Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 33

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo maipamamalas ang iyong kahusayan at kasipagan?

a)

Pagbubutihan ko ang paggawa ng aking proyekto.

b)

Gagawin ko ang aking takdang aralin ng buong husay at kasipagan.

c)

Lilinangin ko pa ang aking kakayahan sa pamamagitan ng pag-aaral.

d)

Nagagawa ko ang aking mga gawain nang tama, maayos, may sistema at ayon sa oras.

2.

Sina Heidelyn Diaz at Carlos Yulo ay mga matagumpay na Pilipino. Ano ang mga katangian na magkatulad sila?

a)

Asensado, masipag at mapagmahal.

b)

Mapagbigay, matulungin at maparaan.

c)

Tanyag, mahusay at may disiplina sa sarili.

d)

Mapagkakatiwalaan, malambing at maasikaso.

3.

Inspirasyon mo ang tagumpay ni Manny Pacquiao. Paano mo ito maipapakita sa araw-araw na buhay?

a)

Matitipid upang yumaman

b)

Disiplinado sa pag-eensayo

c)

Pagiging masayahin sa lahat ng oras

d)

Gagamit ng po at opo sa lahat ng oras.

4.

Paano pinatunayan ni Dr. Jose Rizal ang pagmamahal niya sa bayan?

a)

Siya ay nagbuwis ng buhay para sa bansa.

b)

Siya ay nagmulat ng kamalayan sa mga Pilipino.

c)

Siya ay nakipaglaban sa mga kastila gamit ang papel at panulat.

d)

Siya ay nag-alay ng buhay at nagbukas ng kamalayan ng mga Pilipino.

5.

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kahusayan ng natatanging Pilipino?

a)

Magpakita ng larawan kasama nila at ipost sa social media.

b)

Ipagmalaki iresepto at gawin silang inpirasyon.

c)

Pumila upang makapagpamirma ng autograph.

d)

Bumili ng mga gamit na may larawan nila.

6.

Mula sa mga pangungusap bilang 1-5. Piliin ang mga titik na nagpapakita ng mga suliraning nakakaapekto sa pinagkukunayang-yaman.
1.Makiisa sa tree planting program
2.Palitan ang mga punong pinuputol
3. Pagpuputol ng mga puno sa kagubatan
4. Pagtapon ng basura sa tamang lugar
5. Gumamit ng mga nakasasamang kemikal sa pananim

a)

1,2,4

b)

3,4,5

c)

1,3,5

d)

2,3,4

7.

Sino ang nagpapakita ng pagpapahalaga at may pananagutan sa kabuhayan at paggamit sa pinagkukunang yaman?

a)

Si Elmo na nagsusunog ng mga puno sa kagubatan.

b)

Si Jojo na nagtapon ng langis at kemikal sa karagatan.

c)

Si Mang Boy na gumagamit ng kemikal sa kanyang pananim.

d)

Si Edgardo na gumagamit ng organikong pataba sa pagtatanim.

8.

Ang mga sumusunod ay tamang paggamit at pangangalaga sa mga pinagkukunang-yaman MALIBAN sa isa.

a)

Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

b)

Pagtatanim ng mga puno at halaman sa bakanteng lote.

c)

Pag- iwas sa pagtapon ng basura sa mga katubigan.

d)

Pagbabawal sa pagkakaingin o pagsususnog ng mga puno sa kagubatan at kabundukan.

9.

Ang inyong bahay ay malapit sa Ilog. Malinis at malinaw ang tubig at may isdang nanahuhuli rito.Subalit naging marumi na ang tubig dahil sa kapabayaan ng mga nakatira rito. Ano sa palagay mo ang naging sanhi ng pagdumi ng ilog?

a)

Ginagawang palikuran ang ilog.

b)

Pagtatapon ng mga basura sa ilog

c)

Pagtatapon ng mga patay na isda.

d)

Lahat ng nabanggit ay mga sanhi ng pagdumi ng ilog.

10.

Ang mga sumusunod ay paraan para mapangalagaan ang ating pinagkukunang yaman. Alin ang HINDI dapat mapabIlang sa lipon ng mga salita?

a)

Tapat mo, Linis mo.

b)

Linisin ang mga katubigan.

c)

Paggamit ng lason at dinamita sa pangingisda.

d)

Magtanim at alagaan ang mga puno at halaman.

11.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng magandang plano tungkol sa kampanya para sa kabataan upang aktibo silang makilahok sa pangangalaga ng kalikasan?

a)

Pinulot ni Evan ang nakita niyang mga plastic habang siya'y naglalakad.

b)

Gumagawa ng compost pit si Nathan para doon itapon ang mga nabubulok na basura.

c)

Hinuhuli ng mga kabataan sa Brgy. Sta Maria ang mga hayop mula sa kagubatan para ibenta.

d)

Naglalagay ng babala ang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang sa tabi ng Ilog Pasig upang mapanatili ang kalinisan nito.

12.

