NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Moral na Pag-uugali
Total questions: 32
Worksheet time: 16mins
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng batang matulungin?
Igalang ang kapwa.
Magsabi ng totoo.
Alalayan ang matandang tumawid sa tawiran.
Magsimba tuwing Linggo.
Namasyal ka kasama si Nanay. Nakita mong may tumatawid na matanda. Ano ang gagawin mo?
Huwag mo na lamang pansinin.
Sasabihin mo na lamang na mag iingat siya.
Ipahatid sa ibang bata.
Magpaalam sa Nanay at ihahatid ang matanda sa tawiran
Alin ang nagpapakita ng pagsunod sa utos ng Diyos?
Mahalin mo ang Diyos ng higit sa lahat.
Magnakaw ka.
Huwag mong igalang ang Nanay at Tatay mo.
Nararapat na ikaw ay magnasa sa kapwa mo.
Kailangan igalang ang kapwa upang______________________.
Walang magalit sayo
Manatili ang katahimikan
Masaya ang lahat
Igalang ka rin ng kapwa mo
Alin ang HINDI tama?
Igalang mo ang iyong ama at ina
Huwag kang magbintang
Huwag kang mang-agaw ng asawa
Nararapat na ikaw ay magnakaw
Maraming nilabhang damit ang Nanay. Ipinasampay ito kay Joey. Ano ang dapat niyang gawin?
Itago ang damit na ipinasasampay ni Nanay.
Magkunwari na hindi narinig ang utos ni Nanay.
Pagtiyagaang isampay ang mga damit para makatulong sa Nanay.
Iutos sa nakababatang kapatid
Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang gagawin mo?
Manood sa paglinis
Manatili sa kwarto
Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya
Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa kumunidad
Magpapakain para sa batang lansangan ang organisasyong pangkababaihan sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
Tumulong sa paghanda para sa mga batang lansangan.
Makikikain kasama ang mga bata.
Magboluntaryo sa susunod na pagpapakain.
Umuwi na lamang.
Tayo ay nagdarasal para________________________.
Manalo sa Lotto.
Magkaroon ng bagong gadget.
Dumami ang pera.
Makapagpasalamat sa Diyos.
Ano ang pinakamahalagang regalong kaloob ng Diyos?
Magkaroon ng bagong gadget.
Magkaroon ng masasarap na pagkain
Ang magkaroon ng buhay.
Tumira sa malaking bahay.
May mga __________ tayo upang makita ang kagandahan ng paligid at makita ang katotohanan.
mata
puso
tainga
kamay
May mga __________ tayo na ginagamit upang mahawakan ang mga bagay at mag-abot ng tulong sa iba.
paa
bibig
kamay
mata
May mga _________ upang makinig sa mga makabuluhang bagay at makinig sa hinaing ng iba.
puso
tainga
mata
bibig
Ang __________ ang siyang ginagamit upang kumain ng masusustansiyang pagkain, at hindi magsabi ng nakakasakit na salita.
bibig
paa
Ang __________ ang siyang ginagamit upang kumain ng masusustansiyang pagkain, at hindi magsabi ng nakakasakit na salita.
bibig
paa
tainga
mata
Ang _________ ang siyang ginagamit upang makahinga at magkalinga sa mga nalulumbay.
puso
tainga
mata
kamay
May mahalaga kang pupuntuhan ngunit kailangan magsimba dahil araw ng pagsamba. Ano ang dapat mong gawin?
Hindi na lang ako magsisimba dahil mas kailangan ang pagpunta ko roon.
Sa susunod na Linggo na lang ako magsisimba.
Gagawa ako ng paraan para makapagsimba.
Sasabihin sa kaibigan na isali ka sa pagdarasal.
Di sinasadyang nabasag mo ang flower vase ng iyong guro. Alam mo na gusto niya ito. Ano ang nararapat mong gawin?
Itatapon ang nabasag na flower vase.
Ipagtatapat sa guro ang pangyayari at hihingi ng patawad.
Gawan ng paraan na idikit ang nabasag na bahagi ng flower vase at ilihim sa guro.
Bumili ng bago at palitan ang nabasag na flower vase.
May kaklase kang walang gamit para sa inyong proyekto. Wala naman siyang pambili nito. Ano ang maitutulong mo sa kanya?
Sasabihin na manghiram sa kanyang kaibigan.
Balewalain lamang siya dahil ayaw mong madisturbo.
Magpahiram ng gamit sa kaklaseng nangangailangan ngunit walang pambili.
Kunin ang gamit ng kaklase at gamitin ito.
Nakita at napansin mong kulang ang timbang ng biniling bigas ang isang ale sa palengke. Ano ang gagawin mo?
Ipaalam sa ale at sabihin na kulang ang timbang ng kanyang biniling bigas.
