wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4TH PRE REVIEW QUIZ IN EPP

Total questions: 40

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Nagwawalis ng sala ng kanilang tahanan si Angela upang ito ay maging maaliwalas at malinis. Alin sa mga sumusunod ang kaniyang gagamitin?

a)

mop

b)

walis tingting

c)

walis tambo

d)

vacuum cleaner

2.

Saan dapat umpisahan ang pagwawalis ng sahig?

a)

sa gitna

b)

sa sulok

c)

sa hulihan

d)

sa unahan

3.

Alin sa mga sumusunod na gawain sa paglilinis ng tahanan ang isinasagawa araw-araw?

a)

A. pagwawalis

b)

B. pagwawalis ng tahanan

c)

C. paglalampaso ng sahig

d)

D. A at B ay parehong tama

4.

Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paglilinis ang ginagamit sa tahanan at bakuran?

a)

walis tambo at pandakot

b)

walis tingting at pandakot

c)

walis tingting at floor polisher

d)

walis tambo at kalaykay

5.

Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paglilinis ng bakuran ang ginagamit sa paglilinis ng kanal?

a)

itak at pala

b)

kalaykay at itak

c)

pala at kalaykay

d)

mop at pala

6.

Ang mga sumusunod ay mga basurang maaari nating matipon sa paglilinis ng bakuran. Alin sa mga ito ang maaaring ipagbili o gamiting muli?

a)

A. tuyong dahon

b)

B. plastik

c)

C. bote

d)

D. B at C ay parehong tama

7.

Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paglilinis ng tahanan ang ginagamit sa pagpapakintab ng sahig?

a)

mop at bunot

b)

floor polisher at bunot

c)

bunot at pandakot

d)

basahan at mop

8.

Inutusan si Arnel ng kanyang nanay na alisan ng alikabok ang karpet ng kanilang sahig sa kanilang sala. Alin sa mga kasangkapan sa paglilinis ng tahanan ang kanyang gagamitin?

a)

floor polisher

b)

walis tingting

c)

vacuum cleaner

d)

mop

9.

Matataas at malalago na ang mga damo sa bakuran nina Mang Ramon at kailangan na itong linisin, alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang dapat niyang gamitin?

a)

gunting

b)

kalaykay

c)

pala

d)

pandakot

10.

Pinag-aalis ng alikabok ng kanyang nanay si Nena sa kanilang tahanan. Alin sa mga sumusunod ang kanyang uunahing alisan ng alikabok?

a)

sahig

b)

lamesa

c)

ibabaw ng telebisyon

d)

mataas na bahagi ng bintana

11.

1. Ang maruming tahanan ay tinatahanan ng mga mikrobyo at sakit.

a)

Tama

b)

Mali

12.

2. Ang paglilinis ng bahay sa araw araw ay nakakapag padali ng paglilinis.

a)

Tama

b)

Mali

13.

3. Para panatilihing walang mikrobyo ang mga spongha at telang pang linis ng mga pinggan sa lababo, hugasan ito ng mainit na tubig, na may sabon pagkatapos gamitin. Alisan ng sabon at patuyuin.

a)

Tama

b)

Mali

14.

4. Linisin na kaagad ang mga spongha o tela na ginamit na pang linis sa dumi ng tao o hayop.

a)

Tama

b)

Mali

15.

5. Ang sukang puti ay nagaalis ng mantsa sa mga lababo, tiles, banyo at sahig.

a)

Tama

b)

Mali

16.

6. Ang Baking soda ay pang alis ng mga mikrobyo laluna ang mga amag sa lapag.

a)

Tama

b)

Mali

17.

7. Ang Banyo at ang kusina ang dapat laging malinis o laging nililinis sa lahat ng lugar sa bahay.

a)

Tama

b)

Mali

18.

8. Ang mga hayup na alaga sa loob ng tahanan ay kailangang laging paliguan upang hindi magkaroon ng masangsang na amoy ang loob ng bahay.

a)

Tama

b)

Mali

19.

9.tulungan ang mga tao na maintindihan na ang pagkakaroon ng malinis na tahanan ay magbibigay ng magandang resulta sa kanilang buhay

a)

Tama

b)

Mali

20.

