniniwala

21.

Paano nakatutulong ang pagkilala sa tungkulin ng bawat isa tungo sa mapayapang ugnayan?

a)

A. Sa pagtutulungan upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.

b)

B. Sa pagbabalewala sa responsibilidad ng iba.

c)

C. Sa pagtutok lamang sa sariling interes.

d)

D. Sa paghihiwalay ng mga tao batay sa kanilang pagkakaiba.

22.

Ano ang pangunahing layunin ng pagkakapantay-pantay sa lipunan?

a)

A. Upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang lahat na mamuhay ng may dignidad at respeto.

b)

B. Upang maging mas mataas ang antas ng ibang tao kaysa sa iba.

c)

C. Upang alisin ang karapatan ng mga taong iba ang paniniwala.

d)

D. Upang magresulta sa pagkakawatak-watak ng lipunan.

23.

Ano ang kahulugan ng pantay-pantay base sa pahayag? "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo." Kung ano ang makakasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapuwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya

a)

A. Pabor sa isang partikular na grupo

b)

B. Pagtanggi sa pagkakapantay-pantay

c)

C. Pagkakaroon ng pantay na karapatan ng bawat tao

d)

D. Hindi pagkakaroon ng pantay na kakayahan at kaalaman ng bawat tao

24.

Ano ang itinuturo ng gintong aral (Golden Rule) ayon sa pahayag? "Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."

a)

A. Gawin mo sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

b)

B. Gawin mo sa lahat ang ayaw mong gawin sa iyo.

c)

C. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.

d)

D. Huwag mong gawin sa iba ang gusto mong gawin sa iyo.

25.

Ano ang nais iparating na mensahe ng mga pahayag sa banal na aklat?

a)

A. Huwag magmahalan

b)

B. Ang kapwa-tao ay hindi mahalaga

c)

C. Mahalin ang sarili nang higit sa lahat

d)

D. Mahalin ang kapwa katulad ng pagmamahal sa sarili

26.

Ano ang pangunahing aral ng kababaang-loob ayon sa pananampalatayang Kristiyano?

a)

A. Pag-asa sa sarili

b)

B. Pagpapakumbaba sa harap ng Diyos at kapuwa

c)

C. Pagtatanggol sa sariling karapatan

d)

D. Pagpapayaman sa sariling kakayahan

27.

Sa Islam, ano ang mahalagang katangian ng kababaang-loob na dapat ipakita sa kapwa?

a)

A. Pagiging makasarili

b)

B. Pagpapatawad at malasakit

c)

C. Pag-aangkin ng yaman ng iba

d)

D. Pagpapakita ng lakas sa lahat ng oras

28.

Ayon sa mga aral ng Budismo, paano maipapakita ang kababaang-loob sa pang-araw-araw na buhay?

a)

A. Pagsasantabi ng sariling interes para sa kapakanan ng iba

b)

B. Pagsunod lamang sa utos ng lider

c)

C. Pagtatanggi sa tulong ng kapwa

d)

D. Pag-iwas sa pakikisalamuha

29.

Sa pananampalatayang Hinduismo, ano ang simbolo ng kababaang-loob sa kanilang mga aral?

a)

A. Ang pagyakap sa simpleng pamumuhay

b)

B. Ang pag-angkin ng maraming ari-arian

c)

C. Ang pagbibigay ng kaparusahan sa iba

d)

D. Ang pagtanggi sa mga tradisyon ng kultura

30.

Anong kaugalian sa pananampalatayang Katoliko ang nagtataguyod ng kababaang-loob?

a)

A. Pagtatanggol sa sarili kahit mali

b)

B. Pananahimik at hindi paghingi ng tawad

c)

C. Pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos

d)

D. Pagpapakita ng kayabangan sa iba

31.

Bakit mahalaga ang kababaang-loob bilang tanda ng pananampalataya?

a)

A. Upang magpakitang-gilas sa iba

b)

B. Upang mapabuti ang ugnayan at maglingkod ng tapat

c)

C. Upang manguna sa lahat ng pagkakataon

d)

D. Upang maiwasan ang pananagutan

32.

Paano naipapakita ang kababaang-loob upang mapanatili ang mabuting ugnayan sa kapwa?

a)

A. Pagbibigay ng respeto at pakikinig sa kanilang opinyon

b)

B. Pagpilit sa kanila na sundin ang sariling pananaw

c)

C. Pagtanggi sa kanilang mga hinihiling

d)

D. Pagmamataas sa kanilang kahinaan

33.

Sa anong paraan nakatutulong ang kababaang-loob sa paglilingkod sa iba?

a)

A. Pinapalakas nito ang tiwala at pakikipagtulungan

b)

B. Pinapababa nito ang sarili sa harap ng iba

c)

C. Pinagiging madali nito ang pamamahala sa mga tao

d)

D. Pinapalayo nito ang sarili mula sa iba

34.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kababaang-loob bilang pagpapabuti ng ugnayan?

a)

A. Pagpatawad sa mga nagkamali at pagtanggap sa kanila ng walang galit

b)

B. Pagpapakita ng galit kapag may hindi sumunod sa gusto

c)

C. Pag-iwas sa mga taong may ibang pananaw

d)

D. Paghihiganti kapag nasaktan

35.

Bakit sinasabing ang kababaang-loob ay tanda ng pananampalataya?

a)

A. Dahil hindi ito nakakaapekto sa pananampalataya

b)

B. Dahil nagiging mas malakas ang isang tao kapag mapagpakumbaba

c)

C. Dahil mas nagiging sikat ang isang tao kapag nagpapakumbaba

d)

D. Dahil ipinakikita nito ang pag-ibig at malasakit na itinuro ng Diyos

36.

Anong sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran?

a)

A. Pagtatapon ng basura sa ilog

b)

B. Paglilinis ng bakuran kasama ang pamilya

c)

C. Pag-iwan ng kalat sa parke

d)

D. Pagsunog ng plastik na basura

37.

Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura?

a)

A. Paglalagay ng lahat ng basura sa iisang sako

b)

B. Paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura

c)

C. Pagtatapon ng basura sa tabi ng kalsada

d)

D. Pagkakalat ng basura habang naglalakad

38.

Ano ang dapat gawin kung may nakitang sirang basurahan sa inyong barangay?

a)

A. Hayaang nakatiwangwang ang basura

b)

B. I-report sa barangay at magtulungan upang ayusin

c)

C. Gumamit ng ibang lugar para magtapon ng basura kahit saan

d)

D. Sunugin ang basura malapit sa basurahan

39.

Alin sa mga sumusunod ang laro ng lahi na karaniwang nilalaro sa Pilipinas?

a)

A. Chess

b)

B. Tumbang Preso

c)

C. Basketball

d)

D. Tagu-taguan

40.

Paano nilalaro ang larong luksong tinik?

a)

A. Tumutula habang umiikot sa isang bilog.

b)

B. Tumatalon sa ibabaw ng mga kamay o paa ng mga kalaro na nagsisilbing 'tinik.'

c)

C. Naghahabulan sa malawak na bakuran.

d)

D. Nagpapaligsahan sa pagbuo ng mga masalimuot na istruktura gamit ang sticks.