wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 51

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ang tunay na layunin ng Lipunan ay ________?

a)

kapayapaan

b)

katiwasayan

c)

kasaganaan

d)

kabutihang Panlahat

2.

Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:

a)

kapayapaan

b)

paggalang sa indibidwal na tao

c)

katiwasayan

d)

tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

3.

Ang kahulugan ng kabutihang panlahat ay_________?

a)

kabutihan ng lahat ng mga maimpluwensyang pamilya lamang sa bansa

b)

kabutihan lamang ng mga mayayaman

c)

kabutihan ng iilang kasapi lamang ng grupo

d)

kabutihan para sa lahat ng tao at hindi ng nakakarami lamang.

4.

Ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan.

a)

Batas

b)

Kultura

c)

Relihiyon

d)

Organisasyon

5.

Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat, pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan.

a)

Pamilya

b)

Komunidad

c)

Pamayanan

d)

Lipunang Politikal

6.

Ito ang nagpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.

a)

Pamilya

b)

Pamahalaan

c)

Lipunan

d)

Tradisyon

7.

Ang angkop na pagkakaloob na naaayon sa pangangailangan ng tao ay tinatawag na prinsipyo ng____?

a)

Pagbabahagi

b)

Pagkakapantay-pantay

c)

Proportio

d)

Pagkakaloob

8.

Ang salitang Filipino para sa "trabaho" ay tinatawag na:

a)

Hanapbuhay

b)

Paggawa

c)

Pinagkakakitaan

d)

Pangkabuhayan

9.

Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.

a)

Lipunang Politikal

b)

Prinsipyo ng Pagkakaisa

c)

Prinsipyo ng Pagbibigay

d)

Lipunang Pang-ekonomiya

10.

Ang kahulugan ng mass media ay:

a)

impormasyong hawak ng marami

b)

impormasyong nagpapasalin-salin sa marami

c)

paghahatid ng maraming tsismis sa ibang tao.

d)

isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon

11.

Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil ay:

a)

magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan

b)

pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan

c)

maghatid ng balita at impormasyon

d)

pagsasabi ng buong katotohanan

12.

Ano ang tinatawag na lipunang sibil?

a)

Ang pagiging sibilisado ng lipunan

b)

Ang paggamit ng iba't ibang uri ng social media

c)

Ang pagkilos ng pamahalaan

d)

Ang kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa't isa

13.

Ang mabuti ay:

a)

ang pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan

b)

ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon

c)

ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang mabuti

d)

ang paggawa ng walang pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin

14.

Ang tama ay:

a)

ang pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapa-unlad ng sarili at ng mga ugnayan

b)

ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon

c)

ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang mabuti

d)

ang paggawa ng walang pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin

15.

Ang katarungan ay nangangahulugan ng______.

a)

pagbibigay sa kapwa ng nararapat na karapatan niya.  

b)

ito ay panloob na kalayaan

c)

pagbibigay sa kapwa na may hinihintay na kapalit

d)

ang mabuting ugnayan sa kapwa.

16.

Ito ay ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman.

a)

Ang maging tamad

b)

Ang sumapi sa isang grupo

c)

Ang magsaya sa pera ng iba

d)

Ang karapatang pantao

17.

Ang mga sumusunod ay kahulugan ng salitang tungkulin maliban sa :

a)

ito ay pakikinabangan ng tao lamang.

b)

ito ay ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain.

c)

ito ay ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.

d)

ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay nakailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.

18.

Saan nagsisimula ang karapatang pantao ayon kay Eleanor Roosevelt?

a)

Sa mundo ng indibidwal na tao

b)

Sa maliit na pamayanan

c)

Sa tahanan

d)

Lahat ng nabanggit

19.

Ang mga sumusunod ay kahulugan ng paggawa maliban sa:

a)

ito ay ang ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

b)

ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao.

c)

ang paggawa ay isang gawain ng tao na ngangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.

d)

ang paggawa ay anumang gawain - pangkaisipan man o manwal.

20.

Ang ibig sabihin ng katagang " Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa" ay nangangahulugang:

a)

ang tao ay isang kasangkapan sa paggawa.

b)

ang tao ay hindi dapat tumigil sa paggawa.

c)

hindi maaaring ituring ang tao bilang isang kasangkapan na kailangan para mapagyaman ang paggawa.

d)

hindi kailangan kumilos ng tao para sa paggawa dahil mayroong makabagong teknolohiya.

