wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Grading Drills

Total questions: 40

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.

Bakit ipinagbawal ang pagbasa ng mga aklat ni Jose Rizal?

a)

Tinutuligsa nito ang mga gawain ng mga Espanyol.

b)

Nakagising ito sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.

c)

Nakahimok ito sa mga Pilipinong maging sunod-sunuran sa mga Espanyol.

d)

Ang nilalaman ng mga aklat ay patungkol sa mga katangian ng mga Espanyol.

2.

Bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

Nagmalupit ang mga Espanyol.

b)

Magkaiba sila ng mga paniniwala.

c)

Naimpluwensiyahan sila ng ibang dayuhan sa bansa.

d)

Naniwala sila sa mga itinuro ng mga misyonero tungkol sa iisang Diyos.

3.

Paano pinangalagaan ng mga repormista ang kanilang mga sarili laban sa pag-uusig ng mga Espanyol?

a)

Naglipon sila ng mga armas.

b)

Tumakas sila sa ibang bansa.

c)

Gumamit sila ng mga sagisag sa panulat.

d)

Hiningi nila ang proteksiyon ng ilang mga may kapanyarihan.

4.

Bakit nabigo ang lahat ng mga naunang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

Walang pagkakaisa ang mga Muslim.

b)

Mahina ang mga pag-iisip ng mga Pilipino.

c)

Mabilis panghinaan ng loob ang mga Pilipino.

d)

Kaunti lamang ang mga Pilipinong nakibahagi sa mga ito.

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi mga mithiin ng Kilusang Propaganda?

a)

Ang pagkakaroon ng Pilipinong kinatawan sa batasan ng Spain.

b)

Ang sekularisasyon ng mga parokya at pagpapaalis ng mga prayle.

c)

Ang pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan at hindi kolonya ng Spain.

d)

Ang pagbibigay ng mas maraming karapatan sa mga Pilipino kaysa sa mga Espanyol.

6.

Alin sa sumusunod ang hindi totoo tungkol sa pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

May layunin silang ipinaglaban.

b)

Mahigpit ang kanilang pagkakaisa.

c)

Kulang sila sa malalakas na armas.

d)

Masidhi ang kanilang pagnanais na lumaya.

7.

Paano nagising ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?

a)

Pagkatatag ng Reporma

b)

Pagkalathala ng La Solidaridad

c)

Pagkalansag ng Kilusang Propaganda

d)

Pagkabitay kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora

8.

Si (a)   ang namuno ng pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas?

9.

Bakit napasailalim sa pananakop ng mga Espanyol ang mga Pilipino noon?

a)

Marami sa mga Pilipino ay Muslim.

b)

Walang sariling relihiyon ang Pilipino noon.

c)

Gumamit ng armas at dahas ang mga Espanyol.

d)

Dati nang mga Kristiyano ang mga Pilipino noon.

10.

Paano nabuo ang panggitnang lipunang Pilipino or middle class?

a)

Naghirap ang maraming mga Espanyol pagkatapos ng digmaan kaya’t mas yumaman ang mga Pilipino.

b)

Nagsikap ang mga Pilipinong paunlarin ang kanilang kabuhayan sa ilalim ng mga Espanyol at sila’y nagtagumpay.

c)

Nagpasok ng malaking kapital sa bansa ang mga dayuhan mangangalakal kaya’t naging mas masagan ang pamumuhay ng mga Pilipino.

d)

Nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa ang maraming Pilipino kaya’t sila’y nagtagumpay sa kani-kanilang larangan at yumaman.

11.

Paano nakaiwas ang mga pangkat-etniko sa pananakop ng mga Espanyol?

a)

Sila ay naging Kristiyano.

b)

Mayroon silang makabagong armas.

c)

Mayroon silang mahusay na pamahalaan,

d)

Kabisado nila ang pasikot-sikot ng kabundukan.

12.

Paano nakatulong sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino ang pagbibigay ng mga Espanyol ng pangalang Filipinas sa ating bansa?

a)

Natuto ang mga Pilipinong ipagmalaki ang bansa.

b)

Napagsama-sama ang mga pulo ng Pilipinas sa ilalim ng iisang pamahalaan.

c)

Nakilala ang Pilipinas sa ibang bansa kaya’t lumakas ang loob ng mga Pilipino.

d)

Namulat ang mga Pilipino sa tunay na pakay ng mga Espanyol kaya’t naisip nilang mag-alsa.

