Font size
WorksheetsIkaapat na Markahang Pagtataya sa Pagbasa at Pagsusuri
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
"Sa pangangalap ng datos ay nakasalalay sa praktikal na karanasan ng mananaliksik sapagkat batay ito sa tuwirang obserbasyon o karanasan ng mananaliksik". Anong katangian ng pananaliksik ang tumutukoy sa payahag na ito?
Empirikal
Lohikal
Mapanuri
Kritikal
Anong uri ng pananaliksik ang nakatuon sa mga datos ng kasaysayan at pinagmulan ng mga isyung may kaugnayan sa isang paksa?
Empirikal
Historikal
Mapanuri
Kritikal
Anong katangian ang kailangan sa pagsusuri ng mga nakalap na datos upang maging katanggap-tanggap at maging mataaas ang kompiyansa sa isinasagawang pananaliksik?
Empirikal
Kritikal
Mapanuri
Lohikal
Anong pag-aaral ang tumutukoy sa masistematiko at maprosesong paghahanap ng mga impormasiyong sasagot o lulutas sa isang suliranin?
Pagsusuri
Konseptong Papel
Pananaliksik
Suring-Basa
“Si Allen ay mapagmasid sa kaniyang paligid. Tuwi-tuwina ay inaalam niya ang mga bagay na nakapupukaw sa kaniyang atensiyon o interes.” Anong katangian ng isang mananaliksik ang tinutukoy sa sitwasyong ito?
Mapanuri
Matalino at masiyasat
Matapat
May mahusay na paghuhusga
“Palaging itinatala ni Nina ang mga detalye ukol sa pinagkukuhanan niya ng impormasyon sapagkat ilalagay niya ang mga iyon sa sanggunian ng kaniyang pananaliksik.” Anong katangian ng isang mananaliksik ang tinutukoy sa sitwasyong ito?
Mapanuri
Matalino at masiyasat
Matapat
May mahusay na paghuhusga
“Nakakita ng isang magandang batayan si Julia tungkol sa paksang Wika at Gramatika. Gayonpaman, naghanap pa rin siya ng ibang aklat na mapagbabatayan niya ng mga impormasyong kaniyang makukuha.’’ Anong katangian ng mabuting mananaliksik ang tinutukoy sa sitwasyong ito?
Mapanuri
Matalino at masiyasat
Matapat
May mahusay na paghuhusga
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa tuwirang pangongopya ng impormasyong hindi kinikilala ang may akda ng pinagkuhanan ng teksto?
Copyright
Paraphrasing
Plagiarism
Translation
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy sa plagiarism?
Paggamit ng direktang sipi at paglalagay ng panagalan ng awtor.
Pagnanakaw ng isang bahagi ng isang disenyo, banghay, o himig ng isang awit.
Pagsasalin ng mga pahayag ng iba na nasa ibang wika at hindi itinala na salin ang mga ito.
Panghihiram ng mga salita mula sa wikang banyaga.
Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik?
Maging maagap
Maging mapagpasensiya
Maging masinop
Maging matapat
Paano nakatutulong ang disiplina sa pananaliksik sa paglago ng isang tao?
Nakatutulong ito upang makabuo ng relasyon sa komunidad.
Nakatutulong ito upang malinang ang talento.
Nakatutulong ito upang mas lalo pang lumawak ang kaalaman ng isang tao.
Nakatutulong ito upang mas maging mahusay sa pakikipagtalastasan.
Anong disiplina ang may layuning mas lalo pang malinang ang kakayahan ng isang tao?
Agham Panlipunan
Agham Pisikal
Humanidades
Araling Pilipino
Anong disiplina ang nagsasabing ang buhay natin ay lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at kilos.
Agham Panlipunan
Agham Pisikal
Humanidades
Araling Pilipino
Ang disiplinang ito ay nakatuon sa mga praperti at interaksiyon ng panahon espasyo, enerhiya at mater?
Agham panlipunan
Agham pisikal
Humanidades
Araling Pilipino
Ano ang batayan sa pagpili ng disenyo ng isang pananaliksik?
Haba ng pananaliksik
Paksa ng pananaliksik
Layunin ng pananaliksik
Suliranin ng pananaliksik
Ano ang tawag sa mga buhay na baryabol na ginagamit bilang hanguan ng mga kinakailangang impormasyon sa isang pananaliksik?
Mananaliksik
Metodo
Respondente
Sanggunian
Sa bahaging ito ng metodolohiya, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin sa pagkuha ng kinakailangan mga datos at upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik.
Disenyo ng pananaliksik
Instrumentasyon at pangangalap ng mga datos
Pagmumulan ng mga datos
Pagsusuri ng mga datos
Tumutukoy ito sa kabuoang balangkas ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan.
Disenyo ng pananaliksik
Instrumentasyon at pangangalap ng mga datos
Pagmumulan ng mga datos
Pagsusuri ng mga datos
Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik.
Disenyo ng pananaliksik
Instrumentasyon at pangangalap ng mga datos
Pagmumulan ng mga datos
Pagsusuri ng mga datos
Anong bahagi ng pananaliksik ang sinasabing pinakamahirap gawin dahil dito ilalahad ang kinalabasan ng pananaliksik pagkatapos na masuri ang lahat ng mga kinalap na datos?
Ang Suliranin at Kaligiran
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Metodolohiya
Resulta at Diskusyon
Anong proseso ang pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal, sikwensiyal at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinagawang pag- aaral at presentasyon?
Interpretasyon
Metodo
Pagsusuri
Presentasyon
Anong bahagi ng papel pananaliksik ang paglalahad ng buod ng isinagawang pag-aaral?
Ang Suliranin at Kaligiran
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Metodolohiya
Resulta at Diskusyon
Saan nakabatay ang rekomendasyon ng mananaliksik?
Estadistika
Grap, tsart o talahanayan
Sa mga kasagutan at datos na nakalap ng mananaliksik
Sa sariling palagay o opinyon ng mananaliksik tungkol sa paksa.
Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa paglalahad ng kongklusyon?
Gawing maikli at tiyak ang mga kongklusyon. Hindi ito dapat nagpapahiwatig na may pagdududa ang mananaliksik sa reliability at validity ng kaniyang pananaliksik.
Hindi na kinakailangan ng paliwanag dahil ito ay buod lamang ng kabuoan ng isinagawang pananaliksik.
Magsisimula sa mga pahayag na naglalaman ng buod ng mga pananaliksik upang kahit hindi pa ito naipapaliwanag ay agad itong mauunawaan.
Sa bahaging ito rin ipinapakita ang estadistika o kabuluhan ng mga datos ng isang sarbey na ginamit sa pag-aaral.
Kung aalamin mo ang satisfaction at trust rating ng pangulo, anong paraan ng pangangalap ng datos ang iyong gagamitin?
Eksperimento
Online research
Pakikipanayam
Sarbey
Paglalarawan ito sa datos gamit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.
Grapikal
Naratibo
Tabular
Tekstuwal
Ano ang tawag sa paglalarawan ng datos gamit ang estadistikal na talahanayan?
Grapikal
Naratibo
Tabular
Tekstuwal
Ang bahaging ito ay nagpapakilala sa uri ng datos na ginamit sa pag-aaral. Ang paggamit sa estadistika ay dapat naaangkop sa makakalap na datos para sa pag-aaral.
Pagsusuring Eksperimental
Pagsusuring Empirikal
Pagsusuring Kontekstuwal
Pamamaraan ng Pangongolekta ng datos
Alin sa sumusunod na pahayag ang makatotohanan?
Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang iisang paksa ay tinatawag na metodolohiya.
Ang resulta o kalalabasan ng pananaliksik ay dapat na nakabatay sa mga datos na nakalap.
Masasabing may direksiyon ang isang pananaliksik na papel kung may mga layuning sinusunod bilang gabay sa daloy ng pagtalakay ng pananaliksik.
Tinatawag na badyet ang bahagi ng konseptong papel na nahahawig sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura ng isang ganap na pananaliksik gaya ng tesis.
Anong uri ng dokumentasyon sa pananaliksik ang pagkilala sa awtor sa loob ng papel o mismong pagtalakay?
Parenthetical o in-text citation
Sanggunian
Talababa (footnote)
Talahuli (endnote)
Kapag anim o higit pa ang awtor, inilalagay lamang ang apelyido ng unang awtor na sinusundan ng sa panandang diskurso at sa loob ng saknong kahit pa sa unang pagbanggit.
Ampersand
et al.
n.pag
qtd.
Sa anong bahagi ng pananaliksik matatagpuan ang mga tala ng mga aklat, manuskrito, artikulo at iba pang publikasyon tungkol sa isang paksa?
Apendiks
Bibliyograpiya
Kahulugan ng mga termino
Kaligiran ng Pag-aaral
Binanggit ng mga mananaliksik ang lahat ng sangguniang ginamit nila sa pag-aaral hanggang sa kaliit-liitang parirala na hiniram sa ibang may-akda. Alin sa mga katangian ng mananaliksik ang ipinakita?
Ang mananaliksik ay mapagkakatiwalaan sa mga kasunduan.
Ang mananaliksik ay may paggalang sa intelektuwal na pag-aari.
