Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3RD QUARTER REVIEWER ESP 9

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga sumusunod ay katangian at epekto ng taong tamad maliban sa:

a)

Ito ay pumapatay sa gawain, hanapbuhay o trabaho

b)

Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay

c)

Ito ay maaaring magpabagal sa pag-unlad sa tao

d)

Ito ay magdadala ng pag-asenso sa buhay

2.

Ang mga sumusunod na bunga ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ay ilan sa mga mahahalagang basehan sa kagalingan sa paggawa ng isang produkto o gawain maliban sa:

a)

ang damdaming hindi nakararamdam ng pagod at pagkabagot sa anumang gawain ay resulta ng kagalingan sa paggawa.

b)

magaling ang produkto o ang gawain kung ito ay bago sa tao.

c)

ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at gabay na kanyang nakukuha sa ibang tao.

d)

ang kagalingan ng produkto at gawain ay sa ikabubuti ng taong gumagawa.

3.

Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng maiaambag ng mga kabataan sa pagsusulong ng katarungang panlipunan sa pamayanang kinabibilangan nito maliban sa:

a)

sundin ang lahat ng batas na pinaiiral sa paaralan at sa pamayanan.

b)

magkaroon ng malasakit sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.

c)

pagtulong sa mga samahan sa panahon ng kalamidad

d)

pagsali sa mga proyekto ng barangay dahil sa premyo lamang.

4.

Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod na pahayag na makakatulong upang maging masaya ang manggagawa sa kanyang paggawa?

a)

bigyan ng nararapat na sahod ang manggagawa

b)

bigyan ng nararapat na benepisyo kagaya ng health card

c)

bigyan ng nararapat na pagsasanay sa paggawa

d)

pinagtatrabaho ng higit sa takdang-oras

5.

Ano ang dapat mong gawin upang makamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?

a)

pagsisikapan ang mahihirap na gawain.

b)

bibilisan ang paggawa upang makahabol sa deadline.

c)

paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain na lagpas sa takdang oras.

d)

ang paggawa ng tama at may kasipagan ay hindi nangangailangan na bantayan

6.

Ang pagpupunyagi ay may kalakip na ______.

a)

pagtitimpi, kasipagan, determinasyon at pagtitiyaga

b)

determinasyon, pagtitiyaga, kasipagan at pagsunod

c)

pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon

d)

pagsunod, kasipagan, determinasyon at pagitiis

7.

Ang katarungan ay nangangahulugan ng______.

a)

pagbibigay sa kapwa ng nararapat na karapatan niya.

b)

ito ay panloob na kalayaan

c)

pagbibigay sa kapwa na may hinihintay na kapalit.

d)

ang mabuting ugnayan sa kapwa.

8.

Ang makatarungang tao ay______.

a)

ang makatarungang tao ay nanghihingi ng bayad sa bawat pagkilos bago tumulong sa iba.

b)

mayroon kang yaman na galing sa iyong pamilya at ito ay iyong pinagsasabi sa iba upang kainggitan.

c)

ang makatarungang tao ay ginagamit ang kanyang lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa.

d)

ang makatarungang tao ay gumagalang ng karapatan ng iba ngunit may hinihinging kapalit

9.

Ang taong regular na nagbabayad ng tamang buwis ay halimbawa ng:

a)

katarungan

b)

pagpapahalaga

c)

takot sa Diyos

d)

takot sa sarili

10.

Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:

a)

pamilya

b)

pamahalaan

c)

lipunan

d)

Diyos

11.

Si Andres ay hindi basta-basta tumatawid sa kalsada, matiyaga siyang naghahanap ng tamang tawiran. Ito ay nagpapakita ng:

a)

pagsunod sa sarili

b)

pagsunod sa magulang

c)

pagsunod sa alituntunin sa silid-aralan

d)

pagsunod sa batas

12.

Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuting pandekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang ng gumagawa ng mga ito?

a)

kaloob at kagustuhan ng ibang tao

b)

pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa

c)

materyal na bagay at pagkilala ng lipunan

d)

personal na kaligayahan na makukuha mula dito

13.

Maaari bang isisi sa gobyerno ang kabiguan ng tao na makamit ang kanyang pangarap?

a)

Oo, dahil mataas ang buwis na ipinapataw sa mga manggagawa ng bansa.

b)

Oo, dahil kulang ang programa ng gobyerno para bigyan ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga mahihirap.

c)

Hindi, dahil maaaring may kakulangan rin siya sa pagsusumikap na makamit ang kanyang tunguhin.

d)

Hindi, dahil walang pakialam sa kanilang pag-aaral ang gobyerno

14.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyul ng mga gawain?

a)

pakikipagkaibigan sa mga bagong kaklase

b)

may oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang

c)

may tunguhin, prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa

d)

pakipagkapwa sa lahat ng tao

15.

