wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 8

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang Renaissance ay nangangahulugang muling pagsilang na nakasentro sa bansang Italy na nagbigay ng malaking pagbabago sa buong Europa. Ano ang dahilan kung bakit sa Italy nag-umpisa ang Renaissance?

a)

Dahil ito ang may pinakamalaking bilang ng populasyon sa buong Europe.

b)

Dahil sa lugar na ito naganap ang krusada na nagbigay-daan sa mga bagong ideya at pagbabago.

c)

Dahil sa magandang lokasyon nito, maraming mga tao ang nagtataguyod ng pagpapaunlad ng   sining at kaalaman.

d)

Dahil naniniwala sila na ito ang itinalagang lugar ng Diyos upang magdulot ng pagbabago sa pamumuhay at kaugalian sa buong Europa.

2.

Ang pangunahing layunin ng humanismo ay ang pagpapalakas kaalaman ng mga tao, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga klasikong gawang sining at panitikan mula sa Griyego at Romano. Ano ang naging epekto ng pag-usbong ng humanismo sa panlipunang buhay ng mga tao sa panahon ng Renaissance?

a)

Pagbabago sa pananaw sa buhay at tao

b)

Pagkakaroon ng pag-aaral sa wikang Latin

c)

Pag-unlad ng kalakalan sa mga bansa sa Europa

d)

Pagkakaroon ng mas malawak na pagkakakilanlan sa relihiyon

3.

Malaki ang naging pagbabagong dulot ng Renaissance. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto nito sa mga bansa sa Europa?

a)

Nagdulot ng pagkaantala ng pag-unlad ng mga bansa sa Europa.

b)

Nagdulot ng malaking krisis sa politika, kabuhayan, lipunan at kultura.

c)

Nagdulot ng pagkawala ng mga sinaunang kulturang klasikal ng Gresya at Roma.

d)

Nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, iskultura, ekonomiya at pati na rin sa eksplorasyon.

4.

Ang Europa ay nasa ilalim ng kultural at pang-ekonomiyang sistema ng Middle Ages, kung saan ang Piyudalismo, Simbahang Katolika, at limitadong pag-unlad sa agham at sining ang nagtakda ng takbo ng lipunan. Ano ang naging kontribusyon ng Renaissance sa pag-unlad ng ekonomiya sa Europa?

a)

Paglago ng kalakalan sa mga bansa

b)

Pagdami ng mga negosyante sa mga siyudad

c)

Pagbabago sa sistemang agraryo sa mga kanayunan

d)

Pagtuklas sa bagong kayamanan tulad ng metal at enerhiya

5.

Sa panahon bago ang Renaissance, umiiral na ang patriarkal na lipunan, kung saan ang kalalakihan ang nakakakuha ng higit na mga karapatan at kapangyarihan kumpara sa kababaihan. Nararapat ba na hindi pahintulutan na makapag-aral at makilahok ang kababaihan sa mga gawain sa sining at kultura?

a)

Oo, dahil itinuturing lamang sila na pangalawang mamamayan.

b)

Oo, dahil ang kanilang mga tungkulin ay nakatuon lamang sa pagiging tagapag-alaga sa tahanan at pamilya.

c)

Hindi, dahil ang kababaihan ay mayroong mga kakayahan at talino na hindi dapat hadlangan ng kanilang kasarian.

d)

Hindi, dahil ito ang tanging paraan upang makamit nila ang pantay na karapatan at makatulong sa pagpapalakas ng lipunan.

6.

Ang kolonyalismo ay nagsimula noong ika-15 siglo dahil sa paghahanap ng mga Europeo ng mga ruta ng kalakalan patungo sa Asia at iba pang bahagi ng mundo. Ano ang pangunahing layunin sa unang yugto ng kolonyalismo?

a)

Paglalayag ng mga Europeo sa mga bagong lupain

b)

Pag-aaral ng mga Europeo sa kultura at relihiyon ng mga tao sa ibang bansa

c)

Pagkakatatag ng mga kolonya at paghahari ng mga Europeo sa bagong lupain

d)

Pakikipagsapalaran ng mga Europeo sa ibang bansa upang magkaroon ng bagong kabuhayan

7.

