NEW
Font size
WorksheetsAP10_Q4_REVIEWER
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ano ang kahulugan ng citizenship o pagkamamamayan?
Ang pagiging sundalo sa isang bansa.
Ang pagiging bahagi ng isang pamilya.
Ang pagiging lider sa isang pamayanan.
Ang pagiging miyembro ng isang estado.
Ano ang pangunahing layunin ng polis sa kabihasnang Griyego?
Upang mapalakas ang ekonomiya ng Athens.
Upang mapanatili ang ugnayan ng mga pamilya.
Upang magkaroon ng isang Lipunan na may iisang mithiin.
Upang gawing makapangyarihan ang hukbong sandatahan.
Sino sa sumusunod ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
Ano ang tawag sa mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino?
Pilipinong lumipat sa ibang bansa.
Dayuhang naninirahan sa Pilipinas.
Katutubong inianak na mamamayan.
Pilipinong hindi kailangang sumailalim sa naturalisasyon.
Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan sa pagkawala ng pagkamamamayan ng isang indibidwal?
Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
Nakapangasawa ng taga ibang bansa
Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
Ano ang ibig sabihin ng Jus Sanguinis?
Ang pagkamamamayan ay isang karapatan ng lahat ng tao.
Ang pagkamamamayan ay batay sa lugar ng kapanganakan.
Ang pagkamamamayan ay batay sa nasyonalidad ng magulang.
Ang pagkamamamayan ay ibinibigay sa sinumang gusting lumipat ng bansa.
Anong bansa ang sumusunod sa prinsipyo ng Jus Soli?
United States of America
Pilipinas
Japan
China
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, ano ang iginigiit ng isang mamamayan?
Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang kapwa tao
Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang pagkatao
Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng bayan
Wala sa nabanggit
Maliban sa hindi lamang tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan, ano pa ang kanyang karapatan at tungkuling dapat gampanan?
Karapatan at tungkulin niya na maging Malaya
Iginigiit ang kanyang karapatan para sa kabutihan
Tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat ito ay nakatataas sa kanya
Inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito
Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa mga gawain ng isang aktibong mamamayan ayon kay Atty. Alexander Lacson?
Pagbabayad ng buwis
Pagsuporta sa simbahan
Pagsunod sa batas-trapiko
Pagsuway sa mga alituntunin ng pamahalaan.
Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
Universal Declaration of Human Rights
Magna Carta ng 1215
Alin sa sumusunod ang tinatamasa ng isang indibidwal mula pagkasilang hanggang sa kanyang kamatayan?
Pangangailangan
Pagkatao
Karapatan
Dignidad
Ayusin ang mga dokumentong nasa ibaba batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
I. Magna Carta II. First Geneva Convention
III. Cyrus’ Cylinder IV. Universal Declaration of Human Rights
I, III, II, IV
III, I, II, IV
III, II, I, IV
I, II, III, IV
Ang UDHR (Universal Declaration of Human Rights) ay isang mahalagang hakbang sa kasaysayan ng daigdig na kumikilala sa karapatang pantao. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?
Iniiwasan nito ang diskriminasyon.
Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
Pinangangalagahan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa mga karapatang pantao.
Ano ang tawag sa nakaukit sa isang baked clay na tinaguriang “World First Charter of Human Rights” noong 539 B.C.E?
The First Geneva Convention
Cyrus Cylinder
Parliament
Syrus Cylinder
Ano ang dahilan sa pagkakaroon ng karapatan ng isang tao?
Kakambal ito ng ating tungkulin.
Kailangan nating tuparin ang konstitusyon.
Proteksyon natin ito laban sa mga pag-aabuso.
Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.
Ito ay likas na karapatang pantao na kung saan ang isang indibidwal ay may karapatang mabuhay at magkaroon ng sariling ari-arian. Anong karapatan ang tinutukoy sa pahayag na ito?
Constitutional Rights
Natural Rights
Statutory Rights
B at C
Ang karapatang ito ay maaaring aalisin at baguhin sa proseso ng panibagong batas kung saan ito’y binuo para sa lahat ng mamamayan.
