wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangdibisyong Panapos na Pagsusulit sa Filipino 8

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Bigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na may salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap/pahayag ayon sa kasingkahulugan nito. Habang sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, bigla siyang sinibat sa likod ng isang kawal ni Pagtuga.

a)

Nag-aagawan

b)

Naghihingalo

c)

Hinahabol ang hininga

d)

Hindi nahinga

2.

Bigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na may salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap/pahayag ayon sa kasingkahulugan nito. Kumukulo ang tiyan ni Gerald nang pumasok sa paaralan kaya hindi siya makaunawa sa oras ng talakayan.

a)

Naiinitan

b)

Nagugutom

c)

Nangangalay

d)

Nasusuka

3.

Bigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na may salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap ayon sa kasalungat na kahulugan nito. Marahang dumampi ang ulan sa magiliw na libis ng bulkan.

a)

Unti-unting nasaktan

b)

Mabilis na dumikit

c)

Unti-unting naubos

d)

Mabilis na bumubuhos

4.

Bigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na may salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap ayon sa kasalungat na kahulugan nito. Ang mga anak na babae ni Aling Ising ay di-makabasag pinggan kaya iginagalang ng mga kalalakihan.

a)

Magiliw

b)

Mahinahon

c)

Mahinhin

d)

Maharot

5.

Gamitin ang paghahambing sa patlang sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain o kasabihan. Ang buhay ay              gulong, minsan ay nasa ibabaw, minsan ay nasa ilalim.

a)

Di-masyado

b)

Parang

c)

Tila

d)

Hugis

6.

Gamitin ang paghahambing sa patlang sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain o kasabihan. Samantalang may oras pa, ay maglaan kang maaga. Kung gumabi’t dumilim na, ay         maghihirap ka

a)

Di-gaano

b)

Parang

c)

Lalong

d)

Di-masyado

7.

Gamitin ang paghahambing sa patlang sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain o kasabihan.               tayog ang karunungang-bayang taglay ng iba’t ibang etniko sa Pilipinas.

a)

Higit na

b)

Magkasing

c)

Magkakasing

d)

Gasing

8.

Gamitin ang paghahambing sa patlang sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain o kasabihan.                masaya kapag tapat ang pagsasama.

a)

Di-gasino

b)

Di-masyado

c)

Higit

d)

Mas

9.

Ibigay ang DENOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasalungat na kahulugan nito. Hitik sa bunga ang mga alagang puno ng mangga ni Tata Ben. Ang salitang hitik ay nangangahulugang?

a)

Bagay na nakalawit

b)

Bahagi ng puno

c)

Kaunti

d)

Madami

10.

Gamitin ang paghahambing sa patlang sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain o kasabihan.   Malambot na              ulap, kasama ko sa pangangarap. Sagot: Unan.

a)

Hamak

b)

Tila

c)

Hugis

d)

Parang

11.

Ibigay ang DENOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasingkahulugan ng malalim na salita. Inabot ng dilim sa daan ang pamilya Cruz dahil sa lakas ng ulan. Ang salitang dilim ay nangangahulugang?

a)

Walang ilaw

b)

Gabi

c)

Takip silim

d)

Kasamaan

12.

Bigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na may salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap/pahayag ayon sa kasingkahulugan nito. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas nang loob na ibinaon sa kanya ang tingin.

a)

Nanlisik ang mga mata

b)

Napaluha

c)

Nangusap ang mga mata

d)

Natulala

13.

Gamitin ang paghahambing sa patlang sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain o kasabihan.     Mabait lang pag may kailangan,               pag wala ng pakinabang.

a)

Di-hamak

b)

Higit na

c)

Di-gaano

d)

Di-gasino

14.

Gamitin ang paghahambing sa patlang sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain o kasabihan.                  ang aking pagsisi ng iniwan ko siya sa ere.

a)

Labis

b)

Di-hamak

c)

Parang

d)

Lalo

15.

