NEW
Font size
WorksheetsEPP 4 REVIEWER
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Mayroon kang mahalagang okasyong dadaluhan. Ano ang dapat mong gawin upang magpakita ng respeto sa sarili at sa iba?
Magsuot ng malinis at maayos na damit.
Magbihis nang madalian kahit marumi ang damit.
Pumunta nang hindi naliligo.
Pumunta nang hindi nag-aayos ng sarili.
Nagplano ka ng iyong araw, ngunit mas pinili mong maglaro at manood ng telebisyon buong gabi. Ano ang maaaring mangyari?
Mas magiging malusog ka.
Makakaramdam ka ng antok at pagod kinabukasan.
Mas magiging masaya at masigla ka sa klase.
Walang magbabago sa iyong pakiramdam.
May kaklase kang kulang sa tulog at hindi masigla sa klase. Ano ang dapat mong gawin?
Hayaan na lamang siya.
Sabihin sa kanya na magpuyat ulit.
Payo na matulog nang sapat upang maging masigla.
Iwan siya at huwag pansinin.
May batang kumakain nang higit sa limang beses sa isang araw, kabilang ang matatamis at junk food. Ano ang pinakamagandang ipayo sa kanya?
Kumain ng mas maraming matatamis upang mas maging malusog.
Kumain ng tamang dami ng pagkain at masustansiyang gulay.
Iwasan ang pagkain ng almusal at kumain na lang ng junk food.
Kumain tuwing may oras kahit ano ang pagkain.
Bakit mahalaga ang pagkain ng madahon at maberdeng gulay para sa ating katawan?
Dahil ito ay mura at madaling lutuin.
Dahil ito ay mayaman sa bitamina at nakapagpapalakas ng katawan.
Dahil ito ay maganda lamang sa paningin.
Dahil ito ay may kakaibang lasa.
Sa paglilinis ng tahanan, saan ka dapat magsimula?
Sa itaas na bahagi ng tahanan
Sa ibabang bahagi ng tahanan
Sa labas ng tahanan
Sa likod ng tahanan
Ano ang gagawin upang matanggal ang mikrobyo sa ispongha?
Initin ito sa sikat ng araw
Initin ito sa microwave
buhusan ng malamig na tubig
buhusan ng mainit na tubig
Ano ang kinukuskos sa sahig pagkatapos itong pahiran ng floorwax?
basahang tuyo
basang basahan
bunot
panlampaso/mop
Sino ang dapat naglilinis ng tahanan at bakuran?
mga babae sa pamilya
mga lalake sa pamilya
magulang lamang
bawat miyembro ng pamilya
Ano ang una mong dapat linisin sa mga sumusunod?
Kisame
Hagdanan
sahig
pasamano
Isinusuot mo ito kapag maglalakad-lakad sa parke na kasama ng mga kaibigan mo.
damit panlakad
damit pambahay
damit pamasok
damit pantulog
Anong damit ang isinusuot mo kapag ikaw ay maglilinis ng bahay?
damit pamasok
damit pambahay
damit panlakad
damit pantulog
Kapag ikaw ay nasa bahay, ano ang dapat mong isuot?
shorts at kamiseta
pantalon
pansimba
jogging pants
Ang punit sa damit ay dapat sulsihan.
bago labhan
bago isuot
bago plantsahin
bago itago sa aparador
Bago labhan ang mga kasuotan ano ang dapat gawin?
Ihiwalay ang puti sa mga may kulay.
Ibabad nang ilang sandal.
Ikula ang mga puting damit.
Banlawan ang mga kagamitan
Ano ang dapat gamitin upang matanggal ang mantsa sa putting damit?
bleach
chlorox
sabong panlaba
sodium
Ano ang kailangang gawin bago umupo upang hindi magusot ang pleats ng uniporme?
ayusin ang pleats ng palda
basta nalang umupo
ibuka ang palda
ipagpag muna ang palda
Alin sa sumusunod ang HINDI tamang gawin sa pag-aalaga ng mga kasuotan?
panatilihing maayos at malinis
hubarin kaagad at pahanginan
ingatan at plantsahin
hayaang nakakalat
Nakita mong may butas ang iyong uniporme, ano ang dapat mong gawin?
plantsahin muna ito
tahiin agad ang sira
kusutin agad at banlawan
hayaan na lamang ito
Paano mapapanatiling malinis ang iyong kasuotan?
labhan ito gamit ang mabisang sabon
maging maingat sa pag-upo
tahiin agad ang sirang damit
lahat ng nabanggit
Pagpasok mo sa paaralan napansin mo na may alikabok ang upuan. Bago ka umupo, ano ang gagawin mo?