13.

Bakit dapat nating pahalagahan ang mga nagrebelde laban sa mga Espanyol?

a)

Napalaya nila ang ating bansa.

b)

Napaunlad nila ang mga lalawigan sa bansa.

c)

Nakatulong sila para magising ang diwang makabayan ng mga Pilipino.

d)

Nakatulong sila upang kilalanin ng mga dayuhan bilang isang bansa ang Pilipinas.

14.

Siya ang asawa ni Diego Silang na nagpatuloy ng kanyang paghihimagsik.

(a)  

15.

Paano natapos ang hamon ng mga Muslim sa mga Espanyol?

a)

Natalo ang mga Muslim sa labanan.

b)

Sumuko sa mga Espanyol ang mga Muslim.

c)

Nakipagsundo ang mga Espanyol sa kanilang pinuno.

d)

Nilisan ng mga Muslim ang kanilang kaharian sa Mindanao.

16.

Bakit nakilala ang pag-aalsa ni Dagohoy?

a)

Pinakamatagal ito.

b)

Siya ay nagtagumpay.

c)

Pinatay siya ng kapuwa-Pilipino.

d)

Napatay lahat ng mga kasama niya.

17.

Sa kabuoan, ano ang naging epekto ng pananakop ng Spain sa ating mga ninuno?

a)

Sila ay natuto at umunlad.

b)

Sila ay naabuso at naghirap.

c)

Sila ay nagkaisa at naging matiwasay.

d)

Sila ay naging relihiyoso at mapagkawang-gawa.

18.

Paano sumibol ang diwang nasyonalismo noon?

a)

Pagiging likas na masipag.

b)

Pagkampanya ng mga repormista.

c)

Pag-aaral ng mga katutubo sa unibersidad.

d)

Pagdating ng mga siyentipiko at mga gurong Espanyol.

19.

Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?

a)

Malawak ang lugar na ito.

b)

Hindi interesado ang mga Espanyol dito.

c)

Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.

d)

Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol.

20.

Bakit itinatag ang La Liga Filipina?

a)

Upang humingi ng reporma para sa simbahan.

b)

Upang mabigyan ng boses ang ordinaryong mamamayan.

c)

Upang isuplong ang katiwaliang nagaganap sa pamahalaan.

d)

Upang pagkaisahin ang mga Pilipino sa pagsulong ng katarungan at kaunlaran.

21.

Ano ang tawag sa kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Mexico?

(a)  

22.

Alin ang hindi katangian ng pangkat na ilustrado?

a)

Naglakbay sa ibang bansa.

b)

Nakapag-aral sa ibang bansa.

c)

Namulat sa kaisipang liberal.

d)

Matapat sa mga patakaran ng Espanyol.

23.

Bakit ipinatupad ang kalakalang Galleon?

a)

Para magkaroon ng kagamitang mula sa iba.

b)

Para magkaroon ng perang panustos ang pamahalaang kolonyal ng Spain.

c)

Para maipagbili at mapakinabangan ang mga lumang kagamitan at produkto.

d)

Para makabili ng mga lupain upang lalong lumawak ang kanilang nasasakupan.

24.

Alin ang ginawa ng mga Espanyol na nakatulong sa pag-usbong ng pagiging makabayan ng mga Pilipino?

a)

Pagpapalaganap ng iba’t ibang relihiyon.

b)

Pagbibigay ng karapatan sa pamimili ng sariling relihiyon.

c)

Ang pantay-pantay na pagtingin mula sa simula ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

d)

Pagbibigay ng isang pangalan sa mga lupain na dati ay nahahati sa mga barangay at sultanato.

25.

Paano naapektuhan ang kabuhayan ng ating mga ninuno ng kalakalang Galleon?

a)

Nagdulot ito ng kawalan ng hanapbuhay at pagkaubos ng ari-arian.

b)

Napabayaan ang mga pananim at naabuso ang mga likas ng yaman.

c)

Nagkagulo ang mga mamamayan dahil sa hindi patas na presyo ng mga kalakal.

d)

Nagsikip ang mga lugar dahil sa mga kagamitan at produktong inimbak para sa kalakalan.

26.

