Font size
WorksheetsJus for Fun 2
Total questions: 23
Worksheet time: 26mins
What subject are you taking?
(a)
Ang mga sumusunod ay deskripsyon ukol sa pag-unlad, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang.
A. nakikita at nasusukat
B. isang malaking hamon lalo na sa mauunlad na bansa
C. may tradisyunal at makabagong pananaw
D. pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na
antas ng pamumuhay
Ang dami ng malilikhang output ng isang bansa ay nakasalalay sa kung ano ang kakayahan at talino ng mga manggagawa. Anong salik ito na maaring makaapekto sa pagsulong ng ekonomiya ayon kina Meek, Morton at Schug?
Kapital
Likas na Yaman
Yamang-Tao
Teknolohiya at inobasyon
Ang sumuunod na pahayag ay tungkol sa likas-kayang pag-unlad o sustenableng pag-unlad MALIBAN sa
A. ito ay isa sa mga palatandaan ng pagpapahalaga sa
yamang-likas.
B.malaki ang kaugnayan ng pag-unlad sa pangangalaga sa kalikasan
C. may responsibilidad ang bawat isa upang mabigyang
halaga ang pinagkukunang-yaman
D. mahalagang maisaalang-alang natin ang kapakanan ng
susunod na henerasyon ukol sa paglinang ng
pinangkukunang-yaman.
4. Ayon sa Human Development Report, kung ang Pilipinas ay kabilang sa Medium human development, saan naman kabilang ang Norway?
A.Low human development
B.High human development
C.Medium human development
D.Very high human development
Malaking kalugihan sa mga magsasaka kung hindi agad madadala ang mga kalakal nila sa pamilihan. Anong suliranin sa sektor ng agrikultura ang tumutukoy dito?
A. kapital
B. masamang panahon
C. imprastraktura
D. mataas na gastos
Upang malutas ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura tulad ng pagkaubos ng kagubatan at mga lamang dagat, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan para malutas ito?
A. bigyan ng malaking badyet ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura
B. magtatag ng mga ahensya at programa na tutulong sa sektor na ito
C. magsagawa ng isang kampanya upang humikayat na
pangalagaan ng sektor ng agrikultura
D. magbigay ng maraming panananim at binhi ng mga isda sa mga mamamayan upang alagaan
Kilala bilang Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 sa Panahon ni Pangulong Corazon Aquino nagsasaad nang pamamahagi ng lahat ng lupang agrikultural ano man ang tanim dito. Kasama rin ang pagbbibigay tulong sa mga pangangailanganng pondo at kagamitan ng mga manggagawa sa sektor ng Agrikultura.
A. National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
B. Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
C. Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
D. National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA)
Tumutukoy sa transaksyon ng isang bansa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang ekonomiya nito?
A. Balanse ng kabayaran
B. Balanse ng kalakalan
C. Kalakalang Panlabas
D. Kalakalang Pang-Rehiyon
Isang mahalagang tungkulin ng pamahalaan ang
gawing matatag ang ekonomiya ng bansa. Paano
ito isinasagawa?
A. paglikha ng maraming produkto at serbisyong pampubliko
B. pababahagi ng maayos sa mga produkto at serbisyo
C. pagpapabuti ng paglikom at ng kita at paggamit ng pondo nito
D. paghikayat ng pamumuhunan (investment) upang makalikha ng trabaho at kita ng mga mamamayan
Ang agrikultura ay itinuturing na isa sa
tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Alin sa
mga sumusunod na pangungusap ang HINDI
gampanin ng agrikultura?
A.nakapagtutustos ng supaly ng pagkain sa maraming tao
B.nakapagbibigay ng mga hanapbuhay sa maraming mamamayan
C. nagbibigay serbisyo ng pagmamanupaktura at distribusyon ng mga produkto sa pamilihan
D. nakakatulong ang agrikultura sa pagdadagdag ng kitang panlabas sa pamamagitan ng paglikha ng mga produktong pang export
Tungkol saan ang mga ipinakikitang datos sa gilid?
