WorksheetsFirst Aid (Pangunang Lunas)
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang __________ ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong, kalinga at
pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
A. pangunang lunas
B. pagpapanatili ng buhay
C. pagtaguyod sa paggaling
D. pananggalang sa sarili
2. Sino sa mga sumusunod ang maaring magsagawa ng first aid o pangunang lunas?
A. doktor na may aparato
B. nars na may mga dalang gamot
C. guro na may sapat na kasanayan
D. karaniwang tao na may wastong kaalaman
3. Alin sa mga sumusunod ang dapat unahing suriin bago magsagawa ng
pangunang lunas?
A. pagdaloy ng dugo sa katawan
B. daanan ng hangin
C. buga ng hangin
D. pagdurugo
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa dapat bigyan ng pangunang
lunas?
A. natutulog
B. nasugatan
C. nawalan ng malay
D. nabalian ng buto
5. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong may balinguyngoy o
nagdurugo ang ilong?
A. imasahe ang ilong ng pasyente
B. painumin ng maraming tubig
C. takpan ang ilong nga bendahe
D. painumin kaagad ng gamot
