Font size
WorksheetsFilipino
Total questions: 10
Worksheet time: 30mins
Tahimik at nag-iisip ng malalim si Aling Rosa. Noon niya napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Inalagaan ng Mabuti ni Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinang. Nang maglaon, ang bunga na ito ay tinawag na “pinya.”
Si Jose P. Rizal ang Pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Nagkakasayahan ang lahat nang biglang lumitaw ang isang napakalaking tandang. Lalo silang namangha nang sa isang iglap ay nagbago ito ng anyo at naging isang prinsipe.
Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo, siya ay ilang ulit nang pinarangalan sa ibang bansa dahil sa mga nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang Idolo ng Karaniwang tao dahil sa kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kapakanan ng mahihirap.
Noong unang araw, sinusugong paminsan minsan ni Bathala si Barangaw mula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang mga ninuno. Kung minsan ay si Barangaw ay nag-aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga pananim.
Mula pagkabata ay nakikitaan na si Pepa ng sigasig sa pag-aaral. Tinapos ni Josefa Llanes Escoda ang elementarya sa Dingras at hayskul sa Laoag. Sa Manila siya nagpatuloy ng kolehiyo. Nakilala ng mga mag-aaral ng Philippine Normal College ang mataas na antas ng liderato ni Josefa.
Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso.
Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.
Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok. May mahalaga silang pagpupulong.
Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.
