wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 1 ( Quiz 2.2)

Total questions: 18

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.
Pangalan:
4 lines
2.
Kurso at Seksyon:
4 lines
3.
1. Sa isang pormal na pagpupulong ng gobyerno, ginagamit ng mga opisyal ang pormal at estandardisadong wika upang ipahayag ang kanilang mga polisiya. Anong antas ng wika ang kanilang ginagamit?
a)
Kolokyal
b)
Balbal
c)
Lalawiganin
d)
Pambansa
4.
2. Si Kevin ay lumipat sa isang bansang banyaga at walang alam sa kanilang wika. Dahil dito, gumawa siya ng sariling paraan ng pakikipag-usap gamit ang pinaghalong salita mula sa kanyang wika at sa wikang banyaga. Ano ang tawag sa ganitong uri ng wika?
a)
Pidgin
b)
Jargon
c)
Pampanitikan
d)
Pang-interaksyon
5.
3. Sa isang chat group, madalas gamitin ng mga estudyante ang salitang "lodi" upang ipahayag ang paghanga sa isang tao. Anong uri ng wika ito?
a)
Pagdaragdag
b)
Pagbabaligtad
c)
Panghihiram
d)
Akronim
6.
4. Sa ospital, nag-uusap ang mga doktor gamit ang terminolohiyang hindi agad nauunawaan ng karaniwang tao, gaya ng “BP” para sa blood pressure. Ano ang tawag sa ganitong uri ng wika?
a)
Pidgin
b)
Jargon
c)
Balbal
d)
Kolokyal
7.
5. Naglalakad si Mario sa isang bayan at may narinig siyang nagsasalita sa wikang iba sa karaniwan niyang ginagamit. Napagtanto niyang ang salitang ito ay likas sa lugar na iyon.
a)
Pampanitikan
b)
Lalawiganin
c)
Jargon
d)
Balbal
8.
6. Sa isang poetry reading event, inilahad ng makata ang kanyang tula gamit ang malikhaing pananalita. Anong tungkulin ng wika ang nangingibabaw dito?
a)
Conative
b)
Emotive
c)
Poetic
d)
Code-Switching
9.
7. Sa isang hindi pormal na usapan, sinabi ni Lisa sa kanyang kaibigan, “San ka na? D2 na me.” Anong antas ng wika ang ginamit niya?
a)
Kolokyal
b)
Jargon
c)
Pambansa
d)
Pampanitikan
10.
8. Habang nag-uusap ang magkakaibigan, bigla nilang ginagamit ang Ingles sa kalagitnaan ng kanilang Filipino na pangungusap. Ano ang tawag sa ganitong paraan ng pagsasalita?
a)
Code-Switching
b)
Jargon
c)
Pambansa
d)
Pampanitikan
11.
9. Habang nasa isang grupo, si Mae ay biglang bumati sa kanyang kakilala ng “Hi! Kumusta?” Anong tungkulin ng wika ang ipinakita niya?
a)
Emotive
b)
Phatic
c)
Conative
d)
Referential
12.
10. Sa isang masayang handaan, ginamit ng magkakaibigan ang wika upang makipagkwentuhan, magbiruan, at magtawanan. Ano ang tungkulin ng wikang kanilang ginamit?
a)
Pang-regulatori
b)
Pang-instrumental
c)
Pang-interaksyon
d)
Pang-imahinasyon
13.
11. Isang guro ang gumamit ng matalinghagang pananalita sa kanyang tula na puno ng simbolismo at malikhaing pagpapahayag. Anong antas ng wika ang ginamit niya?
a)
Kolokyal
b)
Sosyolek
c)
Pidgin
d)
Pampanitikan
14.
12. Sa isang pampublikong lugar, may nakapaskil na karatulang “Bawal Magtapon ng Basura Dito.” Anong tungkulin ng wika ang ginamit?
a)
Pang-interaksyon
b)
Pang-imahinasyon
c)
Pang-regulatori
d)
Pampersonal
15.
13. Sa isang seremonya, ginamit ng punong-guro ang Filipino sa kanyang talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Anong antas ng wika ang ginamit niya?
a)
Pormal
b)
Impormal
c)
Sosyolek
d)
Antas Bawal
16.
14. Si Ginoo Santos ay isang radio broadcaster na may natatanging paraan ng pagsasalita, kaya agad siyang nakikilala ng kanyang tagapakinig. Ano ang tawag sa natatanging estilo ng kanyang pananalita?
a)
Idyolek
b)
Balbal
c)
Sosyolek
d)
Kolokyal
17.
15. Ang paggamit ng wika sa isang malikhaing pag-iisipa ay tinatawag na ____________.
a)
Pampersonal
b)
Pang-regulatori
c)
Pang-interasksyon
d)
Pang-imahinasyon
18.
Fingerprint - DO NOT EDIT
4 lines