WorksheetsAP 5 - Reviewer 3rd GP
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Ano ang pangunahing katangian ng Kalakalang Galyon?
Mga lokal na pangingisda
Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Europa
Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico
Kalakalan sa loob lamang ng Pilipinas
Ano ang "boleta" sa Kalakalang Galyon?
Uri ng sasakyang Espanyol
Patunay ng pagiging miyembro sa kalakalan
Salaping Espanyol
Mapa ng ruta ng kalakalan
Alin sa mga ito ang positibong epekto ng Kalakalang Galyon?
Pagtaas ng produksyong agrikultura
Pagbaba ng dayuhang pamumuhunan
Limitadong pag-unlad ng teknolohiya
Pagkilala sa kahusayan ng mga Pilipino sa paggawa ng barko
Ano ang negatibong epekto ng Kalakalang Galyon sa Pilipinas?
Napabayaan ang pagsasaka na nagdulot ng kakulangan sa pagkain
Labis na pagdating ng mga dayuhang barko sa Maynila
Labis na produksyon ng mga lokal na produkto
Sobrang kalakalan sa ibang bansa
Kailan binuwag ng hari ng Espanya ang monopolyo ng Kalakalang Galyon?
1811
1813
1814
1815
Ano ang pangunahing naging ambag ni Jose Basco y Vargas sa Pilipinas?
Pagtatayo ng mga simbahan
Paglulunsad ng Pangkalahatang Pangkabuhayang Plano
Pagsasara ng lahat ng dayuhang kalakalan
Pagtatakda ng bagong buwis
Sino ang unang pangulo ng Pangkabuhayang Samahan?
Jose Basco y Vargas
Ciriaco Carvajal
Magallanes
Martinez
Gaano katagal tumagal ang Monopolyo ng Tabako?
50 taon
75 taon
100 taon
125 taon
Ano ang pangunahing layunin ng Real Compania de Filipinas?
Kontrolin ang lahat ng kalakalan sa Asya
Maitatag ang kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas
Pangasiwaan ang mga lokal na negosyo lamang
Pangasiwaan ang mga gawain ng simbahan
Ano ang nangyayari kapag dumadating o umaalis ang mga galyon sa Maynila?
Isinasara ang lungsod sa mga bisita
Pinagbabawal ang mga tao na lumabas ng bahay
May mga makulay na pagdiriwang na may pagkain at musika
Pansamantalang itinitigil ang kalakalan
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nasakop ng mga Espanyol ang mga Igorot?
Ang kanilang malakas na hukbo
Ang kanilang relihiyon
Ang matatarik na daan at kabundukan
Ang kanilang mga armas
Ano ang tawag sa pakikidigmang idineklara ni Sultan Panguian laban sa mga Espanyol?
Jihad
Rebelyon
Digmaan
Paglaban
Ano ang tawag sa mga taong tumatakas sa mga Espanyol at nanirahan sa mga bundok?
Mga rebelde
Mga katutubo
Tulisan o taong labas
Mga Muslim
Saan nanirahan ang mga taong ayaw magpasailalim sa mga Espanyol?
Sa mga lungsod
Sa mga mataas na lugar
Sa mga pulo
Sa mga bayan
Ano ang pangunahing dahilan ng pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan?
Sapilitang pagpapabago ng relihiyon
Mataas na buwis at pang-aabuso
Pangangamkam ng lupa
Sapilitang pagkuha ng sundalo
Ano ang naging resulta ng kampanya ng mga Espanyol laban sa mga Muslim?
Pagkatalo ng mga Muslim
Pagkakaisa at pagkakasundo ng mga Muslim
Pagsuko ng mga Muslim
Pagkawasak ng mga sultanato
Ano ang isa sa mga pangunahing dahilan ng hindi pagtanggap ng mga katutubo sa mga Espanyol?
Hindi sila marunong makipag-usap
Hindi sila marunong lumaban
Hindi paggalang sa diwa ng pakikipagsanduguan
Hindi sila marunong magtanim
Ano ang kahalagahan ng relihiyong Islam sa mga Muslim?
Nagbigay ng kayamanan
Nagbigay ng armas
Nagbigay ng diwa ng pagkakaisa
Nagbigay ng lupain
Ano ang sistemang encomienda?
Sapilitang paggawa ng mga Pilipino
Paghahati ng mga lupain sa bansa sa maliliit na yunit
Sapilitang pagbili ng produkto ng mga magsasaka
Sistema ng pag-upa sa lupang sakahan
Sino ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa laban sa mga Espanyol?
Sumuroy
Francisco Dagohoy
Diego Silang
Hermano Pule
Ano ang pangunahing dahilan ng Kilusang Agraryo ng 1745?
Sapilitang pagtatanim ng tabako
Mataas na buwis sa mga magsasaka
Pangangamkam ng mga prayle sa lupa ng mga katutubo
Sapilitang pagpapadala ng mga manggagawa sa Cavite
Ano ang layunin ng rebelyon nina Diego at Gabriela Silang?