21.

Ang produkto ng paggawa ay:

a)

ang indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong gumawa nito.

b)

bunga ng pagsisikap ng tao na manggaya sa iba.

c)

mahalaga upang maipakita ang kagalingan ng taong gumawa at ipagyabang

d)

mapapakinabangan ng mga tatangkilik nito sa mataas na presyo.

22.

Ito ay isang tungkulin na kailangan isakatuparan ng lahat ng mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.

a)

karapatan

b)

pakikilahok

c)

talento

d)

bolunterismo

23.

Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan at pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.

a)

karapatan

b)

pakikilahok

c)

talento

d)

bolunterismo

24.

Ano ang 3Ts na dapat makita sa pakikilahok at bolunterismo?

a)

Time, Talent, Things

b)

Time, Treasure, Thinking

c)

Time, Talent, Treasure

d)

Time, Talent, Thinking

25.

Ang mga sumusunod ay ang papel na ginagampanan ng iyong mga magulang sa paghubog ng iyong pagiging makatarungan maliban sa:

a)

Iminumulat ka nilang mahalin mo ang iyong sarili nang higit sa lahat.

b)

Iminumulat ka nila sa katotohanang may karapatan at tungkulin ka bilang tao, sa iyong pamilya at sa lipunan.

c)

Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at maisabuhay mo ang iyong pang-araw-araw na ugnayan sa kapwa.

d)

Sa tulong ng iyong mga magulang, nagsisimula ka na magkaroon ng mapanagutang ugnayan sa iyong kapwa.

26.

Saan nagsisimula ang katarungan?

a)

pamahalaan

b)

lipunan

c)

simbahan

d)

pamilya

27.

Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa _________ ng tao at ginagabayan ng___________.

a)

pagkatao, pagmamahal

b)

karapatan, katamaran

c)

dignidad, diwa ng pagmamahal

d)

kahulugan, katahimikan

28.

Ang kagalingan sa paggawa ay maisasabuhay kung tataglayin mo ang sumusunod na katangian maliban sa:

a)

pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga

b)

pagtataglay ng positibong kakayahan

c)

nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos

d)

pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos

29.

Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.

a)

Kasipagan

b)

Malikhain

c)

Tiyaga

d)

Masigasig

30.

Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.

a)

Kasipagan

b)

Malikhain

c)

Tiyaga

d)

Masigasig

31.

Ito ay pumapatay sa isang gawain, hanap-buhay o trabaho at pumipigil upang siya ay magtagumpay.

a)

Katamaran

b)

Kawalan ng pinag-aralan

c)

Sakit

d)

Walang tiwala sa sarili

32.

Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ang tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao.

a)

Kasipagan

b)

Malikhain

c)

Tiyaga

d)

Masigasig

33.

Ang pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at determinasyon.

a)

Katamaran

b)

Pagpupunyagi

c)

Mithiin

d)

Pagpapahalaga

34.

Ang kahulugan ng acronym na SMART ay:

a)

Simple, Magnificent, Artistic, Resourceful, Technique

b)

Specific, Manageable, Accurate, Time bound

c)

Specific, Measurable, Attainable, Realistic/Relevant, Timebound

d)

Simple, Measurable, Attainable, Resourceful, Technique

35.

Ito ay ang pagbibigay ng prayoridad kung ano ang kailangan gawin at tapusin sa takdang oras.

a)

importante

b)

pagpapahalaga

c)

layunin

d)

prayoritisasyon

36.

Ang pagkakaroon nito ay isang mabisa at epektibong paraan upang mapangasiwaan mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo at sa iyong paggawa.

a)

tapang

b)

iskedyul

c)

pangongopya

d)

gala

37.

Ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinion.

a)

Realistic

b)

Artistic

c)

Investigative

d)

Enterprising

38.

Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong magtrabaho nang mag-isa kaysa gumawa na kasama ang iba, sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pang-agham.

a)

Realistic

b)

Artistic

c)

Investigative

d)

Enterprising

39.

Ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan.

a)

Realistic

b)

Artistic

c)

Investigative

d)

Enterprising

40.

