Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa AP 6

Total questions: 50

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang dahilan ng pagbago ng takbo ng kalakalan at kalinangan sa muling pagtatag ng lungsod ng Maynila?

a)

pagkakaisa

b)

digmaan

c)

ingingitan

d)

pagtutulungan

2.

Ano ano ang ipinarating na tulong mula sa ibang bansa?

a)

arina, asukal, gatas, itlog at isda

b)

isda, karne, arina, keso at tinapay

c)

bigas, asukal, noodles, sardinas at tinapay

d)

arina, commeal, keso, powdered milk at powdered egg

3.

Ano ang tawag sa programa ng pamahalaan upang masolusyunan ang problemang informal settlers?

a)

Natural Refresher and Rehabilitation Activity

b)

National Refresher and Rehabilitation Administration

c)

Natural Resettlement and Rehabilitation Administration

d)

National Resettlement and Rehabilitation Administration

4.

Sino ang pangulo ng Pilipinas na nakipagsundo sa Estados Unidos batay sa kontekstong base militar?

a)

Manuel Roxas

b)

Elpidio Quirino

c)

Sergio Osmeña

d)

Manuel Quezon

5.

Anong base-militar ang ang sinasabing pinakamalaking overseas military installation ng puwersa ng Estados Unidos?

a)

Clark Field Air Base

b)

US Naval Base Subic Bay

c)

Puerto Princesa Army and Naby Air Base

d)

Camp John Hay Leave and Recreation Center

6.

Bakit nakipagsundo si Pangulong Manuel Roxas sa mga Amerikano hinggil sa base militar?

a)

Dumami ang mga illegal settlers.

b)

Maituturing na ganap na estado ang Pilipinas.

c)

Mabilis ang paglaki ng populasyon sa mga pook-urban.

d)

Matinding kahirapan ang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa.

7.

Ano ang tawag sa mga walang insaktong tirahang matitirahan?

a)

formal settlers

b)

informal settlers

c)

mamamayan

d)

palipat-lipat ng bahay

8.

Ano ang Military Bases Agreement?

a)

Pagsasaayos ng pamumuhay ng mga mamamayan pagkatapos ng digmaan

b)

Pagkakaroon ng pantay na karapatan ang mga Amerikano na magnegosyo sa bansa

c)

Pinahihintulutang manatili ang Amerikanong base-militar sa iba't ibang sulok ng Pilipinas

d)

Binigyan ang mga Amerikano ng karapatang tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas

9.

Ano ang naging isang malaking hamon ng pamahalaang Komonwelt?

a)

kawalan ng hanapbuhay

b)

marami ang namamatay

c)

kawalan ng mapapasyalan

d)

walang nagugutom

10.

Ano ang Military Assistance Agreement?

a)

Pagkakaroon ng pantay na karapatan ang mga Amerikano na magnegosyo sa bansa

b)

Matustusan ang iskolarsip ng mga Pilipinong mag-aaral na ipapadala sa Estados Unidos

c)

Binigyan ng karapatang manatili ang Amerikanong base-militar sa iba't ibang sulok ng Pilipinas

d)

Pinahihintulutan ang mga Amerikano ng karapatang tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

11.

Ano-ano ang mga pagbabagong ginawa ng mga Amerikano ukol sa kalakalan?

a)

Pag-aalis ng mga monopolyo sa pagbibili ng opyo, sabungan at alak.

b)

Pagkokolekta ng salapi at inilagak sa isang publikong tesorero.

c)

Pagpapalit sa cedula personal sa isang peseta.

d)

Lahat ng nabanggit.

12.

Ano ang batas na naglagay ng mga limitasyon sa pagpasok ng mga produktong Pilipino sa Amerika?

a)

Batas Payne-Aldrich

b)

Batas Underwood-Simmons

c)

Parity Rights

d)

Malayang Kalakalan

13.

Ano ang batas na nag-alis ng restriksiyon sa lahat ng produkto na pumapasok sa dalawang bansa?

a)

Batas Payne-Aldrich

b)

Parity Rights

c)

Batas Underwood-Simmons

d)

Malayang Kalakalan

14.

Base sa istatistika nang taong 1914-1920, ilang porsyento ang iniluwas na produkto ng Pilipinas patungong Amerika?

a)

30%-60%

b)

40%-60%

c)

50%-70%

d)

40%-70%

15.

Anong mga produkto ng Pilipinas ang nilagyan ng limitasyon sa pagpasok sa Estados Unidos?

a)

bigas, asukal at tabako

b)

saging, niyog at abaka

c)

mais, tubo at pinya

d)

bigas, niyog at pinya

16.