Ano ang naging kontribusyon ng unang yugto ng kolonyalismo sa kasaysayan ng mga bansa?

a)

Pagkakaroon ng mga bagong produkto at kalakal

b)

Pagpapalawak ng kaalaman at teknolohiya sa ibang bansa

c)

 Pagkakaroon ng mga permanenteng ugnayan sa pagitan ng mga bansa

d)

Pagpapalawak ng mga teritoryo at kapangyarihan ng mga bansang kolonyalista

8.

 Alin ang HINDI kabilang sa mga salik sa paghahangad ng katanyagan o karangalan ng mga bansang Portugal at Spain sa kanilang paglalayag?

a)

Magpalawak ng teritoryo

b)

Magpalaganap ng Kristiyanismo

c)

Makilala bilang mga makapangyarihan

d)

Magsagawa ng mga reporma sa pamahalaan

9.

Ang Spain at Portugal ay magkaribal sa paggalugad at pagtuklas ng mga lupain. Bakit naging mahalaga ang pagtuklas ni Ferdinand Magellan ng mundo?

a)

Dahil sa napatunayan na ang mundo ay bilog

b)

Dahil sa kanyang nais magkaroon ng dagdag na kalakalan

c)

Dahil sa kanyang kahandaang mamatay sa kanyang paglalakbay

d)

Dahil sa kanyang nais maghanap ng bagong teritoryo para sa Spain

10.

Ang mga Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggalugad sa ibang panig ng mundo. Isa na rito ay si Vasco da Gama. Ano ang naging bunga ng paglalayag niya sa kalakalan sa India?

a)

Umangat ang ekonomiya ng Portugal

b)

Umusbong ang mga kolonya ng Portugal sa Asya

c)

Bumaba ang presyo ng mga kalakal mula sa India

d)

Nagkaroon ng mas maayos na relasyon sa pagitan ng Portugal at mga bansa sa Asya

11.

Ang unang yugto ng kolonyalismo sa Pilipinas ay nagsimula nang dumating si Ferdinand Magellan noong 1521. Paano nakaapekto ang kolonyalismo sa paghubog ng kasaysayan ng bansa?

a)

Nagpakilala ito ng bagong kultura at paniniwala

b)

Nagdala ito ng bagong tradisyon at pananaw sa buhay

c)

Naipalaganap nito ang relihiyong Kristiyanismo sa mga lokal na komunidad

d)

Naitaguyod nito ang pagkakaisa at pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga mananakop

12.

Paano naisakatuparan ng mga dayuhang mananakop ang kanilang layunin sa unang yugto ng kolonyalismo?

a)

Pagpapalit ng mga lokal na kultura at paniniwala ng mga tao

b)

Paggamit ng pwersa at karahasan upang angkinin ang mga lupain at yaman

c)

Pagpapakalat ng mga pananampalataya at pagsanib sa mga lokal na relihiyon

d)

Pakikipagkasundo sa mga lokal na lider at pakikipagtulungan sa pagpapalawak ng ekonomiya

13.

Nagkaroon mang mabuting epekto ng kolonyalismo, nagdulot naman ito ng ilang problema. Ano ang isa sa mga suliraning naidulot ng kolonyalismo sa mga nasakop na bansa?

a)

Pagtaas ng bilang sa populasyon ng mga nasakop na lugar


b)

Pag-usbong ng bagong pangangailangan ng mga nasakop na bansa

c)

Pagkakaroon ng mas mabuting pamamahala sa mga nasakop na bansa

d)

Pagkawala ng kultura, pagsasamantala sa likas na yaman, at pang-aabuso sa mga nasakop na bansa

14.