Constitutional Rights
Natural Rights
Statutory Rights
B at C
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng Statutory Rights?
Ang pagbibigay ng 20% pribilehiyo sa mga Senior Citizen at mga mag-aaral sa lahat ng pampasaherong sasakyan.
Ang karapatan ni Adelyn na kilalaning anak ng kanyang tunay na mga magulang.
Ang pagpili ni Ryan sa simbahang Iglesia Ni Kristo bilang kanyang relihiyon.
Ang pagsapi ni Allen sa grupong Sakdalista.
Ang karapatang pantao ay sadyang napakahalaga sa bawat indibidwal na nabubuhay rito sa ating lipunan. Paano tinitiyak ng pamahalaan na ang mga tao ay may pantay at makatarungang karapatan?
Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan.
Pinarurusahan nito ang sinumang lumalabag sa karapatan ng kapwa mamamayan.
Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas.
Tinatanggal nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado.
Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga mamamayan kung saan sila ay nabibigyan ng pagkakataon na pumili ng kanilang mga pinuno.
pagbabayad ng buwis
pagboto
pagkamamamayan
malayang pamamahayag
Isang uri ng pagboto ng mga mamamayan kung saan sila ay nagmumungkahi ng mga batas.
Plebesito
Referendum
Initiative
Eleksyon
Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring bumoto?
Residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon.
Mga taong wala sa tamang katinuan ng pag-iisip.
May edad na labing walong taong gulang sa araw n
Residente sa lugar ng pinili niyang bumoto sa loob ng anim na buwan sa petsang itinakda ng pagdaraos ng eleksyon.
Tumutukoy sa paraan ng pakikialam at pakikibahagi sa mga gawain na ang layunin ay mapabuti ang pamamalakad ng pamahalaan at ang kapakanan ng mga mamamayan na naninirahan dito.
Politikal na Pakikilahok
Sibikong Pakikilahok
Pakikilahok sa mga Partido Politikal
Pakikilahok sa Organisasyong Panlipunan
Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng Partido Politikal?
May mga sumusuporta itong miyembro.
Kumakatawan sila sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
Ninanais nila na makuha ang kontrol ng kapangyarihan sa pamahalaan.
Mayroon silang mga nagkakaisang mga ideyolohiya sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
Alin sa mga nabanggit ang halimbawa ng Partido Politikal?
Bayan Muna
Gabriela
Kabataan
Laban ng Demokratikong Pilipino
Bakit kinakailangang bumoto ang mga mamamayan tuwing eleksyon?
Dahil ito ay isa sa kanilang tungkulin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas.
Dahil ito ay nagpapatunay ng kanilang pagiging mamamayan ng bansang Pilipinas.
Kinakailangang bumoto upang mapili natin ang mga taong karapat dapat na mamuno sa ating bansa.
Kinakailangang bumoto upang makasigurado na tayo ay mabibigyan ng tulong tuwing may mga sakuna o kalamidad.
Isa ang media sa may pinakamahalagang gampanin sa pampublikong pamamahala. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng HINDI nila pagganap sa tungkulin?
Pagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi ng lipunan na ipahayag ang kanilang mga saloobin.
Piliin ang mga ibabalita sa taong bayan dahil may mga ilang isyu na kunpidensyal lamang.
Maghatid ng mga pangyayari o kaganapang pawang katotohanan lamang.
Sila ay nagsisilbing tagabantay sa mga gawain ng pamahalaan.
Ang mga non-governmental organizaition at people’s organization ay may Malaki bang naitutulong sa pamahalaan?
HINDI, dahil ang mga serbisyo na ipinagkakaloob ng mga ito ay hindi para sa lahat ng mga mamamayan.
HINDI, dahil hindi naman nito natutugunan ang mga suliranin na napapabayaan ng pamahalaan.
OO, dahil sa pamamagitan ng mga non-governmental organization at people’s organization ay nagkakaroon ng karagdagang kita ang pamahalaan.
OO, dahil kaakibat ang mga NGO at PO ng pamahalaan sa pagbuo at paggawa ng iba’ ibang programa na makapagpapaunlad sa ating bansa.