Ibigay ang DENOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasingkahulugan ng malalim na salita. Isang dosenang pulang rosas ang inialay ni Jose sa yumaong lola niya. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a)

Pulang bulaklak

b)

Pulang papel

c)

Pulang laruan

d)

Pulang kulay

16.

Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal upang mabuo ang pangungusap. Dapat alagaan ng anak ang kaniyang magulang                 maipadama ang kaniyang pagmamahal.

a)

KAYA

b)

DAHIL

c)

UPANG

d)

SA

e)

KUNG

17.

Ibigay ang DENOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasingkahulugan ng malalim na salita. Matibay ang haligi ng ginamit sa pagpapatayo ng bagong paaralan.

a)

Kasangkapan

b)

Kagamitan

c)

Porma

d)

Pundasyon

18.

Ibigay ang DENOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasalungat na kahulugan nito. Nakakapaso sa balat ang sikat ng araw sa sobrang init.

a)

Nagbibigay ilaw

b)

Nakakasakit

c)

Nagbibigay liwanag at init

d)

Di-nakakasakit

19.

Ibigay ang KONOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasingkahulugan ng malalim na salita. Hindi akalain ni Jennalyn na magiging bituin s'ya balang araw. Ang salitang bituin ay nangangahulugang ___________.

a)

Sikat na artista

b)

Bagay na kumikislap

c)

Hugis na may kakaibang korte

d)

Bagay na maliwanag

20.

Ibigay ang KONOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasingkahulugan ng malalim na salita. Sa galing mambola ni Mark kaya napasagot niya ang dilag na kanyang iniirog. Ang salitang mambola ay ngangahulugang            .

a)

Mabait

b)

Makisig

c)

Gwapo

d)

Matamis magsalita

21.

Ibigay ang KONOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasingkahulugan ng malalim na salita. Sa paglalakad nina Jasmin at Julia ay nakasalubong sila ng itim na pusa kung kaya hindi na sila tumuloy sa kanilang pupuntahan. Ang itim na pusa ay nangangahulugang ______ .

a)

Uulan

b)

Malas

c)

Babagyo

d)

Swerte

22.

Ibigay ang KONOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasingkahulugan ng malalim na salita. Itinuturing niyang isang matalik na kaibigan si Angelita, ngunit isa pala itong ahas sa kanyang buhay. Ang salitang ahas ay nangangahulugang     ___ .

a)

Matalik na kaibigan

b)

Mabait

c)

Traydor

d)

Yaman

23.

Ibigay ang KONOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasalungat na kahulugan nito. Ang mga ina ang itinuturing na ilaw ng tahanan.

a)

Tagapagtrabaho

b)

Bilog na bagay

c)

Liwanag

d)

Bagay na ginagamitan ng kuryente

24.

Ibigay ang KONOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasalungat na kahulugan nito. Malaki ang epekto sa magkakapatid na Aries, Jayjay, at Percy ang pagkawala ng kanilang haligi ng tahanan. Ang salitang haligi sa pangungusap ay kasalungat ng _____ 

a)

Poste ng tahanan

b)

Bato sa tahanan

c)

Dingding sa tahanan

d)

Ina ng tahanan

25.

Ibigay ang KONOTATIBONG kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap ayon sa kasalungat na kahulugan nito. Nag-aapoy ang kalooban ni Freya nang umuwing talunan kung kaya’t napagbuntunan niya ang kanyang kapatid. Ang salitang nag-aapoy ay may kasalungat na kahulugang _________ .

a)

Masayang masaya

b)

Galit na galit

c)

Kampanteng kampante

d)

Tulala

26.

Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal upang mabuo ang pangungusap. Nais ni Jack na matuto                binibigyan niya ng pagpapahalaga ang pagpagbabasa.

a)

KAYA

b)

DAHIL

c)

UPANG

d)

SA

e)

KUNG

27.

Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal upang mabuo ang pangungusap. Sinasabayan ni Louie ng pagtatrabaho ang kaniyang pag-aaral      kailangan niyang tumulong sa kaniyang pamilya.

a)

KAYA

b)

DAHIL

c)

UPANG

d)

SA

e)

KUNG

28.

Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal upang mabuo ang pangungusap.                pagsusumikap ng buong pamilya, lumago ang kanilang negosyo.

a)

TOTOO

b)

SAPAGKAT

c)

UPANG

d)

SA

e)

KUNG

29.

Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal upang mabuo ang pangungusap. Tiyak na maganda ang iyong magiging kinabukasan                 magsusumikap ka sa pag-aaral.

a)

TOTOO

b)

SAPAGKAT

c)

UPANG

d)

SA

e)

KUNG

30.

Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal upang mabuo ang pangungusap. Ang karapatan ng mga bata ay dapat isulong                parami na nang parami ang mga batang nabibiktiman ng pang-aabuso.

a)

TOTOO

b)

SAPAGKAT

c)

UPANG

d)

SA

e)

KUNG

31.

Nagbato ng mga katanungan ang mag-aaral sa isang doktor tungkol sa mga paksang may kinalaman sa propesyon nito. Gayundin, naglahad ng mga kasagutan ang doktor. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit sa pangangalap ng detalye?

a)

Interbyu

b)

Obserbasyon

c)

Brainstorming

d)

Pagsasarbey

e)

Pagtatanong o Questioning

32.

Namahagi ng mga papel si Anna ng mga set ng katanungan para sa mga taong kabahagi ng isang paksang kanyang bibigyang komentaryo. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit sa pangangalap ng detalye?

a)

Interbyu

b)

Obserbasyon

c)

Brainstorming

d)

Pagsasarbey

e)

Pagtatanong o Questioning

33.

Magsusulat si Juan ng isang balita tungkol sa pandemya. Bumuo siya ng mga tanong na nagsisimula sa ano, paano, bakit, saan, kailan at sino. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit sa pangangalap ng detalye?

a)

Interbyu

b)

Obserbasyon

c)

Brainstorming

d)

Pagsasarbey

e)

Pagtatanong o Questioning

34.

Pumunta ang magkakaibigang Ci-N, David, at Jay sa parke upang magmasid ng mga pangyayaring nabago matapos ang pandemya. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit sa pangangalap ng detalye?

a)

Interbyu

b)

Obserbasyon

c)

Brainstorming

d)

Pagsasarbey

e)

Pagtatanong o Questioning

35.

Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo na may salungguhit sa pangungusap o parirala. May matuwid bagang makapanlulumay sa sukab ng puso’t nagugulong bayan?

a)

Makaaakay

b)

Makapagsasabi

c)

Naaawa

d)

Usap-usapan

36.

Nagsagawa ng isang pagpupulong si Edrix upang pag-usapan ang kanilang gagawing pananaliksik para sa kanilang pagbabalita. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit sa pangangalap ng detalye?

a)

Interbyu

b)

Obserbasyon

c)

Brainstorming

d)

Pagsasarbey

e)

Pagtatanong o Questioning

37.

Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal upang mabuo ang pangungusap.                na napakainit sa mga panahong ito.

a)

TOTOO

b)

SAPAGKAT

c)

UPANG

d)

SA

e)

KUNG

38.

Nagpasagot ng talatanungan si Ms. Castro tungkol sa pagtanggap ng worksheet sa pagsusuri ng iba’t ibang teksto. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit sa pangangalap ng detalye?

a)

Interbyu

b)

Obserbasyon

c)

Brainstorming

d)

Pagsasarbey

e)

Pagtatanong o Questioning

39.

Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo na may salungguhit sa pangungusap o parirala. Nang ako’y tawaging tanggulan ng siyudad.

a)

Moog ng Siyudad

b)

Tagapagtanggol ng Kaharian

c)

Bantayog ng Lunsod

d)

Bantayog ng Albanya

40.

Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo na may salungguhit sa pangungusap o parirala. Aling dila kaya ang makasasayod sa tuwang kinamtan ng magsing-irog?

a)

Makaaakay

b)

Makapagsasabi

c)

Naaawa

d)

Usap-usapan

41.

Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo na may salungguhit sa pangungusap o parirala. Narinig sa baya’y isang piping gulo.

a)

Tahimik na Siyudad

b)

Tahimik naTagapagtanggol

c)

Tahimik na Paghihimagsik

d)

Tahimik na Bantayog

42.

Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo na may salungguhit sa pangungusap o parirala. Pagdating dito, ako’y dinadahas at ibig ilugso.

a)

Halayin

b)

Hamakin

c)

 Husgahan

d)

Parusahan

43.

Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo na may salungguhit sa pangungusap o parirala. Nahambal ang aking mahabaging dibdib.

a)

Naapi

b)

Naawa

c)

Nalungkot

d)

Napawi

44.

Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo na may salungguhit sa pangungusap o parirala. Panibugho niya’y lalo nang nag-alab

a)

Pagdurusa

b)

Pagkainggit

c)

Pakikibaka

d)

Pagsuyo

45.

Suriin ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa bawat pahayag mula sa kabanatang binasa.

"Yaong Selyang laging pinanganganiban,

baka makalimot sa pag-iibigan,

ang ikinalubog niring kapalaran,

sa lubhang malalim na karalitaan.”

a)

Iniisip niyang siya’y pagtataksilan

b)

Nagtitiwala siyang siya’y kalilimutan

c)

Natatakot siyang sila’y tuluyang magkahiwalay

d)

Nawawalan na siya ng pag-asa sa buhay

46.

Suriin ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa bawat pahayag mula sa kabanatang binasa.

"Hanggang ako ay wala at nakikipaghamok,

nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob."

a)

Inaaliw mo ang iyong sarili samantlang ako’y nakikidigma.

b)

Habang ako’y nasa digmaan, nagdarasal ka upang ako’y makaligtas.

c)

Naghahanap ka ng mapaglilibangan samantalang ako’y nasa digmaan.

d)

Ang puso’t isip ko’y nagdurusa habang ika’y nagsasaya.

47.

Suriin ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa bawat pahayag mula sa kabanatang binasa.

"Di sinumpaan mo sa harap ng langit,

na di maglililo sa aking pag-ibig."

a)

Saksi ang Diyos sa pagsumpa mo na di magtataksil sa ating pag-iibigan.

b)

Kaharap mo ang Diyos nang ikaw ay sumumpa na di iibig sa iba.

c)

Tayo ay nagsumpaan sa Diyos at nangakong walang magtataksil sa isa’t isa.

d)

Ikaw at ako ay magmamahalan habang buhay.

48.

Suriin ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa bawat pahayag mula sa kabanatang binasa.

"Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam,

na ang paglililo’y nasa kagandahan."

a)

Nagtiwala ako na ‘di niya ako kalilimutan.

b)

Lahat ng magaganda ay taksil kailanman.

c)

Inisip ko na kailanman ay ‘di ako pagtataksilan.

d)

Kailanman ay ‘di ko naisip na ang kagandahan ay kakambal ng kataksilan.

49.

Suriin ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa bawat pahayag mula sa kabanatang binasa.

"Napasaan ngayon ang gayong aruga,

sa dala kong sakit ay ‘di iapula."

a)

Malulunasan ng pagmamahal ang paghihirap.

b)

Walang ibang gamot sa paghihirap kundi ang pag-aalaga.

c)

Nais lunasan ng pagmamahal ang hirap na tinitiis.

d)

Hinahanap niya ang gayong uri ng pagmamahal upang ilunas sa hirap na tinitiis.

50.

Suriin ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa bawat pahayag mula sa kabanatang binasa.

"Ay Laura, bakit isinuyo sa iba,

ang sinta sa aki’y pangako"

a)

Nagseselos siya sa lalaking naibigan ni Laura.

b)

Umiibig si Laura sa iba kung bakit siya naninibugho.

c)

Sinusumbatan niya si Laura sa ginawang pagtataksilsa kanya.

d)

Itinatanong niya kay Laura, kung bakit umibig pa siya sa iba gayong sila’y magkasintahan na.