Ang sumusunod ay mga batas ukol sa kalakalan at karapatan sa likas na yaman ng Pilipinas, maliban sa isa. Ano ito?

a)

Parity Rights

b)

Tydings-McDuffie

c)

Underwood-Simmons

d)

Payne-Aldrich

17.

Ano ang isinasaad ng Batas Underwood-Simmons?

a)

Naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa Amerika maliban sa bigas, asukal at tabako.

b)

Naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok sa pamilihan ng Pilipinas at Amerika.

c)

Nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.

d)

Nag-ambag ng mga makinarya para sa paggawa ng mga produkto ng Amerika na ipagbibili sa Pilipinas at sa iba pang karatig bansa.

18.

Bakit masasabi na malaki ang pakinabang ng Estados Unidos sa Batas Underwood-Simmons?

a)

Naging positibo ang mga Amerikano sa pagdami ng mga iniluluwas na produkto ng Pilipinas.

b)

Kahit hindi mahahalagang produkto ay naipasok nila sa pamilihan

c)

Nagdulot ito ng mas malaking tubo sa kanilang kita.

d)

Lahat na nabanggit ay tama.

19.

Anong taon ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang Batas Payne-Aldrich?

a)

1909

b)

1990

c)

1809

d)

1890

20.

Ano ang batas na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas?

a)

Batas Payne-Aldrich

b)

Batas Underwood-Simmons

c)

Parity Rights

d)

Malayang Kalakalan

21.

Sino ang nagpailalim sa bansa sa loob ng apat-napu't walong taon na naging dahilan sa isip-kolonyal ng mga Pilipino?

a)

Amerikano

b)

Koreano

c)

Tsino

d)

Espanyol

22.

Ano ang tawag sa pag-uugali ng mga Pilipino na nagtatangkilik sa mga kultura ng ibang bansa?

a)

Barter

b)

Colonial Mentality

c)

Sanduguan

d)

Crab Mentality

23.

Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo mahihikayat ang mga kabataang Pilipino na tangkilikin ang produktong Pilipino?

a)

Pagandahin ang kalidad ng produksyon

b)

Dagdagan ang presyo ng mga produkto

c)

Kontrolin ang katangian ng ating produkto

d)

Pagkakaroon ng kalabisan at kakulangan sa mga produkto

24.

Anu-ano ang mga produktong dala ng mga Amerikano?

a)

Corned beef, hotdog, softdrinks

b)

Pansit, bola-bola

c)

Noodles, kimchi, bibimbap

d)

Siopao, Siomai, tsa

25.

Siya ay tinaguriang "Kampeon ng Masang Pilipino at Kampeon ng Demokrasya.

a)

Manuel Quezon

b)

Ramon F. Magsaysay

c)

Manuel A. Roxas

d)

Elpidio Quirino

26.

Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika?

a)

Manuel Quezon

b)

Carlos Garcia

c)

Manuel Roxas

d)

Elpidio Quirino

27.

Siya ang pangulong tinaguriang "Ama ng Industriyalisasyon ng Pilipinas".

a)

Diosdado Macapagal

b)

Ramon Magsaysay

c)

Elpidio Quirino

d)

Carlos Garcia

28.

Ito ay mga patakaran at programang inilunsad ni Pangulong Manuel Roxas maliban sa isa.

a)

Pagsasaayos ng elektripikasyon

b)

Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal

c)

Pagpapaunlad ng kabuhayan

d)

Pagtatatag ng kaluwagan sa pagpapautan

29.

Isa sa kanyang mga programa ay ang pagsugpo sa paglaganap ng komunismo.

a)

Manuel Quezon

b)

Ramon F. Magsaysay

c)

Manuel A. Roxas

d)

Elpidio Quirino

30.

Inilunsad niya ang Austerity Program na naglalayong magkaroon ng maayos at matipid na pamumuhay ang mga Pilipino.

a)

Diosdado Macapagal

b)

Carlos P. Garcia

c)

Ferdinand Marcos

d)

Elpidio Quirino

31.

Ang ilan sa mga epekto ng colonial mentality sa ating bansa maliban sa isa. Ano ito?

a)

Pag -asenso ng mga dayuhang negosyo

b)

Pagbuo ng mga lokal na negosyo

c)

Pagbaba ng nasyonalismo

d)

Pagtaas ng importasyon

32.

Itinatag niya ang Cultural Center of the Philippines.

a)

Diosdado Macapagal

b)

Carlos P. Garcia

c)

Ferdinand Marcos

d)

Elpidio Quirino

33.

Binago niya ang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.

a)

Diosdado Macapagal

b)

Carlos P. Garcia

c)

Ferdinand Marcos

d)

Elpidio Quirino

34.

Ang patakarang ito ay nagbibigay ng priyoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa.

a)

Austerity Program

b)

Filipino First Policy

c)

Filipino Retailer's Fund Act

d)

NAMARCO

35.

