NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Gawaing Pilipino
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba?
Ipinagmamalaki ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.
paminsan-minsan
Madalas
Hindi kailanman
Walang pakialam
Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba?
Ikinalulungkot kapag tumutulong lang ang mga tao sa kapitbahay kung binabayaran sila o binibigyan ng pabuya.
paminsan-minsan
Madalas
Hindi kailanman
Walang pakialam
Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba? Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.
paminsan-minsan
Madalas
Hindi kailanman
Walang pakialam
Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba?
Naniniwala na nagtuturo lang ng katamaran at pagiging palaasa sa iba ang madalas na pagtulong sa tao.
paminsan-minsan
Madalas
Hindi kailanman
Walang pakialam
Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba? Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.
paminsan-minsan
Madalas
Hindi kailanman
Walang pakialam
Sa panahon ng pandemya kung saan tayo ay naka lockdown, paano mo malilinang ang iyong kakayahan sa pagguhit?
Maglalaro ng mobile legend maghapon.
Magfafacebook upang makachat ang aking mga kaibigan.
Magdodownload ng mga disenyo na maaring gamitin at gayahin sa iyong pagguhit.
Kukuha ng mga ibat-ibang disenyo sa youtube o google at sabihin sa nakatatandang kapatid na siya na lamang ang magguhit para sa iyo.
Noong mga panahong hindi pa ngkaroon ng Pandemya, tuwing Sabado ay nagkakaroon kayo ng pagsasanay ng iyong mga kagrupo sa sayaw sa Plaza. Ngunit dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng Covid-19 hindi pinapayagang lumabas ang mga kabataang tulad mo. Ano ang gagawin mo upang higit mo pa ring malinang ang iyong kakayahan sa pagsayaw?
Magkulong na lang sa bahay habang nakaQuarantine
Magsasanay sumayaw kasabay ng mga grupo mo sa pamamagitan ng Zoom App.
Pipiliting lumabas at gagawa pa rin ng paraan upang magkita-kita kayo ng iyong grupo upang magsanay sa pagsayaw.
Sasabihan ko ang aking mga kagrupo sa sayaw na magkita-kita parin kami sa Plaza tuwing Sabado kahit may Covid-19.
Si Rhea ay pumupunta sa kanyang guro sa musika upang magsanay kumanta para sa isang paligsahan. Ngunit dahil sa Pandemyang kumakalat ngayon, nahinto ang kanyang pagsasanay. Sa paanong paraan siya maaaring magpatuloy sa pagsasanay?
Kumakanta na lamang sa panaginip.
Makikinig at manonood sa mga paligsahan sa pag-awit at isipin na isa siya sa mga kalahok.
Kakanta pa rin sa mga pagdiriwang tulad ng kaarawan upang malinang ang kakayahan kahit na may Pandemya.
Makikinig at manonood sa mga musika at kanta at sasabayan sa pag-awit upang higit na malinang ang kanyang talento.
Napakahusay mong gumuhit. Nakiusap ang iyong guro na gumuhit ka ng isang larawan ng ospital at mga pasyente ng Covid-19 para sa inyong aralin tungkol dito. Ano ang gagawin mo?
Magkukunwaring nakalimutan na ang pagguhit.
Guguhit ng larawan at ipapadala ito sa pamamagitan ng iyong facebook account.
Sasabihan na lamang ang guro na siya na lang ang gumuhit dahil ikaw ay tinatamad.
Huwag na lamang magbubukas ng cellphone o facebook upang hindi ka makausap muli ng iyong guro.
Maaari ka pa rin bang sumali sa isang paligsahan sa pag-awit kahit ngayong panahon ng pandemya? Sa papaanong paraan?
Opo, Pupunta sa istasyon ng telebisyon at magtatanong kung mayroon silang paligsahan sa pag-awit.
Opo, Uutusan ang mga magulang na maghanap sa youtube o google tungkol sa paligsahan sa pag-awit.
Opo, Hahanap sa facebook o google ng mga ipinopost o ipinapaskil na paligsahan sa pag-awit gamit ang multimedia o iba pang teknolohiya.
Hindi po, Hahayaan ko na lamang na may taong makadiskubre ng aking talento dahil may Pandemya ngayon.