Bakit mahalaga para sa isang mamamayan na makilahok sa mga pansibikong gawain?
Dahil kapag tayo ay nakilahok sa mga pansibikong gawain natutulungan natin ang kapwa nating mamamayan na maiangat ang kanilang pamumuhay.
Dahil kung tayo ay tumulong sa ating kapwa, asahan natin na babalik din sa atin ito kapag tayo naman ang mangangailangan.
Dahil ang pakikilahok sa mga gawaing pansbiko ay ang basehan para ikaw ay masabing mabuting mamamayan.
Dahil maaring mabawasan ang mga suliraning kinakailangang bigyan ng solusyon ng ating pamahalaan.
Anong isyu ang madalas pagtuunan ng pansin ng Civil Society?
Aliwan, telibisyon at pelikula
Turismo, palakasan at
Pananamit, pagkain at social media
Korapsyon, kahirapan at pangangalaga sa kalikasan.
Ano ang dahilan kung bakit mahalaga na makilahok ang mga mamamayan sa mga gawaing politikal?
Maiiwasan ang mga kaguluhan at krimen sa ating bansa.
Makakamit natin ang hinahangad nating maayos at matapat na pamahalaan.
Nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kakatawan sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga ibang tao upang sila ay makapagbigay rin ng puna sa kinauukulan.
Ang sumusunod ay halimbawa ng gawaing pansibiko MALIBAN sa isa.
Pamimigay ng mga relief goods sa mga kapuspalad.
Pagpapakain sa mga batang lansangan.
Paglalaan ng oras sa bahay ampunan.
Pagtitinda upang kumita.
Ang sumusunod ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa gawaing politikal MALIBAN sa isa.
Pinag-iisipang mabuti ni Seri kung anong partidong politikal ang kanyang lalahukan batay sa kanyang mga layunin, ideolohiya, at prinsipyo.
Dumadalo si Robin sa mga pagpupulong sa kanilang barangay upang magmungkahi ng mga ordinansa o batas sa kanilang lugar.
Si Nathan na isang mamahayag ng isang broadcasting network at nagsisikap na maging balanse sa kanyang pagbabalita.
Nagboboluntaryo si Jam na magturo sa mga bata sa kanilang Day-Care Center
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagnanais na maabot ang kagalingang pansibiko?
Sumasali si Max sa mga programang nangangalaga sa kapaligiran kagaya ng mga Clean and Green Program.
Hinihikayat ni Ailene ang mga kabataan sa kanilang lugar na magrehistro upang sila ay makaboto sa susunod na eleksyon.
Iniuulat ng punong-barangay sa kanyang mga nasasakupan kung saan napupunta ang pondo ng kanilang barangay tuwing may pagpupulong na nagaganap.
Ginugugol ni Gabrielle ang kanyang libreng oras sa pagsasagawa ng libreng seminar na pangkabuhayan at pagsasanay upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga taong walang trabaho sa kanilang komunidad.
Lahat ng ito ay papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala MALIBAN sa isa.
Pagiging aktibong mamamayan sa hindi pakikilahok sa mga gawaing makabuluhan kagaya ng mga diskurso sa pamamahala upang bigyang katugunan ang mga hamong panlipunan.
Dapat ay magkasamang bumuo ang pamahalaan at ang mga mamamayan ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan
Politikal ng pakikilahok tulad ng pagboto
Paglahok sa civil society
Ito ay tawag sa kaugnayan sa pakikilahok ng isang mamamayan na bumuo ng isang samahan upang direktang makipag-ugnayan sa mga ito sa pamahalaan upang direktang ipaabot sa kanila ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Civil Society
Naturalisasyon
Participatory Governance
Civil rights
Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?
Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan
Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan?
Sapagkat maging aktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa.
Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
Sapagkat makikita ang pagsasabuhay ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas
Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa
Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin tungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
“Walang sinuman ang nabubuhay pra sa sarili lamang.
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya”
Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang kalagayan sa buhay.
Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kanyang kinabibilangan
Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
