wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ang tawag sa deklarasyon na nilagdaan ng limang punong ministro ng Indonesia, Pilipinas, Malaysia, Singapore at Thailand na naging daaan sa pagkabuo ng ASEAN.

a)

Bangkok Declaration

b)

Manila Declaration

c)

Jakarta Declaration

d)

Singapore Declaration

2.

Isang kapisanang binubuo ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na itinatag noong Agosto 8, 1967 ng iba't ibang kinatawan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

a)

Asia Cooperation Dialogue (ACD)

b)

Asia Pacific Economic Cooperation

c)

Asia Pacific Parliamentary (APPF)

d)

Association of Southeast Asia Nation

3.

Ang pinakamataas na kapulungan ng Association of Southeast Asia Nation o ASEAN.

a)

ASEAN Community Councils

b)

ASEAN Integration

c)

ASEAN Coordination Councils

d)

ASEAN Summit

4.

Ang nagpapasiya ng mga pamantayan at tuntunin para sa pakikipag-ugnayan ng ASEAN sa ibang bansa sa daigdig.

a)

ASEAN Community Council

b)

ASEAN Integration

c)

ASEAN Coordinating Council

d)

ASEAN Regional Forum

5.

Ang sumusuporta at humahalili sa pang-araw-araw na gawain at programa ng ASEAN.

a)

ASEAN Economic Community

b)

ASEAN Vision

c)

ASEAN Secretariat

d)

SEA NW-Free Zone Treaty

6.

Ang ASEAN ay binibigyang inspirasyon at pinag-isa sa ilalim ng isang adhikain. Ano ang motto ng ASEAN?

a)

"It's your world."

b)

"One Vision, One Identity, One Community."

c)

"Advancing Free Trade for Asia-Pacific Prosperity."

d)

"Creating a Resilient and Sustainable Future for All."

7.

Alin sa sumusunod ang pagtitipon kung saan nakikipag-ugnayan ang ASEAN sa mga bansang hindi kasapi ng ASEAN sa usaping pampolitika at seguridad na nabuo noong 1992?

a)

ASEAN Community Councils

b)

ASEAN Summit

c)

ASEAN Regional Forum

d)

ASEAN Coordinating Councils

8.

Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI kasapi sa ASEAN?

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Pilipinas

d)

Sri Lanka

9.

Mayroong tatlong haligi ang ASEAN, Alin ang HINDI kabilang?

a)

ASEAN Economic Community

b)

ASEAN Political-Security Community

c)

ASEAN Information Community

d)

ASEAN Socio-Cultural Community

10.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga Dialogue Partners ng ASEAN?

a)

Brazil

b)

Canada

c)

China

d)

United States

11.

Paano nagagampanan ng ASEAN ang layuning paunlarin ang ekonomiya ng bawat bansang kasapi?

a)

Malimit na mag-angkat ng produktong petrolyo ang Iran sa Pilipinas.

b)

Paninindigan sa mga isyung politikal na kabilang ang mga bansang kasapi

c)

Kasunduan sa pagitan ng kasaping bansa sa pagpapaunlad ng hanapbuhay.

d)

Tinitiyak na hindi magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga bansang kasapi

12.

Batay sa ASEAN Charter, paano pinangangasiwaan ng ASEAN Coordinating Council ang kanilang tungkulin?

I.      Ihanda ang mga pagpupulong ng ASEAN Summit

II.     Tiyakin ang pagpapatupad ng mga kasunduan at desisyon ng ASEAN Summit

III.   Makipag-ugnayan sa tatlong ASEAN Community Councils upang mapabuti ang koordinasyon at kooperasyon;

IV.   Makipag-ugnayan sa pagbuo ng mga ulat ng ASEAN Community Council sa ASEAN Summit.

a)

I, II

b)

III, IV

c)

II, IV

d)

I, II, III, IV

13.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagtupad sa layunin na isinasaad sa ASEAN ng mga bansang kasapi nito?

a)

Tinutulungan sa oras ng kagipitan tulad ng pagpapautang.

b)

Patuloy na nagtutulungan ang bansa sa pagpapayaman ng kultura.

c)

Iginagalang ang pagkakaiba-iba ngunit hindi nakatuon sa ekonomiya.

d)

Pinapaunlad ang pangkabuhayang kalagayan ng bawat bansa sa ASEAN.

14.

Ang nagpanukala ng konsepto ng neutrality sa ASEAN na nagresulta sa ZOPFAN o Zone of Peace Freedom and Neutrality?