Magkakaroon ng Bayanihan Tulong Para sa Barangay sa inyong lugar. Nais mo sanang tumulong ngunit dahil sa pandemyang Covid-19 ay hindi pinapayagan ang mga batang tulad mo na manatili sa labas ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
Magdadabog at magmumukmok na lamang sa loob ng inyong tahanan.
Pipilitin ang mga magulang upang isama kang lumabas dahil maganda naman ang iyong nais.
Hahayaan na lamang ang mga taong gustong tumulong sapagkat wala kang magagawa dahil sa iyong murang edad.
Kakausapin ang mga magulang na sila na lamang ang tumulong para sa iyo at isasama mo na lamang sa iyong panalangin ang lahat ng mga taong nangangailagan sa panahong ito na maging maayos sila.
Dahil sa Bayanihan Act na ipinapatupad ng ating pamahalaan para sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ng COVID-19, ay maraming Pilipino ang natulungan ng programang ito. Sa pangalawang pagkakataon na pamimigay ng ayuda ay dalawang beses na nakasama ang iyong mga magulang na nabigyan nito. Alam mo na ito ay hindi nararapat kahit na kailangan na kailangan ninyo ng pera. Sapagkat maraming pamilya ang umaasang makakuha din. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga magulang?
Walang pakialam sa mga pangyayari sa inyong tahanan at lugar.
Hahayaan na lamang sila sapagkat wala ka rin namang magagawa.
Kukunin ang nakuhang ayuda sa mga magulang at ikaw mismo ang magbabalik nito sa barangay.
Kakausapin ng maayos ang mga magulang at sasabihin na mali ito at ipapaalala na marami ding pamilya ang nangangailangan ng tulong ngayon.
Magkakaroon ng tagisan ng galing sa pag-awit online sa inyong siyudad. Ngunit ang magiging premyo ay mapupunta sa mga Foundation o Samahan na tumutulong sa mga mamamayang higit na naapektuhan ng Pandemyang Covid-19. Ano ang gagawin mo?
Lalahok sa nasabing kumpetisyon at gagawin ang iyong makakaya para manalo, upang makatulong sa mga taong nangangailangan.
Gagawin mo man ang lahat ng iyong makakaya ay wala din naman palang saysay ito sapagkat hindi mapupunta sa iyo ang premyo.
Huwag na lamang sasali sapagkat wala ka naman palang mapapala kahit na ikaw man ay manalo sa nasabing kumpetisyon.
Ipapaubaya na lamang sa iba upang hindi ka na maabala pa.
Bilang bata,paano ka makatutulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahon ng Pandemya?
Magkukulong at matutulog na lamang buong maghapon sa loob ng tahanan.
Mananatili sa loob ng aming bahay at ipagdasal na matapos na ang Pandemyang ito.
Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang tumulong dahil isa ka lamang bata na walang magagawa.
Tutulong akong magre-pack ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga taong nawalan ng trabaho at hanap buhay.
Hindi sagabal ang Covid-19 upang magawa mong sumali pa rin sa mga paligsahan upang makatulong sa iyong pamilya. Paano mo ito gagawin?
Magtutungo sa mga tanggapan upang makasali pa rin sa mga paligsahang nagaganap.
Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang maglista na iyong pangalan.
Wala na lamang gagawin upang hindi ka mahawa
Maghahanap ng paraan sa google kung paano makilahok. 16.Alin sa mga sumusunod ang HINDI ligtas sa sunog.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI ligtas sa sunog.
Naglalaro ng posporo si Miguel.
Nagsasagawa ng fire drill ang pamilya Santos para magkaroon ng sapat na kahandaan.
Sa tuwing may naaamoy na usok si Aling Nena sa bahay ay naging alerto ito sa paghahanap.
Tinuruan ni Mang Tonio ang kanyang mga anak na dumaan sa likod ng pintuan kung sakaling magkaroon ng sunog sa kanilang lugar.
Nakita mong may sunog sa lugar ninyo. Ano ang gagawin mo?
Lumisan sa lugar na may sunog.
Magbantay sa tabi baka masunog rin ang bahay ninyo.
