WorksheetsReviewer sa EsP-8 (3Q)
Total questions: 57
Worksheet time: 36mins
Ano ang kahulugan ng pasasalamat?
Isang gawi na tanda ng pagkilala ng isang tao sa kabutihang ginawa ng kaniyang kapwa.
Isang birtud ng pamilyang Pilipino na bahagi ng kanilang kultura.
Gawi ng isang taong mapagpasalamat.
Pagpapakita ng utang na loob sa ibang tao.
May tatlong antas ng pasasalamat ayon kay _______.
Aesop
Aristoteles
Santo Tomas de Aquino
Plato
Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino na kadalasang nakikita sa:
Utang na loob
Pakikipag-ugnayan
Pakitang-tao
Pakikipagkapwa
Ayon sa mga sarbey ng mga kabataan, marami silang nais pasalamatan sa kanilang buhay at ang nangunguna sa bibigyan nila ng pasasalamat ay ang:
pamilya
kapwa
Diyos
kasintahan
Tukuyin ang paraan ng pagpapasalamat ng isang taong nakakatanggap ng regalo.
Pupuntahan ang taong nagpadala ng regalo upang magpasalamat.
Bibigyan din ng regalo ang taong nagpadala pagdating ng kaniyang kaarawan.
I-post sa social media ang regalong ipinadala upang malaman ng marami na nakatanggap siya ng biyaya mula sa kapwa.
Magpasalamat sa taong nagpadala ng regalo at magpasalamat din sa Diyos para sa taong nagpadala.
Ang sumusunod ay kabutihang nagagawa sa kalusugan ng isang taong marunong magpasalamat MALIBAN sa:
Nagiging malusog ang pangangatawan at kaisipan ng mga taong marunong magpasalamat.
Nagiging maayos ang sistema ng katawan dahil sa mas malusog na presyon ng dugo.
Nagiging maayos ang gawain ng isang taong mapagpasalamat dahil nakapokus siya sa mga ito.
Nagkakaroon ng depresyon ang isang taong laging nagpapasalamat.
Alin sa sumusunod ang nagsasagawa ng birtud ng pasasalamat?
Damdamin
Kalooban
Kaisipan
Konsensiya
Alin sa sumusunod ang HINDI bunga ng pasasalamat?
Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Nakakarandam ng kagalakan dahil sa pagkilala ng kabutihang kaloob ng kapwa.
Dumarami ang mga kaibigan dahil marunong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.
Pagpapahalaga sa mga materyal na bagay na natanggap mula sa kapwa.
Tukuyin ang HINDI kasama sa Antas ng Pasasalamat ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
Pagpapasalamat
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
Paggawa ng kabutihan sa kapwa bilang bayad sa kabutihang natanggap.
Pagpapahalaga sa kapwa bilang paraan ng pagpapasalamat
Ang KAWALAN ng pasasalamat ay makikita sa:
Pagkakaroon ng panahon upang magpasalamat sa tulong na natanggap.
Pagpapasalamat ng hindi bukal sa kalooban.
Pagkilala sa kabutihang kaloob ng Diyos.
Pagpapahalaga kahit sa mumunting bagay na natanggap mula sa ibang tao
Napagmasdan mo ang pagpupunyagi ng iyong mga magulang mapagtapos lang kayo ng pag-aaral. Bilang isang anak, paano mo sila pasasalamatan?
Sumali sa mga organisasyon ng mga kabataang mahilig maglaro ng online games.
Mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang trabaho at makatulong sa mga magulang sa kanilang pagtanda.
Pumasok sa klase kung kailan lang gustong pumasok.
Regular na pagsama sa mga kaklase sa mga party at iba pang kasayahan.
Nakatanggap ka ng bagong relo mula sa iyong kapatid da kararating lang galing sa ibang bansa. Bilang pasasalamat ipinasya mong:
Huwag itong gamitin upang hindi maluma
Ipagmalaki ito sa mga kaklase
BIgyan ng munting yakap ang iyong kapatid upang maramdaman niya ang iyong pasasalamat
Kunin ito at isuot agad pagpasok sa paaralan
Ang entitlement mentality ay tumutukoy sa;
Isang paniniwala na ang anomang inaasam ng isang tao ay dapat bigyan ng dagliang pansin.
Pagbibigay karangalan sa mabuting serbisyong nagawa ng isang tao.
Pagtugon sa mga pangunahing panganailangan ng mga tao.
Pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Ang sumusunod ay paraan ng pagpapasalamat na bahagi ng kulturang Pilipino MALIBAN sa:.
Selebrasyon ng Nuestra Señora de Peñafrancia
Atihan at Dinagyang bilang pagkilala sa kabutihan ni Sto. Niño sa panahon ng tagtuyot.
Tinagba Festival ng mga Irigueño.
Pagpunta sa mga beach resort tuwing tag-init.
Ano ang pinakamabigat na antas ng kawalan ng pagpapahalaga?
Pagkalimot o hindi pagkilala sa kabutihang natanggap mula sa kapwa.
Pagtatago sa kabutihang natanggap mula sa iba.
Hindi pagbabalik sa kabutihang ginawa ng kapwa.
Hindi pagpapahalaga sa ginawang kabutihan ng iba.
Kailangan bang magpasalamat ka sa mga bagay na iyong natatanggap mula sa ibang tao?
Oo, dahil bahagi ito ng ating kultura.
Oo, dahil ito ang paraan ng pagpapakita ng aking pagpapahalaga sa kabutihang ginawa ng ibang tao sa akin.
Hindi, dahil hindi ko naman hiniling na bigyan niya ako ng anomang bagay.
Hindi, dahil kusang loob naman siyang gumawa ng kabutihan para sa akin.
Alin sa sumusunod ang mabisang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos?
Magsimba sa tuwing araw ng pagsamba.
Mahalin ang pamilya at kaanak lamang.
Maging moral na tao. Gumawa ng mabuti sa sarili at sa kapwa.
Makinig sa mga guro kapag nagkakaroon ng talakayan sa klase.
Marunong makuntento sa mga simpleng bagay na natatanggap dahil ang kasiyahang dulot ng mga materyal na bagay ay pansamantala lamang.
Tumtulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa
Tumulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga materyal na bagay
Tinatanggal ang galit, kasakiman at iba pang negatibong damdamin.
Hinid sumang-ayon sa negatibong emosyon
Pumigil sa tao na maging maiingitin sa iba
Iniiwasan ang pagkumpara ng sariling gawa sa ginawa iba upang maiwasan ang pagkainggit sa kapwa.
Nagpapatibay ng moral na pagkatao
Pumipigil sa tao na maging maiingitin saiba
Pinagtitibay ang samahan dahil sa magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Tumutulong sa pagbuo ng samahan sa kapwa, pinapalakas ang ugnayan
Nagpapataas ng halaga sa sarili
"Kalimutan man ng iba ang kabutihang ginawa mo ngayon, gawin mo pa rin ang mabuti", ayon kay Mother Teresa.
Nagpapataas ng halaga sa sarili
Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan
Nagpapatibay ng moral na pagkatao
Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa, pinalalakas ang kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang bagong ugnayan
Natutuhang dalhin ang mga paghihirap o hamon sa buhay nang magaan dahil sa pagkakaroon ng positibong kaisipan.
Nagpapataas ng halaga sa sarili
Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan
Nagpapatibay ng moral na pagkatao
Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa, pinalalakas ang kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang bagong ugnayan
Pagkakaroon inspirasyon at tiwala sa sarili na patuloy na gumawa ng mabuti.
Nagpapataas ng halaga sarili.
Alin sa sumusunod ang tanda ng pasasalamat?
Palaging nagpapasalamat si Arian sa mga taong tumutulong sa kanya kahit alam niyang pakitang-tao lamang ito.
Hindi nakakalimot magbahagi si Andi sa mga biyayang kaniyang natatanggap.
Pinapahalagahan ni Mina ang biyayang kaniyang natatanggap mula sa Diyos sa pamamagitan ng kuntento at simpleng pamumuhay.
Sinisikap ni Karla na marating ang kaniyang mga pangarap upang magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap.
Paano mailalarawan ang isang taong marunong magpasalamat?
Marunong tumingin sa positibong bahagi ng buhay sa kabila ng pagsubok dahil alam niyang may Diyos na gagabay sa kaniya.
Madaling maligalig sa mga suliraning dumarating sa kaniyang buhay.
Palaasa sa kaniyang pamilya lalo na sa tuwing nakakaranas ng problema.
Laging humihingi ng tulong sa mga kamag-anak at naghihinanakit kapag hindi napagbibigyan.
Ano ang tamang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kapwa?
Paghihintay ng kapalit sa ginawang kabutihan sa kapwa.
Pagsasabi ng salamat subalit wala naman sa gawa.
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa sa pamamagitan ng pagsasabi ng "salamat".
