wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang ang hindi sakop ng sektor ng agrikultura?

a)

Pagsasaka

b)

Pangingisda

c)

Paghahayupan

d)

Pagmimina

2.

Isa sa mga ahensyang ito ang nakasentro sa programa sa reporma sa lupa.

a)

Department of Agrarian Reform

b)

Department of Finance

c)

Department of Trade and Industry

d)

Department of Environment and Natural Resources

3.

Nalungkot si Aling Marta ng malamang may imported na karneng baboy ang dumating sa palengke na kaniyang pinagtitindahan dahil sa mas mura ito kumpara sa tinda niyang lokal na karne ng baboy. Bakit naging dahilan ng suliranin ng agrikultura ang pagdagsa ng dayuhang kalakal?

a)

Hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang gawa ng ibang bansa.

b)

Nagdala ng katamaran ang mga produktong galing sa ibang bansa.

c)

Hindi ito suliranin na maituturing dahil mababait ang mga negosyanteng Pilipino.

d)

Nahihirapang makipaglaban sa murang presyo ng produkto mula sa ibang bansa.

4.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa suliraning kinakaharap ng mga magsasaka?

a)

Paggamit ng teknolohiya.

b)

Pagtaas ng suplay ng salapi

c)

Pagliit ng lupang pansakahan.

d)

Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.

5.

Si Mang Lito ay isang mangingisda at isa sa problema na kanilang kinakaharap ang mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda, ano ang epekto ng problemang ito sa mga mangingisda?

a)

Pagkasira ng mga coral reefs na tahanan ng mga isda.

b)

Pagkasira ng tahanan ng mga mangingisda dahil sa bagyo.

c)

Ang komersiyal na pangingisda ay walang epekto sa mga mangingisda.

d)

Pagdami ng bilang ng mga mangingisdang walang makain dahil sa pandemya.

6.

Si Mang Juan ay isang magsasaka na nahihirapan sa pagkuha ng sapat na kita mula sa kanyang mga pananim. Ano ang maaaring maging sanhi ng kanyang problema?

a)

Pagbaba ng demand para sa mga produktong agrikultural.

b)

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.

c)

Kakulangan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

d)

Walang epekto ang mga kondisyon ng panahon sa kanyang mga pananim.

7.

Si Aling Rosa ay nag-iisip na ang pagtaas ng populasyon ay nagdudulot ng labis na pressure sa mga lokal na magsasaka. Ano ang maaari niyang gawin upang makatulong sa sitwasyong ito?

a)

Magbenta ng mga imported na produkto sa kanyang tindahan.

b)

Walang magagawa dahil hindi siya isang magsasaka.

c)

Magreklamo sa gobyerno tungkol sa kakulangan ng suporta sa mga magsasaka.

d)

Mag-organisa ng mga seminar tungkol sa tamang pamamahala ng mga mapagkukunan.

8.

Ano ang pangunahing kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas?

a)

Nagbibigay ng pagkain at kabuhayan

b)

Pangunahing sektor ng transportasyon

c)

Pinakamalaking industriya ng teknolohiya

d)

Wala itong epekto sa ekonomiya

9.

Aling suliranin sa agrikultura ang may kaugnayan sa labis na pagpasok ng imported na produkto?

a)

Climate change

b)

Kakulangan ng makabagong teknolohiya

c)

Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal

d)

Kawalan ng suporta sa mga magsasaka

10.

Ang pagtaas ng presyo ng feeds ay isang malaking suliranin para sa mga nag-aalaga ng hayop.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ano ang pangunahing suliranin ng sektor ng pangingisda?

a)

Mataas na kita ng mangingisda

b)

Overfishing at Illegal fishing

c)

Pagdami ng mga isda sa dagat

d)

Kakulangan ng mangingisda sa bansa

12.

Ang kakulangan sa farm to market roads ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming produkto ang nasasayang bago makarating sa pamilihan.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Ang agrikultura ay may maliit lamang na kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Ang kawalan ng sapat na puhunan at suporta mula sa gobyerno ay isa sa mga pangunahing suliranin ng agrikultura sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Ang poultry farming ay hindi naapektuhan ng Bird Flu o Avian Influenza.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura?

a)

Pinagmumulan ng hilaw na materyal

b)

Nagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino

c)

Pangunahing pinagmumulan ng pagkain

d)

Nakagagawa ng produkto gamit ang makina

17.

Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor ng agrikultura?

a)

Nagpapakita ito ng kaayusang teknolohikal

b)

Dito nanggagaling ang serbisyong teknikal at konstruksiyon.

c)

Nagbibigay ng pagkakataon na malinang ang kaisipan ng mga tao.

d)

Dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa ating mga pangangailangan

18.

Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa pagnenegosyo?

a)

aquaculture

b)

thrawl fishing

c)

munisipal na pangingisda

d)

komersyal na pangingisda

19.

Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?

a)

Bureau of Customs

b)

Department of Agriculture

c)

Department of Labor and Employment

d)

Department of Environment and Natural Resources

20.

Sa anong sub-sektor napabilang ang pagniniyog, maisan at palayan?

a)

pagtotroso

b)

pangingisda

c)

paghahalaman

d)

paghahayupan