Tatawagin ko ang aking kamag-aral at uutusan ko na punasan ang upuan
Pupunasan ko muna ang upuan bago ako umupo
Pauupuan ko muna sa aking kamag-aral bago ako umupo
Uupo lang ako at walang gagawin
Namantsahan ng kalawang ang suot mong uniporme. Ano ang gagawin mo bilang pantaggal dito?
buhusan ng tubig
sabunin
pabayaan na lamang
pigaan ng kalamansi at klorox
Nais ni Ana na hindi magusot ang paldang uniporme na kanyang suot bago umupo. Ano ang tamang gawin upang hindi ito magusot?
ayusin ang palda bago umupo
ipagpag muna ang palda
ibuka ang palda
basta na lang umupo
Ano ang pangunahing gamit ng palanggana sa paghuhugas ng pinaglutuan at pinagkainan?
Paglalagyan ng mga pinaglutuan habang nililinis
Paglalagyan ng sabon at tubig
Pagpatungan ng mga baso
Paghugas ng mga matitigas na dumi
Ano ang ginagamit na kagamitan upang mag-alis ng matitigas na dumi o mantsa sa mga kasangkapan?
Dish Towel
Scraper
Wool Pad o Steel Wool
Sponge o Pandikdik
Ano ang gamit ng dish rack sa paghuhugas ng mga kasangkapan?
Pagpatungan ng mga natutuyong pinggan at kagamitan
Paglalagyan ng mga bagong nahugasan na gamit
Pagkuskos ng matitigas na dumi
Paglagay ng mga gamit na hindi kailangan hugasan
Sa pananahi, ano ang iyong gagamitin sa pagsusukat ng tela?
medida
didal
gunting
emery bag
Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
sewing box
emery bag
pin cushion
didal
Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri.
medida
didal
gunting
emery bag
Araw ng Sabado, nais tulungan ni Thea ang kanyang nanay sa paglalaba. Ano ang unang dapat niyang gawin sa mga damit na lalabhan?
Basain ang mga putting damit bago ang mga de kolor
Paghiwalayin ang mga damit at mga de kolor
Ibabad ang mga damit sa detergent powder
Lagyan ng fabric conditioner ang mga damit
Kung gagamit ng washing machine sa paglalaba, ilang minuto dapat ibabad sa detergent powder ang mga damit na pinaghiwalay?
30 minuto
50 minuto
45 minuto
55 minuto
Pagkatapos kusutin ang mga damit, ilang beses ito dapat banlawan?
isa
dalawa
tatlo
apat
Ano ang kailangang gawin bago umupo upang hindi magusot ang pleats ng uniporme?
ayusin ang pleats ng palda
basta nalang umupo
ibuka ang palda
ipagpag muna ang palda
Ito ang ginagamit upang maging maayos tingnan ang damit at mawala ang gusot.
hanger
plantsa
laundry basket
kabinet
Dito nakalagay ang mga hindi pa napaplantsa.
hanger
plantsa
laundry basket
kabinet
Dito itinatago ang mga damit na naplantsa na at natupi na.
hanger
plantsa
laundry basket
kabinet
Ito ay proseso ng pagluluto ng kanin gamit and isang kalan o rice cooker.
Pagpapakulo
Baking
Pagsasaing
Pag-steam
Ilang beses dapat hinuhugasan ang bigas upang matanggal ang alikabok o dumi nito?
isa
dalawa
tatlo
apat
Karaniwang ginagamit ito sa tradisyonal na paraan ng pagsasaing. Ito may takip upang mapanatili ang init habang niluluto ang bigas.
Kawali
Kaldero
Pressure Cooker
Non-sticky pan
Isa itong electrical appliance na ginagamit upang awtomatikong magluto ng bigas.
Rice Cooker
Pressure Cooker
Kaldero
Non-sticky pan