Pinahahalagahan pa rin ang ginawa ng iba kahit hindi naman bukal sa kalooban.
Makikita sa loob ng tahanan ang pasasalamat sa pamamagitan ng:
Pag-aalala sa kaarawan ng ina kahit sa simpleng paraan ng pagbati at pagyakap lamang.
Pagtigil sa pag-aaral dahil sumama sa kasintahang magtanan.
Pagtulong sa mga gawaing bahay kapag napapagalitan ng magulang.
Pagsisikap na mapaghandaan ang kaarawan ng tatay kahit labag sa kalooban.
Nakatanggap ka ng munting regalo mula sa iyong ninang o ninong sa araw ng pasko, paano mo siya pinasalamatan?
Pumunta ka sa kanilang bahay at nag-caroling baka sakaling madagdagan pa ang regalo sa iyo.
Pinadalhan mo sila ng liham pasasalamat sa pamamagitan ng koreo.
Nagpadala ka rin ng regalo bilang pasasalamat sa kanya.
Tumawag ka o nagpadala ng mensahe gamit ang iyong cellphone upang ipaabot ang iyong pasasalamat.
Dinagdagan ng nanay mo ang iyong allowance kanina dahil nakatanggap ng bonus sa trabaho ang iyong tatay. Bilang paraan ng iyong pasasalamat minabuti mong:
Huwag tanggapin dahil hindi mo naman ito kailangan.
Tangggapin ito at agad umalis upang maglaro ng online games.
Ibili ito ng mga kailangan mong gamit para sa inyong proyekto.
Masayang magpasalamat at itinabi ito upang ilagay sa alkansiya.
Ang paggalang ay isang kaugalian na nagsisimula sa:
paaralan
pamilya
simbahan
pamayanan
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang?
Pakikihalubilo sa mga kaanak lamang.
Pagkilala sa mga bagong kapitbahay.
Pagbibigay halaga sa mga taong nasa paligid.
Pakikilahok sa mga gawain sa pamayanan.
Ano ang pinakamakatuwirang paraan ng paggalang sa mga nakatatanda?
Makisali sa usapan kapag alam mo ang kanilang pinag-uusapan.
Itama ang maling kaisipan ng nakatatanda lalo na kung sana pagtitipon.
Unawain ang kanilang pagkukulang o maling kaisipan at ipaliwanag nang maayos ang iyong katuwiran.
Ipaglaban ang iyong kaisipan kung alam mong ikaw ay tama.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang higit na makatutulong sa mga bata upang matutunan ang paggalang?
Pagmamasid sa mga taong nakakasalamuha.
Pakikinig sa mga magulang kung paano isinasagawa ang paggalang.
Pakikinig sa sinasabi ng guro sa paaralan.
pagsangguni sa mga may awtoridad.
Ang paggalang sa mga taong may awtoridad ay higit na maipapakita kung:
Ipaglalaban ang iyong karapatan kung ikaw ay nasa katuwiran.
Magiging mapagmasid sa kapaligiran upang matutunan ang tamang paggalang.
Makikilahok sa gawain ng pamilya.
Susuportahan ang mga proyekto at programa sa pamayanan.
Ang kawalan ng pagpapasalamat ay nagpapakita ng:
Mabuting ugnayan sa mga mamamayan.
Pagtutulungan sa mga gawaing bahay.
Hindi pagtanggap sa kabutihang ginawa ng kapwa.
Paglabag sa karapatang pantao.
Ano ang maaaring maging bunga ng kawalan ng pagpasalamat ng isang tao?
Hindi niya mauunawaan ang kahalagahan ng kabutihang bigay ng ibang tao.
Mababawasan ang bilang ng kanyang mga kaibigan.
Magkakaroon siya ng mga bagong kakilala.
Wala siyang matutunan na pagpapahalaga.
Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon
Makikita ang paggalang sa pamamagitan
Pag-aalala sa mga okasyon sa buhay nila o ng kanilang kapamilya.
Pag-iingat sa mga bagay o gamit na hiram lamang.
Pagsunod at hindi pag-aabuso sa ibinigay na limitasyon ng mga magulang.
Pag-uwi sa tamang oras ayon sa takdang oras.
Paggalang sa mga kagamitan
Makikita ang paggalang sa pamamagitan
Pag-aalala sa mga okasyon sa buhay nila o ng kanilang kapamilya.
Pag-iingat sa mga bagay o gamit na hiram lamang.