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Pilipinas

d)

Singapore

15.

Ang pangunahing layunin ng ZOPFAN o Zone of Peace, Freedom and Neutrality.

a)

Limitahan ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya

b)

Itaguyod ang ugnayan ng ASEAN sa mga makapangyarihang bansa

c)

Payagan ang interbensyon ng mga dayuhang kapangyarihan sa ASEAN

d)

Panatilihin ang ASEAN na malaya sa dayuhang pakikialam at palawakin ang kooperasyon ng mga bansang kasapi

16.

Ang pangunahing layunin ng Declaration of ASEAN Concord?

a)

Mapalawak ang teritoryo ng ASEAN

b)

Mapalakas ang hukbong sandatahan ng ASEAN

c)

Itaguyod ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansang kasapi

d)

Itaguyod ang kapayapaan, kaunlaran, at kapakanan ng mga mamamayan

17.

Ang kasunduang pinagtibay upang mapanatili ang mapayapang ugnayan sa ASEAN.

a)

Kasunduan sa Versailles

b)

Treaty of Amity and Cooperation

c)

Treaty of ASEAN Partnership

d)

Treaty of Southeast Asia Defense

18.

Ginanap ang pagpirma ng Declaration of ASEAN Concord sa anong bansa na kasapi ng ASEAN?

a)

Bali, Indonesia

b)

Jakarta, Indonesia

c)

Bangkok, Thailand

d)

Manila, Philippines

19.

Ang pangunahing layunin ng ASEAN Free Trade Area (AFTA)?

a)

Itaguyod ang kultura at sining sa ASEAN

b)

Palakasin ang ugnayang pampolitika ng ASEAN

c)

Pagtibayin ang sistemang edukasyon sa ASEAN

d)

Paunlarin ang ekonomiya sa pamamagitan ng malayang kalakalan at pamumuhunan

20.

Alin ang larangan na HINDI kabilang sa mga isinulong ng Declaration of ASEAN Concord?

a)

Militar

b)

Pampolitika

c)

Pang-ekonomiya

d)

Panlipunan

21.

Ang mekanismo na ginagamit ng AFTA upang mapatatag ang kompetitibong kalagayan ng ASEAN sa pandaigdigang pamilihan.

a)

Bilateral Trade Agreements

b)

Common Effective Preferential Tariff (CEPT)

c)

World Trade Organization (WTO) Agreement

d)

General Agreement on Tariffs and Trade (GATT)

22.

Ang bansa na HINDI kabilang sa orihinal na lumagda sa AFTA Agreement noong 1992?

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Thailand

d)

Vietnam

23.

Paano nakakaapekto ang AFTA o ASEAN Free Trade Area sa ekonomiya ng ASEAN?

a)

Paghihigpit sa kalakalan ng mga miyembro

b)

Pagtaas ng buwis sa inaangkat na produkto

c)

Pagpapataw ng dagdag na bayarin sa Negosyo

d)

Pagpapababa ng taripa sa pagitan ng mga kasaping bansa

24.

Paano isinusulong ng SEANWFZ o Southeast Asia Nuclear Warfare and Free Zone ang seguridad sa ASEAN?

a)

Pagbili ng armas mula sa ibang bansa

b)

Pagtatayo ng sariling hukbong nuklear ng ASEAN

c)

Pakikipag-alyansa sa mga bansang may sandatang nuklear

d)

Pagbabawal sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa nuclear

25.

Paano nakatulong ang ZOPFAN sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pagpigil sa anumang dayuhang pakikialam sa rehiyon

b)

Pagtatatag ng isang rehiyonal na hukbong sandatahan

c)

Pagsuporta sa iisang sistemang pampulitika sa ASEAN

d)

Pagpapalakas ng ugnayan sa mga bansang hindi kasapi ng ASEAN

26.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng ASEAN Vision 2020?

a)

Kapayapaan at katatagan

b)

Pagbuo ng isang rehiyong malaya sa droga

c)

Pagsasama ng ASEAN sa iisang pamahalaan

d)

Pagpapahalaga sa likas-kayang pag-unlad

27.

Bakit mahalaga ang pagpapatibay ng ASEAN Consensus on the Protection of the Rights of Migrant Workers?

a)

magtatag ng bagong kasunduan sa kalakalan

b)

magbigay ng libreng edukasyon sa lahat ng bansa

c)

palakasin ang kalakalan sa pagitan ng mga kasaping bansa

d)

maprotektahan ang karapatan ng mga migranteng manggagawa sa rehiyon

28.