Paano maipapakita ang etiko sa paggawa?

a)

Sa pamamagitan ng pangongopya sa sagot ng kaklase.

b)

Sa pamamagitan ng panggagaya ng gawa ng ibang grupo.

c)

Sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan sa paggawa.

d)

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mamahaling mga materyales.

13.

Siya ay nakilala sa Buddy-Mediated Instruction na isang paraan ng pagkatuto sa tulong at gabay ng kapwa mag-aaral.

a)

Dorothy S. Tarol

b)

B. Joel Cruz

c)

C. Manny Pacquiao

d)

D. Vicki Belo

14.

Bakit dapat tayong maging tagapamahala ng kapaligiran?

a)

Para maging malinis at marumi ang kapaligiran.

b)

Para pwede tayong maghari sa ating kapaligiran.

c)

Para pwedeng gawin ang mga nais mong gawin sa iyong kapaligiran.

d)

Para maging malinis, maganda at maaliwalas ang kapaligiran nating lahat.

15.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan upang mapanatili ang likas na yaman?
1. Huwag gumamit ng mga dinamita sa pangingisda.

2. Kumuha ng mga korales at kabibe sa paggawa ng mga isperimento

3. Ipatupad ng husto ang mga batas na ipinagbabawal ang illegal logging at pagkakaingin.

4. Iwasan ang pagkakalat na nagdudulot ng polusyon bagkus tumulong sa paglilinis ng kapaligiran.

5. Putulin lamang ang mga matatandang puno at agad itong palitan.

a)

1,2,3,4

b)

1,3,4,5

c)

2,3,4,5

d)

1,2,4,5

16.

Sino sa mga sumusunod ang nagpakita ng de-kalidad nagawain?

a)

Si Oliver na itinapon ang ginamit niyang face mask sa basurahan na may nakasulat na nabubulok.

b)

Si Erning na gumagamit ng lambat na may maliliit na butas upang maisama ang maliliit na isda sa panghuhuli.

c)

Si Efren na pinag aralan muna kung ano ang mabuti para sa itatayong pabrika sa Mindoro upang hindi masira ang daluyan ng tubig sa lugar na ito.

d)

Si Manny na gamit ang bangka sa pagpunta sa bawat isla upang ipaliwanang ang hindi masamang epekto ng paggamit ng dinamita at himukin ang lahat ng mangingisda na gumamit nito.

17.

Ang Republic Act 8749 o Philippine Clean Act ay tungkol sa__________.

a)

Pagpapanatili ng ecological diversity.

b)

Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan.

c)

Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa.

d)

Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at pagbabawal sa mga gawain nagpapadumi sa hangin.

18.

Ang mga sumusunod ay mga gawaing nagpapakita na etiko sa paggawa MALIBAN sa isa.

a)

Dapat pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.

b)

Dapat sumunod sa pamantayan ng paggawa upang lumabas na de-kalidad ang ginawa.

c)

Mainam na maubos ang oras sa paggawa ng proyekto basta maging maganda at maayos ito.

d)

Mas mabuting magtanong sa mga nakakaalam kaysa bilisan ang paggawa, subalit wala naman itong kalidad.

19.

Tukuyin ang ipinapahihiwatig ng pangungusap: Naibibigay nang buo ang inaasahan sa oras na pinagkasunduan.

a)

Kakayahang tumugon

b)

Takdang Oras

c)

Panahon ng pasumite

d)

Kumpleto ayon sa inasahan

20.

Ang etiko sa paggawa ay ang tamang pagtingin sa paggawa at pagkakaroon ng mabubuting katangian at kakayahan. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Isabel upang maisabuhay ang etika sa paggawa?

a)

Pagkopya sa gawa ng iba.

b)

Pagpapaliban sa pagtapos ng gawain.

c)

Pagsuko kapag nahihirapan sa gawain.

d)

Pagpapanatili ng de-kalidad na gawain.

21.

Kahit nahihirapan si Ana, pinag-aaralan niya nang mabuti ang pananahi gamit ang makina. Pagdating ng tamang panahon, hindi na siya mahihirapang humanap ng trabaho. Ano ang masasabi mo sa kaniyang ginawa?

a)

Nawala ang dati niyang gana sa pananahi.

b)

Siya'y nagkulang ng tiwala sa kaniyang sarili.

c)

Si Ana ay hindi makapaghintay ng tamang panahon.

d)

Pinalawak at pinabuti niya ang kaniyang kakayahan bilang paghahanda.

22.

Paano maipakikita ang iyong pagkamalikhain sa pagbibigay ng solusyon sa sumusunod: May takdang-aralin kang iuulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng kailngang Manila Paper. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi na lamang mag-uulat kasi wala akong Manila Paper.

b)

Kukunin ko ang Manila Paper ng kaklase ko at ito ang gagamitin ko.

c)

Hahanap ako ng ibang masusulatan upang ipalit sa Manila Paper para makapag-ulat ako.

d)

Kukunin ko ang Manila Paper sa aming silid-aralan nang walang paalam para makaulat ako.

23.

Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagkamalikhain sa pag-unlad ng bansa?

a)

Mag-aral nang mabuti para ako ay magtagumpay.

b)

Lilikha ng natatanging proyekto na makapagpapaunlad sa pamayanan.

c)

Sasali sa mga paligsahan sa ibang bansa para sumikat sa buong mundo.

d)

Pananatilihin ko ang kaayusan ng bansa sa pamamagitan ng aking pagiging disiplinadong mamamayan ng bansa.

24.

Ano ang katangian ng taong malikhain?

a)

Kasipagan, makatarungan, kabaitan, at may takot sa Diyos.

b)

Kasipagan, makatarungan, kabaitan, at walang takot sa Diyos.

c)

Kasipagan, may kasanayan, disiplinado, at may takot sa Diyos.

d)

Kabaitan, kasipagan, katamaran, makatarungan, at may takot sa Diyos.

25.

Umiiyak ang iyong bunsong kapatid dahil nawala ang kanyang manika. Anong malikhaing solusyon ang gagawin mo?

a)

Hahayaan ko na lang siyang umiyak hanggang sa tumigil siya.

b)

Ibibigay ko siya kay nanay habang siya ay abala sa pagluluto.

c)

Magkukulong ako sa aking kuwarto para hindi ko marinig ang iyak.

d)

Gagawa ako ng manikang papel upang palitan ang nawalang laruan.

26.

Nagpagawa si Lt. Col. Baldomar ng sambahan, Multi-Purpose Hall, daan at paaralan sa bagong komunidad ng mga biktima ng terorismo na kabilang sa Tribung Tiruray. Paano nito natutulungan ang mga Tiruray?

a)

Magsisilbing bahay bakasyunan.

b)

Magsisilbing tropeyo ng katapangan.

c)

Magsisilbing kanlungan laban sa mga terorista.

d)

Magsisilbing inspirasyon upang umunlad at bumangon sa buhay.

27.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging malikhain tungo sa pagsulong ng bansa?

a)

Si Hannah na mahilig magbasa ng mga kuwento sa silid-aklatan.

b)

Si Reign na mahilig sumayaw at madalas naglalaro kasama ang kaniyang mga kaklase.

c)

Si Harry na naging inspirasyon ng mga kaklase dahil sa pag-aaral niya nang mabuti at may buong kahusayan.

d)

Si Harold na umaasa sa kanyang nakakatandang kapatid sa lahat ng mga gawaing ibinibigay sa kanya.

28.

Ang mga sumusunod ay ang pagbibigay halaga sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagiging malikhain?

a)

Si Ben na nililinang ang kaalaman upang makapagtrabaho sa ibang bansa.

b)

Si Hanns na ibinabahagi ang kanyang naimbento para sa kapakanan ng lahat.

c)

Si Charis na isinasagawa ang kanyang mga natutuhan sa klase para sa sariling pag-unlad.

d)

Si Joseph na sinasarili ang kaniyang natutuhan upang siya ay magtagumpay sa buhay.

29.

Bilang isang mag-aaral, ang mga sumusunod ay magagawa mo upang makatulong sa iyong kapuwa MALIBAN sa________.

a)

Maging maawain sa mga may kapansanan.

b)

Tumutulong ka nang may hinihinging kapalit.

c)

Tumutulong ka sa mga nangangailangan sa abot ng iyong makakaya.

d)

Magpapakita ka nang respeto sa iyong kapuwa sa lahat ng pagkakataon.

30.

Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan mula sa tahanan tungo sa pandaigdigang pagkakaisa?

a)

Iwasan ang pang-aapi sa mga mahihirap.

b)

Pagrespeto sa bawat kasapi ng pamilya.

c)

Pagtingin ng pantay-pantay anuman ang relihiyon at paniniwala.

d)

Sundin ang mga batas para malaya nating gawin ang gusto nating gawin.

31.

Bilang mag-aaral, ano ang nararapat gawin kung may sigalot o kaguluhang nagaganap sa klase?

a)

Hahayaan na lamang upang hindi na madamay pa.

b)

Gagawin ang lahat ng makakaya upang matulungan na ihinto ang kaguluhang sa loob ng klase.

c)

Isusumbong ang mga kaklase ko na nag-iingay at gumagawa ng kaguluhan para mapagalitan sila ng guro.

d)

Pananatilihin na magulo ang klase upang ang mga batang maiingay ay maparusahan sa pagilinis sa loob ng silid aralan.

32.

Piliin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

a)

Pagtatalaga ng mga polisya tulad ng curfew.

b)

Mas maraming trabaho upang yumaman at magkapera.

c)

Mas malawak na pag-unawa, pagrespeto at pag-intindi sa kapwa.

d)

Mas malawak at mas maayos na pagtalaga ng mga pulis sa mga lugar na madalas ang gulo o krimen.

33.

Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan?

a)

Pakikipagsabuwatan ng mga magnanakaw.

b)

Banggaan ng motorsiklo at kotse sa kalsada.

c)

Negosayong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde.

d)

Pagpapaunlad ng kakayahan mga kababaihan sa pamamagitan pananahi at pagtitinda.