wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4 - 4-5

Total questions: 58

Worksheet time: 55mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalagang maibigay ng pamahalaan ang mga paglilingkod para sa mga mamamayan?

4 lines
2.

Alin ang mga paglilingkod na ibinibigay ng ating pamahalaan?

a)

pangkalusugan

b)

panglibangan

c)

pang-edukasyon

d)

pangkapayapaan at pangkaayusan

e)

pangkabuhayan

3.

Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa mga paglilingkod na binibigay ng ating pamahalaan?

a)

panlipunan

b)

pang-edukasyon

c)

pangkalusugan

d)

panrelihiyon

4.

Anong ahensiya ang nangunguna sa pangangalaga, pagbibigay impormasyon, at pagbibigay pansin sa mga isyung pangkalusugan ng mga mamamayan ng Pilipinas?

a)
Department of Health (DOH)
b)
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
c)
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
d)
Department of Education (DepEd)
5.

Ang mga ito ay mga programa ng DOH at iba pang mga agencies kaugnay ng COVID-19.

a)

BIDA solusyon

b)

BIDA kalusugan

c)

BIDA Bakunation

6.

Dito binigyang-diin ang papel ng taumbayan sa laban kontra sa COVID-19 na siyang "COntraVIDA".

a)

BIDA Solusyon sa COVID-19

b)

BIDA Bakunation Program

7.

Dito nagbibigay ng impormasyon sa publiko kaugnay ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.

a)

BIDA Solusyon sa COVID-19

b)

BIDA Bakunation Program

8.

Ang ahensiya na gumagabay sa mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 12.

a)
Department of Education (DepEd)
b)
Commission on Higher Education (CHED)
c)
Department of Labor and Employment (DOLE)
d)
Department of Health (DOH)
9.

Ang komisyong ito ang nangangalaga at nagbibigay serbisyo para sa mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad.

a)
Department of Education (DepEd)
b)
Commission on Higher Education (CHED)
c)
Department of Labor and Employment (DOLE)
d)
Department of Health (DOH)
10.

Ano ang ibig sabihin ng CHED?

a)
Center for Higher Education Dynamics
b)
Council for Higher Education Development
c)
Committee on Higher Education
d)
Commission on Higher Education
11.

Ito ay mga programa na kasama sa paglilingkod pang edukasyon ng pamahalaan.

a)

Libreng pag-aaral sa state universities at colleges

b)

Educational Service Contracting Scholarship

c)

Libre o Walang Bayad na pag-aaral sa elementarya at high school

d)

Libre o walang bayad na field trip para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan

12.

Ang mga ahensiya na nangangalaga sa kapayapaan ng buong bansa.

a)
Philippine Coast Guard (PCG)
b)
National Bureau of Investigation (NBI)
c)
Department of Justice (DOJ)
d)
Philippine National Police (PNP)
e)

Department of National Defense (DND)

13.

Tungkulin nila ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga pamayanan. Sila ang humuhuki sa mga magnanakaw at sa mga nagdadala ng gulo sa mga pamayanan.

a)
Philippine Coast Guard (PCG)
b)
National Bureau of Investigation (NBI)
c)
Department of Justice (DOJ)
d)
Philippine National Police (PNP)
14.

Sila ang ating tagapagtanggol laban sa mga tao o grupong may masamang layunin sa bansa, at kapag may banta ng karahasan sa ating bansa mula sa ibang bansa.

a)
Philippine Coast Guard (PCG)
b)
National Bureau of Investigation (NBI)
c)
Department of Justice (DOJ)
d)

Department of National Defense (DND)

15.

Sila ay tinatawag ding Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.

Ito ang kagawaran na namamahala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines o AFP).

a)

Department of National Defense

b)

Department of Social Welfare and Development

c)

Department of Interior and Local Government

d)

Department of Foreign Affairs

16.

Ang AFP o Armed Forces of the Philippines ay binubuo ng...

a)

Hukbong Dagat (Philippine Navy)

b)

Hukbong Katihan (Philippine Army)

c)

Hukbong Kapulisan

d)

Hukbong Panghimpapawid (Philippine Air Force)

17.