Ito ay nagpapakita ng pagbuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ang isang produkto maliban sa.

a)

pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain

b)

nagsasabuhay ng pagpapahalaga

c)

pagkatuto bago ang paggawa

d)

pagkatuto habang ginagawa

16.

Sina Cristy at Melody ay may proyekto sa paggawa ng basket na ang kanilang gagamitin na materyales ay mga bagay na patapon na. Ano ang unang hakbang na gagawin nila upang makabuo ng basket sa mga patapon na bagay?

a)

pagpaplano kung saan sila makakuha ng mga materyales at paano nila gagamitin ang kanilang malikhaing pag iisip upang makabuo ng basket

b)

pangangalakal sa paligid at ipapasa na lamang ang lumang basket ng kapitbahay

c)

panghihingi sa mga gumagawa ng basket upang hindi na mahirapan pang gumawa nito

d)

pagbili sa mga pagawaan ng basket upang mas mataas ang maging marka sa proyekto.

17.

Nakaplano lahat ng gawain ni Rosalyn kung kaya walang nasasayang na araw sa kaniya. Siya ay may:

a)

pagpapahalaga sa pag-aaral

b)

pagpapahalaga sa Diyos

c)

pagpapahalaga sa kapwa

d)

pagpapahalaga sa oras

18.

Si Ella ay nag-iipon ng pera kahit hindi gaanong malaki ang kaniyang sweldo, sinisiguro niya na may naitatabi siya para sa paghahanda sa kaniyang kinabukasan. Ito ay nagpapakita ng:

a)

pag-iimpok

b)

pagtitipid

c)

pagpupunyagi

d)

paggastos

19.

Sa tuwing pupunta sa palengke si Ella ay sinisiguro niyang maaga siyang umaalis upang maglakad imbis na sumakay ng tricycle para makabawas sa gastos sa kanyang baon. Ito ay nagpapakita ng:

a)

pagpupunyagi

b)

pagsasakripisyo

c)

pagtitipid

d)

pag-iimpok

20.

Si Catherine ay ipinagpapaliban ang pagbili ng kaniyang nais bilhin dahil ang kanyang naipon ay para sa kanyang pinapag-aral na pamangkin. Ang kaniyang gawain ay nagpapakita ng:

a)

pagtitipid

b)

pagtulong

c)

pagpupunyagi

d)

pagsasayang

21.

Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang damdaming hindi nakararamdam nang pagod at pagkabagot sa anumang gawain.

a)

malikhaing mag-isip

b)

pagmamahal sa ginagawa

c)

wala lang magawa

d)

disiplina sa sarili

22.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na may motibasyon sa paggawa at pinaghahandaan ang isang gawain?

a)

Si Rolly ay nagtitipid ng kanyang kinita mula sa kanyang trabaho upang mabili ang ireregalo sa kanyang ina.

b)

Si May ay naging mapagpasalamat sa lahat ng bagay maliban sa kanyang kinaiinisan.

c)

Si Rona ay naging masayahin sa mga bagay na nangyayari sa kanyang buhay ngunit may inggit sa kapatid.

d)

Si Lina ay naging maluho at nais bilhin ang lahat ng gusto kahit wala sa budget.

23.

Ang mga sumusunod na bunga ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ay ilan sa mga mahahalagang basehan sa kagalingan sa paggawa maliban sa:

a)

Ang damdaming di-nakararamdam ng pagod at pagkabagot sa anumang gawain ay resulta ng kagalingan sa paggawa

b)

Magaling ang produkto o ang gawain kung ito ay bago sa tao

c)

Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at gabay na kanyang nakukuha sa ibang tao

d)

Ang kagalingan ng produkto at gawain ay sa ikabubuti ng taong gumagawa

24.

Tuwing sasapit ang Pasko, ang mga kabataan ay nakakatanggap ng aginaldong salapi mula sa kanilang mga ninong at ninang. Ano ang pinakamainam nilang gawin sa kanilang natanggap na kaugnay sa mga birtud sa paggawa?

a)

Bumili ng bago at branded na gamit.

b)

Mag-impok sa savings account na nakapangalan sa kanila.

c)

Manood ng sine kasama ang mga kaibigan.

d)

Mamasyal at kumain sa restaurant na di pa napupuntahan.