Ang mga sumusunod ay mga patakaran sa ilalim ng pangangasiwa ni Pangulong Garcia maliban sa isa.

a)

Austerity Program

b)

Filipino First Policy

c)

MAPHILINDO

d)

NAMARCO Act

36.

Ano ang naging epekto ng Filipino First Policy sa bansa?

a)

Naging laganap ang kurapsyon sa bansa

b)

Naging lubog sa utang ang Pilipinas

c)

Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo ng kapwa Pilipino

d)

Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo galing sa ibang bansa

37.

Ano ang tawag sa pagbigay ng pantay karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng Pilipinas?

a)

Parity Right

b)

Bell Trade Act

c)

Austerity Program

d)

Filipino First Policy

38.

Sinong pangulo ang nagbigay pansin sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon?

a)

Manuel A. Roxas

b)

Diosdado Macapagal

c)

Elpidio Quirino

d)

Ferdinand E. Marcos

39.

Sinong pangulo ang naniniwala na kung ano ang makabubuti sa pangkaraniwang tao ay siya ring makabubuti sa buong bansa?

a)

Carlos P. Garcia

b)

Ferdinand E. Marcos

c)

Ramon F. Magsaysay

d)

Diosdado Macapagal

40.

Ano ang layunin ng Austerity Program ni Pangulong Garcia?

a)

Layunin nitong umutang ang Pilipinas sa ibang bansa

b)

Layunin nito na bigyang-halaga ang lakas paggawa ng mga Pilipino

c)

Hinihikayat nito ang mga mamamayan na mamuhay ng simple at matipid

d)

Hinihikayat ng programang ito na gumasta ng malaki ang pamahalaan

41.

Sino ang nagsamantala at nakinabang sa ekonomiya at kabuhayan ng ating bansa?

a)

Dayuhan

b)

Pilipino

c)

Tsino

d)

Hapon

42.

Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit ipinagpatuloy ni Ramon F. Magsaysay ang paglunsad sa Economic Development Corporation (EDCOR) maliban sa isa?

a)

Bubuti ang kabuhayan ng bawat mamamayan

b)

Di na sila mahihikayat na maging kumunista

c)

Mamuhay ang mga tao ng matiwasay

d)

Para ang mga HUK ay magpatuloy sa kanilang pakikibaka sa pamahalaan

43.

Ang mga usaping kinasangkutan ng mga pinuno ng pamahalaan ay ang_____

a)

pagmamalabis sa tungkulin

b)

anomalya

c)

mga gawaing di-kanais-nais

d)

lahat ng sagot sa ibabaw

44.

Ang mga sumusunod ay mga suliranin, isyu at hamon ng ating bansa noong Ikatlong Republika, maliban sa isa:

a)

Pagbaba ng moral ng mga tao.

b)

Pagtaas ng pag-angkat ng produkto

c)

Pag-unlad ng hanapbuhay

d)

Pagbaba ng produksiyon

45.

Kooperatibong nagpapautang sa mga magsasaka ng perang magagamit sa pagbili ng kakailanganin sa pagsasaka.

a)

ACCFA

b)

FACOMA

c)

NACOCO

d)

GSIS

46.

Sa pamamagitan ng batas na ito, hinati-hati ang malalaking asyenda na binili ng pamahalaan upang maipamahagi ng hulugan sa mga kasama.

a)

Agricultural Land Reform Code

b)

Land Reform Program

c)

Land Tenure Reform Law

d)

Bureau of Internal Revenue

47.

Alin sa mga sumusunod na patakarang nagsasabi na 'Dapat bigyan muna ng lahat ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan?

a)

Patakarang Pilipino Muna

b)

Filipino Retailers Fund Act

c)

National Marketing Corporation Act

d)

Land Tenure Refurm Law

48.

Ang Manila pact noong Pebrero 19, 1955 ay may ilang orihinal na miyembro?

a)

8

b)

9

c)

10

d)

11

49.

Ano ang ginawa ni Carlos P. Garcia sa lumalang kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa?

a)

hinigpitan niya ang pag-aangkat ng kalakal

b)

tinanggihan ang mga kalakal

c)

dinamihan niya ang pag-aangkat ng kalakal

d)

bawal ang kalakal

50.

Ang mga sumusunod ay mga suliranin na balakid sa ugnayan ng Pilipinas at United States sa panahon ng pamamahala ni Carlos P. Garcia maliban sa isa, alin dito?

a)

di-makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano

b)

di-pantay na paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikano

c)

pagbibintang na magnanakaw ang mga Pilipino sa mga base

d)

pag-uutos sa mga Pilipino ng kung ano-ano