wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Activity Sa Noli Me tangere (Activity 1)

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano-ano ang layunin ni Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?

a)

Upang sagutin ang paninirang loob na matagal ng panahong ikunutapol sa mga Pilipino.

b)

Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.

c)

Upang maipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.

d)

Lahat ng nabanggit.

2.

Ang mga sumusunod ay mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere maliban sa isa.

a)

Pagmamalupit ng mga guardia civil sa mga Pilipino

b)

Malayang nakapagpapahayag ang mga Pilipino

c)

Hindi pagkamit ng katarungan laban sa mga Espanyol

d)

Hindi patas na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino

3.

Ano ang pinaka layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?

a)

Upang pukawin ang natutulog na damdaming nasyonalismo ng mg Pilipino.

b)

Upang sagutin ang paninirang loob na matagal ng panahong ikunulapol sa mga Pilipino.

c)

Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.

d)

Upang maipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.

4.

Ang isa sa nakaimpluwensiya kay Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang Uncle Tom's Cabin. Paano maihahalintulad ang dalawang aklat na ito?

a)

nagpapakita ng pagtutulungan ng dalawang lahi

b)

nagpapakita ng pagmamalupit ng isang lahi sa iba

c)

nagpapakita ng pagpapahalaga sa katahimikan

d)

nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa

5.

Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobela ni Jose Rizal?

a)

Naglalaman ito ng mga bagay na hindi kayang gawin ng mga Pilipino.

b)

Naglalaman ito ng mga bagay na kayang gawin ng mga Pilipino.

c)

Naglalaman ito ng mga bagay na walang sinuman ang makapangahas bumaggit kanyang panahon

d)

Naglalaman ito ng mga bagay na maituturing na banal

6.

Ang sumusunod ay mga pangyayari matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere MALIBAN sa:

a)

Marami ang humanga sa kanyang kagalingan sa pagsusulat.

b)

Maraming mga prayle at Kastila ang nagagalit sa kanya.

c)

Ang mga sipi ng nobela ay nakarating sa Pilipinas at marami ang nakabasa nito.

d)

Kumita ng maraming pera si Rizal dahil sa kanyang isinulat.

7.

Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa dinanas na paghihirap ng ina ni Rizal sa kamay ng mga Espanyol?

a)

Pagkabilanggo ni Donya Teodora

b)

Paghatol sa kanya ng kamatayan

c)

Pagpaparatang sa kanyang ina na kasabwat sa panglalason

d)

Wala sa nabanggit

8.

Kabugtutan at pagmamalupit ay nagpapahiwatig ng _____.

a)

pagkabigo

b)

kasamaan

c)

pagkalingga

d)

kalungkutan

9.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kondisyong panlipunan bago naisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?

a)

Naging maganda ang pamumuhay nila sa panahong iyon.

b)

Umasenso ang kalakalang sa iba't ibang pook sa Pilipinas

c)

Nakaranas ng pang-aapi at kawalan ng katarungan ang marami

d)

Nagtulungan ang lahat sa pagpapaunlad ng mga bayan-bayan

10.

Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa.

Alin ang mga salita ang magkasingkahulugan ayon sa gamit nito?

a)

pagdaralita at pagpapahirap

b)

pagpapahirap at pang-aabuso

c)

Pilipino at dayuhan

d)

pagdaralita at pang-aabuso