25.

Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan MALIBAN sa:

a)

ito ay pagsisikap na tapusin ang isang gawain kahit walang kalidad.

b)

hindi umiiwas sa mga gawain

c)

walang sinasayang na oras sa paggawa ng isang bagay

d)

sinisikap ang isang gawain na matapos sa takdang-oras

26.

Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan MALIBAN sa:

a)

nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.

b)

ginagawa lang ang trabaho kapag deadline

c)

ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.

d)

hindi umiiwas sa anumang gawain

27.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI NAGPAPAKITA ng konsepto ng pagtitipid?

a)

Paggamit ng mga produkto na mura ang halaga kahit hindi imported

b)

Paglalaan ng partikular na oras sa paggamit ng computer at aircon.

c)

Paglalakad malalapit na patutunguhan.

d)

Pagbili ng mga bagay na nakapagpapasaya kahit ito ay hindi kailangan.

28.

Ipagpalagay mong nakatapos ka na ng iyong kursong kinuha sa kolehiyo at naimbitahan ka ng inyong dating guro na magsalita tungkol sa paksang "Wastong Paggamit ng Oras ng Isang Kabataan". Aling estratehiya ang iyong gagawin upang masiguro na magiging mabisa ito?

a)

Pagbuo ng isang balangkas at pagkakasunod-sunod ng laman ng paksang tatalakayin.

b)

Pagagamit ng power point presentation upang masiyahan ang mga makikinig

c)

Gagawin ang paggasta upang bumili ng mga gagamiting pagregalo sa mga makikinig.

d)

Pagiisip ng mga energizer na gagamitin sa halip ay pagtuunan ng pansin ang paksang tatalakayin.

29.

Ang sumusunod ay halimbawa ng katarungan maliban sa:

a)

magbayad ng buwis

b)

hindi nagsasabi ng totoo

c)

sumusunod sa batas trapiko

d)

maging tapat sa pagsusulit

30.

Ano ang mangyayari pag nilalabag ang karapatan ng tao?

a)

mabubuhay ng malungkot

b)

mawawalan ng katarungan.

c)

magbubunga ng kapayapaan

d)

hindi nila ito magugustuhan.

31.

Ang pagtupad sa mga pangako at komitment ay isang palatandaan ng pagiging makatarungan. Higit mo itong maisasakatuparan kung:

a)

magiging tapat at tutuparin ang mga binitawang mga salita

b)

isusulat sa dyornal ang mga pangako

c)

pipiliin lamang ang pangangakuan

d)

Hindi na lang mangangako

32.

Ang mga sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa:

a)

palaging huli sa klase.

b)

paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.

c)

pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.

d)

pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa

33.

Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?

a)

natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.

b)

nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.

c)

nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.

d)

nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.

34.

Si Rowella ay mahilig gumawa ng mga iskedyul ng gawain, tinitiyak niya na walang masasayang na oras o sandal. Ito ay nagpapakita ng:

a)

pagpapahalaga sa oras

b)

pagpapahalaga sa gawain

c)

pagpapahalaga sa kapwa

d)

pagpapahalaga sa Diyos

35.

Sa yugtong ito isinasagawa ang pagpaplano na magsisilbing gabay upang maging malinaw ang mga layuning isasakatuparan

a)

Pagkatuto habang ginagawa

b)

Pagkatuto bago ang paggawa

c)

Pagkatuto sa gawain

d)

Pagkatuto pagkatapos ng gawain

36.

Ito ang yugto ng pagtataya kung ano ang naging resulta o kinalabasan ng gawain

a)

Pagkatuto habang ginagawa

b)

Pagkatuto bago ang paggawa

c)

Pagkatuto sa gawain

d)

Pagkatuto pagkatapos ng gawain

37.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kagalingan sa paggawa at makakatulong upang maiangat ang sarili at mapaunlad ang bansa?

a)

sa pagiging masipag at malikhain at mahasa ang angking galing upang kumita at makilala

b)

sa pagiging mabait upang matulungan ang mga kaibigan at ibang tao

c)

sa pagiging palangiti at masayahin upang makilala sa buong paaralan

d)

sa pagiging gwapo at maporma para maging sikat sa mga kababaihan sa buong campus

38.