Ang mga taong may mataas na interes dito ay madalas na masigla, nangunguna at may pagkukusa at kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensiya.

a)

Realistic

b)

Artistic

c)

Investigative

d)

Enterprising

41.

Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People, ang katagang "Begin with the end in mind" ay nangangahulugang:

a)

Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong magyari sa iyong buhay.

b)

Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawing pagpapasiya sa araw-araw.

c)

Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay.

d)

Mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong mga gagawin na mga pagpapasiya.

42.

Ito ay galing sa salitang latin na "vocatio" na ang ibig sabihin ay "calling" o tawag.

a)

Misyon

b)

Propesyon

c)

Bokasyon

d)

Inspirasyon

43.

Ito ang hangarin ng tao na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.

a)

Misyon

b)

Propesyon

c)

Bokasyon

d)

Inspirasyon

44.

atin na "vocatio" na ang ibig sabihin ay "calling" o tawag.

a)

Misyon

b)

Propesyon

c)

Bokasyon

d)

Inspirasyon

45.

Bakit kinakailangan ang mga batas?

a)

upang matakot ang mga tao at magtino sila

b)

upang parusahan ang mga nagkakamali

c)

upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos

d)

lahat ng nabanggit

46.

Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa naumang gawain. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?

a)

Si Mia ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay, siya ay gumagawa ng mga pagkukusa.

b)

Si Clara ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na pinagagawa ng kaniyang guro

c)

Masipag mag-aral si Ana, sa tuwing siya ay nag-aaral ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras ng buong husay

d)

Lagi na lamang walang gana o tinatamad si Ian kaya walang natatapos na gawain.

47.

Si Susan ay mahilig gumamit ng mga social networking site gaya ng facebook kahit na may mga takdang-aralin siya na dapat gawin. Ang kaniyang gawain ay:

a)

Tama, dahil natural lamang iyon sa isang kabataang katulad niya

b)

Tama, dahil mas nararapat na unahin natin ang ating kasiyahan kaysa sa ibang bagay

c)

Mali, dahil ito ay pag-aaksaya lamang ng oras

d)

Mali, dahil hindi niya pinagsasabay ang pwede namang gawin

48.

Si Melai ay mahilig gumawa ng iskedyul ng gawain, tinitiyak niya na walang masasayang na oras o sandali. Para sa kaniya ang oras ay napakahalaga. Naniniwala siya na ang oras kapag lumipas ay hindi na maibabalik, kaya itinuturing niyang isang yaman ang bawat sandali. Ito ay nagpapakita ng:

a)

pagpapahalaga sa oras

b)

pagpapahalaga sa kapwa

c)

pagpapahalaga sa gawain

d)

pagpapahalaga sa Diyos

49.

Si Mica ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil na rin sa kanyang pagsisikap. Ito ay nagpapakita ng __?

a)

pagiging-sakim para siya ay makapagtapos ng kanyang pag-aaral

b)

pagpupunyagi sa kabila ng kanilang kahirapan ay nagawa niyang makapagtapos ng pag-aaral

c)

pagtitipid upang makaipon paggastos sa walang saysay na bagay

d)

pag-iimpok upang makapagliwaliw sa labas ng bansa

50.

Si Arnel ay walang sinasayang na oras, pagkagaling niya sa trabaho ay ginagawa niya ang mga gawaing bahay na naaabutan niya, hindi uso' sa kanya ang pahinga, para sa kaniya " Time is Gold". Ito ay nangangahulugan ng mga sumusunod maliban sa:

a)

Ang oras ay ginto kaya dapat pinahahalagahan at huwag sayangin

b)

Ang oras ay kinakailangan na gamitin at mapamahalaan ng wasto.

c)

Ang oras ay mahalaga kaya hindi dapat aksayahin at balewalain

d)

Ang oras ay mapapalitan pa naman kaya dapat lang na ito ay gamitin sa walang saysay na bagay.

51.

Si Noemi ay nag-iipon ng pera kahit hindi gaanong malaki ang kaniyang sweldo, sinisiguro niya na may naitatabi siya para sa paghahanda sa kaniyang kinabukasan. Ito ay napapakita ng____?

a)

pag-iimpok

b)

kasipagan

c)

pagpupunyagi

d)

pagsasakripisyo