Sa paanong paraan ang pagpili at pagtatalaga ng tagapangulo ng ASEAN?

a)

Bilang ng populasyon

b)

Halalan ng miyembro

c)

Paikot na rotasyon

d)

Pinakaaktibong bansa

29.

Alin sa sumusunod ang naging aksyon ng ASEAN sa isyu ng West Philippine Sea?

a)

Economic sanctions

b)

Paggamit ng diplomasya at diyalogo

c)

Paglunsad ng giyera

d)

Pagpapatayo ng Military bases

30.

Alin sa sumusunod ang HINDI nagagawa ng ASEAN sa mga tao sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pagpapanatili ng malinis at Magandang kapaligiran

b)

Pagtutulungan ng mga bansa sa panahon ng sakuna

c)

Pagtutulungan upang labanan ang sakit tulad ng COVID-19

d)

Alamin ang mga paraan upang ihiwalay ang isa't isa sa pakikipag-ugnayan

31.

Bilang mag-aaral, ano ang maaaring kontribusyon ang iyong maibabahagi upang maipaglaban ang ating teritoryo?

a)

Magpost sa social media ng mga masasamang mensahe ukol sa Tsina

b)

Magkalat ng mga fake news ukol sa Tsina upang makuha ang simpatiya ng mga tao

c)

Magalit sa lahat ng Chinese na nakatira sa Pilipinas at palayasin at pabalikin sa Tsina

d)

Bumuo ng adbokasiya sa pagbabahagi ng impormasyon ukol sa Karapatan at pinaglalaban ng Pilipinas sa sariling teritoryo

32.

Ano ang hamon sa usaping karapatang pantao para sa ASEAN?

a)

Dahil sa pakikialam ng ibang bansa sa rehiyon

b)

Kakulangan ng suporta na ibinibigay ng mga bansa sa ASEAN

c)

Magkakaiba ang paraan ng pamumuno ng mga lider ng bawat bansa

d)

Magkakaiba ang kultura at estrukturang pampolitika sa Timog-Silangang Asya

33.

Paano mabibigyang halaga ang karapatang pantao batay sa ASEAN Human Rights Declaration?

a)

Kahalagahan ng pagkakaroon ng imbalance sa pagitan ng karaptan at pananagutan

b)

Magbuwag ng pambansang planong aksiyon at mekanismo upang matiyak ang epektibong pagsuway ng pamantayan ng karapatang pantao

c)

Pagtaguyod ng walang diskriminasyon at pagkakapantay pantay sa harap ng batas nang hindi inaalintana ang lahi, kasarian, relihiyon, etnisidad at iba pang katangian

d)

Pagpanig sa mga kritisismo tinatamo ng ahensya upang makamit ang mga napagtantong limitasyon at paglayo nito sa pandaigdigang pamantayan ng karapatang pantao

34.

Ang ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights ay nagagabayan ng mga sumusunod na prinsipyo MALIBAN sa:

a)

Panghihimasok sa panloob na mga gawain ng mga bansang kasapi sa ASEAN

b)

Paggalang sa kasarinlan, soberanya, pagkapantay-pantay, paninidigang sa teritoryo at pambansang pagkakakilanlan ng kasaping bansa ng ASEAN

c)

Pagtataguyod sa Charter ng United Nations at pandaigdigang batas, kasama ang pandaigdigang makataong batas na sinusunod ng mga kasapi ng ASEAN

d)

Paggalang sa Karapatan ng bawat bansang kasapi upang mapangasiwaan ng kasaping bansa ang kanilang pamahalaan ng walang sinumang nanghihimasok

35.

Bilang isang Pilipino mula sa Pilipinas, kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon maging isang mambabatas sa sarili mong bansa na kakatawan para sa buong Timog-Silangang Asya, anong batas ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang karapatang pantao ng iyong sariling bansa at ng buong Timog-Silangang Asya?

a)

Pagpapatupad ng Death Penalty sa mga nahatulan ng guilty para sa buong Timog-Silangang Asya

b)

Batas na nagbibigay kapangyarihan sa lahat upang parusahan ang nagmamalabis sa kapangyarihan o pamahalaan

c)

Pagbibigay hustisya sa pamamagitan ng katumbas na parusa sa ginawang paglabag sa karapatang pantao batay sa sariling pananaw

d)

Pagbuo ng isang ahensya na hiwalay at hindi umaasa sa kahit anong gobyerno na magtatakda ng parusa sa mga nagkakasala at lumalabag sa karapatang pantao