Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Siya ang sumisimbolo sa ideal na babae ni Rizal. Kinikilalang anak ni Kapitan Tiyago kay Pia Alba na nagpakasakit dahil sa karahasang naranasan ng kasintahan.

a)

Doña Concolacion

b)

Sisa

c)

Doña Victorina

d)

Maria Clara

2.

Larawan ng mapagmahal na ina na gagawin ang lahat sa anak kahit magdulot ito ng kasawian sa kaniya.

a)

Sisa

b)

Tiya Isabel

c)

Pia Alba

d)

Maria Clara

3.

Pinatunayan sa kaniyang karakter na hindi lahat ng Guwardiya Sibil ay masamâ. Siya ang nagpabatid ng kasawian ni Don Rafael kay Crisostomo.

a)

Ten. Guevarra

b)

Kapitan Heneral

c)

Elias

d)

Don Tiburcio

4.

Taglay ng karakter na ito ang katangian ng Pilipinong hindi marunong lumingon sa pinagmulan. Siya ang asawa ng Alperes na dating labandera.

a)

Doña Victorina

b)

Tiya Isabel

c)

Pia Alba

d)

Dona Consolacion

5.

Pinalutang ni Rizal sa karakter ng babaeng ito ang pansasamantala sa mga babae. Ginahasa siya ng isang pari na nagdulot ng labis na kalungkutan at kamatayan.

a)

Maria Clara

b)

Pia Alba

c)

Doña Victorina

d)

Sisa

6.

Ang sawimpalad na ito ay biyograpikal na representasyon sa aktibong si Rizal. Namundok at naging tulisan para ipaglaban sa karapatan ng mga naaapi.

a)

Crisostomo

b)

Bruno

c)

Elias

d)

Tarsilo

7.

Kumakatawan sa Pilipinong utak-kolonyal. Naglalagay ng makapal na kolorete para magmukhang Español at kinaiinisan ang kapuwa Indio.

a)

Doña Victorina

b)

Doña Consolacion

c)

Kapitan Tiyago

d)

Sisa

8.

Paring mapagmataas at tinitingnan ang sarili bilang superyor sa lahat. Dating kura-paroko ng San Diego at nakaaway ni Crisostomo sa isang hapunan.

a)

Padre Salvi

b)

Pilosopo Tasyo

c)

Padre Damaso

d)

Ten. Guevarra

9.

Kumakatawan siya kay Paciano Rizal na matalino ngunit naging sawimpalad dahil sa karahasan ng lipunan.

a)

Pilosopo Tasyo

b)

Ten. Guevarra

c)

Elias

d)

Crisostomo

10.

Kakikitaan ng pagiging masinop at pagkakaroon ng pangarap para sa pamilya kahit na mahirap ang pamumuhay. Nagtapos siya ng medisina dahil sa pagsisikap.

a)

Crispin

b)

Elias

c)

Crisostomo

d)

Basilio

11.

Kakikitaan ang karakter na ito ng magandang bisyon para sa bansa. Tumuklas ng ginto sa Europa nang mabawi ang gintong sinamsam sa kaniyang lupain.

a)

Elias

b)

Crisostomo

c)

Lucas

d)

Don Rafael

12.

Sumisimbolo ang karakter na ito sa pagiging mapagsamantala ng mga Español. Pinagkakakitaan niya ang kaniyang pagiging huwad na manggagamot.

a)

Ten. Guevarra

b)

Basilio

c)

Kapitan Tiyago

d)

Don Tiburcio

13.

Pinalutang ni Rizal sa kaniyang karakter ang pagiging huwad sa pananampalataya ng mga Pilipino dahil sa paggamit ng kaniyang kayamanan sa pagbili ng kabanalan.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Tiya Isabel

c)

Pia Alba

d)

Padre Damaso

14.

Taglay ng kaniyang katauhan ang pagiging maaalahanin sa kadugo. Ginampanan niya ang pagiging ina sa naulilang pamangkin.

a)

Tiya Isabel

b)

Tiya Victorina

c)

Tiya Consolacion

d)

Tiya Sisa

15.

Taglay ng karakter na ito ang magaspang na pag-uugali ng isang lingkod ng simbahan. May lihim siyang pagtingin kay Maria Clara.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Padre Damaso

c)

Padre Irene

d)

Padre Salvi

16.

Ninuno ni Crisostomo na naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Don Saturnino

c)

Don Rafael

d)

Don Tiburcio

17.

Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng paghugos na ginamit sa 'di-natuloy na pagpatay kay Crisostomo.

a)

Tarsilo

b)

Lucas

c)

Elias

d)

Crispin

18.

Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napiling ipakakasal kay Maria Clara.

a)

Linares

b)

Lucas

c)

Tarsilo

d)

Bruno

19.

Siya ang namamahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

a)

Don Rafael

b)

Lucas

c)

Señor Nol Juan

d)

Taong madilaw

20.

Ama ni Crisostomo Ibarra na pinaratangan, kinulong, namaltrato at inilibing at ipinalipat ang bangkay sa Libingan ng mga Intsik ngunit hinulog na lamang sa lawa dahil sa malakas na pag-ulan.

a)

Don Rafael

b)

Don Saturnino

c)

Elias

d)

Taong Madilaw