Sa mga barangay, may mga tanod na nagroronda (o nag-iikot sa nasasakupan) lalo na sa gabi para matiyak ang kapayapaan sa paligid.

Tama ba ito?

a)

Opo

b)

Hindi po

18.

Alin-alin ang mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang lokal para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng nasasakupan.

a)

pagbabawal ng pag-iingay o pangugulo

b)

pag-iinuman sa labas ng sariling tahana

c)

pagtatapon ng basura kung saan-saan

d)

paglabas ng mga kalalakihan ng walang suot na t-shirt o pang-itaas

e)

pagvi-videoke hanggang hatinggabi

19.

Noong panahon ng pandemya, tungkulin din ng pamahalaang lokal ang mga sumusunod para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

a)

pagbabantay sa mga komunidad na naka-lockdown

b)

pagpapanatili ng kaayusan sa pagbabakuna

c)

pagbibigay ng ayuda

d)

paglinis ng paligid

20.

Ang paglilingkod na ito ay naglalayong mabigyan ng trabaho o negosyo ang mga mamamayan na pagmumulan ng kaninang gastusin o badget.

a)

Panlipunan

b)

Pangkabuhayan

c)

Pangkalusugan

d)

Pang edukasyon

21.

Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay-serbisyo sa mga manggagawa.

Tungkulin nilang mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa at maipatupad ang mga batas, programa, at mga pamantayan para sa maayos na paggawa. Sila din ang nag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng may-ari ng negosyo at mga manggagawa.

a)
Department of Trade and Industry (DTI)
b)
National Labor Relations Commission (NLRC)
c)
Department of Labor and Employment (DOLE)
d)
Bureau of Labor Relations (BLR)
22.

Sila ay tinatawag ding Kagawaran ng Paggawa at Empleyo.

a)

Department of Health

b)

Department of Interior and Local Government

c)

Department of Labor and Employment

d)

Department of Agriculture

23.

Ang kagawaran na nangangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka.

a)

Department of Health

b)

Department of Interior and Local Government

c)

Department of Labor and Employment

d)

Department of Agriculture

24.

Alin ang mga ahensiya na namamahala sa paglilingkod na pangkabuhayan?

a)

Department of Labor and Employment

b)

Department of National Defense

c)

Department of Trade and Industry (DTI)

d)

Department of Agriculture

e)

Philippine Overseas Employment Administration

25.

Ang ahensiya na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW (Overseas Filipino Workers).

a)

Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

b)

Department of Labor and Employment (DOLE)

c)

Department of Foreign Affairs (DFA)

d)

Department of Public Works and Highways(DPWH)

26.

Tinatawag ding Kagawaran ng Kalakalan at Industriya.

Ang ahensiya na nagsusulong sa pag-unlad at paglago na maliliit na negosyo o yung micro, small, and medium enterprise (MSME) sa ating bansa.

a)

Department of Agrarian Reform

b)

Department of Education

c)

Department of Labor and Employment

d)

Department of Trade and Industry

27.

Paglilingkod ng pamahalaan kung saan nagpapatayo ng mga tulay, flyover, kalsada, gusaling pambayan, gayundin ang pagbibigay ng tulong sa mahihirap at mga nangangailanngan.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang edukasyon

c)

Panlipunan

d)

Pangkabuhayan

28.

Mga ahensiya na nagbibigay ng paglilingkod panlipunan.

a)

Department of Public Works and Highways (DPWH)

b)

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

c)

Department of Environment and Natural Resources (DENR)

d)

Department of Health (DOH)

29.

Tinatawag ding Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan.

Sila ang ahensiya na nangangasiwa ng pagpapatayo ng mga impraestruktura tulad ng tulay, kalsada, flyover, at mga gusaling pambayan.

a)

Department of National Defense

b)

Department of Public Works and Highways

c)

Department of Agriculture

d)

Department of Finance

30.

Ito ay mga ahensiya na nagbibigay ng mga programa para sa pabahay.

a)

Social Security System (SSS)

b)

National Housing Authority (NHA)

c)

GSIS

d)

Pag-IBIG

e)

Department of Trade and Industry (DTI)

31.

