NEW
Font size
WorksheetsAP5 BALIK-ARAL_PART 1
Total questions: 20
Worksheet time: 9mins
Ano ang kolonisasyon?
Ito ay pananakop ng mga bansa sa Europa sa mga bansa o lupain upang gawing teritoryo
Ito ay ang pagtuklas sa ibang lugar upang maging mayaman ang mga bansa sa Europa
Ito ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga ibang bansa.
Ito ay ang pakikipagkalakalan sa iba't ibang bansa
Paano natapos ang kompetisyon sa pananakop ng dalawang bansa?
Nang malaman nila na higit na makapangyarihan ang bansang Italya
Nang matapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa
Nang ilabas ng Papa ang kasulatan ng Inter Caetera
Nang malagdaan ang Kasunduan ng Tordesillas
Anu-anong mga bansa ang kabilang sa nangunguna at nagpapaligsahan sa pagsakop ng iba’t ibang lupain noong ika-16 daang taon?
Indiya at Pransya
Pilipinas at Tsina
Hapon at Amerika
Portugal at Spain
Alin ang hindi kabilang sa mga pangunahing layunin ng mga Espanyol sa kanilang pananakop ng mga bagong tuklas na teritoryo?
God
Gift
Gold
Glory
Kaninong ekspedisyon sa Pilipinas ang unang nakarating sa Homonhon?
Magellan
Villalobos
Miguel Lopez De Legazpi
Saavedra
Saan nakasulat ang paghahati ng gagalugaring (explore) bahagi ng daigdig ng Portugal at Spain?
Inter Caeteria
Kasunduan sa Paris
Kasunduan ng Tordesillas
Kasunduan ng mga katutubo at Moro
Ano sinisimbolo ng “Glory” sa mga layunin ng pananakop ng mga Espanyol?
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Pangunguha ng pangunahing mga produkto
Pagkilala bilang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo
Pagkakakilanlan at pagiging magiting na bansa
Alin ang hindi nangyari sa ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi?
Nasakop ng pangkat ni Legazpi ang maraming pulo sa ating bansa.
Nabigo ang ekspedisyon ni Legazpi sa Pilipinas.
Itinatag ni legazpi ang unang pamayanang panirahan (settlement) sa Cebu.
Namatay si Legazpi sa Maynila dahil sa atake sa puso.
Ano ang ibig sabihin ng pakikipag sanduguan ni Magellan kay Raja Kolambu?
simbolo ito ng madugong labanan
simbolo ito ng pagsama ni Raja Kolambu sa ekspedisyon ng mga Espanyol
simbolo ito ng hindi pagkakaunawaan ng kanilang mga pangkat
simbolo ito ng kanilang pagkakaibigan
Ano ang epekto ng Labanan sa Mactan sa mga Espanyol at mga Pilipino?
Nagtagumpay ang mga Espanyol at nagpatuloy ang kolonisasyon.
Natalo ang mga Espanyol at napatay si Magellan
Tumuloy ang mga Pilipino sa pagpapalaya sa bansa
Nagkakasundo ang mga Espanyol at Pilipino
Sino ang nagbigay ng pahintulot sa bansang Portugal at Espanya na tumuklas ng ibang lugar o bansa upang mapalaganap ang Kristianismo?
Papa Alexander VI
Papa Juan Pablo
Haring Felipe
Haring Carlos
Bukod sa yamang likas na taglay ng Pilipinas, ano pa ang ibang dahilan ng pagsakop ng Espanya dito?
Gusto nilang makilala ang Pilipinas bilang sentro ng industriya
Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa at sa mga Pilipino
Nais nilang maging kaibigan ang mga Pilipino
Gusto nilang mabisita ang magagandang tanawin ng ating bansa
Ano ang naging hindi magandang epekto ng kolonisasyon sa bansa?
Ang mga Espanyol ang higit na nakinabang sa likas na yaman ng kolonya
Nalinang ng husto ang likas na yaman ng Pilipinas
Ang mga Pilipino ay natutuo sa mga gawaing pang industriya
Natuto ang mga Pilipino sa paggamit ng bagong makinarya
Ano ang layunin ng ekspedisyon ni Magellan?
Maghanap ng bagong uri ng halaman sa Pilipinas
Magtayo ng bagong kaharian sa Timog Amerika
Hanapin ang bagong ruta papuntang Silangan patungong mga isla ng Spice sa Indonesia
Maghanap ng bagong ruta papuntang Hilagang Amerika
Ano ang naging epekto ng ekspedisyon ni Magellan sa kasaysayan ng Pilipinas?
Nagdulot ng unang pagkakataon na maipakilala ang Pilipinas sa Europa at nagbukas ng mga ruta ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Espanya.
Nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas
Nagdulot ng pagkawala ng kultura ng Pilipinas
Nagdulot ng pagkawala ng kalayaan ng Pilipinas
Ito ang tanging ekspedisyong nagtagumpay matapos ang ekspedisyon ni Magellan.
Ekspedisyon ni Saavedra
Ekspedisyon ni Villalobos
Ekspedisyon ni Legazpi
Ekspedisyon ni
Loaisa
Siya ang inatasan ni Legazpi na pamunuan ang isang ekspedisyon patungong Maynila.
Pedro de Araña
Martin de Goiti
Juan de Salcedo
Pedro de Valderama
Alin ang nagsasabi nang tama tungkol sa naging ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi?
i. Ang ekspedisyon ni Legazpi ang pinakamatagumpay na ekspedisyon sa Pilipinas na ipinadala ng Hari ng Espanya.
ii. Nasakop ni Legazpi ang Maynila at ginawa itong kabisera (capital) ng Pilipinas.
Tama ang dalawang pangungusap
Mali ang dalawang pangungusap
Tama ang unang pangungusap lamang
Tama ang ikalawang pangungusap lamang
Alin sa mga sumusunod ang layunin ng ekspedisyon ni Legazpi?
I. Makapagtatag ng pamayanang Espanyol
II. Maipalaganap ang Kristiyanismo.
III. Maipakita na mas mahusay siya kay Magellan
i at ii
ii at iii
i, ii at iii
i at iii
Ang pangkat ni Miguel Lopez de Legazpi ay nakipaglaban sa mga katutubo ng Cebu sa pinamumunuan ni ____________
Raha Humabon
Raha Soliman
Lapulapu
Raha Tupas
