Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP_Q4 reviewer

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

1. Sila ang mga Pilipinong mula sa panggitnang uri na nakakamit ng edukasyong Kanluranin at tinatawag na “naliwanagang” kabataan.

a)

ilustrados

b)

ilustracion  

c)

mestizo

d)

principalia

2.

2. Kailan binuksan ang Suez Canal?

a)

Nobyembre 7, 1869

b)

Nobyembre 17, 1869

c)

. Setyembre 7, 1869

d)

Setyembre 17, 1869

3.

3. Bakit madaling nakuha ni Gobernador- Heneral Carlos Maria de la Torre ang

pagtitiwala ng mga Pilipino? Ito ay dahil sa kanyang _______.

a)

karesma at kaguwapohan

b)

liberal na pamamahala sa

     Pilipinas  

c)

pagkamasayahin at  mapagkumbaba

d)

mahigpit na pamamahala sa 

     Pilipinas

4.

4. Hindi nagtagal ang paninilbihan ni de la Torre sa Pilipinas. Sino ang pumalit sa kanya?

a)

Rafael de la Paz      

b)

Rafael de Guzman    

c)

Rafael de Izquierdo

d)

Rafael de los Reyes

5.

5. Ano ang tawag sa pagbibigay ng mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang isang parokya?

a)

demonstrasyon

b)

sekularisasyon

c)

regularisasyon

d)

sibilisasyon

6.

6. Ano ang dalawang uri ng pari noon sa panahon ng kolonyalismo? Paring ____ at Paring _____.

a)

Agustinian at Jesuits

b)

Agustinian at Regular

c)

Regular at Jesuits

d)

Sekular at Regular

7.

7. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ilustrado?

a)

Andres Bonifacio  

b)

Graciano Lopez Jaena

c)

Jose Rizal 

d)

Marcelo H. del Pilar

8.

8. Ano ang naging BUNGA sa pagbukas ng Suez Canal sa Egypt?

a)

Dumami ang mga dayuhang naglalakbay sa Pilipinas dala ang  sariling pananaw, kaisipan at kultura.

b)

Higit na napadali ang pag-aangkat ng kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europa.

c)

Napaikli ng isang buwan ang paglalakbay mula sa Europa patungo sa Maynila.

d)

Lahat ng nabanggit

9.

9. Bakit hinatulan ng kamatayaang tatlong pari na sina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora na mas kilala sa tawag na GOMBURZA? Dahil ________.

a)

napagbintangan sila na

    namuno sa pag-aalsa sa Cavite

b)

inako nila ang kasalanan na 

    hindi naman nila ginawa

c)

tumiwalag sila sa pagiging 

    pari

d)

Lahat ng nabanggit

10.

10. Bakit itinuring na isang malaking pagkakamali ng mga Espanyol ang pagbitay sa tatlong pari? Dahil _________.

a)

walang naniniwala sa relihiyong Kristiyanismo

b)

marami ang hindi 

    nagpabinyag ng Kristiyanismo

c)

nabuo ang isang kilusan sa

    pamumuno ni Padre Pedro

    Pelaez

d)

nagpaalab at nagpabuklod ito

     sa mga Pilipinong magkaisa 

     laban sa kanila

11.

11. Sino sa mga sumusunod ang kabilang sa ilustrados?

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregoria de Jesus

c)

Emilio Jacinto  

d)

Jose Rizal

12.

12. Siya ay kinilala bilang isa sa mga pinakamalupit na gobernador-heneral sa Pilipinas.

a)

Rafael de Izquierdo   

b)

Joseph Bonaparte  

c)

Carlos Maria de la Torre

d)

Ventura de los Reyes

13.

13. May mga kabataan noon ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral dahil sila ay nabibilang sa   panggitnan uri at tinatawag silang mga “ilustrados”. Ano ang ibig sabihin ng salitang ilustrados?

a)

“matalinong” kabataan

b)

“mayamang” kabataan

c)

“naliwanagang” kabataan

d)

“natatanging” Kabataan

14.