Bilang isang mag-aaral ano ang mga pagpapahalagang dapat mong taglayin upang ikaw ay magtagumpay sa kabila ng mahirap na pamumuhay?

a)

Magsipag, maging matiyaga at magkaroon ng disiplina sa sarili.

b)

Maging maunawain at matiisin sa mga pagsubok sa buhay.

c)

Ipakita ang galing sa pamamagitan ng matalinong talastasan

d)

Maging matalino, mabait at maunawain.

39.

Bata pa lamang si Manuel ay pinapangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kaniya na maabot ang pangarap at sa huli'y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?

a)

Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili

b)

Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos

c)

Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap

d)

Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon

40.

Si Aira ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, nakapagtapos siya sa pag-aaral dahil sa pagsisikap. Ito ay nagpapakita ng:

a)

pagsasakripisyo

b)

pagpupunyagi

c)

pagtitipid

d)

pag-iimpok

41.

Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?

a)

Hindi na kailangan pang-utusan si Amy at kusa itong gumagawa ng gawaing bahay.

b)

Anumang pinapagawa ng guro ay binibigyan palagi ng malasakit ni Samantha

c)

Masipag pumasok si Emong sa paaralan lalo na kung may baon.

d)

Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Tricia ay ginagawa niya ito ng basta-basta.

42.

Pinalitan ni Loraine ang nagretirong principal ng kanilang paaralan. Marami ang nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?

a)

Magpakumbaba at maging masipag para ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating principal at higitan pa.

b)

Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan

c)

Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay ng kaniyang trabaho

d)

Sundin ang payo at gusto ng matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito

43.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangunahing prinsipyo ng katarungan?

a)

palaging nakakasalamuha ang kapwa

b)

paggalang sa karapatan ng bawat isa

c)

tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap

d)

may ugnayan na namamagitan sa dalawang tao lamang.

44.

Bilang kabataan, simulan ng hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?

a)

sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa pamilya

b)

alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa

c)

gamitin ang oras upang tuklasin ang kayang gawin sa pagpapaunlad ng sarili

d)

gamitin ang oras, talento at kakayahan para sa pagpapaunlad ng sarili at ng bansa

45.

Ang mga sumusunod ay mga katangian na kailangang taglayin upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa maliban sa:

a)

pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga

b)

pagtataglay ng positibong kakayahan

c)

pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos

d)

pakikipagtulungan sa kapwa

46.

Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Emma. Mabenta ang mga ito lalo na yung bag na may iba't-ibang disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita ng kagalingan ng tao sa paggawa?

a)

nagiging mayaman ang tao sa paggawa

b)

nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay

c)

nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama sa mithiin ng lipunan

d)

nagkakaroon ng dahilan ang tao upang mabuhay

47.

Si Joshua ay walang sinasayang na oras, hindi uso' sa kanya ang pahinga, para sa kaniya 'Time is Gold'. Ito ay nangangahulugan ng mga sumusunod maliban sa:

a)

ang oras ay ginto kaya dapat pinahahalagahan at huwag sayangin

b)

kailangan ang wasto at tamang pamamahala sa paggamit ng oras

c)

ang oras ay mahalaga kaya hindi dapat aksayahin at balewalain

d)

ang oras ay ginto kaya dapat ipagyabang

48.

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng taong nagtataglay ng kasipagan maliban sa:

a)

nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa

b)

ginagawa ang gawain ng may pagmamahal

c)

hindi umiiwas sa anumang gawain

d)

masipag sa pag-iwas sa gawain

49.

Si Micaella ay sadyang masipag. Iniiwasan niyang hindi magawa ang gawain sa tamang oras at sinisiguro niyang maigi na maayos ang kalalabasan nito. Ano ang palatandaan na siya ay nagtataglay ng kasipagan?

a)

nagbibigay ng bayad sa mga gagawa

b)

ginagawa ang gawain ng may hinihinging pabor sa iba

c)

hindi umiiwas sa anumang gawain ngunit nagdadabog

d)

hindi nagrereklamo at maayos sa kanyang mga gawain

50.

Si Amirah ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, nakapagtapos siya sa pag-aaral dahil sa pagsisikap. Ito ay nagpapakita ng:

a)

pagsasakripisyo ng kaibigan ni Amirah upang matulungan siyang makapagtapos

b)

pagpunyagi ni Amirah na makapagtapos ng pagaaral kahit siya ay working student

c)

pagtitipid sa mga load upang makaipon ng maraming pera

d)

pag-iimpok upang makapagliwaliw sa labas ng bansa