Tinatawag ding Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan.

Ang ahensiyang ito ay may mga programa para sa mga batang lansangan, mga naulila, mga matatanda, may kapansanan at mahihirap.

a)

Department of Social Welfare and Development

b)

Department of Health

c)

Department of Interior and Local Government

d)

Department of Justice

32.

Programa ng DSDW kung saan nabibigyan ng buwanang ayuda ang pinakamahihirap na pamilya sa bansa sa loob ng pitong taon para makatulong na maiayos ang kanilang nalusugan, nutrition at edukasyon lalo na ng mga bata.

a)
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
b)
National Health Insurance Program
c)
Social Amelioration Program
d)
K to 12 Program
33.

Dalawang kagawaran na nagtulungan sa panahon ng pandemya upang mamahagi ng ayuda sa mga mamamayang apektado ng ipinatupad na lockdown.

(Choose 2)

a)

Department of Interior and Local Government (DILG)

b)

Department of Health (DOH)

c)

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

d)

Department of Education

34.

Bakit kailangang makilahok o makiisa ang mga mamamayan sa mga gawain ng pamahalaan?

4 lines
35.

Makabubuti sa buong bayan at lalawigan kung ang mga pinuno lamang ang kikilos para gawin ang kanilang mga tungkulin.

Tama ba ito?

a)

Opo

b)

Hindi po

36.

Karapatan ng bawat tao na makamit ang mga proyektom programa at paglilingkod ng ibinibigay ng pamahalaan para higit na mapabuti at maging maayos ang ating buhay.

Tama ba ito?

a)

Opo

b)

Hindi po

37.

Kahit gaano kaganda ang mga programang ipinatutpad ng pamahalaan, hindi ito magtatagumpay kung hindi susuportahan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pakikiisa at kooperasyon.

Tama ba ito?

a)

Opo

b)

Hindi po

38.

Magbigay ng 3 paraan kung paano makakatulong ang mga mamamayan sa pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng kinabibilangang komunidad.

4 lines
39.

Ang mga ito ay ilang paraan para makatulong sa komunidad maliban sa...

a)

pagpapatugtog ng malakas upang maging masaya ang barangay

b)

pagsunod sa mga ordinansa, tuntunin, o batas sa barangay

c)

pagtatapon nang maauyos sa mga basura

d)

pangangalaga sa katubigan

e)

pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa barangay

40.

Maaring gawin ang mga sumusunod upang makatulong sa ating komunidad.

a)

pagsuporta o pagdalo sa mga programa at gawaing inoorganisa sa barangay

b)

pagbili ng mamahaling mga gamit na galing sa ibang bansa

c)

pagtangkilik sa nga bagay na gawa mismo sa ating bayan at lalawigan o mga gawang sariling atin

d)

pagboboluntaryo para sa ikabubuti ng komunidad

e)

pagbabayad ng tamang buwis

41.

Magbigay ng dalawang halimbawa ng pagtatapon nang maayos sa mga basura.

4 lines
42.

Mga alituntunin sa pagtatapon ng basura.

a)

Paghihiwalay ng basura o pagsasagawa ng 3Rs

b)

Paglalagay ng basurahan sa harap ng lahat ng tindahan sa barangay

c)

Pagsasagawa ng clean-up drive gaya ng "Harap mo, Linis mo"

d)

Pagdadala ng supot kapag inilalakad ang mga alagang aso upang mailagay rito ang dumi ng aso at hindi basta iwan lang sa kalsda

e)

Pagtaboy ng basura sa kapitbahay para magmukhang malinis ang bakuran

43.

Bawal ba na magtapon ng mga upos ng sigarilyo, balat ng kendi, plastic straw at iba pang basura sa daan?

a)

Opo

b)

Hindi po

44.

Ipinagbabawal ba sa mga tindahan o pamilihan ang pag gamit ng plastik para paglagyan ng mga ipinagbibili nila? Mas maigi kung magdala ng reusable o eco bag para magamit ito nang paulit-ulit.

a)

Opo

b)

Hindi po

45.