Pagsunod at hindi pag-aabuso sa ibinigay na limitasyon ng mga magulang.
Pag-uwi sa tamang oras ayon sa takdang oras.
Pagtupad sa itinakdang oras
Makikita ang paggalang sa pamamagitan
Pag-aalala sa mga okasyon sa buhay nila o ng kanilang kapamilya.
Pag-iingat sa mga bagay o gamit na hiram lamang.
Pagsunod at hindi pag-aabuso sa ibinigay na limitasyon ng mga magulang.
Pag-uwi sa tamang oras ayon sa takdang oras.
Pagiging maalalahanin
Makikita ang paggalang sa pamamagitan
Pag-aalala sa mga okasyon sa buhay nila o ng kanilang kapamilya.
Pag-iingat sa mga bagay o gamit na hiram lamang.
Pagsunod at hindi pag-aabuso sa ibinigay na limitasyon ng mga magulang.
Pag-uwi sa tamang oras ayon sa takdang oras.
Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal
Makikita ang paggalang sa pamamagitan ng magagalang na pananalita.
Pag-aalala sa mga okasyon sa buhay nila o ng kanilang kapamilya.
Pag-iingat sa mga bagay o gamit na hiram lamang.
Pagsunod at hindi pag-aabuso sa ibinigay na limitasyon ng mga magulang.
Pag-uwi sa tamang oras ayon sa takdang oras.
Alin sa sumusunod na kilos ang HINDI nagpapakita ng paggalang?
Pakikilahok sa usapan ng mga matatanda.
Mabuting pakikitungo sa mga mamamayan sa sa barangay.
Pagsasabuhay ng mga aral ng mga magulang.
Pag-unawa sa kakulangan ng mga matatanda.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayan o gawi ng paggalang sa pamilya?
Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
Napagbubuklod nito ang pamilya.
Napagtitibay nito ang samahan sa pamayanan.
Nabibigyan nito ng pagkakataon ang mga tao na makilala ang bawat isa.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng HINDI paggalang sa mga magulang?
Pasagot gamit ang po at opo.
Pakikinig sa mga payo ng magulang.
Pagdabog kapag inuutusan.
Maayos na pakikitungo sa mga kapatid.
Ang kawalan ng paggalang sa mga nakakatanda ay mapapakita sa pamamagitan ng:
Pagsagot ng pabalang sa mga nakakatanda.
Pag-akay sa isang matandang tatawid sa kalsada.
Boluntaryong pagtulong sa isang matandang may kapansanan.
Maitayagang pagpapaliwanag sa mga matatanda ng mga kaisipang malabo para sa kanila o hindi maintindihan.
Tukuyin ang aytem na nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa mga may awtoridad.
Pagkilala sa kapangyarihan ng mga opisyal ng pamayanan.
Pagsunod sa mga batas trapiko.
Pagsuporta sa mga proyekto ng pamahalaan.
Paninigarilyo at pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.
May mga balitang lumabas na sangkot sa pangungurakot ang ilang opisyal ng inyong barangay kaya naman maraming kabataang tulad mo ang nalilito kung kung sila ba ay dapat pang magpakita ng paggalang sa mga nabanggit na opisyal. Ano ang mabuting maipapayo mo sa kanila?
Unawain ang kalagayan ng mga nasangkot na opisyal.
Alamin muna ang katotohanan bago magbigay ng anomang konklusyon.
Sumangguni sa ibang may awtoridad upang mabigyan ng linaw ang balita.
Magsumbong sa mas mataas na opisyal upang mabigyan ito ng panahon.
Mahinahong pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
PAGGALANG
PAGLABAG
Pagkilala sa kapangyarihan ng mga taong may awtoridad.
PAGGALANG
PAGLABAG
Dagliang paghuhusga sa ginawang hindi maganda ng isang opisyal ng pamayanan
PAGGALANG
PAGLABAG
Pagsangguni sa mga magulang sa pagpapasyang nais isagawa.
PAGGALANG
PAGLABAG
Pakikilahok sa usapan ng mga matatanda kahit hindi naman hinihingi ang opinyon
PAGGALANG
PAGLABAG
Paghingi ng payo sa mga nakakatandang kaanak dahil sa mayaman nilang karanasan sa buhay.
PAGGALANG
PAGLABAG
Punan ng dalawang angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang: (2 puntos)
Punan ng dalawang angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga nakakatanda: (2 puntos)
Punan ng dalawang angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga awtoridad: (2 puntos)
