wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 5 Rebyu (Ikalawang Bahagi)

Total questions: 25

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing layunin ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas?

a)

Magtatag ng pakikipagkaibigan sa katutubo

b)

Maging sentro ng kalakalan sa Asya

c)

Palawakin ang kanilang kapangyarihan at kontrol sa iba’t ibang bahagi ng mundo

d)

Maghanap ng bagong lupain upang tirhan ng kanilang mamamayan

2.

Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?

a)

Pagpapalaganap ng relihiyon sa ibang bansa

b)

Pagkuha at kontrol ng isang makapangyarihang bansa sa lupain at yaman ng ibang bansa

c)
  • Pagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng mga bansa

d)

Pagtuturo ng wika at kultura sa mga katutubo

3.

Ano ang naging pangunahing epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas?

a)

Pagkakaroon ng mas malakas na hukbong sandatahan

b)

Pagkakaroon ng mas malakas na hukbong sandatahan

c)

Pagkakaroon ng matatag na demokrasya sa bansa

d)
  • Pagbabago sa sistema ng pamumuhay, relihiyon, at ekonomiya ng mga Pilipino

4.

Ano ang God sa layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas?

a)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga katutubo

b)

Paggalugad ng bagong ruta ng kalakalan

c)
  • Pagkuha ng ginto at yaman ng bansa

d)
  • Pagpapalawak ng teritoryo ng Espanya

5.

Bakit gold ang isa sa pangunahing motibo ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas?

a)

Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa Europa

b)

Upang mapalaganap ang pananampalatayang Kristiyanismo

c)

Upang makinabang sa yaman at likas na yaman ng Pilipinas

d)

Upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga tao

6.

Ano ang glory na tinutukoy sa tatlong G?

a)

Paghangad ng kapangyarihan at karangalan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo

b)

Pagbibigay ng kaalaman sa mga katutubo

c)

Pagpaparami ng yaman at produkto ng Espanya

d)

Pagtuturo ng kanilang kultura at tradisyon

7.

Ano ang pangunahing estratehiyang ginamit ng Espanya upang paghatiin ang mga Pilipino at pigilan ang pagkakaisa?

a)

Pagtuturo ng relihiyon

b)

Pagpapalaganap ng edukasyon

c)

Divide and Rule o pagkakawatak-watak ng mga tribo

d)

Pagsusulong ng kalayaan ng mga Pilipino

8.

Ano ang layunin ng reduccion sa panahon ng pananakop?

a)

Pagbibigay ng lupa sa mga Pilipino

b)

Pagsama-sama ng mga katutubo sa isang lugar upang mapadali ang kontrol sa kanila

c)

Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa agrikultura

d)

Pagsasanay sa mga Pilipino sa pamumuno

9.

Bakit mahalaga ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa estratehiya ng Espanya?

a)

Upang mapanatili ang katahimikan sa kolonya

b)

Upang makuha ang tiwala ng mga datu

c)

Upang gawing masunurin at mas madaling kontrolin ang mga Pilipino

d)

Upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon

10.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba ng relihiyon sa Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol?

a)

Paghahalo ng iba’t ibang relihiyon ng mga kalapit-bansa

b)

Kawalan ng komunikasyon sa ibang bahagi ng bansa

c)
  • Pagtuturo ng mga sinaunang paniniwala tulad ng animismo at anituismo

d)

Pagdating ng Islam bago ang Kristiyanismo

11.

Ano ang layunin ng encomienda system?

a)

Magkaroon ng pormal na edukasyon para sa mga katutubo

b)

Kontrolin ang lupa at pilitin ang mga katutubo na magbayad ng tributo

c)

Mapabuti ang kalagayan ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupain

d)

Itaguyod ang kalayaan ng mga Pilipino

12.

Ano ang pangunahing layunin ng sistemang kasama?

a)

Upang bigyan ng lupa ang mahihirap na Pilipino

b)

Upang pilitin ang mga magsasaka na magtanim sa lupang pagmamay-ari ng mga Espanyol

c)

Upang sanayin ang mga Pilipino sa agrikultura

d)

Upang mapabuti ang buhay ng mga magsasaka

13.

Ano ang epekto ng monopolyo ng tabako sa mga Pilipino?

a)

Nagbigay ng mas maraming kita sa mga Pilipino

b)

Nagdulot ng pagkakaisa sa lipunan

c)

Nagbigay ng libreng lupa sa mga mahihirap

d)

Nagresulta sa pang-aabuso at sapilitang paggawa

14.