Makipagkuwentuhan sa kapitbahay at alamin kung paano nagkasunog.
Tulungan na maghakot ng mga gamit ang mga kapitbahay na nasunugan.
Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo. Ubos na ang pananim at nakararanas na ng gutom ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo sa kanila?
Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain.
Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pagkain at pera mo.
Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na.
Tutulungan mo sila at magdarasal na sana ay matapos na ang dumating na paghihirap na ito.
Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong kalye. Ano ang nararapat mong gawin?
Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na nagkaroon ng proyektong pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
Sasabihan ko ang mga nakatatanda na linisin ang mga kanal.
Wala akong gagawin.
Alin sa mga sumusunod ang ligtas habang bumabaha.
Masayang naglalaro sa ulan sina Miggy at Ele kahit pa mataas na ang tubig nito.
Naglalakad at naglalangoy sina Ana at Bob sa umaagos na tubig para marating nila ang kanilang bahay.
Hindi na lumalabas ng bahay si Kardo kung wala naman siyang kailangan.
Kahit baha na sa kapaligiran nila Nena ay hindi parin niya pinatay ang main switch ng kuryente sa takot na baka siya ma kuryenti.
Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?
Ipagsawalang bahala ang nasaksihan.
Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon.
Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.
Hindi ako makikialam
Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang paghihiwalay ng uri ng basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan, paano ka makikiisa sa programang ito?
Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang itatapon.
Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng basura.
Huwag pansinin kung anuman ang napanood.
Matutulog ako.
Anong katangian ang ipinakikita ng isang batang tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran?
Pagkamalikhain
Pagkamatipid
Pagmamalasakit
Eresponsableng mamamayan
Magkakaroon ng "Clean Up Drive" sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga opisyales na magtulungan ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa paglilinis. Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong suporta?
Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.
Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.
Maglalaro nalang ako.
May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong sa maaari itong maging sanhi ng pagguho ng lupa. Sa ganon, malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito maipararating sa kinauukulan?
Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.
Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.
Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.
Di ako iimik.
Ito ay ang batas na nagbabawal sa paggamit ng cyanide o nakalalasong kemikal sa pangingisda.
R.A 6969
R.A 9003
R.A 9275
R.A 7185
Ang paraang ito ay isang uri ng deforestation na kung saan ay nagkakaroon ng malawakang pagputol ng puno at pagsunog nito upang gamitin sa mga agrikultural o komersiyal na pangangailangan.
charcoal making
Kaingin System
Illegal Logging
Tree planting
Kung ang mga konstruksyon ay malimit na kukuha ng maraming bato at buhangin sa mga kabundukan, ano ang masamang dulot nito?
Pagbaha
Pagbaha at paglindol
Pagguho ng lupa
Paglindol
Ang mga kabundukan ay dapat pangalagaan, alin sa sumusunod ang dapat nating gawin?
mangaso
Magtanim ng mga puno
magkaingin
Pumutol ng mga kahoy
Ang ___________ o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay isang batas na nangangasiwa sa pagbubukod ng mga basurang nabubulok, di nabubulok, at mga bagay na puwede pang gamiting muli.
R.A 3009
R.A 9030
R.A 9003
R.A 2007
Ano ang karapatan na tinatamasa ng batang nasa larawan?
Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
Maisilang at magkaroon ng pangalan.
Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
Mabigyan ng sapat na edukasyon.
Anong karapatan ng isang bata ang pinapakita sa larawan?
Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
Maisilang at magkaroon ng pangalan.
Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
Mabigyan ng sapat na edukasyon.
Anong karapatan ng isang bata ang pinapakita sa larawan?
Maisilang at magkaroon ng pangalan.
Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
Mabigyan ng sapat na edukasyon.
Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.
Anong karapatan ng isang bata ang pinapahiwatig sa larawan?
Maisilang at magkaroon ng pangalan.
Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
Mabigyan ng sapat na edukasyon.
Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.
Piliin sa mga sumusunod ang karapatan na dapat tinatamasa ng isang batang katulad mo ang base sa larawan.
Maisilang at magkaroon ng pangalan.
Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
Mabigyan ng sapat na edukasyon.
Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.
Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?
Huwag pansinin.
