wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd QUARTER AP5 -1ST QUIZ

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang datu ng Mactan na matagumpay na lumaban at nakapatay kay Ferdinand Magellan noong 1521?

a)

Rajah Sulayman

b)

Datu Puti

c)

Lapu-Lapu

2.

Ano ang unang kolehiyong itinatag para sa mga kababaihan sa bansa?

a)

Colegio de Santa Potenciana

b)

Colegio de Santa Isabel    

c)

Colegio de San Ignacio     

3.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kahalagahan ng mga katutubong lumaban sa kasarinlan sa mga kabataan ngayon, paano mo ito gagawin?

a)

Ipapaliwanag ko na ang mga bayani lamang ang may halaga sa kasaysayan, hindi ang mga

               katutubo.

b)

Ipapakita ko sa kanila kung paano nagkaroon ng malaking papel ang mga katutubo sa ating  kasarinlan at kung paano sila naging simbolo ng tapang at pagmamahal sa bayan.

4.

Bakit kakaunti lamang ang mga Pilipino na nakapagtayo ng bahay na bato?

a)

Kakaunti lamang ang bato sa Pilipinas.

b)

Tanging mga mayayaman lamang ang may kakayahang magpatayo nito.

c)

Bihira lamang ang marunong magtayo ng ganitong uri ng bahay.

5.

Kung ang mga katutubong Pilipino ay hindi lumaban sa pananakop ng mga Espanyol, ano ang maaaring naging epekto nito?

a)

Mas mabilis na nawala ang kultura, tradisyon, at paniniwala ng mga katutubo

b)

Mas madaling natutunan ng lahat ng Pilipino ang wikang Espanyol

6.

Bakit hindi lubusang nasakop ng mga Espanyol ang mga pangkat-etniko sa kabundukan tulad ng mga Ifugao at Kalinga?

a)

Dahil mas gusto nilang lumipat sa mga lungsod upang sumali sa pamahalaan

b)

Dahil tinanggap nila agad ang relihiyon ng mga Espanyol

c)

Dahil may matitibay silang kuta at likas na depensa sa kabundukan

7.

Bakit lumaban si Lapu-Lapu at ang kanyang mga mandirigma laban kay Ferdinand Magellan at sa mga Espanyol noong 1521?

a)

Dahil gusto nilang magtayo ng pabrika ng armas sa kanilang isla

b)

Dahil nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa Mactan

c)

Dahil ayaw nilang magpasailalim sa kapangyarihan ng Espanya

8.

Ano ang tawag sa sapilitang paggawa na ipinataw ng mga Espanyol sa mga kalalakihang Pilipino noong panahon ng kolonyalismo?

a)

Encomienda

b)

Polo y Servicios

c)

Tributo

9.

Bakit mahalaga ang pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipinong lumaban para sa kasarinlan ng bansa?

a)

Upang ipakita ang kahalagahan ng kanilang sakripisyo sa pagtataguyod ng kalayaan.

b)

Upang itaguyod ang mga tradisyon at kultura ng mga katutubo.

c)

Upang maprotektahan ang likas na yaman ng bansa.

10.

Anong pag-aalsa ang pinakamatagal sa kasaysayan ng Pilipinas, na pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa Bohol?

a)

Pag-aalsa ni Dagohoy

b)

Pag-aalsa ni Tamblot          

c)

Pag-aalsa ni Hermano Pule

11.

Bakit may ilang Pilipino na piniling makipagtulungan sa mga Espanyol sa halip na lumaban?

a)

Dahil nais nilang mapanatili ang kanilang tradisyon at kultura

b)

Dahil sa takot sa parusa at upang magkaroon ng posisyon sa pamahalaang kolonyal

c)

Dahil hindi nila nauunawaan ang layunin ng mga Espanyol sa Pilipinas

12.

Dahil sa takot sa mga posibleng gawin ng mga Espanyol, napilitan ang mga katutubong Pilipino na sundin ang lahat ng mga batas at alituntuning ipinataw sa kanila. Ano ang naging reaksyon ng mga katutubong Pilipino?

a)

Paglaban

b)

Pagtakas

c)

Pagtanggap

13.

Paano mo susuriin ang papel ng mga katutubong Pilipino sa pagtataguyod ng kasarinlan ng bansa, kung isasaalang-alang ang kanilang mga laban laban sa mga Espanyol?

a)

Ang kanilang mga laban ay isang makulay na bahagi ng ating kasaysayan at isang simbolo ng

  pagkakaisa at tapang.

b)

Hindi nila mahalaga sa pagbuo ng kasarinlan, dahil hindi sila nakapagtagumpay laban sa mga

              Espanyol.

c)

Mahalaga lamang ang kanilang papel sa kasaysayan at hindi na ito napapansin sa kasalukuyan.

