NEW
Font size
Worksheets4th Quarter APAN Reviewer
Total questions: 27
Worksheet time: 27mins
Ano ang sinisimbolo ng kulay bughaw sa watawat ng Pilipinas?
kalinisan
kapayapaan
katapangan
karunungan
Sinasagisag nito ang tatlong malalaking pangkat ng pulo ng ating bansa: Luzon, Visayas at Mindanao.
araw
kulay bughaw
kulay pula
tatlong bituin
Ano ang ibig sabihin kapag nakabaliktad ang pagkakasabit ng watawat na kung saan ang pula ang nasa gawing itaas?
nasa digmaan ang bansa
mali ang pagkakalagay nito
natalo sa palakasan ang bansa
may di-pagkakaunawaan ang mga namumuno sa bansa
Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga bagay na nagpapakilala sa mga Pilipino?
iingatan at ipagmamalaki ko ang mga ito
ibabahagi ko sa aking mga kamag-aral ang mga nalalaman ko
magpapagawa ako ng mga larawan at ikakalat ko sa buong paaralan
sasabihan ko ang aking mga kapwa mag-aaral na aralin ang mga pagkakakilanlan ng ibang bansa
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paggalang sa watawat ng Pilipinas?
tumahimik kapag nakita ito
iwasang ito ay mabasa at marumihan
huwag hayaang mahawakan ito ng iba
tumayo ng tuwid habang ito ay itinataas
Naglalakad kayo ng tatay mo papuntang palengke. Nadaanan ninyo ang Barangay Hall at kasalukuyang may Flag Raising Ceremony. Ano ang gagawin mo?
sasabihan ko ang tatay ko na huminto muna kami dahil inaawit ang Lupang Hinirang
sasabihan ko ang tatay ko na bilisan ang paglalakad habang walang nakakakita sa amin
sasabihan ko ang mga kapwa ko naglalakad na bilisan ang kanilang paglalakad habang inaawit ang Lupang Hnirang.
sasabihan ko ang namumuno sa barangay hall na ihinto muna ang pagpapatugtog ng Lupang Hinirang habang may dumadaang mga tao
Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng ating pambansang awit?
Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan.
Ito ay nagpapakilala sa ating bansa at ipinapakita ito sa mga mahahalagang lugar pampubliko
Ito ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan at ang kahandaang ipagtanggol ito saanumang pagkakataon
ipinapakahulugan nito na ang walong lalawigan ng Pilipinas ang naunang nagpasimula ng himagsikan laban sa Espanya.
Sa iyong palagay, bakit nararapat nating igalang ang ating watawat?
dahil ito ang sumisimbolo sa ating bansa
dahil ipinapakita nito ang pagsunod sa mga batas sa ating bansa
sapagkat ito ang nagpapakita ng pagmamahal natin sa ating mga magulang
sapagkat ito ang simbolo ng pagpapakasakit ng ating mga ninuno makamtan lang ang ating kalayaan
Isa kang dayuhang artista na hindi popular sa iyong bansa. Naisipan mong pumunta sa Pilipinas at dito ka sumikat. Nais mong manatili na dito at mapabilang sa mga mamamayan ng Pilipinas. Paano mo makakamit ang iyong ninanais?
magpabinyag na muli
mag-asawa ng isang Pilipino
magpaampon sa isang Pilipino
dumaan sa proseso na naturalisasyon
Paano mo makakamit ang iyong ninanais?
magpabinyag na muli
mag-asawa ng isang Pilipino
magpaampon sa isang Pilipino
dumaan sa proseso ng naturalisasyon
Nanirahan ka na at ang iyong pamilya sa Amerika. Nakatapos ka na ng pag-aaral doon at nakapagpasyang pumasok na US Navy. Mawawala na ba ang iyong pagkamamamayang Pilipino?
oo, dahil naninirahan ka na sa ibang bansa
hindi, dahil Pilipino ang iyong mga magulang
malamang, dahil lumaki ka na sa ibang bansa
oo, dahil naglingkod ka sa sandatahang lakas ng ibang bansa
Ano ang tawag sa pagiging miyembro o kasapi ng isang bansa?
dayuhan
expatriation
naturalisasyon
pagkamamamayan
Sino sa mga sumusunod ang maituturing na mamamayang Pilipino?
ipinanganak sa Amerika
may Pilipinong magulang
dayuhan ang mga magulang
Hapon ang ama at Amerikano ang ina
Aling sitwasyon ang nagpapakitang hindi maituturing na mamamayan ng Pilipinas ang taong pinag-uusapan sa pangungusap?
Si Ana ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas
Si Rea ay ipinanganak sa bansang Italya pero ang mga magulang ay mga Pilipino
Si Miguel ay ipinanganak sa China pero matagal ng nasa Pilipinas at gustong maging Pilipino.