Pagbabalik ng katutubong relihiyon
Pagtatatag ng bagong pamahalaan
Pag-alis ng indulto de comercio at pagbababa ng buwis
Pagtatag ng bagong kapisanang panrelihiyon
Sino ang namuno sa pag-aalsa sa Samar?
Sumuroy
Dagohoy
Diego Silang
Hermano Pule
Ano ang sistemang bandala?
Sistema ng pag-upa sa lupa
Sapilitang paggawa ng mga Pilipino
Sapilitang pagbili ng produkto ng mga magsasaka sa mababang halaga
Paghahati ng lupain sa maliliit na yunit
Ano ang tawag sa kapisanang itinatag ni Apolinario dela Cruz?
Kapatiran ng San Pedro
Cofradia de San Jose
Kapisanan ng mga Babaylan
Samahan ng mga Kristiyano
Sino ang nagpahayag ng pormal na pagsuko ng Espanya sa mga Ingles?
Sir William Draper
Arsobispo Rojo
Gobernador Heneral
Diego Silang
Ano ang naging epekto ng monopolyo sa tabako?
Tumaas ang kita ng mga magsasaka
Nabigyang-pansin ang iba pang pananim
Hindi na nabigyang-pansin ang ibang halaman
Lumaya ang pagbebenta ng tabako
Sino ang nagpatuloy ng pakikibaka matapos mamatay si Diego Silang?
Gabriela Silang
Hermano Pule
Sumuroy
Dagohoy
Paano namatay si Hermano Pule?
Binitay sa pamamagitan ng firing squad
Namatay sa labanan
Nalason
Namatay sa sakit
Ano ang sistemang kasama?
Sapilitang paggawa
Sapilitang pagbili ng produkto
Sistema ng pag-upa sa lupang sakahan
Paghahati ng lupain sa maliliit na yunit
Anong sistemang pang-ekonomiya ang lumaganap sa Europa na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa?
Kapitalismo
Merkantilismo
Industriyalismo
Malayang Kalakalan
Ano ang tawag sa karaniwang mamamayang Pilipino na pinakamababa ang pangkat?
Ilustrado
Intelligentsia
Indio
La Ilustracion
Aling pangkat ng mga edukadong Pilipino ang nagsimulang humiling ng mga pagbabago sa lipunan?
Intelligentsia
Ilustrado
Indio
Peninsulares
Aling pilosopiyang pampolitika ang nagpapahalaga sa pagkakaroon ng kalayaan at pagkakapantay-pantay ng bawat tao?
Merkantilismo
Kapitalismo
Liberalismo
Konserbatismo
Alin sa mga ito ang HINDI bunga ng Rebolusyong Industriyal?
Napabuti ang paraan ng pagsasaka
Naging mabilis ang transportasyon
Bumaba ang kalakalan at komersiyo
Umunlad ang komunikasyon
Sino ang HINDI kabilang sa pangkat ng Intelligentsia?
Dr. Jose Rizal
Marcelo H. del Pilar
Ferdinand Magellan
Antonio Luna
Anong konsepto ang tumutukoy sa kabatiran o kaliwanagan ng mga ilustrado?
Indio
Intelligentsia
La Ilustracion
Liberalismo
Bakit hindi nagustuhan ng mga konserbatibong prayle at mga pinunong Espanyol ang paglitaw ng La Ilustracion?
Nadagdagan ang pangongolekta ng buwis
Pinabuti nito ang sistema ng edukasyon
Naging banta ito sa kanilang kapangyarihan
Ipinagtatanggol nito ang relihiyon
Sinong pinuno ang tinaguriang "Joan of Arc ng Ilocos"?
Gabriela Silang
Maria Josefa
Sultan Kudarat
Francisco Dagohoy
Ano ang pangunahing dahilan ng pag-aalsa nina Lakandula at Soliman noong 1574?
Pagkakaiba sa relihiyon
Pag-alis ng mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi
Kakulangan sa pagkain
Alitan sa lupain ng mga katutubo
Saang rehiyon namuno ng pag-aalsa si Francisco Maniago noong 1660?
Mindanao
Ilocos
Pampanga
Visayas
Ano ang isa sa mga pangunahing dahilan ng paglaban ni Sultan Kudarat?
Pagsingil ng buwis
Pagmamay-ari ng lupa
Pagpapakilala ng Kristiyanismo
Sapilitang pagtatrabaho
Sino ang nagkanulo kay Diego Silang sa pamamagitan ng pagpatay sa kanya kapalit ng bayad ng mga Espanyol?
Francisco Maniago
Miguel Vicos
Juan dela Cruz Palaris
Andres Malong
Ano ang nagbigay inspirasyon kay Juan dela Cruz Palaris na maghimagsik laban sa mga Espanyol?
Pang-uusig sa relihiyon
Tagumpay ng mga Ingles sa Maynila
Kakulangan sa pagkain
Alitan sa lupain
Saan naganap ang pag-aalsa ni Sumuroy?
Bohol
Samar
Pampanga
Vigan
