NEW
Font size
WorksheetsOnline Quiz #1
Total questions: 4
Worksheet time: 2mins
Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan dito.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kanyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.