Huwag nang pansinin, hindi mo naman kilala ang ale.
Pagalitan ang tindera dahil nandaya siya.
Isumbong sa iyong Nanay.
Ang pananalangin at pakikipag-usap sa Diyos ay gawin kapag:
may kailangan
may problema
araw-araw, may kailangan man o wala
may nakarinig
Nakita ka ng pera sa loob ng simbahan, nagkataon naman na walang nakakita at wala kang pambaon sa paaralan. Dapat mo bang ibubulsa ito?
Opo, dahil ako’y gutom na
Opo, wala namang nakakita
Hindi po, dapat isasauli sa may-ari
Hindi po, dahil ibibigay ko sa kapatid ko
May usong sapatos ngayon. Lahat ng kaklase mo ay mayroon na. Nagsabi ka sa iyong ina na gusto mong magkaroon ng ganoong sapatos ngunit hindi ka pinagbigyan dahil kulang kayo sa badyet. Ano ang dapat mong gawin.
Magagalit sa ina dahil hindi ka mabilhan ng bagong sapatos.
Ipagpipilitan na bilhan ka ng bagong sapatos.
Igagalang ang sinabi ng ina at susunod na lang sa sinabi niya kapag kaya na ng badyet magpabili.
Mangungutang sa kaibigan.
Biniyayaan ka ng talento sa pagkanta. Paano mo maipakita ang pasasalamat sa Diyos sa talentong kaloob niya?
Mahiyang ipakita ang talento sa pagkanta sa harap ng mga tao.
Ipagdamot ang talento kung may pagkakataon.
Paano mo maipakita ang pasasalamat sa Diyos sa talentong kaloob niya?
Mahiyang ipakita ang talento sa pagkanta sa harap ng mga tao
Ipagdamot ang talento kung may palatuntunan
Masayang ibahagi sa lahat ang talentong kaloob ng Diyos
Kakanta kung may kapalit na malaking grado
Kailan dapat magpapasalamat sa biyayang bigay ng Panginoon tulad ng pagkain sa hapag kainan?
Bago kumain
Pagkatapos kumain
Habang kumakain
Kinagabihan
Sino ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos?
Magpapasalamat lamang kapag may natanggap na biyaya galing sa Kanya.
Nagbabahagi ng mga pagkain, gamit at iba pa sa mga taong nabiktima ng kalamidad.
Nag-iimbita ng mga mayayamang kaibigan upang magkaroon ng salu-salo.
Pagbibenta ng mga pinaglumaang gamit.
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagkalinga sa kapwa?
Inaalagaan ang maysakit dahil sa bayad.
Pinapakain ang mga mahihirap at walang pagkain na walang kapalit na bagay
Boluntaryong dinala sa ospital ang maysakit na kapitbahay.
Pagbibigay ng tulong sa mga kapos-palad.
Kasarapan ng panonood mo ng telebisyon nang may tumawag sa iyong matandang babae na humihingi ng tubig na maiinom. Hindi mo siya kilala. Ano ang gagawin mo?
Hindi mo siya bibigyan.
Itanong mo muna kay Nanay kung maari mo siyang bigyan ng tubig.
Bibigyan mo siya ng maiinom na tubig dahil uhaw na uhaw siya.
Isara ang pinto upang hindi makapasok ang matandang babae.
Naglalakad kayo ng iyong kaibigan nang bigla siyang himatayin. Ano ang maari mong maitulong?
Iiwan mo ang iyong kaibigan dahil ayaw mong managot.
Iiwan mo siya sa isang tabi at tatawagin mo ang kanyang magulang.
Hihingi ka ng saklolo sa mga dumaraan upang dalhin siya sa ospital.
Sisigaw ka at iiyak na lamang.
Sino ang kusang loob na tumutulong?
Kumuha ng pinaglumaang damit si Mia at ibinigay sa mga nasunugan ng bukas ang loob.
Para masabing mapagkawanggawa siya, ipinamigay ni Tess ang kanyang mga lumang damit sa kalaro.
Kukuha ng mga de lata na hindi magpaalam sa Nanay upang ipamigay sa biktima ng bagyo
Kunin ang ipon ng kapatid at ipamigay sa nasunugan.
Ikaw lamang ang pinagkatiwalaan ng gurong mag-tsek ng papel. Nakita mong puro mali ang mga sagot ng matalik mong kaibigan at nais mong samantalahin ang pagkakataon upang makatulong. Alin ang nararapat gawin?
Dagdagan mo ang sagot ng iyong kaibigan upang ipakita ang pagmamalasakit sa
Wala kang baguhin dahil nais mong maging tapat sa ipinagkatiwalang gawain.
Magpatulong ka sa kaibigan mo na mag-tsek ng papel.
Palitan ang mga maling sagot upang gawing tama.
