WorksheetsCIVICS 3RD EXAM
Total questions: 31
Worksheet time: 16mins
Paraan ng pamumuhay ng isang pamayanan o pangkat ng tao. Maaaring ang mga ito
ay materyal o hindi materyal.
kultura
wika
arkitektura
politika
Ano ang kinagisnang kasuotan ng mga kababaihan?
bestida
palda at blusa
baro at saya
pantalon
Kilala ang ________ sa mga pagkaing kagaya ng sisig, tocino, chicharon,
at morcon.
Gitnang Luzon
NCR
CALABARZON
Hilagang Luzon
Saan matatagpuan ang Las Casas Filipinas De Acuzar.
Malolos, Bulacan
Bagac, Bataan
Baler, Aurora
Mayroon namang Cutud Lenten Rites na nagsasadula ng
paghihirap at kamatayan ni Kristo sa lugar ng __________.
Malolos, Bulacan
San Fernando, Pampanga
Baler, Aurora
Ginaganap dito ang pagpapalabas ng moro-moro at zarzuela sa
panahon ng Semana Santa.
Malolos, Bulacan
Bagac, Bataan
Baler, Aurora
Ang sentro ng pamahalaan ng Gitnang Luzon ay nasa lungsod ng _____________.
San Fernando, Pampanga
Angeles, Pampanga
Ang mga Katolikong Kristiyano ay nagdiriwang ng mga pista tulad ng Pasko,
Bagong Taon, Semana Santa, at Araw ng mga Patay.
Tama
Mali
Ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng bawat lalawigan
sa Gitnang Luzon ay Kapampangan.
Tama
Mali
Saang lalawigan matatagpuan ang malawak na
karagatan na pinanggagalingan ng mga sariwang isda na dinadala sa mga
karatig-lalawigan.
Pampanga, Bulacan at Tarlac
Aurora, Bataan, at Zambales
Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga
Ang Gitnang Luzon ay tinaguriang "Bigasan ng Bansa" dahil ___________.
dito
matatagpuan ang malawak na kapatagan na ang pangunahing pananim ay
palay.
dito
matatagpuan ang mga kabundukan.
dito
matatagpuan ang malawak na kapatagan na ang pangunahing pananim ay
mais at gulay.
Ito ay ang kinalalagyan o kinaroroonan ng isang lugar.
Populasyon
Lokasyon
Klima
Ito ay tumutukoy sa pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng
panahon sa isang lugar o rehiyon.
Populasyon
Lokasyon
Klima
Sila ay kilala rin sa tawag na Pampangueño o
Pampanggo.
Sambal
Aeta
Tagalog
Kapampangan
Matatagpuan sila sa
lalawigan ng Zambales, Bataan, Pampanga, at Tarlac.
Marami sa kanila ang nanirahan malapit sa Bulkang Pinatubo ngunit dahil sa
malakas na pagputok ng bulkan noong 1991, marami sa kanila ang nagsilikas at hindi
na nakabalik pa sa kanilang mga tirahan.
Sambal
Aeta
Tagalog
Kapampangan
Matatagpuan ang pangkat nila sa bulubundukin ng Zambales at
pinakakanlurang bahagi ng Pangasinan. Kilala sila sa pagiging mapamahiin at
pagsamba sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninuno.
Sambal
Aeta
Tagalog
Kapampangan
Iba't ibang lugar ang pinanggalingan ng mga ito. Karamihan sa kanila ay
nagmula sa mga karatig-lugar tulad ng Laguna, Cavite, Bulacan, Batangas, at Rizal.
Sambal
Aeta
Tagalog
Kapampangan
Matatagpuan ang kanilang pangkat sa Lingayen Gulf, Pangasinan, at sa
gitnang bahagi ng Luzon. Ang kanilang kultura ay bunga ng pinaghalo-halong
impluwensiya ng mga Malayo-Polynesian, Hispanic, Amerikano, at Tsino.
Pangasinense
Ilokano
Tagalog
Kapampangan
Ang sentro ng pagdiriwang na ito ay ang kapanganakan ni Hesus. Isa ito sa
pinakamahabang selebrasyon na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano.