14.

Paano nakaapekto ang kooperasyon ng ilan sa mga Pilipino sa pananatili ng kapangyarihan ng mga Espanyol sa bansa?

a)

Napahina nito ang mga rebolusyonaryong kilusan dahil may mga Pilipinong pumapanig sa mga

dayuhan

b)

Dahil sa kooperasyon, nagkaroon ng mas maagang kasunduan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas

para sa kalayaan

15.

Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban sa mga Espanyol?

a)

Pagkamalikhain

b)

Katapangan   

c)

Katapatan

d)

Kasipagan

16.

Ano ang tawag sa pangkat mula sa angkan ng mga datu at maginoo na pinagkalooban ng mga karapatang panlipunan at pampulitika sa ilalim ng pamahalaang kolonyal?

a)

Sangleys

b)

Peninsulares

c)

Principalia

d)

 Insulares

17.

Ang mga katutubong pangkat sa Cordillera ay nakipaglaban sa pamamagitan ng head hunting o pamumugot ng ulo sa mga kaaway. Ang gawaing ito ay tinatawag na

a)

Bandalismo

b)

Jihad

c)

Paganismo

d)

Pangangayaw

18.

Alin sa mga sumusunod ang isang pamana ng mga Espanyol na hanggang ngayon ay bahagi pa rin ng kulturang Pilipino?

a)

Sistema ng edukasyon na nakasentro sa agham at teknolohiya

b)

Pagsusuot ng bahag at paggamit ng baybayin sa pagsulat

c)

Pagdiriwang ng mga pista at relihiyosong tradisyon tulad ng Simbang Gabi

19.

Sino ang namuno sa kauna-unahang Jihad o banal na Digmaan laban sa mga Espanyol?

a)

Datu Ali

b)

Sultan Kiram

c)

Sultan Kudarat

20.

Ano ang magiging epekto ng hindi pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipinong lumaban tulad ni Lakandula at Diego Silang sa ating kasalukuyang pagkakakilanlan bilang mga Pilipino?

a)

Magiging mahirap ang pagkakaroon ng tunay na kasarinlan at identidad ng bansa.

b)

Magiging mas madali para sa bansa na magtulungan sa mga banyagang bansa.

c)

Maaaring mawalan ng kahulugan ang mga aral ng kasaysayan sa mga kabataan.

21.

Bakit maituturing na bahagi ng nasyonalismong Pilipino ang patuloy na paglaban ng ilang katutubong grupo laban sa dayuhang impluwensya?

a)

Dahil pinapanatili nito ang kanilang natatanging kultura at kalayaan mula sa panlabas na kontrol.

b)

Dahil ipinapakita nito ang kanilang pagsuporta sa pananakop ng mga dayuhan.

c)

Dahil wala silang pakialam sa pambansang identidad ng Pilipinas.

22.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong sumulat ng isang manipesto tungkol sa nasyonalismong Pilipino batay sa pakikibaka ng mga katutubo, alin sa mga sumusunod ang magiging pangunahing mensahe mo?

a)

Ang mga katutubo ay hindi dapat makilahok sa pagtataguyod ng nasyonalismo.

b)

Ang mga Pilipino ay dapat magpasakop sa mga dayuhan upang umunlad.

c)

Ang pagkakaisa, pagpapahalaga sa sariling kultura, at paglaban para sa kalayaan ay pundasyon

ng tunay na nasyonalismo.

23.

Anong klase ng pananamit ang ipinakilala ng mga Espanyol sa mga Pilipino?

a)

Barong Tagalog at Baro’t Saya

b)

Malong at Bahag

c)

Terno at Hanbok

24.

Ano ang pangunahing naging impluwensya ng mga Espanyol sa sining ng mga Pilipino?

a)

Paggamit ng indigenous na materyales sa sining

b)

Pagtangkilik sa mga relihiyosong pintura at iskultura tulad ng mga imahen ng santo

c)

Paggawa ng mga makabagong arkitektura na gawa sa kawayan

25.

Sa kanyang utos, pinalitan ang mga apelyido ng mga katutubong Pilipino ayon sa Catalogo Alfabetico de Apellidos.

a)

Gob. Hen. Jose Basco        

b)

Gob. Hen. Santiago de Vera

c)

Gov. Hen. Guido Lavezares

d)

Gob. Hen. Narciso Claveria