14. Isang artipisyal na daluy ang tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea na makikita sa bansang Egypt.

a)

Suez Canal

b)

Venice Canal  

c)

Panama Canal

d)

Philippine Canal

15.

15. Alin sa mga sumusunod na

      sitwasyon ang may liberal na 

      pamamahala?

a)

Ipinadakip ni Sec. Hipolito ang

    mga taong kumakalaban sa kanya.

b)

Hinatulan ng pagkakulong si

    Cardo Dalisay na wala man lang 

    paglilitis.

c)

Tinanggal sa trabaho anglahat

     ng trabahante na hindi   

     nagpabakuna laban sa COVID-19.

d)

Binigyan ng pagkakataon si Mira

    na maipaliwanag ang totoong 

    pangyayari bago siya  hinusgahan.

16.

16. Ano ang pinakamahalagang epekto sa pagbukas ng Suez Canal sa Egypt dito sa  Pilipinas?

a)

A.Namulat tayo sa mga kaisipang liberal na may kaugnayan sa kalayaan, pagkakapantay- pantay at pagkakapatiran.

b)

Lumago ang ating agrikultura

    at maraming mga Pilipino ang

    umunlad ang pamumuhay.

c)

Maraming mga Pilipino ang

    nakapaglakbay sa ibang bansa.

d)

Maraming dayuhan ang

     nakarating dito sa Pilipinas.

17.

17. Paano hinatulan ng kamatayan ang tatlong pari na sina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora

a)

Binaril sa harap ng mga nag-aalsang Pilipino

b)

Binitay sa pamamagitan ng garote

c)

Sinaksak gamit ang bayoneta

d)

Wala sa nabanggit

18.

18. Alin sa mga salik ang mas lalong nagpasidhi ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?

a)

Liberal na Pamumuno

b)

Pagbubukas ng Suez Canal

c)

Pag-usbong ng Panggitnang-uri

d)

Pagbitay sa Tatlong Paring Martir

19.

19. Bakit nabuo ang Kilusang Sekularisasyon? Ito ay dahil sa __.

a)

pagbukas ng Suez Canal sa Egypt

b)

pagbawi ng mga prayle sa

    mga pareng sekular sa

    pamumuno ng mga parokya

c)

pagpalit ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo kay Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre

d)

pagsanay ng mga paring regular sa mga Pilipinong paring nag- aaral upang makatulong sa  kanilang layuning mapalaganap ang Kristiyanismo dito sa bansa

20.

20. Ano ang kaibahan sa sistema ng edukasyon sa panahon ng

     kolonyalismo at sa kasalukuyan?

a)

Mga batang nasa gitnang uri

     lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na makapagaral noon ngayon lahat ng bata ay nakakapag-aral na.

b)

Parehong nabibigyan ng

    pagkakataon ang lahat ng

    kabataang Pilipino na

    makapag-aral.

c)

Walang hilig mag-aral ang

    mga bata noon kaysa ngayon.

d)

Mas matalino ang mga bata

     noon kaysa ngayon.

21.

21. Saang bahagi ng Pilipinas ay may maraming Muslim?

a)

Cebu  

b)

Misamis Oriental 

c)

Jolo  

d)

Zamboanga del Sur

22.

22. Anong tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?

a)

Bibliya 

b)

ensayklopedya

c)

koran

d)

libro

23.

23. Ang tunay na Muslim ay nagdarasal ng ______beses sa isang araw.

a)

dalawang  

b)

isang

c)

limang

d)

tatlong

24.

24. Ito ay kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan, sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

a)

kolonisasyon

b)

kultura

c)

relihiyon

d)

tradisyon

25.

25. Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa kanilang pakipaglaban sa mga Muslim?

a)

Matatapang ang mga pinuno.

b)

Matibay ang kanilang

    organisasyon.

c)

Makabago ang kanilang mga  

    sandata o armas.

d)

Nabigkis sila sa kasunduang

    ipagtanggol ang bawat isa sa

    oras ng kagipitan.