NEW
Font size
WorksheetsGMRC
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
Alin sa mga sumusunod ang tanda ng pagiging malinis?
a. Pagtatapon ng basura sa basurahan
b. Pagtatapon ng basura sa ilog
c. Pagtatapon ng basura kung saan-saan
d. Pagtatapon ng basura sa sahig
Ano ang tamang gawin matapos maglaro?
a. Ikalat muli ang mga laruan
b. Iligpit ang mga laruan
c. Hayaan na lamang ang mga laruan
d. Makipag away sa kalaro
Ano ang gagawin kung makakita ka ng kalat sa inyong bakuran?
Hayaan na lamang ito
Ipagkibit-balikat ang kalat
Pulutin at itapon ito sa tamang lalagyan
Itapon sa kalye
Paano maipapakita ang kalinisan sa harap ng mga kapuwa bata?
Sumunod sa mga alituntunin ng tamang pagtatapon ng basura
Magtapon ng basura kahit saan
Maglaro ng putik sa harap ng bahay
Hayaang makalat ang paligid
Alin sa mga gawain ang maaaring gawin ng magkakaibigan para maging malinis ang kapaligiran?
a. Magtulungan sa paglilinis ng kapaligiran
b. Sipain ang basurahan
c. Itapon sa ilog ang mga basura
d. Itapon ang basura kung saan-saan
Ano ang dapat gawin ng magkakapatid para mapanatiling malinis ang tahanan?
a. Manuod lamang ng telebisyon
b. Maglaro lamang
c. Tumulong kila nanay at tatay sa paglilinis ng bahay
d. Matulog kahit makalat ang bahay
Ano ang tamang halimbawa ng pagtutulungan para linisin ang kapaligiran?
Magkaisa upang pulutin ang basura
Mag-away sa kung sino ang maglilinis
Manood ng TV habang may kalat
Iwasang magsama-sama
Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa paglilinis?
Mas mabilis at mas magaan ang gawain
Mas marami ang kalat na maiiwan
Mas mahirap ang paglilinis kapag magkasama
Mas walang natatapos na Gawain
Ano ang epekto ng pagtutulungan sa paglilinis ng silid-aralan?
Malinis at maayos ang kapaligiran
Mas maraming oras sa paglalaro
Mas tumatagal ang paglilinis
Nagiging magulo ang silid
Ano ang nararamdaman kapag natapos ang gawain sa paglilinis nang sama-sama?
Masaya at magaan ang pakiramdam
Galit dahil sa pagod
Naiinis dahil may natapos na gawain
Malungkot dahil sa dami ng ginawa
Alin sa mga sumusunod ang gawaing pangkapaligiran sa paaralan?
Pagtatapon ng papel sa basurahan
Pagtatambak ng basura sa sulok
Pagpupunit ng papel at pagtapon sa sahig
Pagdudumi sa likod ng silid
Ano ang dapat gawin kung may nakitang sirang halaman sa paaralan?
Lagyan ng tubig ang halaman
Hayaan na lamang ito
Tapakan ang halaman
Tanggalin sa paso
Ano ang tamang gawin sa tubig na ginamit sa paglilinis ng classroom?
Itapon sa tamang lagayan
Iwanan sa sahig
Ibuhos sa halaman
Ibato sa kalsada
Ano ang mangyayari kung walang magtutulong-tulong sa paglilinis?
Magiging marumi ang kapaligiran
Magiging maayos ang kalikasan
a.
b.
Ano ang mangyayari kung walang magtutulong-tulong sa paglilinis?
Magiging marumi ang kapaligiran
Magiging masaya ang lahat
Magiging maayos ang kalikasan
Mas mabilis ang gawain
Bakit mahalaga ang pakikibahagi sa mga gawaing pangkapaligiran?
Upang mapanatiling malinis ang kapaligiran
Upang magulo ang paligid
Upang hindi makilahok sa iba
Upang maipon ang basura
Ano ang nararamdaman kapag nakakatulong sa paglilinis ng paligid?
Masaya at magaan ang loob
Malungkot at pagod
Naiinis dahil sa dami ng gawain
Walang nararamdaman
Ano ang nararamdaman kung hindi ka nakilahok sa paglilinis?
Nahihiya sa sarili
Natutuwa dahil walang ginawa
Walang nararamdaman
Masaya dahil may kalat
Paano makakatulong ang kalinisan sa kapaligiran sa kalusugan ng tao?
Makakaiwas sa sakit at magiging malusog
Magkakaroon ng maraming basura
Mawawala ang oras sa paglalaro
Magiging magulo ang paligid
Ano ang iyong maaring gawin kung makita mong hindi nakikilahok ang iba sa paglilinis?
Himukin silang sumali sa gawain
Hayaan sila at maglinis mag-isa
Magalit sa kanila
Tumigil sa paglilinis
