wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALPAN10

Total questions: 20

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng wastong kahulugan tungkol sa konsepto ng pagkamamamayan o citizenship?

a)

   Ito ay ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa loob ng isang organisasyon.

b)

Ito ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro sa isang bansa ayon sa itinatakda ng batas.

c)

Ito ay ang mga dayuhang naninirahan sa ating bansa upang mag-aral, mamasyal, o makipagkalakal.

d)

Ito ay mga mamamayang nakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kilusan upang makabuo ng himagsikan.

2.

Alin sa mga sumusunod na karapatan ang maaaring matamasa ng isang tao na may  dalawang pagkamamamayan o dual citizenship?

a)

Maari siyang magtrabaho at permanenteng manirahan sa ibang bansa.

b)

Maari siyang hihingi ng suporta mula sa ibang bansa upang malabanan ang maling pamamahala.

c)

Maari siyang makamtan muli ang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.

d)

Maari siyang mag-aral at magtrabaho kahit saan ang bansa na gusto niyang manirahan

3.

Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng prinsipyong pagkamamamayan na Jus soli?

a)

Jus soli ang pangkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.

b)

Jus soli ang pangkamamamayan kung naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anoman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.

c)

Jus soli ang pagkamamamayan kung naaayon ito sa seksuwalidad ng mga magulang.

d)

Jus soli ang pagkamamamayan kung naaayon ito sa petsa ng kaniyang kapanganakan.

4.

Alin sa pagpipilian ang maituturing na isang mamamayang Pilipino? 

a)

sumailalim sa proseso ng naturalisasyon

b)

sumailalim sa proseso ng expatriation

c)

ang mga magulang ay parehong mga dayuhan

d)

nanirahan sa Pilipinas ng pitong siyam na taon

5.

  Alin sa mga sumusunod ang paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal?

a)

  Ang isang indibidwal ay nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.

b)

Pag-alis ng bansa at permanente nang manatili roon

c)

Naipatutupad ang bisa ng Jus sanguinis sa isang indibidwal.

d)

Pagtaratrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon

6.

   Paano mo higit na maipapamalas ang diwa ng isang responsableng mamamayan ?

a)

Higit na pinapahalagahan ang pansariling kapakanan bago ang kapakanan ng ibang tao o grupo.

b)

Suportahan ang mga bansang malalakas na may kakayahang maghasik ng terorismo.

c)

Maghanap ng disenteng trabaho upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

d)

Sasali sa mga kilos-protesta laban sa isang mapang-abusong pamamahala.

7.

Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?

a)

   Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa.

b)

Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas.

c)

Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

d)

Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa.

8.

Ayon sa World Bank, ano ang pinakamahalagang manipestasyon ng mabuting pamamahala o Good Governance?

a)

Pagtaas ng kita ng bansa o Gross Domestic Income.

b)

Malaking bawas sa pagkakautang ng bansa.

c)

Pagpapatayo ng mga makabagong imprastraktura.

d)

Paggalang ng karapatang pantao sa lahat ng aspekto.

9.

Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation

b)

Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalism

c)

Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga dayuhan

d)

Si Jade na ipinanganak sa ang inang Pilipino

10.

Ano ang mahalagang epekto ng pagsasagawa ng participatory governance sa isang lokal na pamahalaan?

a)

Mas nabibigyan ng pansin ang mga sektor na palaging dumadalo sa mga pampublikong pagdinig.

b)

Mas madali ang pagbibigay ng mga politiko ng malalaking proyekto kung mas marami ang dadalo.

c)

Mas madali ang paghingi ng pabor kung kilala ka o ang iyong pangkat ng mga taga-pamahala.

d)

Mas madali ang pagplano at pagtugon sa mga pangunahing suliranin ng mga mamamayan.

11.

Ano ang pangunahing gampanin ng NGO’s at PO’s sa isang lipunan o institusyon?

a)

Sila ang katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan.

b)

Sila ang gumagawa ng lipunang kilos laban sa mga gumagawa ng krimen o lumalabag ng batas.

c)

Sila ang mga nangunguna sa mga hindi makatuwirang kilos-protesta sa mga lansangan.

d)

Sila ang magpapabagsak sa pamahalaan na hindi tumutugon sa kagustuhan ng mga mamamayan.

12.

Batay sa Artikulo II Seksyon I ng Saligang Batas ng Pilipinas, anong ideyolohiya ang sistema ng pamamahala dito sa Pilipinas?

a)

Aristokrasiya       

b)

Komunismo  

c)

Demokrasiya

d)

Monarkiya

13.

   Ito ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos at mga boluntaryong organisasyon.

a)

Local Government Code

b)

Local Development Council

c)

Civil Society

d)

Peoples Organization

14.

Alin sa sumusunod ang tamang sagot sa pagpapahayag ng karapatang pantao?

a)

Ang karapatang pantao ay para sa mga sundalo lamang.

b)

ng karapatang pantao ay para sa manggagawa lamang.

c)

Ang karapatang pantao ay para sa lahat ng nilalang sa lipunan.

d)

Ang karapatang pantao ay para sa Presidente lamang.

15.

Ang sumusunod ay katangian ng isang mamamayang Pilipino hindi makaboto maliban sa isa. Ano ito?

a)

Sa pagboto siya ay 18 na taon gulang.

b)

Mga taong nasintensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon at anumang krimen laban sa seguridad ng bansa

c)

Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw

d)

Mga taong nasintensyahan na makulong ng hindi bababa sa isang taon

16.

Sinong hari ng Persia ang sumakop sa lungsod ng Babylon at nagdeklara ng pagkapantay-pantay ng lahi noong 539 B.C.E?

(a)  

17.

Ang karapatang ito ay maaring aalisin at baguhin sa proseso ng panibagong batas kung saan ito’y binuo itong para sa lahat ng mamamayan.

(a)  

18.

   Isang dalaga ang nakaranas ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis. Sa kabila ng pagiging batang ina, pinilit niyang binuhay ang kanyang anak. Anong karapatan ang ipinagkaloob niya sa kanyang anak ?

(a)  

19.

kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan tulad ng pagboto sa mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.

(a)  

20.

Mga karapatan na magbibigay proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang uri ng krimen

(a)