Si Maria ay ipinanganak sa Malaysia, ang nanay niya ay isang Malaysian, at ang tatay ay isang Pilipino
Ito ay tumutukoy sa mga bagay o kalagayan na dapat ay mayroon tayo upang makapamuhay nang malaya, mapayapa, at masaya.
karapatan
layunin
pananagutan
tungkulin
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin mo sa bayan?
hindi pakikilahok sa mga programa ng barangay
pagtatapon ng basura sa daan habang nakasakay sa bus
paggawa ng compost pit upang tapunan ng mga nabubulok na basura
pagtapon ng mga nabubulok na basura sa ilog para makain ng mga isda
Namatay ang ama at ina ni Juan sa isang aksidente at 5 taong gulang pa lamang siya. Kinupkop siya ng kaniyang kapitbahay at itinuring na tunay na anak. Anong Karapatan ang ipinakita?
karapatang politikal
karapatan ng mga bata
karapatan ng nasasakdal
karapatang pangkabuhayan
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit dapat gampanan ng mga mamamayan ang kanilang mga tungkulin?
masunod ang sinasabi ng batas
maging tahimik ang buhay ng lahat
magkaroon ng mas maraming yaman
magkaroon ng kaayusan at kaunlaran
Ito ay tumutukoy sa pananagutan ng isang mamamayan sa kaniyang komunidad o bansa na naaayon sa isinasaad ng batas.
karapatan
layunin
pananagutan
tungkulin
Ano ang kagalingang pansibiko?
pagiging magaling sa pagpapamalas ng angking talino at kakayahan para sa kapakanan ng kapwa at komunidad
pamumuno sa mga gawaing nagpapakita ng pagtulong sa kapwa at pagpapabuti ng komunidad tungo sa kaunlaran
ang paghahandog ng anomang mayroon para sa kapwa na nagdudulot ng kabutihan
D. pagiging handa at pagnanais ng isang mamamayan na umako ng responsibilidad na makagawa ng bagay na ikabubuti ng kaniyang kapwa
Ano-ano ang mga katangian ng mamamayang namumuhay sa lipunang may kagalingang pansibiko?
maasikaso, matiyaga, may pananampalataya sa Diyos
masipag, may malasakit sa kapwa, at may pangarap sa buhay
mapamaraan, malikhain, at may pagsisikap na makamit ang nais
matiwasay, may malasakit sa kapwa, at may ambag sa kaunlaran
Alin sa mga sumusunod ang pinaka kapaki-pakinabang na ibubunga ng pagsali ng mga mamamayan sa mga samahang pansibiko?
madali sa pamahalaan ang pagsasagawa ng mga programa
maraming masasalihang organisasyon ang mga mamamayan
nakabubuo ng magandang relasyon sa isa’t isa ang mga kasapi
dumadami ang kikilos para sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagtanggap ng responsibilidad?
araw-araw na dinidiligan ni Arman ang kanilang mga halaman
binabantayan ni Jerome ang bakanteng lote para hindi tapunan ng basura
umiiwas si Cian sa mga bisyo dahil ayaw niyang mapagalitan ng mga magulang
hindi na lumalabas ng bahay si Lea pagsapit ng ikasampu ng gabi dahil sa curfew
Paano mo maipapakita ang pagtupad sa tungkuling makapag-ambag sa kaunlaran ng bansa?
magnegosyo sa ibang bansa
magtrabaho sa sariling bansa
bumili ng mga produktong Pilipino
makilahok sa mga programang pangkabuhayan
Nagiging maganda ang relasyon mo sa ibang tao kung nalalaman at nauunawaan mo ang kanilang sitwasyon. Anong katangian ng mamamayang may kagalingang pansibiko ang tinataglay mo?
may tiwala sa sarili
tinatanggap at inuunawa ang kapwa
kinikilala ang sariling kakayahan at talento
may pagkukusang tumulong sa mga nangangailangan
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng mga mamamayang may kagalingang pansibiko maliban sa isa. Alin ito?
may tiwala sa sarili
may sariling desisyon
tinatanggap at inuunawa ang kapwa
may pagkukusang tumulong sa mga nangangailangan
Si Ramon ay binigyan ng tungkulin ng kanilang barangay na magbantay sa gabi para mapanatili ang kapayapaan ng kanilang barangay. Ano ang dapat niyang gawin?
tanggapin ang responsibilidad na ibinigay
sumunod sa mga batas at alituntunin ng komunidad
paunlarin ang sariling pagkatao, kakayahan at talino
lumahok sa mga gawaing makatutulong sa pag-unlad
