WorksheetsSektor ng Agrikultura Quiz
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Alin sa mga pahayag ang HINDI nagpapakita ng katuturan tungkol sa Sektor ng Agrikultura?
nagbibigay ito ng kita
nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao
nagpoproseso ng mga hilaw na materyal
ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura?
Pinagmumulan ng hilaw na materyal
Nagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino
Pangunahing pinagmumulan ng pagkain
Nakagagawa ng produkto gamit ang makina
Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?
Nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan.
Nagbibigay ng pinansiyal sa mga mamamayan.
Pinagkukunan ng pinansyal na pangangailangan.
Pinagkukunan ng kitang panlabas mula sa mga produktong agrikultural na ibinebenta sa pandaigdigang pamilihan.
Ang patakarang ito ay ukol sa reporma sa lupa na naglalayong ipamahagi ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang walang sariling sakahan?
Republic Act 3844
Republic Act 1400
Republic Act 6657
Presidential Decree 2
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya sa Sektor ng Agrikultura?
Mabagal na pagsasaka
Kalabaw pa rin ang gamit sa pag-aararo
Pagkakaroon ng kakompetensya ang mga lokal na produkto.
Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan
Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor ng agrikultura?
Nagpapakita ito ng kaayusang teknolohikal
Dito nanggagaling ang serbisyong teknikal at konstruksiyon.
Nagbibigay ng pagkakataon na malinang ang kaisipan ng mga tao.
Dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa ating mga pangangailangan
Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa pagnenegosyo?
aquaculture
thrawl fishing
munisipal na pangingisda
komersyal na pangingisda
Anong sub-sektor ng agrikultura nabibilang ang aquaculture?
pagsasaka
paggugubat
pangingisda
paghahayupan
Sa anong sub-sektor napabilang ang pagniniyog, maisan at palayan?
pagtotroso
pangingisda
paghahalaman
paghahayupan
Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?
Bureau of Customs
Department of Agriculture
Department of Labor and Employment
Department of Environment and Natural Resources