10. Ipalagay na naiintindihan ng mga tao ang importansya ng kalinisan at ang tahanang walang peste.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ito ay ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig at bakuran.

a)

Walis tingting

b)

Walis tambo

c)

Walis kubo

d)

Lahat ng sagot ay tama

22.

Ginagamit sa pagwawalis ng makinis na sahig. Ito ay kadalasan

nakikita at ginagamit sa loob ng bahay.

a)

Walis ting ting

b)

Walis tambo

c)

Bunot

d)

Pandakot

23.

Ito ay ginagamit pamunas ng sahig. Ito ay ginagamit lamang

sa loob ng bahay.

a)

Mop

b)

Walis tambo

c)

Walis ting ting

d)

kalaykay

24.

Ito ay ginagamit sa pag ipon ng mga kalat

gaya na lamang ng mga tuyong damo sa bakuran.

a)

Bunot

b)

Walis tambo

c)

Mop

d)

Kalaykay

25.

Ito ay ginagamit sa pagpapakintab ng sahig.

a)

Bunot

b)

Vacuum cleaner

c)

Kalaykay

d)

Basahang tuyo

26.

Bakit kailangan nating matutunan ang iba't ibang kagamitan sa

paglilinis ng bahay at bakuran?

a)

Upang tayo ay matutong maglinis ng maayos at mapanatiling malinis ang ating paligid.

b)

Upang tayo ay pag pa bida sa mga tao.

c)

Upang tayo ay lapitan ng mga tao dahil alam natin ang lahat.

d)

Upang hindi tayo mapagalitan ng ating nanay.

27.

Nakita mo na naglilinis ng bakuran ang iyong nanay, inutusan ka niyang kunin ang gamit

na pang ipon ng kalat sa inyong bakuran. Anong kagamitan ang ibibigay mo?

a)

Bunot

b)

Walis Tambo

c)

Walis Ting ting

d)

Kalaykay

28.

Inutusan kayo ng inyong Ina na punasan ang aparador dahil

ito ay puno na ng alikabok. Anong kagamitan ang gagamitin ninyo?

a)

Basahang Tuyo

b)

Bunot

c)

Vacuum Cleaner

d)

Walis ting ting

29.

Sa inyong paaralan inutusan kayo ng inyong guro na

pakintabin ang sahig pagkatapos ninyong mag lagay ng floorwax.

Anong kagamitan ang gagamitin ninyo?

a)

Bunot

b)

Basahan Tuyo

c)

Walis Tambo

d)

Kalaykay

30.

Bilang panganay, inutusan ka ng iyong nanay na linisin ang inyong

carpet upang maalis ang mga alikabok at iba pang upholstered.

Anong kagamitan ang wastong gamitin?

a)

Mop

b)

Basahan Tuyo

c)

Bunot

d)

Vacuum Cleaner

31.

Takpan ang ilong upang hindi malanghap ang alikabok habang naglilinis.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Paghalo-haloin ang mga basura at sunugin.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Takpan ang mga pagkain at tiyaking hindi malalagyan ng alikabok habang naglilinis ng bahay.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Itapon nang maayos ang mga basura at i-recycle ang mga bagay na maaaring magamit pa o maaaring ipagbili.

a)

TAMA

b)

MALI

35.

Iwanan kahit saan ang mga ginamit na kagamitan sa paglilinis ng bahay.

a)

TAMA

b)

MALI

36.

Ihanda ang mga kagamitan bago simulan ang paglilinis.

a)

TAMA

b)

MALI

37.

Ang mga gamot na nakalalason ay dapat itago sa lugar na hindi maabot ng bata.

a)

TAMA

b)

MALI

38.

Magsuot ng maginhawang damit upang makagalaw ng maayos habang naglilinis

a)

TAMA

b)

MALI

39.

Pagkatapos gamitin ang mga panlinis na kagamitan itago ito sa dapat na lalagyan.

a)

TAMA

b)

MALI

40.

Nararapat sundin ang mga wastong paraan ng paglilinis upang maiwasan ang sakuna.

a)

TAMA

b)

MALI