Isipin para sa mga manggagawa ng pamahalaan lamang ito.
Pakinggan,pag-aralan at makilahok sa kampanya.
Hindi makikilahok.
Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?
Upang humingi ng donasyon.
Upang lumaki ang perang ipon.
Upang mabago ang kalagayan ng mga tao.
Upang magkaroon ng programang makakatulong sa bansa.
Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?
Ang mga nagplano at nagpapatupad nito.
Ang matataas na opisyal ng gobyerno.
Ang mamamayang Pilipino.
Ang manggagawa ng pamahalaan.
Anong programa ang hindi patungkol sa kalinisan?
Piso Para sa Pasig
Save Mother Earth
Pagtataas ng Sahod ng mga Manggagawa
Tapat Ko, Linis Ko
Piliin ang hindi nagpakikita ang pakikiisa sa programa ng pamahalaan?
Ibahagi sa mga kakilala.
Hikayatin ang iba na makiisa.
Magboluntaryo at lumahok.
Isiping para lamang sa mga lider ng pamahalaan ang programa.
Ang mga sumusunod ay kabilang sa media, alin ang hindi?
Pelikula
Telebisyon
Video Games
Larong Pinoy
Kapag hindi napigilan ang pang-aabuso sa paggamit ng media at teknolohiya maaari itong mauwi sa______.
Kapahamakan
Pagkatuto
Katiwasayan
Pagkabalisa
Ang ilan sa mga ito ay mungkahi ng Education World. Alin ang hindi?
Alagaan ang mga kagamitang pangteknolohiya.
Pumili lng ng mga ligtas na sites sa pag-aaral at pananaliksik.
Sundin ang Copyright Law
Kopyahin ang artikulo ng walang pahintulot ng may akda.
Ano- ano ang dalawang uri ng media at teknolohiya?
Makabago at makaluma
Sinauna at kasalukuyan
Tradisyunal at makabago
Wala sa nabanggit
Ang media at teknolohiya ay mayroon ding di mabuting epekto sa tao. Ang sumusunod ay di mabuting epekto ng media at teknolohiya maliban sa isa.
Kawalan ng interes sa pag-aaral
Napapadali at napapahusay ang mga gawain
Madalas na pagliban sa klase
Kawalan ng disiplina sa paaralan at pamilya
Nabalitaan mong may kampanya sa pagtitipid ng pagkunsumo ng elektrisidad
Hindi ako makikialam
Makikibahagi ako sa kampanya
Sasabihin ko nalang sa nanay ko na huwag pansinin
Sasabihin ko sa amin na magtipid ng sa paggamit ng elektrisidad bilang pakikibahagi sa kampanya.
Nakita mong nagsusulat sa pader ng inyong kapitbahay ang iyong nakababatang kapatid at mga kaibigan nito, ano ang gagawin mo?
Isusumbong ko sa nanay ko upang mapagsabihan
Tutulungan ko sila sa pagsusulat sa pader ng kapitbahay
Sasabihin kong ipagpatuloy kasi magandang tignan
Di ko pakikialaman ang ginagawa nila.
May pangkatang gawain kayo ngunit isa sa inyong pangkat ay walang pokus sa inyong ginagawa, ano ang maaari mong gawin?
Hindi ko na siya isasama sa aming pangkat
Sasabihin ko na humanap nalang siya ng ibang grupo
Sasabihin ko sa aming guro na palitan siya dahil walang pokus
Kakausapin ko siya at tatanungin kung nahihirapan ba sya, para matulungan namin
Ipinagmamalaki ng iyong kaibigan ang pagtawid kung saan-saan, ano ang dapat mong gawin?
Sasama ako sa kanya
Sasabihin ko na mali ang ginagawa niya
Pagtatawanan ko lang ang sinasabi niya
Hindi ko nalang siya papansinin
Nagkakaroon ng pagtatalo ang mga kasama mo sa pangkat tungkol sa inyong pangkatang proyekto, ano ang nararapat mong gawin?
Babalewalain ko nalang
Sasabihin ko nalang na huwag na sila sumali
Aalis nalang ako sa grupo kasi nagaaway-away sila
Sasabihin ko sa aming guro upang mabigyan ng agarang aksiyon