Bakit binitay sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora?

a)

Pinamunuan nila ang pag-aalsa sa Cavite.

b)

Hinikayat nila ang mga paring Pilipinong mag-alsa laban sa pamahalaan.

c)

Nahuli silang nagpupulong at nagpaplanong pabagsakin ang pamahalaan.

d)

Napagbintangan silang nakipagsabwatan laban sa pamahalaang Espanyol.

27.

Ito ang nagbigay ng suportang pinansiyal sa kalakalang Galleon.

(a)  

28.

Alin sa mga sumusunod ang hindi mithiin ng mga repormista?

a)

Pagpapanatili sa mga prayle.

b)

Pagbabalik ng kalayaan ng mga mamamayan.

c)

Pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Spain.

d)

Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol.

29.

Paano nakabuti sa ating mga ninuno ang kalakalang Galleon?

a)

Napalitan ng mas magagandang kagamitan at produkto.

b)

Napakinabangan nila ang kanilang kagamitan at produkto.

c)

Nagkaroon sila ng mga kagamitan mula sa iba’t ibang lugar.

d)

Naipagpalit nila ang kanilang kagamitan sa salapi upang makabili ng iba nilang pangangailangan.

30.

Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng Suez Canal?

a)

Napadali ang pagpapalaganap ng relihiyon.

b)

Naging madali ang pagpasok ng ibang dayuhang mananakop.

c)

Naging maikli ang paglalakbay mula sa Maynila patungong Spain.

d)

Napadali ang komunikasyon ng mga Espanyol kung paano pa maiimpluwensiyahan ang mga katutubo natin.

31.

Paano pinaunlad ng mga Espanyol ang kabuhayan sa kanilang kolonya sa Pilipinas noon?

a)

Binigyan nila ng hanapbuhay ang maraming katutubo.

b)

Binigyan ng sariling lupa ang mga Pilipinong magsasaka.

c)

Nagpapasok ng maraming mangangalakal na dayuhan sa bansa.

d)

Hinikayat ang mga katutubong magtanim ng iba’t ibang produkto.

32.

Ano ang ideolohiyang nakuha ng ating mga katutubo mula sa Rebolusyong Pranses?

a)

Liberty, equality, fraternity

b)

Peace, joy, and love

c)

Thanksgiving and happiness

d)

Subersibong kaisipan o filibusterismo

33.

Bakit minabuti ng mga pinunong Espanyol na paunlarin ang kabuhayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kalakalang Galleon?

a)

Upang hindi na ito umasa sa Mexico at Spain.

b)

Upang patuloy itong umasa sa Spain at Mexico.

c)

Upang makapagsarili at hindi na umasa sa tulong.

d)

Upang makapagsarili at humingi na lamang ng mga donasyon.

34.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tama tungkol sa pakikidigma ng mga Muslim?

a)

Nabigyan ng kalayaang manampalataya sa Islam ang mga Muslim.

b)

Hindi pumayag ang mga Espanyol na ibigay ang mga karapatan ng Muslim.

c)

Nakipagsundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang mahinto ang labanan.

d)

Hinayaan ang karapatan sa pagmamana ng mga anak at apo ng Sultan sa trono ng Jolo.

35.

Ano ang naging bunga ng pagkatatag ng Kapisanang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng Bayan?

a)

Napaunlad ang agrikultura.

b)

Napaunlad ang edukasyon.

c)

Nabigyan ng kalayaan ang mga katutubo.

d)

Nakipagkalakalan ang Pilipinas sa iba pang mga bansa.

36.

Sila ang mga pangkat sa Mindanao na humadlang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

(a)  

37.

Ano ang tawag sa sistemang pangkabuhayan na nagbibigay-diin sa akumulasyon ng ginto at pilak at pagtataguyod ng kompetisyon sa pagbili ng produkto?

(a)  

38.

Siya ang tinaguriang pinakamagiting na mandirigma ng Mindanao.

(a)  

39.

Ano ang itinatag ni Jose Basco na naglalayon na paunlarin ang kabuhayan sa ating bansa?

(a)  

40.

Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga Muslim?

a)

Masunurin ang mga ito.

b)

Mayayaman ang mga ito.

c)

Hindi nila masupil ang mga ito.

d)

Hindi nila inabot ang lugar nito.