Ang mga ito ay ilang paraan upang mapangalagaan ang ating katubigan.

a)

Iwasan ang labis na pangingisda o overfishing na maaring umubos sa mga isda sa isang lugar

b)

Manghuli ng maraming isda at ibenta sa palengke para mas malaki ang kita

c)

Huwag sirain ang mga korales at mga punong bakawan dahil ang mga ito ay tirahan at pangitlugan ng mga isda

d)

Huwag gumamit ng dinamita, cyanide, at lambat na may maliliit na butas.

e)

Huwag magtapon ng mga basura, kemikal, langis at iba pang duming pinagmumulan ng polusyon sa tubig.

46.

Magbigay ng 3 tuntunin na ipinatutupad para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa komunidad.

4 lines
47.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga dapat sundin para mapanatili ang katahimikan at kaayusan.

a)

Pagbabawal sa pagiingay kapag dis-oras na ng gabi o kapag oras na ng pagtulog ng karamihan.

b)

Pagpapatupad ng curfew para sa mga kabataan.

c)

Pagbabawal sa pag-inom ng alak sa labas ng bakuran o sa kalsada

d)

Pagbabawal sa hindi pagsuot ng pang-itaas o t-shirt ng mga kalalakihan kapag nasa labas ng bahay o kapag nasa kalsada.

e)

Pagsasayaw at pagkanta sa kalsada para maging masigla ang paligid hanggang gabi.

48.

Bakit sa tingin mo maganda ang pagpapatupad ng curfew sa mga bata?

4 lines
49.

Alin pa dito ang mga ipinagbabawal sa ating komunidad?

a)

Pagbabawal sa mga kabataang pumasok sa mga internet cafe kapag oras ng klase.

b)

Pagpunta sa mall pagkatapos ng klase

c)

Pagbabawal sa mga kabataan na bumili ng sigarilyo, alak at rugby sa mga tindahan.

d)

Pagbabawal sa mga alangang aso at pusa na pagala-gala sa mga kalsada.

50.

Dapat dumalo, makiisa, at aktibong makilahok ang mga mamamayn upang maipakita ang suporta sa mga gawaing inoorganisa ng barangay upang magtagumpay ang mga ito.

Tama ba ito?

a)

Opo

b)

Hindi po

51.

Ang mga ito ay karaniwang inoorganisa ng barangay na dapat nating daluhan.

a)

Pangangampanya ng mga kandidato sa eleksiyon

b)

Pista ng Patron at Family Day

c)

Blood Letting Activity at Fund raising activity gaya ng fun run, pagpapa bingo at pagpapa-raffle

d)

Pagpapa-seminar upang malinang ang husay ng mga taumbayan sa mga gawaing pwedeng pagkakitaan.

e)

Programa sa kalusugan gaya ng paliga ng basketbol, zumba at pag ehersisyo.

52.

Ang mga paglilingkod ay naibibigay ng ating pamahalaan dahil may pondo silang nagagamit para sa mga ito. Ang pondo ang nanggagaling sa ating buwis o taxes.

Tama ba ito?

a)

Opo

b)

Hindi po

53.

Ay bahagi ng kita ng mga mamamayang ibinabayad sa pamahalaan upang maging bahagi ng pondo nito.

(a)  

54.

Ang perang nakalaang gastusin ng pamahalaan para sa maayos na pamamalakad ng iba't ibang sangay at para makapagbigay ito ng paglilingod sa mga mamamayan.

(a)  

55.

Ang paglalaan ng halaga para sa bawat pagkakagastusan. Maaring malaki o maliit ang halaga nito depende sa pangangailangan.

(a)  

56.

Bakit kailangan nating magbayad ng tamang buwis?

4 lines
57.

Bakit kailangan nating tangkilikin ang mga gawang sariling atin?

4 lines
58.

Isa pang mabuting gawain upang makatulong sa komunidad ay ang pagboboluntaryo ng oras o panahon, gamit, salapi para makatulong sa oras ng pangangailangan.

Ito ba ang tama?

a)

Opo

b)

Hindi po