Ang mananaliksik ay may paggalang sa mga kasamahan.
Ang mananaliksik ay responsable sa lipunan.
Anong Microsoft Office Application ang puwedeng gamitin sa paggawa ng bibliyograpiya?
Excel
Powerpoint
Publisher
Word
Ano ang tawag sa maingat na pagsunod sa isang tiyak na estilo sa pagtatanghal ng papel at ang masinop na paglalahad ng lahat ng sangguniang ginamit sa pag-aaral?
Apendiks
Dokumentasyon
Glosari
Paglalagom
Anong proseso sa pagsasagawa ng sulating pananaliksik ang ginagawa bago isulat ang pinal na sipi?
Bumuo ng balangkas
Bumuo ng konseptong papel
Gumamit ng iba't ibang sistema ng dokumentasyon
Isulat ang burador o draft
Anong uri ng rebisyon ang gagawin sa pagsasaayos ng bantas sa buong papel?
Editing
Hindi Malawakang Rebisyon
Malawakang Rebisyon
Proofreading
Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa proofreading?
Pagpili ng mas tiyak at angkop na mga salita upang maging malinaw ang nais ipahayag
Pagrerebisa sa wika upang mas maging maikli at malaman ang paraan ng pagpapahayag
Pagsasaayos ng pagbabantas sa buong papel
Pagtiyak na tama ang pagbaybay sa mga salita
Alin sa sumusunod ang maling pahayag tungkol sa rebisyon?
Ang proofreading at editing ay mahalagang bahagi ng rebisyon.
Inirerekomendang gawin ang rebisyon sa kompyuter para mas mabilis ang proseso.
May kinalaman ang pagbasa nang malakas sa manuskrito sa proseso ng rebisyon.
Nahahasa ang kakayahan sa pagsulat ng isang mananaliksik dahil sa rebisyon.
Alin sa sumusunod na pahayag ang mali tungkol sa malawakang rebisyon?
May kakulangan lamang sa pagpapaliwanag sa ilang bahagi ng papel.
May kinalaman sa pagtatasa at posibleng pagbabago ng kabuoang papel.
Pagpapalit ng kabuoang estruktura ng papel-pananaliksik.
Pangangailangang baguhin ang buong papel dahil hindi nasagot ang layunin ng pananaliksik.
Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran.
Dokumentaryong Pagsusuri
Obserbasyon
Pakikipanayam
Pangkatang Panayam
Sarbey
Ito ay ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik.
Dokumentaryong Pagsusuri
Obserbasyon
Pakikipanayam
Pangkatang Panayam
Sarbey
Naglalayong kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa isang taong may personal na pagkaunawa sa paksa.
Dokumentaryong Pagsusuri
Obserbasyon
Pakikipanayam
Pangkatang Panayam
Sarbey
Isinasagawa ito upang higit na maging maayos at magaan ang interbyu, sapagkat karaniwang mas makapagpapahayag ng saloobin ang mga tao kung may mga kasama sila na mula sa kanilang pangkat at kagaya rin nila sa karanasan at iba pang aspekto.
Dokumentaryong Pagsusuri
Obserbasyon
Pakikipanayam
Pangkatang Panayam
Sarbey
Maaaring maging batis ng datos ang iba’t ibang uri ng media, pampublikong tala, biyograpiya, panitikan, katitikan ng pulong at iba pa.
Dokumentaryong Pagsusuri
Obserbasyon
Pakikipanayam
Pangkatang Panayam
Sarbey
Pagdalumat sa Kasaysayan ng Baggak Festival ng Bauang, La Union
Aksiyong Pananaliksik
Deskriptibo
Etnograpiko
Historikal
Pag-aaral ng Kaso
Tradisyon at Kultura ng mga Kankana-ey na Nakatira sa Silangang bahagi ng La Union
Aksiyong Pananaliksik
Deskriptibo
Etnograpiko
Historikal
Pag-aaral ng Kaso
Pag-aaral sa Kalagayan ng mga Kababaihang Mag-aaral na Maagang Nagbuntis ngayong Pandemya
Aksiyong Pananaliksik
Deskriptibo
Etnograpiko
Historikal
Pag-aaral ng Kaso
Paglinang sa Kakayahang Magtalumpati ng mga mag-aaral gamit ang Google Meet
Aksiyong Pananaliksik
Deskriptibo
Etnograpiko
Historikal
Pag-aaral ng Kaso
Antas ng Kakayahan ng mga mag-aaral sa Pagsagot ng Higher Order Thinking Skills na mga Tanong
Aksiyong Pananaliksik
Deskriptibo
Etnograpiko
Historikal
Pag-aaral ng Kaso