A. Produksyon ng pangingisda at pagmamanukan mula
Hulyo 2023 hanggang Setyembre 2024
B. Produksyon ng Sektor ng Agrikultura ng bansa Hulyo
2023 hanggang Setyembre 2024
C. Produksyon ng Sektor ng Agrikultura na inuugnay sa
datos ng Sektor ng industriya sa paglipas ng panahon
D. Produksyon ng pangingisda at paggugubat mula Hulyo 2023 hanggang Setyembre 2024
Ano ang iyong mahihinuha mula sa datos na ipinakikita sa itaas?
A. Patuloy ang pagtaas ng produksyon ng pangingisda at
produksyon ng poultry sa bansa sa pagdaan ng panahon
B. Patuloy ang pagbaba ng produksyon ng pangingisda at
produksyon ng poultry sa bansa sa pagdaan ng panahon
C. Nagtala ng pagtaas ng produksyon ang poultry mula
Hulyo 2023 hanggang Setyembre 2024 habang may
pagbaba naman ng produksyon sa pangingisda.
D. Nagtala ng pagbaba ng produksyon ang poultry mula
Hulyo 2023 hanggang Setyembre 2024 habang may
pagtaas naman ng produksyon sa pangingisda.
Ang HDI o Human Development Index ay isang pamantayan sa pagsukat ng kaunlaran ng bansa na gamit ng UN, ano ang iyong mahihinuha ukol sa HDI ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Timog Silangang Asya.
A. Ang Pilipinas ay nabibilang sa may pinakamataas na lebel ng HDI sa Timog Silangang Asya
B. Ang Pilipinas ay nabibilang sa may pinakamababa na lebel ng HDI sa Timog Silangang Asya
C. Mataas ang antas ng pamumuhay sa mga bansang tulad ng Singapore, Brunei at Malaysia kumpara sa Pilipinas
D. Mataas ang antas ng pamumuhay sa mga bansang tulad ng Laos, Cambodia at Myanmar kumpara sa Pilipinas
Layunin ng pamahalaan na ipatupad ang serbisyong pangkaunlaran tulad ng pabahay, edukasyon at imprastuktura. Bilang isang responsableng mamamayan, ano ang isa sa pangunahing tungkulin upang makatulong sa pamahalaan na maisakatuparan ang layunin nito?
B. pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan
D. pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon
Kung magpapatuloy ang negatibong pag-angat ng produksyon ng Sektor ng Agrikultura ano ang maaring maging epekto nito sa lipunan?
A. Kawalan ng seguridad na mapagkukunan ng sapat na pagkain
D. Bababa ang produksyon ng sektor ng industriya dahil konektado ito sa sektor ng Agrikultura
Ang mga palatandaan ng pag-unlad ng isang bansa ay makikita sa iba't ibang aspeto ng ekonomiya, lipunan, at politika. Sa aspetong pang ekonomiya ay makikita sa patuloy na paglago ng Gross Domestic Product (GDP), na sumasalamin sa mataas na produksyon at serbisyo sa bansa. Makikita sa aspektong panlipunan ang pagtaas ng antas ng edukasyon at kalusugan ng mamamayan, tulad ng mas mataas na literacy rate at mas mahahabang buhay. Ang pag-unlad ay sumasalamin din sa pagtaas ng mga oportunidad sa trabaho, pagbabawas ng kahirapan, at pagpapabuti ng imprastruktura tulad ng mga kalsada, tulay, at mga pasilidad ng komunikasyon. Ang isang bansa na patuloy na umuunlad ay may matatag na ekonomiya at ang kanyang mga mamamayan ay nakakaramdam ng mas mataas na kalidad ng buhay.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagtamo ng pag-unlad ng bansa sa aspetong pang-ekonomiya
A. Paglago ng GDP/GDP ng bansa
B. Pagtaas ng antas ng edukasyon ng bansa