Ano ang pangunahing layunin ng bandala sa panahon ng Espanyol?

a)

Pagpapataw ng buwis sa mga katutubo

b)

Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga katutubo

c)

Sapilitang pagbebenta ng produkto ng mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol

d)

Pagsusulong ng kalakalan sa pagitan ng mga isla

15.

Ano ang epekto ng polo y servicio sa kabuhayan ng mga Pilipino?

a)

Pagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho

b)

Sapilitang paggawa ng mga kalalakihan sa mga proyekto ng Espanyol

c)

Pag-unlad ng kabuhayan sa kanayunan

d)

Pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga Pilipino

16.

Ano ang pangunahing tungkulin ng Gobernador-Heneral sa panahon ng Espanyol?

a)

Maging tagapagtanggol ng Pilipinas mula sa mga mananakop

b)

Magpatupad ng mga batas at panatilihin ang kapangyarihan ng Espanya

c)

Magbigay ng edukasyon sa mga Pilipino

d)

Magsilbing pinuno ng simbahan sa Pilipinas

17.

Ano ang pangunahing layunin ng Audiencia sa panahon ng Espanyol?

a)

Magbigay ng hustisya at panatilihin ang kaayusan sa kolonya

b)
  • Magbigay ng relihiyosong edukasyon sa mga katutubo

c)

Mangasiwa sa kalakalan at ekonomiya ng bansa

d)
  • Magsagawa ng pag-aaral tungkol sa kultura ng Pilipino

18.

Ano ang Alcaldia noong panahon ng Espanyol?

a)

Sentro ng kalakalan sa mga lalawigan

b)

Paaralan para sa mga kabataang Pilipino

c)

Pook na kontrolado ng pamahalaang Espanyol

d)

Lugar kung saan ginaganap ang mga pagdiriwang

19.

Ano ang pangunahing layunin ng barangay sa panahon ng pananakop?

a)

Panatilihin ang lokal na pamamahala at katahimikan

b)

Panatilihin ang lokal na pamamahala at katahimikan

c)

Pangasiwaan ang kalakalan ng mga produkto

d)

Ituro ang Kristiyanismo sa bawat pamilya

20.

Ano ang pangunahing impluwensya ng Espanya sa wika ng mga Pilipino?

a)

Pagpapalaganap ng Ingles sa buong bansa

b)

Pagkakaroon ng maraming salitang Espanyol sa wikang Filipino

c)

Pagpapanatili ng mga katutubong wika

d)

Pagpapakilala ng Sanskrit sa mga katutubo

21.

Anong pagdiriwang ang dala ng impluwensya ng Espanyol na patuloy pa ring ipinagdiriwang sa Pilipinas?

a)

Araw ng Kalayaan

b)

Kadayawan Festival

c)
  • Panagbenga Festival

d)

Pasko at Semana Santa

22.

Ano ang isa sa pinakamalaking ambag ng Espanyol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas?

a)

Pagkakaroon ng libre at pampublikong edukasyon

b)

Pagpapakilala ng paaralang pampribado para sa mga mayayaman

c)

Pagtuturo ng agham at teknolohiya

d)

Pagtatatag ng unang unibersidad sa bansa

23.

Ano ang epekto ng impluwensiya ng Espanya sa pagkain ng mga Pilipino?

a)

Pagluluto ng mga pagkaing tulad ng adobo, lechon, at paella

b)

Pagtuturo ng paghahanda ng mga pagkaing Tsino

c)

Pagkakaroon ng maraming vegetarian na pagkain

d)

Pagsulong ng organic na pagsasaka

24.

Anong tradisyon sa panliligaw ang naimpluwensyahan ng Espanya?

a)

Harana at paninilbihan sa pamilya ng babae

b)

Pagsusulat ng liham ng pagmamahal sa Ingles

c)

Pagpapakasal sa pamamagitan ng kasunduang pampulitika

d)

Pagdiriwang ng kasal sa simbahan ng Protestantismo

25.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong unang bahagi ng kanilang pananakop?

a)

Pagpapatupad ng mapang-abusong sistema ng tributo at polo y servicio

b)

Pagtutol ng mga Pilipino sa pag-aaral ng Kristiyanismo

c)

Pagpapatupad ng mapang-abusong sistema ng tributo at polo y servicio

d)

Kawalan ng interes ng mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa