WorksheetsGRADE 5- EPP
Total questions: 18
Worksheet time: 9mins
1. May nakita kang sirang gripo sa paaralan. Ano ang pinakamainam na hakbang bago ito ayusin?
A. Iwasan ito upang hindi na lang mapansin ng iba
B. Kaagad tanggalin ang gripo kahit walang tamang kagamitan
C. Alamin ang sanhi ng sira at gamitin ang tamang kasangkapan upang ito ay ayusin
D. Tawagin ang isang kaklase upang subukang kumpunihin ito kahit walang sapat na kaalaman
2. Sa iyong palagay, paano nakakatulong ang kaalaman sa pagkukumpuni ng sirang gamit sa tahanan?
A. Nakakatipid ng pera at nagiging mas mapamaraan ang isang tao
B. Hindi na kailangang bumili ng bagong gamit kahit hindi na ito maayos
C. Hindi na kailangang humingi ng tulong sa ibang tao
D. Mas madaling sirain ang isang gamit upang masubukan kung kaya itong ayusin
3. Bakit mahalaga ang tamang pagpapakete ng produkto bago ito ipagbili?
A. Upang magmukhang mas mahal ang produkto kaysa sa tunay na halaga nito
B. Upang mapanatili ang kalidad at maprotektahan ito mula sa pagkasira
C. Upang hindi malaman ng mamimili ang tunay na laman ng produkto
D. Upang mas mabilis itong ibenta sa merkado kahit hindi ito de-kalidad
4. May natira kang kita mula sa naipagbiling produkto. Ano ang pinakamainam na gawin dito?
A. Gastusin kaagad sa anumang gusto nang hindi iniisip ang hinaharap
B. Itabi at gamitin bilang puhunan sa paggawa ng bagong produkto
C. Ibigay sa isang kaklase upang siya naman ang makabili ng produkto
D. Maging kampante na lang dahil natapos na ang pagbebenta
5. Isang estudyante ang gumamit ng maling kasangkapan sa pagkukumpuni ng sirang upuan sa silid-aralan. Ano ang maaaring maging epekto nito?
A. Mas mapapadali ang pagkukumpuni dahil kahit anong kasangkapan ay maaaring gamitin
B. Hindi ito magkakaroon ng epekto dahil magagamit pa rin ang upuan kahit paano
C. Mas magiging matibay ang upuan kahit hindi tama ang ginamit na kasangkapan
D. Posibleng lumala ang sira at mas lalong masira ang upuan
6. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa natutunan mong paggawa ng produkto sa paaralan?
Patuloy na gagamitin ang natutunang kasanayan
Itatago ito sa bahay at hindi gagamitin upang mapanatili ang ganda nito
Ititigil na ang paggawa ng produkto matapos ang proyekto sa paaralan
Ibibigay ito sa isang kaibigan kahit hindi ito nagustuhan
7. Ano ang maaaring maging epekto sa isang negosyo kung hindi ito maayos na nagtu-tuos ng kita at puhunan?
A. Mas mapapadali ang pamamahala ng negosyo dahil hindi kailangang maglista
B. Maaaring malugi ang negosyo dahil hindi naitatala ang mga ginastos at kinita
C. Magkakaroon ng mas maraming pera ang may-ari ng negosyo
D. Mas mabilis itong makakaakit ng maraming mamimili
8. Kung ikaw ay gagawa ng bagong produkto mula sa kinita mo, ano ang unang dapat mong isaalang-alang?
Ang pangangailangan ng mga mamimili at ang kalidad ng produkto
Ang dami ng produktong kayang gawin kahit walang demand
Ang paggamit ng pinakamurang materyales upang makatipid
Ang paggawa ng produkto kahit walang sapat na plano
9. Bakit mahalagang matutunan ang tamang paraan ng pagliliha, pagpipintura, o pagbabarnis sa paggawa ng produkto?
Upang madagdagan ang bigat ng produkto
Upang hindi makita ang tunay na kalidad ng ginamit na materyales
Upang mas madaling masira ang produkto sa maikling panahon
Upang gawing mas kaakit-akit ang produkto at mapataas ang halaga nito
10. Isang kaklase mo ang gustong matuto ng pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa paaralan. Ano ang pinakamahusay mong magagawa upang matulungan siya?
Ipagawa sa kanya ang lahat ng sirang gamit upang matuto siya agad
Turuan siya ng tamang paraan ng pagkukumpuni
Huwag siyang tulungan upang matuto siyang mag-isa
Iwasan siyang tulungan dahil baka masira pa ang gamit niya
11. Isang estudyante ang nagbebenta ng kanyang sariling produkto ngunit hindi niya isinasaalang-alang ang kalidad nito. Ano ang posibleng mangyari sa kanyang negosyo?
A. Mas marami siyang mabebenta dahil hindi na kailangang gumamit ng de-kalidad na materyales
B. Mawawalan siya ng tiwala mula sa mga mamimili at maaaring bumaba ang kanyang kita
C. Mas mapapadali ang paggawa ng produkto kahit hindi ito matibay
D. Mas mabilis niyang matatapos ang kanyang gawain kahit hindi maayos ang produkto
12. Paano mo matutulungan ang iyong pamilya sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa EPP?
C. Gumamit ng kasanayan sa EPP para sa sarili lamang at hindi na magturo sa iba
D. Maghintay na lamang ng pagkakataon kung kailan kakailanganin ang iyong tulong
A. Gamitin ang natutunang kasanayan upang makatulong sa pang-araw-araw na gawain
B. Hayaan silang gumawa ng lahat ng gawain sa bahay upang may matutunan sila
C. Gumamit ng kasanayan sa EPP para sa sarili lamang at hindi na magturo sa iba
D. Maghintay na lamang ng pagkakataon kung kailan kakailanganin ang iyong tulong
13. May nakita kang kaklase na hindi gumagamit ng tamang kasangkapan sa pagguhit ng disenyo ng isang produkto. Ano ang pinakamainam na gawin?
A. Pabayaan siya dahil baka masanay siyang gumawa ng sariling paraan
B. Itama siya sa harap ng klase upang hindi na niya ito maulit
C. Bigyan siya ng payo at ituro ang tamang kasangkapan
D. Iwasan siyang tulungan dahil baka hindi niya pahalagahan ang iyong tulong
14. Paano mo masisiguro na ligtas ang paggamit ng mga kasangkapan sa pagkukumpuni?
A. Basahin at sundin ang mga tagubilin sa paggamit ng kasangkapan bago ito gamitin
B. Gumamit ng kahit anong kasangkapan nang hindi sinusuri ang tamang paraan ng paggamit
C. Huwag gumamit ng protective gear upang mas maging komportable habang gumagawa
D. Subukan muna sa ibang gamit kung paano ito gamitin bago magbasa ng tagubilin
15. Bakit kailangang suriin ang kalidad ng isang produkto bago ito ibenta?
A. Upang matiyak na tatagal ito at magbibigay ng kasiyahan sa mamimili
B. Upang madagdagan ang gastos sa paggawa nito
C. Upang itago ang mga mali at ipakita lamang ang magagandang bahagi ng produkto
D. Upang mapadali ang pagbebenta kahit hindi ito matibay
16. May kaklase kang may magaling na ideya sa paggawa ng produkto, ngunit hindi niya alam kung paano ito sisimulan. Ano ang iyong maaaring gawin upang siya ay matulungan?
A. Tulungan siyang bumuo ng plano, budget, at disenyo bago siya magsimula
B. Hikayatin siyang simulan ang paggawa kahit wala pang malinaw na plano
C. Huwag siyang tulungan upang matuto siyang mag-isa
D. Ibigay sa kanya ang lahat ng materyales at hayaang siya na lang ang bahala sa paggawa
17. Ano ang maaaring maging epekto ng hindi wastong pagtatapon ng basura sa paggawa ng isang produkto?
A. Mas madaling mapapanatili ang kalinisan ng paligid
B. Mas magiging mura ang paggawa ng produkto
C. Makakatulong ito sa mabilis na paggawa ng produkto
D. Magdudulot ito ng polusyon at makaapekto sa kalusugan.
20. May pagkakataon kang sumali sa isang patimpalak sa paggawa ng produkto. Ano ang pinakamainam mong gawin upang manalo?
A. Gumawa ng isang produktong de-kalidad na may kakaibang disenyo at kapaki-pakinabang
B. Gumamit ng pinakamurang materyales upang mas marami kang magawa
C. Kopyahin ang ideya ng iba upang masigurong maganda ang resulta
D. Mabilisang gawin ang produkto upang makatapos agad
