Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3 Ms Filipino reviewer part 2

Total questions: 38

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ilan ang diwang makikita sa pangungusap na ito?


Ang ating bansa at madalas nakararanas ng malalakas na bagyo at lindol.

a)

isa

b)

dalawa

2.

Tukuyin kung ang pangungusap sa ibaba ay payak o tambalan:


Ang Sierra Madre Mountain Range ay nagsisilbing proteksiyon natin sa malalakas na bagyo taon-taon.

a)

PAYAK

b)

TAMBALAN

3.

Ilan ang diwang makikita sa pangungusap na ito?


Ang UNICEF Philippines ay nagbigay ng donasyon para sa mga batang Pilipino at sinuguro nilang ligtas ang mga batang apektado ng bagyo.

a)

isa

b)

dalawa

4.

Tukuyin kung ang pangungusap sa ibaba ay payak o tambalan:


Ang Sierra Madre Mountain Range ay nagsisilbing proteksiyon natin sa malalakas na bagyo taon-taon.

a)

PAYAK

b)

TAMBALAN

5.

Tukuyin kung ang pangungusap sa ibaba ay payak o tambalan:


Magtulong-tulong tayo at magkaisa dapat ang buong bansa.

a)

PAYAK

b)

TAMBALAN

6.

Tukuyin kung ang pangungusap sa ibaba ay payak o tambalan:


Makaabot sana ang mga tulong at donasyon sa mga nangangailangan.

a)

PAYAK

b)

TAMBALAN

7.

Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang angkop para sa pangungusap:


Ang DSWD _____ Philippine Red Cross ay mga ahensyang tumutulong kapag may bagyo at iba pang kalamidad.

a)

o

b)

at

c)

pero

d)

habang

8.

Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang angkop para sa pangungusap:


Alin ang mas gusto mong gawin, bumisita sa evacuation center _____ magbigay ng mga donasyon?

a)

o

b)

at

c)

pero

d)

habang

9.

Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang angkop para sa pangungusap:


Gusto ko sanang tumulong sa mga kanila _____ hindi ko naman alam kung paano.

a)

o

b)

at

c)

pero

d)

habang

10.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Siya ay nagkaroon ng marangyang buhay ngunit hindi na niya inalala pa ang kanyang mga magulang.

a)

payak

b)

tambalan

11.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Talagang maaasahan at mapagkakatiwalaang anak si Gary.

a)

payak

b)

tambalan

12.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Sina Lisa at Jenny ay mamimitas ng prutas at ibibigay sa kanilang lola.

a)

payak

b)

tambalan

13.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Hinihiling kong magkaroon ng matapat at mabubuting kaibigan.

a)

payak

b)

tambalan

14.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Si Aling Celina ay isang labandera at si Mang Melchor naman ay isang mangingisda.

a)

payak

b)

tambalan

15.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Si Kaloy ay naglilinis ng kuwarto habang si Mario ay nakahiga sa kama.

a)

payak

b)

tambalan

16.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Ikaw at ako ay manghuhuli ng ibon sa gubat.

a)

payak

b)

tambalan

17.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Ako at ang aking ina ay nagluto ng pansit at ibinahagi namin ito sa mga nakatira sa lansangan.

a)

payak

b)

tambalan

18.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Inaantok na ako ngunit gusto ko pang tapusin ang aking mga takdang-aralin.

a)

payak

b)

tambalan

19.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Inaantok na ako ngunit gusto ko pang tapusin ang aking mga takdang-aralin.

a)

payak

b)

tambalan

20.

Tukuyin ang pangungusap ayon sa pagkakabuo.


Araw-araw akong naglilinis at tumutulong sa pagluluto ng hapunan.

a)

payak

b)

tambalan

21.

SI ATE CLARA ba ang magluluto ng hapunan?

a)

Sino

b)

Ano

c)

Kailan

d)

Saan

22.

TATLO ba kayo sa grupo ninyo sa proyekto?

a)

Saan

b)

Ano

c)

Ilan

d)

Kanino

23.

ANG EASTWOOD MALL ba ang lugar na pinupuntahan ng iyong tatay para bumili ng pagkain?

a)

Saan

b)

Sino

c)

Ilan

d)

Magkano

24.

Saan ka pinanganak?

a)

Tama

b)

Mali

25.

Gaano kayo magkapatid?

a)

Tama

b)

Mali

26.

Anong okasyon ang gaganapin?

a)

Tama

b)

Mali

27.

Ano nagmamay-ari nito?

a)

Tama

b)

Mali

28.

Alin-alin ang pinili mo?

a)

Tama

b)

Mali

29.

___________ isa sa atin ay may karapatan.

a)

bawat

b)

madla

c)

lahat

30.

___________ ang nagpahayag nito?

a)

Kailan

b)

SIno

c)

Gaano

31.

Sang-ayon ang _________ sa sinabi ni Maria Clara.

a)

bawat

b)

lahat

c)

pulos

32.

___________ kayo magkakapatid?

a)

Kailan

b)

Ilan

c)

Ano

33.

___________ galing ito?

a)

Kailan

b)

Ano

c)

Kanino

34.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Siya ______ ang tatakbo na mayor sa susunod na halalan.

a)

kaya

b)

pala

c)

kasi

d)

lang

35.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Maging payapa ______ ang darating na eleksyon ngayong Mayo.

a)

sana

b)

lamang

c)

lang

d)

tuloy

36.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Nag-iisip ______ ang mga tao sa kandidato na kanilang susuportahan?

a)

naman

b)

sana

c)

kaya

d)

lang

37.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Isantabi ______ ang hidwaan ng bawat isa sa politika at isipin ang kapakanan ng ating bayan.

a)

yata

b)

ba

c)

muna

d)

tuloy

38.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Kailangan _____ na magkaisa tayong lahat para sa ating Inang Bayan.

a)

ba

b)

tuloy

c)

yata

d)

kasi