Nang dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas, nagdulot ito ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ano ang naging epekto nito sa mga lokal na komunidad sa bansa?

a)

Lumawak ang kaalaman sa makabagong teknolohiya.

b)

Naimpluwensiyahan ang kultura at paniniwala ng mga Pilipino.

c)

Nagkaroon ng pagbabago sa mga batas at kasunduan sa lokal na antas.

d)

Dumagsa ng mga dayuhang mangangalakal at nagkaroon ng krisis sa ekonomiya.

15.

Naglakbay ang mga bansang kanluranin upang tuklasin ang iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa iyong opinyon, mabuti ba ang epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa mga nasakop na lugar?

a)

Oo, sapagkat ibinahagi ng mga mananakop ang kanilang kaalaman sa agham, teknolohiya, matematika, at iba pang larangan sa mga sinakop.

b)

Oo, sapagkat nagdala ang mga mananakop ng mga bagong teknolohiya at kaalaman na nakatulong sa pagpapabuti ng imprastraktura at ekonomiya ng sinakop na lugar.

c)

Hindi, sapagkat naging dahilan ito ng pagkasira ng kultura, tradisyon, at paniniwala ng mga nasakop na bansa.

d)

Hindi, sapagkat naging daan ito upang mapagsamantalahan ang mamamayan, mapalawakin ang kanilang teritoryo, at magtamo sila ng higit na kapangyarihan.

16.

Marami ang mga pagbabago sa Europa at United States noong ika-18 siglo. Ano ang isa sa mga epekto nito na naging dahilan sa pag-usbong ng Rebolusyong Industriyal?

a)

Nagsimula sa Great Britain ang mga pagbabago sa agrikultura at industriya.

b)

Nagkaroon ng malawakang pag-unlad sa larangan ng agham at teknolohiya.

c)

Nabago ang tradisyunal na pamamaraan sa agrikultura at napalitan ito ng makabagong makinarya.

d)

Nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Europa at United States.

17.

Ang Rebolusyong Siyentipiko ay nagdulot ng makabuluhang pagbabago sa lipunan at teknolohiya. Ano ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng rebolusyong ito?

a)

Paglago ng kalakalan at paglalakbay

b)

Pag-usbong ng malayang sistema ng kalakalan

c)

 Pagkakatatag ng makabagong sistema ng pamamahala

d)

Paglitaw ng mga makabagong ideya at kaalaman sa siyensiya

18.

Ang Rebolusyong Enlightenment ay nagtaguyod ng mga ideya na nakatuon sa rasyonal na pag-iisip at sa pagtiwala sa kakayahan ng tao sa pagpapasya. Ano ang naging epekto ng Enlightenment sa mga isyung panlipunan at pampulitika?

a)

Pagpapalaganap ng relihiyon sa komunidad

b)

Pagpapalawak sa kapangyarihan ng monarkiya

c)

Pagpapalaganap ng kawalan ng tiwala sa pamahalaan

d)

Pagbaba ng antas sa karapatan at kalayaan ng mamamayan

19.

Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdulot ng malalaking pagbabago sa lipunan at ekonomiya. Paano ito nakaapekto sa paglago ng populasyon sa mga urban na lugar?

a)

Pagtatrabaho ng mga kabataan

b)

Pagbuo ng samahan ng mga manggagawa

c)

Pagpapalawak ng kontrol ng mga banyagang bansa

d)

Pagdagsa ng mga tao mula sa probinsya patungo sa mga lungsod


20.

Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdala ng malalaking pagbabago sa mga bansa sa Europa noong ika-18 at ika-19 siglo. Ano ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal sa ekonomiya ng mga bansang ito?

a)

Nagdulot ito ng pagkasira ng ekonomiya at pagtaas ng kahirapan

b)

Nagdulot ito ng pagkalugi ng mga sakahan at pagtaas ng halaga ng mga bilihin

c)

Nagbigay-daan ito sa pagdami ng mga negosyo at pagpapalawak ng mga pabrika

d)

Nagbigay ito ng pagkakataon para sa mga manggagawa na kumita ng mas mataas na sahod