Pista
Pasko
Bagong Taon
Kasal
Sa pagdiriwang nito nagsusuot ng damit na pula, o hindi naman kaya ay polka dots (disenyong
may bilog-bilog). Naniniwala sila na ito ay magdadala ng pera. Naglalagay rin sa hapag-kainan ng labindalawang iba't ibang klaseng prutas na
hugis bilog sa paniniwalang may dala itong suwerte sa pamilya.
Pista
Pasko
Bagong Taon
Kasal
Ito ay isang beses lamang na mangyayari sa buhay ng isang tao kung kaya masusi ang paghahanda para sa malaking araw na ito. Ginagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa kanilang mapapangasawa upang maging matiwasay ang kanilang pagsasamahan.
Pista
Pasko
Pamamanhikan
Kasal
Ito ay ang pormal na paghingi ng kamay ng babaeng nais
pakasalan mula sa kanilang magulang.
Pista
Ramadan
Pamamanhikan
Kasal
Ang pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay ay taon-taong idinaraos. Ito ay tinatawag na ________.
Undas
Ramadan
Eid al-Fitr
Kasal
Isang pinakahihintay na selebrasyon ng bayan. Kalimitang ito ay araw
ng pagdiriwang ng patron (patron saint) ng bayan.
Undas
Ramadan
Pasko
kapistahan
Pagdiriwang ito ng pagkakatatag ng lalawigan ng Aurora. Ginaganap ito tuwing ika-
14 hanggang ika-19 ng Pebrero.
Aurora Foundation Day
Pawikan Festival
Palayan Festival
Fiesta Republika
Ipinagdiriwang ito tuwing Nobyembre upang pangalagaan ang mga pawikan na
nangingitlog sa mga dalampasigan ng Bataan at ang iba pang mga likas na yaman ng
lalawigan.
Aurora Foundation Day
Pawikan Festival
Palayan Festival
Fiesta Republika
Ipinagdiriwang ito sa lungsod ng Malolos tuwing ika-17 hanggang ika- 19 ng Enero.
Ito ay paggunita sa pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas at pagbubukas ng
kongreso ng Malolos sa simbahan ng Barasoain.
Malatarlac Festival
Giant Lantern Festival
Palayan Festival
Fiesta Republika
Ipinagdiriwang ito sa kabisera ng lalawigan, lungsod ng Palayan tuwing ika-2
hanggang ika-5 ng Disyembre. Ito ay paggunita sa Proclamation No. 495 ni
Pangulong Magsaysay na dinedeklara ang Palayan bilang "Rice Granary of the
Philippines.
Malatarlac Festival
Giant Lantern Festival
Palayan Festival
Fiesta Republika
Ipinagdiriwang ito sa kabisera ng lalawigan, lungsod ng San Fernando tuwing
Disyembre. Ang lungsod ay kinikilala bilang "Christmas Capital of the Philippines."
Inaabangan sa pagdiriwang ang kompetisyon ng mga barangay na gumagawa ng
malalaki at makukulay na parol o "liligang parul" na may laki na halos 20 talampakan
at may halos 3,000 hanggang 5,000 bumbilya.
Malatarlac Festival
Giant Lantern Festival
Palayan Festival
Dinamulag Festival
Ipinagdiriwang ito sa kabisera ng lalawigan, Lungsod Tarlac tuwing ika- 13 hanggang
ika-20 ng Enero. Ito ay pista tungkol sa mga damo o grass na tanging sa Luzon
lamang makikita.
Malatarlac Festival
Giant Lantern Festival
Palayan Festival
Dinamulag Festival
Ipinagdiriwang ito sa lalawigan tuwing ika-4 hanggang ika-8 ng Abril. Mas kilala
bilang Zambales Mango Festival. Ang mangga lalo na ang carabao mango ay kilalang
produkto ng probinsiya.
Malatarlac Festival
Giant Lantern Festival
Palayan Festival
Dinamulag Festival