C. Pagtaas ng antas ng kalusugan ng mga mamayan
D. Kawalan ng diskriminasyon at pantay na oportunidad para sa lahat
Kailan masasabing natatamo ng isang bansa ang tunay na
pag-unlad
A. Pagtaas ng bilang ng mga namumuhunan sa bansa
B. Patuloy na matatag na ekonomiya at mataas na kalidad na buhay
C. Paggamit ng e- commerce at iba pang digital na
pamamaraan na magpapabilis ng transaksyon sa ekonomiya
D. Pagkakaroon ng mga makabagong kagamitan at
pamamaraan gamit ang makabagong teknolohiya
Mahalagang papel ng mga Sektor ng Ekonomiya ang paglikha ng trabaho, ano ang iyong mahihinuha ukol sa kontribusyon ng Sektor ng Agrikultura hinggil sa paglikha ng trabaho
A. Malaki ang potensyal na pagdami ng malilikhang trabaho
ang sektor ng industriya kumpara sa sektor ng agrikultura
B. Ang sektor ng Agrikultura ang may pinakamaraming
nalilikhang trabaho sa tatlong pangunahing sektor
C. Bagamat ang Sektor ng Agrikultura ang pinakamaliit na
kontribusyon sa GDP, pumangalawa namin ito sa dami ng
nalilikhang trabaho mula taong 2023 hanggang 2024
D. Ang sektor ng Serbisyo ang may pinakamaraming
nalilikhang trabaho sapagkat ito rin ang may
pinakamalaking kontribusyong sa mga sektor ng
ekonomiya
Kung ang pamahalaan ay magbibigay ng mataas na proyoridad sa sektor ng Agrikultura tulad ng mataas na pondo at maayos na programa, ano kaya ang magiging epekto nito sa ating bansa sa hinaharap?
A. Tataas ang export at kikita ang bansa ng maraming dolyar
D. Magdudulot ito ng maraming kabutihan sa ekonomiya tulad ng mataas na kita. Samantalan sa lipunan naman ay kasiguruhan sa pagkain paglikha ng mas maraming trabaho at kaunlaran sa mga kanayunan
Alin sa sumusunod na paliwanag ang tugma sa ipinapakita
ng datos sa gilid?
B. Ang mga suliranin tulad ng foot and mouth disease ang pangunahing dahilan kung bakit malaki ang ibinaba ng produksyon ng livestock
D. Makatutulong sa pagdami ng supply ng livestock ang pag-aalaga ng mga tao ng baka at baboy sa kanilang mga bakuran at bukirin
Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Paano maaaring tugunan ito?
C. Pagbibigay ng pamahalaan sa mga kooperatiba ng mga malalaking freezer upang mapag imbakan ng mga ani.
D. Pagpapahiram ng pamahalaan ng pondo sa mga magsasaka na babayaran sa mababang interest sa gayon ay hindi mahihirapanang mga magsasaka sa pagbabayad
Kung ikaw ay Mayor ng isang bayan at marami sa iyong nasasakupan ang kabilang sa impormal na sektor dahil walang oportunidad sa pormal na trabaho, ano ang iyong konkretong hakbang para matulungan sila at magkaroon ng disente at pang matagalang hanap-buhay?
Bigyang opportunidad na makapag-aral ng kolehiyo ang
lahat na kabilang sa impormal na sektor
Bigyang suporta ng munisipalidad tulad ng pagpapadali ng rehistro sa puwesto, mababang buwis at pagpapautang ng puhunan sa mababang interes
Hanapan ng pormal na trabaho ng munisipyo ang lahat
ng taong walang trabaho sa kanyang nasasakupan upang
mawala na ang impormal na sektor sa kanilang lugar
Kung ikaw ang pangulo ng Pilipinas anong tiyak na proyekto ang isasagawa mo upang mapaunlad ang mga sumusunod na sektor ng ekonomiya? Isulat ang sagot sa baba (screenshot this)
